Kabanata 21
Kabanata 21: Rest
Hindi ko dapat itinanong ang bagay na 'yon dahil alam kong mali pero malakas ang kutob ko. I've been trying to eradicate the doubts of Irene, falling in love with me, her brother, but I want to end it right now. I don't want to be confused anymore, I am getting tired.
Hindi umimik si Irene, napayuko ito.
"Irene, please?" I pleaded.
Narinig ko ang pagsinghap ni Aara. Tumingin ako sa kanya, hindi pa rin natitinag ang pandidiri sa kanyang mukha. Kahit papaano ay humupa na rin ang mga luha nila.
"You are wrong..." Irene whispered.
Napaayos ako ng tayo. "Then, what?" I asked.
Unti-unti niyang inangat ang kanyang tingin. Pinunasan niya ang mga natirang luha sa kanyang mata bago nagsalita. Lumapit ito sa mga bintana at binuksan ang mga 'yon. Pumasok ang malamig na hangin na bahagyang nagpakalma sa akin.
"Nagkamali rin ako," dinig kong sabi ni Aara.
Humarap sa amin si Irene, nakangiti na ito pero malungkot ang mga 'yon. Umiling siya bago naglakad palapit sa kama at umupo roon.
"I-I wish you were not really my brother, Jude..." Irene whispered. Umiwas siya ng tingin. "Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito." Madiin siyang pumikit. "Sana ay kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko." Iminulat niya ang kanyang mata at tumitig sa akin. "I wish I could be selfish enough... How I wish."
"This is already selfishness, Irene." Aara mocked her.
Mahina ring tumawa si Irene nang pumihit ito ng tingin kay Aara.
"This is not yet selfishness. Oh, if you think it is, I can be more selfish than this."
"H-Hindi kita maintindihan," bulong ko. Napatingin sa akin si Irene. "Mali ang ipinapakita mo sa akin, Irene. Patawad kung mali ang pagkakaintindi mo sa mga ginagawa ko... But I want you to know that every thing I've done for you, I did it because I love you, as my sister."
Napatitig sa akin si Irene. Nakita ko ang muling pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata. Muling namuo ang mga luha roon. Sinubukan kong lumapit pero naunahan ako ni Aara, pinigilan niya ako sa paglapit kay Irene.
"Enough, Jude..." Aara shook her head.
"I lied to you, Jude..." Pumatak muli ang luha sa mata ni Irene. She bit her bottom lip as she shook her head. "Hindi ako lubusang naging masaya sa mga ginawa mo. Tawagin mo na akong walang utang na loob pero hindi talaga... I tried, but I failed."
"You should still be thankful, Irene. Hindi lahat ng tao ay kayang magsakripisyo gaya ng ginawa sa 'yo ni Jude."
"I'm thankful!" Tumaas nang bahagya ang boses ni Irene. "Hell, I am. P-Pero I can't help it but to compare him with my mom."
Bahagya akong naguluhan. Ramdam ko rin ang sakit at pagkabigo. Pakiramdam ko ay hindi lang siya ang nabigo ko, mas nabigo ko ang sarili ko. I wanted her to be happy... I made her a promise, to escape every night but right now, I don't think that was what she's been coveting.
"Y-You also pity me..." Pumakla ang boses ni Irene. "You never trusted me, Jude."
"I trust you, Irene. Pero hindi kasi normal ang kalagayan mo. I put restrictions around you because I care for you, not because I don't trust you."
"R-Really?" Bahagya siyang natawa. "Siguro nga mali ang pagkakaintindi ko sa mga ginawa mo. But I really am thankful, Jude. You made things Kuya Alex never did to me. You showed me love... But that's it."
"I am not an asshole like your brother, Irene..." Bahagyang bumali ang leeg ko.
"T-that's it..." Napatingin ako kay Aara. Masyadong gulat ang kanyang mga mata. "Y-You were pertaining to Alex."
Mahinang tumawa si Irene. "I really like how vast and open you are, Aara. You are right. Hindi si Jude ang tinutukoy ko... I was pertaining to the one whom I fell in love first. My asshole step brother.... Alex."
Bahagyang umawang ang bibig ko sa gulat. Pakiramdam ko ay may gumuho sa loob ko. Mas naging interesado ako ngayon sa lalaking 'yon. What kind of brother was he to Irene, I mean, asshole but what kind of...
"Y-You really love forbidden love!" Aara scolded her.
"I don't but what can I do? Siya ang kasama ko sa halos buong buhay ko. He was an ass, he never cared for me to the point I felt the freedom with him."
"Putting restrictions mean caring... I would have let you hurt yourself if I didn't!"
"Pero si Kuya Alex---"
"Stop!" I warned her.
Napatingin sa akin si Aara.
"Do you also feel disgust with me?" Nakangising tanong ni Irene sa akin.
"Y-You are already comparing me with him... And it hurts," I admitted.
Natigilan siya. Hindi na nakapagsalita. Huminga ako nang malalim bago hinawakan ang braso ni Aara.
"Don't touch me, Jude..." Aara tried to get away from my grip but I didn't let her.
"Hayaan na natin siyang makapagpahinga," sabi ko.
"Wait... She didn't confess her feelings yet." Pagpupumilit ni Aara, sinusubukan niya pa ring makawala sa pagkakahawak ko pero mas lalo lang iyong humihigpit.
"We should calm ourselves down first. Let's talk about this again after."
"But, Jude..."
"Aara..." I warned her.
She rolled her eyes before turning her gaze at Irene. Kita ko na rin ang pagod sa mga mata ni Irene, namamaga ang mga 'yon.
"Hindi rin lilipas ang araw na ito nang hindi nalalaman ni Jude ang katotohanan. Prepare yourself because there's still another storm after this."
Pagkalabas namin ni Aara sa kwaro ni Irene ay mabilis din na binitawan ko ang braso ni Aara. Napasandal ako sa pader nang maramdaman ang pagkahilo. Narinig kong tinawag ni Aara ang pangalan ko pero medyo naging malabo ang lahat.
I closed my eyes... I felt someone's hug. She was shaking, I could hear quiet sobs from her.
"I'm sorry, Jude..." Aara whispered. "Y-You don't deserve this... I really am sorry."
I opened my eyes... My vision was blurry. Bumagsak ang luha sa mata ko. Nanatiling nakayakap sa akin si Aara, mahina ang mga hagulgol niya. Mas lalong humigpit ang yakap niya. Pumikit ako nang maramdaman ang panghihina ng tuhod ko.
"I love you, Jude..." bulong niya. Pakiramdam ko ngayon ay sobrang pagod na ako. This is the first time I've felt this, I felt languid, lost with words, exhausted physically, emotionally and mentally. After a few seconds... I lost myself in the dark.
Nagising ako sa loob ng kwarto ko. Sobrang bagsak pa rin ng pakiramdam ko. Bumalin ako ng tingin sa babaeng nakayuko sa kama. Ngumiti ako bago hinaplos ang kanyang buhok. Bigla itong umangat ng tingin.
"H-Hey... Ayos ka na?" nag-aalalang tanong ni Aara.
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Mabilis naman na pinunasan niya ang gilid ng kanyang labi. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"W-What?" she asked.
I shook my head.
"Hindi pa ako nakaligo. You can't expect me to be gorgeous all the time," she rolled her eyes.
I chuckled.
"May masakit pa ba sa 'yo?" tanong niya.
Umiling akong muli. Kumunot ang noo niya.
"You deaf?" she asked.
I laughed. She pouted her lips.
"Stop making fun of me."
"Thank you..." I said.
"No worries," she smiled. Tumayo na siya at nag-stretch ng kamay. "You were asleep for 5 hours. 10PM na. Pahinga ka lang saglita, maliligo lang ako."
I nodded my head. "I'm hungry..."
"Okay. Maliligo lang ako..."
"Gutom na nga ako eh," ngumuso ako. Kumakalam na ang sikmura ko. "I'm still not feeling well. Pagod pa rin ako."
Kumunot ang noo niya. "Gusto mong pagdalhan kita ng pagkain dito?" tanong niya.
"I can't walk..."
"Anong kinalaman ng paglalakad mo sa pagkain?"
"I can't go to kitchen to eat..."
"You want me to bring your food here?"
"Can you?"
Kumunot ang noo niya. "Can't you be straight to the point?" she rolled eyes again. "Why not?" Saka na siya tumalikod at lumabas ng kwarto ko.
Naiwan akong nakangiti. Bumangon ako mula sa kama at nag-inat ako ng katawan. Lalabas na sana ako nang maalala na kapag nakita ni Aara na kaya ko ng maglakad ay hindi na niya ako pagdadalhan ng pagkain dito.
Nagkibit-balikat ako bago muling bumalik sa kama. Napatingin ako sa phone kong nasa gilid, umiilaw iyon. Pinagmasdan ko ang pangalan ni Irene na naka-flash sa screen.
I dropped my sight... Ignored her call. Hindi ko na binalikan ng tingin ang phone ko. Dumating ang pagkain na dala ni Aara. Ako na ang nagpakain sa sarili ko. Patuloy pa rin ang pag-ilaw ng phone ko at pansin ko na rin ang pagbigay ng atensyon ni Aara roon.
"Here..." Inabot sa akin ni Aara ang tubig. Tinanggap ko 'yon at inubos hanggang sa huling patak.
"Thanks..." sabi ko nang kunin niya rin sa akin ang pinagkainan ko.
"Y-Your phone..." she said.
"That's a glitch..." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Jude..." tawag sa akin ni Aara. Tamad na binalingan ko siya ng tingin. "I-I'm sorry..."
"For what?"
"For hurting your sister. I slapped her."
"You wouldn't do that for nothing, right?"
"Nabigla ako... Hindi ko sinadya. I don't want to hurt her." Tumigil siya sa pagsasalita. Nanatili akong tahimik na nakatingin sa kanya. "Hindi ko rin sinadyang mapagsabihan siya ng mga masasakit na salita."
"C-Can you please, leave me alone? I'm still tired..." I begged.
Napatitig siya sa akin. Sumandal ako sa ulunan ng kama at diniretso ang aking tingin. Naramdaman kong gumalaw si Aara pero hindi ko na siya tinignan.
"Okay. Magpahinga ka na..." Bitbit ang mga pinagkainan ko ay lumabas na rin siya. Napatitig ako sa pinto kung saan siya lumabas.
Huminga ako nang malalim bago inabot ang phone ko. Sumikip muli ang paghinga ko nang makita ang 12 missed calls galing kay Irene. But there was no text message.
Napatitig ako sa kanyang pangalan. I clicked it and went in messages. Binalikan ko ang mga palitan namin ng mensahe. From her last message and to the first one. I was shaking... I found myself deleting our entire conversation.
Ibinalik ko sa table ang phone ko at tumayo. Kumuha ako ng damit sa closet bago pumasok sa shower room. Nilunod ko ang sarili ko sa malamig na tubig na ibinubuga ng shower. Sana ay kayang alisin ng tubig ang mga sakit na nararamdaman ko.
Nanatili akong nakatayo sa mga patak ng tubig. Kusang gumalaw ang kamay ko... I punched the tiled wall. Bahagyang dumulas ang kamay ko. Hindi ako nasugatan, walang dugo pero ramdam ko ang sakit.
"I'm sorry for your life, Irene..." I whispered.
I punched my right fist on the tiled wall again. Hindi ko maisip ang sakit na naramdaman niya nung mga panahong nahuhulog pa lang siya sa Kuya niya. I have no idea how hard it is to fall in love with a wrong person but I know it hurts... It hurts when we can't do anything to follow our feelings.
"Fuck!" I screamed as I punched again my fist on the wall.
Naramdaman kong naging mainit-init ang tubig sa ibaba ng mata ko. I brushed my hair in frustration. Tumingala ako para sabayan ang mga patak ng tubig sa mukha ko.
Why does life have to be unfair to you, my sister?
Matapos kong makaligo at makapagdamit ay saka pa lang nagmarka ang sakit sa kanan kong kamao. Sobrang pula na ito. Medyo mahapdi pero kaya namang tiisin.
"Jude?" Narinig ko ang pagtawag ni Aling Soreng mula sa labas.
Kinalma ko ang sarili ko bago binuksan ang pinto. "Pwede ba akong pumasok?" tanong niya. Tumango ako. Bahagya akong gumilid para bigyan siya ng daan. Pagkapasok niya ay isinara ko rin ang pinto.
Hinarap ko si Aling Soreng. "Kaya kong alagaan ang mga magulang mo pansamantala..." nakangiti niyang sabi sa akin.
Bahagya akong naguluhan. "Ano po'ng ibig ninyong sabihin?"
"H-Hindi masamang magpahinga, Jude."
"I'm not tired of my work, Aling Soreng. Kaya kong pagsabayin ang mga ito."
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, hijo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinaplos niya ang kanan kong kamao na namumula. "Kailangan mong magpahinga. Masyado ka nang pagod."
"I-I can't just leave Irene at Aara here..." I mumbled.
"Isama mo sila..." Nagulat ako sa sinabi niya. "Magpahangin kayo, Jude. Masyado kayang nalulunod sa nararamdaman ninyo. Kapag ipinagpatuloy ninyo ito, mas lalo lang kayong masasaktan."
Lumunok ako. "N-Narinig mo kami..." payak na ngumiti ako.
Tumango siya. "Ako na muna ang bahala rito, Jude... Gusto kong magpakalayo muna kayo." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "Gusto kong sa pagbabalik ninyo ay nakangiti na kayo."
"A-Aling Soreng..."
Tumango siya sa akin. "Kaya ninyo 'yan, anak... Ganito talaga ang buhay, kailangan nating makipagsabayan. Matuto tayong magpahinga. Kailangan ninyo ito..."
Napayakap na lang ako sa kanya sa mga sandaling ito.
"Jude!" dinig kong sigaw ni Aara mula sa labas.
Mabilis na lumabas kami ni Aling Soreng. Naabutan naming natataranta si Aara.
"What happened?" I asked.
"I-I can't find Irene..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro