Kabanata 20
Kabanata 20: Asked
I watched Klaus as he pulled Irene for a tight hug. Pinaragasa niya ang kanyang kamay sa likod ni Irene para patahanin ito. I could even hear her heavy and deep sobs from where here. May sinabi pa si Klaus pero hindi ko na 'yon naintindihan.
I wanted to comfort her too, to cool down her emotion but I froze from here, like a statue that couldn't do anthing but to stare.
"You are not okay, I know but you will be fine..." That's what I heard from Klaus. "Hush, Rin..."
I smiled.
I somehow envy this guy, sa kanya lang nakapagbukas ng saloobin si Irene. Ito 'yong hinihintay ko, ang lapitan ako ni Irene at maglabas ng mga hinanakit pero siguro nga, hindi niya kaya sa akin. Ramdam ko rin naman na maaaring si Klaus na ang magpapatahan sa kanya. Mabuti na lang at narito si Klaus. We all need someone who will have our back no matter what happens, you would lie if you never needed one.
I think... That's it. Irene's with him, he's comforting her... She will be fine.
I smiled as I walked away. Nakihalubilo na lang ako sa iba naming kasama, habang nakikipagtawanan ay pasimple ko ring hinihintay ang pagbalik nila Klaus at Irene. Masyado bang malalim ang nahukay ng emosyon niya para matagalan siyang pahupain nang umapaw ito?
"Hey..." Salubong sa akin ni Aara pagkapasok ko sa kubo kung nasaan siya. "I have something for you." Bahagya niyang kinagat ang kanyang labi habang bahagyang itinaas ang isang bagay na nakabalot sa kulay pulang papel. "Happy birthday..." she whispered/
"Is that my certificate for being an asshole?" biro ko.
"Right, you are now a certified asshole," she rolled her eyes.
Inabot ko ang regalong ibinigay niya. Umupo ako habang nanatili namang nakatayo si Aara. Pinasadahan ko ng kamay ang lapad nito at parang kahit papaano ay may hinuha na ako kung ano ito. Bubuksan ko na sana ito nang bigla niya akong pigilan.
She was biting her bottom lip, embarrassed was all over her blushing face.
"Don't you feel embarrassed when the gift you gave to someone will be opened right in front of you?" She winced her lips. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. "Because I am. Don't..."
"I'm sure it's worth it, nothing to be embarrassed for." I grinned. "I even want to brag it to everyone here."
"Every gift, no matter of size or price, is worth it. So please... Save it for your eyes only later." She stopped me again when I was about to rip the wrapper. "Please, Jude?" she beseeched.
Nagkibit-balikat ako bago mahinang tumango at ipinasok na lang ito sa loob ng bag ko. Alam ko naman na kung ano ang nasa loob no'n base sa hugis na parisukat at katamtamang laki. Wala lang akong ideya kung kaninong mukha ang naroon, malamang na akin.
"Ayaw mo bang ipagmayabang ko sa lahat ng narito ang talent mo sa pagguhit?" ngumisi ako.
Bahagyang namula ang kanyang mukha. "You could have pretended you have no idea about the thing behind the wrapper, Ultimate Asshole." Pinanlisikan niya pa ako ng mata.
Humalakhak ako dahil sa sinabi niya. Pabagsak na umupo ito sa tabi ko.
Napatingin kami kina Ryde at Chelsea na pumasok din sa cottage.
"Ah, Jude? Mauna na kami," pagpapaalam ni Chelsea.
Napatingin ako sa lalaking nakaakbay sa kanya, bagsak na ang mga mata nito at kitang-kita na ang masyadong pamumula ng kanyang mukha.
"Can you still drive, Ryde?" I asked him.
Tumingin siya sa akin gamit ang namumungay niyang mata, kumunot ang noo niya. "Happy birthday, Judeus..." ngumisi siya bago muling yumuko.
"Lasing na ang gago..." napailing na lang ako.
"Sinong gago 'yan? Ba't siya lasing?" tanong ni Ryde habang nakayuko. Ngumiwi ang labi ni Chelsea nang maging magalaw si Ryde. Pabigat talaga sa girlfriend niya ang mokong na ito.
Tumingin ako kay Aara. "Sandali lang," pagpapaalam ko bago tinulungan si Chelsea sa pagdala kay Ryde. Ngumiwi ako nang ilagay sa akin ni Ryde lahat ng bigat niya. Humilaway agad si Chelsea nang maipasa sa akin si Ryde. Nag-stretch siya ng braso.
"Ang bigat..." dinig kong reklamo ni Chelsea.
Ako na ang gumabay kay Ryde sa paglalakad. Medyo nahihirapan ako dahil hindi pirmi ang mga hakbang niya na malikot.
"Kaninong sasakyan ang dala niyo?" tanong ko dahil alam kong wala namang sasakyan si Ryde.
"Ah, 'yong sasakyan ni Kuya Led," sagot naman ni Chelsea. "Okay ka lang? Mabigat ba?" tanong pa niya nang mapansin na masyado nang nagiging pabigat si Ryde.
"Gusto mo bang iwan na lang natin si Ryde dito sa resort? Balikan na lang natin siya bukas?" natatawa kong mungkahi.
"Walang mang-iiwan, sama niyo ako..." bulong ni Ryde. "Teka..." Bigla siyang umalis sa pagkakaakbay sa akin. Masyado nang mapungay ang kanyang mga mata. "Bakit mo ako inaakbayan?" tanong niya sa akin habang nakaturo pa ang isang daliri sa akin.
Mabilis naman na inalalayan ni Chelsea si Ryde nang aktong matutumba na ito. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa inaasta niya.
"Sino ka?" dinig kong tanong ni Ryde kay Chelsea. "Huwag mo akong yayakapin, lagot ako kay Love."
"Tangina. Ilang kahon ba ng alak ang naubos ng mokong na 'yan?" naiiling na tanong ko. "Oh baka mas nalasing siya sa halik mo."
"Shut up, Jude..." Sinamaan pa ako ni Chelsea ng tingin.
Napahalakhak ako nang batukan niya si Ryde, malakas 'yon base sa pagngiwi ni Ryde. Narinig ko pa ang pag-angil nito dahil doon.
"Lagot ka sa akin bukas kapag hindi ka na lasing..." ramdam ko ang gigil sa boses ni Chelsea.
Nakahinga kami nang maluwag nang maipasok na sa backseat ng sasakyan si Ryde. Maingat na isinara ni Chelsea ang pinto bago humarap sa akin.
"Salamat..." nakangiti niyang sabi. "Happy birthday ulit."
"Anytime," I smiled. "Wait... Marunong ka ng magmaneho?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Ryde is a good rider," she chuckled.
"Ingat sa pagmamaneho," pagpapaalala ko.
Tumango siya at aktong papasok na rin nang bigla siyang tumigil at humarap sa akin. "Si Irene..." Lumunok siya at halatang naguguluhan. "Parang may mali sa kanya... I mean, sa kinikilos niya."
"Ako na ang bahala," tumango ako sa kanya.
Pinanuod ko hanggang sa makalayo ang sasakyan nila bago bumalik. Naabutan kong palabas na rin sina Klaus at Irene. Mabilis na lumapit ako sa kanila. Bahagya pang nagulat si Irene dahil sa biglaan kong pagsulpot.
"S-Saan kayo pupunta?" tanong ko. Binalingan ko ng tingin si Klaus. "Saan mo siya dadalhin?"
Napatingin si Irene kay Klaus.
"Ihahatid ko na si Irene sa inyo, inaantok na raw siya," sagot ni Klaus. "Saka gusto na raw niya talagang umuwi."
Hindi ko inalis ang tingin kay Irene na hindi man lang ako magawang tignan. Iniiwasan niya ang magkasalubong ang mga mata namin.
"Ako na lang, uuwi na rin naman niyan kami," sagot ko pa.
"Gusto ko nang umuwi at matulog," bulong ni Irene habang nakayuko.
"Okay. Kukunin ko lang ang susi ng sasakyan ko," pagpapalam ko.
"You don't get it, do you?" Umangat ng tingin ni Irene. Ngayon ay kitang-kita ko na ang pamumula ng kanyang mata dahil sa pag-iyak. "Gusto ko nang umuwi at si Klaus ang maghahatid sa akin."
Bahagyang bumali ang leeg ko. Pakiradam ko ay may hinanakit din siya sa akin. Bigla kong naalala ang hindi sinasadyang marinig ko kanina, ano ang ibig sabihin niya roon?
"I don't get it..." I whispered.
"Ayaw niyang sumabay sa inyo," biglang sabi ni Klaus. Bahagyang kumuyom ang kamay ko dahil do'n. "Naiintindihan mo na siguro ngayon, hindi ba?" tanong pa niya.
Binalingan ko ulit ng tingin si Irene. "Hindi ako naniniwala hangga't hindi kay Irene nanggagaling ang mga salita," may diin ko pang sabi.
Huminga nang malalim si Irene.
"Ayokong sumabay sa inyo ni Aara. Si Klaus ang maghahatid sa akin," matapang na sabi ni Irene. "Can you please?" Bahagya niyang sinenyas sa akin na tumabi.
Pumungay ang mga mata ko. "I still don't get it..."
"You actually don't need to get it. Just let us go..." Irene whispered.
I let out a heavy sigh. "Fine. Mag-uusap tayo bukas..."
"Sure, Jude..." ngumiti siya.
I watched them as they fade away from my sight. I suddenly felt my knees trembled. What's with the sudden changed of mood? May kinalaman na naman ba ito sa kalagayan niya?
Pagkabalik ko ay naabutan ko si Aara sa kaninang pwesto niya. Tumabi ako sa kanya at pinanuod ang mga natirang tao rito na halos lahat ay nasa pool na. Bahagyang humina na rin ang mga stereos.
"Kailangan ba talagang sa bahay ninyo ako umuwi?" biglang tanong ni Aara. Humarap ako sa kanya, nanatiling sa malayo ang kanyang atensyon. "Okay naman ako sa apartment ko."
"Bahay mo rin naman 'yon at saka... mas maalalagaan kita roon." Hindi siya sumagot. Bumuntong-hininga ako. "Si Irene ba?" tanong ko.
Tumingin sa akin si Aara. "Hindi niya ako kinakausap. I was about to approach her earlier but she just past on me like I was not even there..." ramdam ko ang pait sa mga salita ni Aara.
"She's just tired, Aara."
Mahina siyang tumawa. "You always have a reason to defend her."
"Let's not talk about her, please?"
"It feels like... She's not happy."
Hinawakan ko ang balikat niya at maingat na hinarap sa akin. Inayos ko ang mga kumawalang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga.
"You can't expect everyone to be happy for you," I whispered while staring at her eyes. "Isipin mo ako, sobrang saya ko sa pagbabalik mo. I think I am an enough reason to eradicate the doubts in you."
She gently nodded her head and flashed a smile on her lips. I pulled her for a hug.
2 A.M na rin nang makauwi kami, nagulat kami dahil gising pa sina Mommy at Daddy para salubungin si Aara. Hinintay daw talaga nila ang pag-uwi namin dahil narinig nila na uuwi na rito si Aara.
Iniwan ko sa sila sa salas at pinuntahan si Irene sa kusina. Kasalukuyang itong umiinom ng tubig.
I leaned my back against the wall near the entrance. Nakatalikod sa akin si Irene habang umiinom ng tubig kaya hindi niya ako napapansin.
"Thank you..."
Napaatras si Irene nang matapon ang tubig dahil sa gulat. Humarap siya sa akin. "You really love startling me, huh?" Nakangisi niyang sabi. Lumapit siya sa sink para ilagay doon ang baso. "Oh, well... Kailangan naman nilang malaman na babalik na si Aara, hindi ba?"
"Uh, yeah? That's why I am thanking you,"
"And that's why you don't need to thank me," she replied.
Umayos ako ng tayo. "Hmmm... You okay?" Bahagyang bumali ang leeg ko.
"Why would I not be?" She raised eyebrows.
I cleared my throat. "I hmmm... overheard your conversation with Klaus," I started. Bahagyang nawala ang porma sa kanyang labi. "It was not my intention to... It's just... What do you mean?"
Siya naman ngayon ang naguluhan sa sinabi ko. "What?"
Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang tanong o kung paano tatanungin ito sa magandang paraan. Tumikhim ako habang bumubuo ng mga tamang salita.
"A-About your brother?" I questioned, unsure.
"About you?" She asked back.
Umawang ang bibig ko para sana magsalita pero mabilis ding natikom nang pumasok si Aling Soreng.
Sinenyasan ko si Irene na babalik na sa sala bago tumalikod. Pagkabalik ko ay saktong katatayo lang din nila Mommy, Daddy at Aara mula sa pag-uusap.
"Patulugin mo na si Aara, Jude. She's tired..." Bahagyang humikab pa si Daddy bago inakbayan si Mommy. "Matutulog na rin kami," sabi pa niya bago sila umalis at malamang na pumasok na sa kwarto nila.
"Medyo maalikabok pa pala sa kwarto ni Aara, hindi ko pa nalinis," salubong sa amin ni Aling Soreng.
Napalunok naman ako.
"She can sleep in my room," biglang sumingit si Irene. Nakangiti ito. "Kung gusto mo lang?"
Nagkatinginan kami ni Aara, ramdam ko ang hiya sa kanyang mga mata. Tumango na lang ako sa kanya.
"Y-You sure?" tanong muli ni Aara sa kanya.
"Why not?" Ngumisi si Irene. "Saka nasa kwarto ko ang wedding dress mo. Baka gusto mong makita?"
Nanlaki ang mata ni Aara. Natawa na lang ako nang sabay silang tumakbo papasok sa kwarto ni Irene. Naiwan kaming dalawa ni Aling Soreng na tumatawa.
"Para silang mga bata..." naiiling na sabi ni Aling Soreng.
"Habulin mo rin ako Aling Soreng..." biro ko sa kanya. Humalakhak ako nang hampasin niya ako sa braso. "Biro lang po, alam ko naman na hindi na kaya ng mga buto niyo eh."
"Anong hindi? Hoy, Judeus. Kaya pa kitang patulugin gamit ang kamao ko," natatawa niya pang biro.
"Naks... Lakas ah, sige nga po..." Tumakbo ako nang aktong gagawin niya nga.
Sumilip ako sa kwarto ni Irene. Nakatingin silang dalawa sa wedding gown, manghang-mangha si Aara base sa mga mata niya.
"Pwede ko ba itong suotin?" tanong ni Aara.
"Huy... Baka hindi matuloy ang kasal niyo," bawal sa kanya ni Irene.
"Ano ka ba? Naniniwala ka pala sa ganyan?" Tumawa si Aara.
Nanatili akong nakasilip sa pinto. Inumpisahan nang alisin ni Aara ang blouse niya pero hininto niya rin nang nasa bang dibdib na ito. Tumikhim ito.
"Hmmm... Jude? Pakisara naman ang pinto," sabi ni Aara nang hindi lumilingon sa akin.
Ngumuso ako bago isinara ang pinto. Napailing na lang ako bago pumasok sa kwarto ko. Sumandal ako sa headboard ng kama habang yakap-yakap ang bag ko.
Inilapag ko ito sa tabi at inilabas ang regalo ni Aara. Pinagmasdan ko muna ito bago inumpisahang punitin ang nakabalot dito. Namilog ang mata ko nang masinagan kung sino ang nasa ginuhit niya.
I was in the portrait with my arms on Aara's shoulder, we were both smiling from ear to ear while looking at the camera. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kuha namin sa likod ng bahay at si Irene ang kumuha ng litrato namin na ito.
Pinaragasa ko ang kamay ko sa guhit. Masyadong detelyado, hindi ako maalam sa arts kaya hindi ko mapagtanto kung paano niya ginawa ito o kung ano ang ginamit niya. But it was such a fascinating artwork.
Itinayo ko ito sa lamesa malapit sa akin. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na nahagip ng aking kamay. Ikinulong ko 'yon sa mga mahigpit kong braso at bahagyang ibinaon doon ang mukha ko. This is one of the best days I ever had.
Lumipas ang mga linggo at nakita kong mas naging mahigpit ang pagiging kaibigan nila Aara at Irene. Pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko pa ring tulala si Irene. Nagtatrabaho na rin ako sa restaurant ni Ryde na kabubukas lang. Halos doon na nga matulog si Ryde dahil sa sobrang pagmamahal niya sa pangarap na 'yon.
"Cheers to another success?" Itinaas ni Ryde ang wine glass bago kami sumunod nila Gizo at Chelsea.
"Congratulations," sabi ko pa.
"Congrats, Love..." bulong ni Chelsea.
"This is all for you," Ryde mumbled too.
Mula rito sa dulong bahagi ng bar ay kitang-kita namin ay parami nang parami na customer. Kinapa ako sa bulsa ko ang phone ko nang mag-vibrate ito. Isang text message mula kay Aling Soreng ang natanggap ko.
"Umuwi ka now na mukhang nagtatalo sina ara at irin," basa ko.
Mabilis na napatayo ako at napatakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ryde pero hindi ko na sila nalingon pa. Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay mabilis na inilabas ko ito ng parking lot. I shot Ryde an apology message for skedaddling without excusing myself.
Tinawagan ko si Aling Soreng. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nagsisigawan sila sa loob ng kwarto ni Irene." Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Aling Soreng.
"Gamitin niyo po ang duplicate key, buksan mo ang pinto."
"Hindi naman nakakandado, nung tinangka kong pumasok kanina ay pinalabas ako ni Aara. Jude... Baka nagkakasakitan na ang dalawa."
"Andyan po ba sina Mommy at Daddy?"
"Wala sila, bilisan mo, Jude..."
I bit my lower lip when I ended the call. Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay kong nakahawak sa manibela, parehong nanginginig ang mga 'yon. Mabuti na lang at humilom na rin ang konting sugat sa kanan kong kamao kung hindi ay baka mas dumagdag lang 'yon sa hapdi.
Pagkatapat ng sasakyan ko sa gate namin ay mabilis akong lumabas at tumakbo sa loob. Naabutan ko si Aling Soreng sa harapan ng kwarto ni Irene, hindi ito mapakali sa kanyang kinatatayuan.
"Jude..." Lumapit siya sa akin nang mapansin ako.
"Iwan niyo na muna po kami..."
"Pero Jude---"
"Pakiusap po..."
Mahina siyang tumango bago naglakad palayo. Mula sa labas ay dinig na dinig ko ang sigawan mula sa loob. Parang nanghihina ako habang nakikinig sa kanila.
I was trembling when I opened the door. Tumambad sa akin ang kwarto ni Irene na animo'y dinaanan ng bagyo, sabay silang napatingin sa akin. Nakaupo sa sahig si Irene habang si Aara ay nakatayo sa harapan niya.
"What the hell is this?" I asked, confused.
Napatingin sila sa akin. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dugo sa gilid ng labi ni Irene. Masyado na ring magulo ang buhok nilang dalawa na animo'y nagsabunutan.
"Ask your sister!" Aara scolded.
Nanatiling nakaupo sa sahig si Irene, humahagulgol. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila.
"J-Jude..." Irene called my name and it sounded like she was begging.
"W-What's happening?" I asked.
Bahagyang tumawa si Aara. "Tanungin mo ang nakakadiri mong kapatid. Shit... You are disgusting."
"Aara..." I warned her.
Tumawa lang ito. Lumapit ako kay Irene at inalalayan itong makatayo at makaupo sa kama. Ramdam ko ang sobrang panginginig ng kanyang katawan.
"Hey... You okay?" I asked her.
She shook her head and wiped away the tears from her weary eyes.
"I-I am so sorry, Jude..." she whispered.
"Shit! I can't... I can't stay here anymore..." Napatingin ako kay Aara. Bumagsak na rin ang luha sa kanyang mga mata. "This is... I don't even know what's this."
Madiin akong pumikit. "Just tell me what the hell is going on here? You were screaming and hurting each other! Anong klaseng pamilya ang ganito?" may diin kong hinagpis.
"It's not even a family and I don't want to consider it if that disgusting woman is inloved!" sigaw ni Aara.
"Jude... H-Hindi ko ginusto ito, pakiusap... Hindi ko kailanman nagustuhan ang nararamdaman ko na ito," umiiyak na sabi ni Irene.
"Dapat lang, Irene. Dahil una sa lahat, nakakadiri ito," sagot ni Aara.
"W-What?" I asked them.
"Dapat itong malaman ni Jude..." seryosong sabi ni Aara.
Napatingin ako kay Irene nang tumayo ito at lumuhod sa harapan ni Aara.
"I'm begging you, please... Don't ruin me," Irene pleaded in tears.
Nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa, naghihintay kung ano ang tinutukoy nila. But at the back of my head, I don't want to know it. Parang mas okay na hindi ko na lang malaman kung ano ang sasabihin nila.
"You already ruined yourself when you fell in love with a wrong person, Irene..." Pinahid ni Aara ang kanyang luha bago tumingin sa akin. "I am sorry for this, Jude... Pero kailangan mong malaman ito."
"Don't be selfish, Aara..."
Bahagyang natawa si Aara. "Do you even hear yourself? Ako pa ngayon ang makasarili?"
"I haven't prepared myself yet... Please, not now..." Umiiyak na pakiusap ni Irene.
"Inisip mo dapat 'yan sa una pa lang... Jude is your brother!"
"Am I?" tanong ko kay Irene. Natigilan si Aara at halatang naguluhan. "Am I your brother, Irene?"
"W-What do you mean, Jude?" naguguluhang tanong ni Aara. "D-Don't tell me... Oh, shit... This is not happening."
"I overhead your conversation with Klaus," I started. Nanatiling nakatingin sa akin si Irene. "You said I am not your brother..."
"Shit! If that's true..." Napatakip sa bibig si Aara. "Oh, god." Mahinang natawa si Aara bago inalis ang takip sa kanyang bibig. "That's why you have the guts to confess. Alam mong hindi mo tunay na kapatid si Jude!"
Ngumiti si Irene, punung-puno pa rin ng luha ang kanyang mga mata.
"Tell me the truth..." Lumapit ako kay Irene. "You said you already fell in love..." I gulped.
"I am not in love with Klaus..." she said.
"Are you in love with me, Irene?" I asked.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro