Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

Kabanata 22: Gone

It's been 3 hours since Irene has been gone. I tried to call her but there was no response, I even shot her tons of messages but I haven't received any message back. I stopped from walking and sat down on the bench.

Ipinahinga ko ang likod ko sa sandalan. Muli kong tinignan ang screen ng phone ko pero wala pa ring sagot mula kay Irene. Napatingin ako sa babaeng naglalakad palapit sa akin.

"I-I'm sorry..." Aara said.

Napatitig na lang ako sa kanya. Bakas na sa kanyang mukha ang labis na pagod at antok. Alas dos na rin ng umaga at wala pa kaming tulog. Kanina pa umuwi sina Mommy at Daddy, tanging ang mga kasama na lang naming maghanap ngayon ay ang mga pulis.

"I-It's my fault..." I whispered in between of heavy of gasps.

She sat beside me, leaning her back against the backrest of the bench. The cold breeze started to whisper... It sent different realizations and it always end up with one thing... This is all my fault.

"If I had just watched her while you were resting, she wouldn't had the chance to escape..."

"I am already tired... But I can't," I whispered.

Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "I used to hate happy endings in every story," she whispered, bitterly. "I found that kind of way, unsatisfied. I mean... We can be happy but there's no such thing as ending while we are still breathing." She laughed a bit.

Pasimple kong sinilip muli ang phone na hawak ko. Bumagsak ang kamay ko nang makitang wala pa ring mensahe galing kay Irene.

"You don't believe in happy endings?" I asked.

Umalis siya sa pagkakasaldal sa balikat ko. Umayos ito ng upo habang nanatiling sa malayo ang tingin.

"I've watched Cinderella many times. They say, the ending was happy..." Bigla siyang tumingin sa akin. Confused crossed her face. "Is that already the ending?"

"That's just for fiction stories, Aara... It doesn't exist in this world."

"What if we become happy again after all these sufferings, can we already call it ending?"

"Sshhh..." I pulled her for a hug. "Let's find Irene. Let's fix the mess. Let's end this in a happy ending..." I whispered. "Then we will start all over again and create another happy ending. Let's create happy endings in this life..."

Kahit na ayoko pa ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang umuwi. Pagod na nakatulog ako pero hindi katulad na dati, kapag pagod ako, ay maaga pa rin akong nagising.

Pagkamulat ko pa lang ng mata ko at mabilis na lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Irene. Excitement shivered in my veins but it also faded in a snap when I didn't find Irene in her room. Bagsak na bumalik akong muli sa loob ng kwarto ko para maghilamos. I also checked my phone, there's no message. I even called her again but this time, her phone's already unattended.

"Hey..." Bati sa akin ni Mommy pagkapasok ko sa kusina. Umupo ako sa tapat niya. Napatingin ako kay Daddy na nakatalikod sa amin at may kausap sa phone.

Ngumiti ako kay Aling Soreng nang ilapag niya sa harapan ko ang isang tasa ng mainit na kape. Napatingin ako kay Aara na tumabi sa akin. Halata pa rin ang antok sa kanyang mga mata.

"Ano'ng sabi ng mga pulis, Tita?" tanong ni Aara.

Malungkot na umiling si Mommy. Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. Saan naman siya pupunta? Wala naman siyang ibang pupuntahan kung hindi ang bumalik sa kanila.

Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Mom?" I called mom. Sabay sila ni Aara na napatingin sa akin. "W-What if... Umuwi na siya?" tanong ko.

"No." Napatingin kami kay Daddy na umupo na sa tabi ni Mommy. "Kakausap ko lang sa Mommy niya, ang sabi nila ay gusto na raw nilang umuwi si Irene."

I gulped. "They don't know yet?" I asked.

Dad shook his head. "It will cause more fuss. Let's do our best first to find her. Malaki na rin si Irene, she already knows what she's doing."

I bit my bottom lip. "What really happened?" biglang tanong ni Mommy.

Napaiwas ako ng tingin nang mapatingin siya sa akin.

"Jude?" dinig kong tawag sa akin ni Daddy. "Tinatanong ka ng Mommy mo," dugtong pa niya.

Napahigop ako sa kape. Napangiwi ako nang mapaso ang dila ko dahil sa pagkabigla. Bahagya ring natapon sa damit ko ang mainit na kape kaya napaatras ako.

"Ako na," pigil sa akin ni Aling Soreng nang pupunasan ko na sana ang natapong kape sa lamesa. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpupunas siya sa harapan ko.

Masyadong nakakailang ang hangin sa loob lalo na't walang nagsasalita sa amin. Nang matapos malinis ni Aling Soreng ang lamesa ay bumalik muli sa akin ang tingin nila.

"Y-You don't need to tell me every single details if you can't..." Biglang sabi ni Mommy. "Even if I am curious, I'll let you have it alone. Just please... Give us the idea."

I gulped hard. Naramdaman kong hinawakan ni Aara ang kamay kong nakapatong sa aking hita. Mahina niya 'yong hinaplos. Unti-unti kong inangat ang aking tingin at sinabayan ang mga tingin ni Mommy.

Mom smiled at me. "Come on, don't be scared."

"I-It's just Irene...." Kumalabog ang dibdib ko. "Fell in love with a wrong person," I whispered. Hindi nagbago ang reaksyon nina Mommy at Daddy. Tumango pa sa akin si Daddy na parang naghihintay pa. "I-I am her brother, I won't let anyone to hurt her. We've had confrontation that led to..." I let out a heavy sigh.

"K-Klaus..." Napatingin kami kay Aling Soreng nang bigla siyang magsalita.

Bahagyang bumali ang leeg ko nang marinig na naman ang pangalan ng lalaking iyon.

"Po?" tanong ni Aara.

Ibinaba ni Aling Soreng sa lababo ang basahang hawak niya. Lumapit siya sa amin. Halata ang pagkagulo sa kanyang mga mata at tila nag-iisip pa siya ng tamang salita.

"Nung natutulog si Jude at binabantayan siya ni Aara," bahagya siyang tumigil para tumingin sa akin. "Narinig kong may kausap siya sa phone."

"Si Klaus po?" tanong ko.

"Iyon ang narinig kong pangalan na sinabi niya," sabi pa niya.

Nagkatinginan kami ni Aara. Sabay kaming tumango. Nagpaalam kaming dalawa na pupuntahan si Klaus para magtanong. Habang nasa sasakyan kami ay tinawagan ko si Klaus.

"Let's talk," I started our conversation.

"I've been expecting a call from you," natatawa niyang sabi sa kabilang linya. Dahil naka-connect sa speaker ang phone ko ay naririnig din ni Aara ang usapan namin. "Why took you so long, little brother?" pang-aasar pa niya.

Bahagyang nanginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela.

"Where is Irene?" I asked.

He laughed again. "Mukha ba akong tanungan ng nawawalang anghel?"

"Tell me..." mahinahon ngunit nagbabanta kong sabi.

Narinig ko ang pagpapakawala niya ng mabibigat na buntong-hininga. Alam kong may alam siya kung nasa'n si Irene, baka nga may kinalaman din siya sa biglaang pagkawala nito.

"Klaus? Please..." si Aara na ang nagsalita.

"Whoa..." Tumawa na naman si Klaus. "Mukhang hindi ata gugustuhin ni Irene na makita kayong magkasama."

"Fuck you, Mr. Lemence. Tell me where the hell is my sister!"

"Damn, bruh. Chill..." nanunuya niya pang sabi.

"P-Please?" I pleaded.

Nawala ang tawa niya, hindi siya nagsalita ngW ilang segundo. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho palabas ng subdivision namin. Sinulyapan ko si Aara na diretso lang ang tingin.

"What if she doesn't want to be found anymore?" Klaus asked. "What would you do, little brother?"

Itinabi ko sa gilid ang sasakyan ko dahil nawawala sa pagmamaneho ang atensyon ko.

"I'll still do everything to find her, Klaus. Even if I have to drag your ass out of your mother's skirt, I don't care." Madiin kong sabi.

Hinawakan ni Aara ang balikat ko, sinubukan niya akong patahanin pero hindi ko kaya. Sinusubukan ng lalaking ito ang pasensya ko.


"Okay... I'll text you the place," and he ended the call.

Katahimikan ang bumalot sa amin matapos ng tawag. Masyado ring mabibigat ang paghinga ko. Sumandal ako sa upuan. Hindi ko napigilang hampasin ang busina.

"Fuck!" I cried in frustration.

Si Aara ang kumuha sa phone ko nang umilaw ito. Ipinakita niya sa akin ang text message ni Klaus, ang lugar kung saan gusto niya kaming magkita. Mabilis na binuhay ko ulit ang makina ng sasakyan ko at iniliko ang ito.

Kung kanina ay kalmado pa ang pagpapatakbo ko pero mas naging malakas ngayon.

"I hope he's with Irene," I whispered.

"I don't think so... He cares for Irene too," Aara said.

"If he really cares enough for her, she will bring her back to us."

"There's this kind of care we can call selfishness."

"That's not caring at all!"

Aara let out a heavy sigh. "What will you do if she comes back?"

Hindi ako nakasagot. Wala naman akong dapat gawin kapag bumalik siya kung hindi ang kausapin ito. I will convince her and if I can, enlighten her too. If she wants to come back home, to her family, I will be the one who will bring her back. Anything for her, as long as I can assure her safety.

Naabutan naming nakaupo sa isang bench sa park si Klaus. Nanatili itong nakaupo kahit na nung makalapit na kami. Mabilis na pinigilan ako ni Aara nang aktong gagawa na ako ng magaspang na kilos.

"Where is Irene?" Aara asked him.

Tumaas ang dalawang kilay ni Klaus bago nagkibit-balikat.

"Klaus... Where is her?" Aara questioned again.

"No idea..."

"Kasama mo ba siya nung gabing umalis siya sa amin?" Ako na naman ang nagtanong.

Umayos ng upo si Klaus. "Honestly, yes... I was with her, I helped her to escape. Well, she asked for my help and who am I to refuse? I like her..." Maangas na sagot niya.

"Asshole," I snickered.

"At least not as insensitive as you," he said back.

"Saan mo dinala si Irene?" muli kong tanong. "Tell me... I want to talk to her. I want her back."

Tumayo si Klaus mula sa pagkakaupo at sinamaan ako ng tingin.

"I told you, I am not insensitive like you. I can feel if the person wants to be alone or not."

"You know nothing..." Hinawakan ko ang kwelyo ng polo niya. My hands were shaking, I wanted to puched them to his damn face but I stopped myself. "You know nothing, Klaus..."

"I may not know nothing but at least I know what she wants right at this moment!"

Mas humigpit ang hawak ko sa kwelyo niya pero hindi siya nagpakita ng kahit anong pagkasindak. SInabayan niya ang mga malalalim kong tingin. Nakikita ko rin ang galit sa kanyang mga mata.

"And that's not you..." Klaus whispered.

Binitawan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya at bahagyang lumayo dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Do you even know about her condition?" I mocked.

"Does it matter? Hindi 'yon ang problema niya."

"Hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya," bahagya akong natawa sa pagkainis. "She needs us..."

Sumama muli ang tingin ko nang marinig ang mahina niyang pagtawa. Nakakainsulto 'yon lalo na at wala namang nakakatawa sa usapan na ito.

"Can't you please, even just this time, forget what's cursed on her shadow and be sensitive enough to scrutinize what really is her problem?" Bahagyang bumali ang leeg niya. "That's not what bothers her right now."

"Then, what?" I dared him.

"I don't where she is," he said.

"Ginagago mo ba talaga kami, Klaus?" Bahagya akong natawa sa inis.

"I helped her to escape last night but she also escaped from me when I was asleep."

I looked at his eyes, trying to figure out if he's telling the truth.

Naramdaman kong hinawakan ni Aara ang braso ko. "He's telling the truth, Jude. Let's stop wasting time here..."

"Hey, Ms. Limpio," tawag ni Klaus kay Aara. "I heard about your friend."

Napatingin ako kay Aara, mukhang naguguluhan din siya. Binalikan ko ng atensyon si Klaus.

"What do you mean?" tanong ko.

"Hindi kaya may kinalaman siya sa pagkawala ni Irene?" sabi pa ni Klaus.

Tumahimik ako dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Hinintay kong si Aara ang sumagot.

"Friend?" Aara asked, confused.

Mahinang tumango si Klaus. "I know him, actually. Nagulat lang ako na nakwento siya sa akin ni Irene."

"Ano ang nakwento niya sa 'yo?" pagsama ko sa usapan nila.

"Remember when you confronted me about Irene's secret rendezvous?" Klaus asked. I nodded my head. "Well... Sinabi ko na sa 'yo na hindi siya sa akin nakikipagkita. Hindi ba?"

"What about my friend?" si Aara muli ang nagtanong. "Bakit siya nasali sa usapan na ito?" tanong pa niya.

"I am not sure but I think..." Lumunok si Klaus. "Sa kanya nakikipagkita si Irene."

"Wait... Friend?" si Aara na naman ang tinanong ko. "Enlighten me."

Hindi tumingin sa akin si Aara. Nanatili siyang nakatingin kay Klaus.

"I-Imposible 'yon!" sigaw ni Aara. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. "Irene shouldn't be with that asshole!"

"Well, it was just a wild guess. But... We both know what's with that guy, right?"

Aara turned her gaze at me. Scared crossed her pale face. Para siyang maiiyak kahit na ilang segundo. Nagulat ako nang tumakbo siya palayo. Napatingin ako kay Klaus.

"That's all I can do to help you... Please, take care of Irene," Klaus smiled before turning his back at me and walked away.

Mabilis na sumunod ako sa pinagtakbuhan ni Aara. Sandali akong tumigil nang hindi ko siya mahanap. Sinubukan ko siya muling tignan sa mga karamihan ng tao sa park na ito pero wala siya.

"Aara!" I called for her name. May mga taong napatingin sa akin. Muli akong naglakad habang hinahanap siya. "Aara!" muli kong tawag sa pangalan niya.

Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin. "Kuya..." tawag niya sa akin. "Baka po 'yong babaeng nasa likod ng punong 'yon ang hinahanap niyo," turo niya sa isang malapad na puno sa kalayuan.

"Salamat."

Naabutan kong nakaupo si Aara sa likod no'n, yakap niya ang kanyang tuhod habang mahinang humihikbi. Bahagya akong natigilan nang marinig ang mga pigil niyang hikbi.

Fuck! I really hate hearing someone's sobs... Especially Aara's.

"Aara..." tawag ko sa kanya.

Umangat ang tingin niya. Bumungad sa akin ang mga mata niyang puno ng luha. Bahagya ring nanginginig ang kanyang labi. Bigla siyang tumayo at yumakap sa akin.

"J-Jude..." she cried.

"Sshhh..." I hugged her back.

"I-I think... Alam ko kung nasa'n si Irene."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabila.

"A-Alam mo?" ulit ko dahil naguluhan ako sa parteng iyon.

Mahina siyang tumango.

"Paano?" Naguguluhan ko pa ring tanong. "Sino ba ang tinutukoy ni Klaus na kaibigan mo?"

She smiled bitterly.

"You know him, Jude..." Muli niyang pinunasan ang luha sa kanyang mata. "The asshole..."

Parang may kidlat na tumama sa utak ko at dala no'n ang isang pangalan.

"Z-Zac..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance