Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2: Suffocated

Matapos nung gabing iyon ay wala na rin akong nababalitaan na umaalis ng bahay si Irene. Kung hindi phone ay nagdidilig lang siya ng mga halaman sa likod.

"Hey my dear future husband, we'll see each other again... Yes, baby boy... Very soon."


Mabilis na isinara ko ang tab ng email ko nang mabasa iyon. Iniisip ko pa lang na makakasama ko na naman siya ay nasasakal na ako. Paano pa kaya kung kasal na kami? Baka malagutan na ako ng hininga.

"Breakfast is ready," Irene greeted me when I got in the kitchen.


Naroon na rin sina Mommy at Daddy na nakangiti. Umupo ako sa tabi ni Daddy. Mabilis na nahagip ng mata ko na hindi sila naka-office suit kaya malamang na wala silang pasok o kaya'y hindi lang sila pumasok.

"Good morning, Jude..." Mom greeted me too. "How was your sleep?"

"Nothing magical happened mom..." I answered with my sleepy voice. "Good morning..." I added.

I was about to move my hand when Irene already got her move. Pinaglagyan niya ako ng pagkain sa plato. My eyes were focus on her hands as she moves them, feeling afraid to look up and meet her eyes. Why am I even afraid?


"I can handle myself." I took a huge gut to look at her.

Narinig ko ang pagtawa ni Mommy.

"She is so sweet, isn't she, son?" Dad teased me.

I frowned. I hate sweets...

Matapos niya akong pagsilbihan ay umupo na siya sa tabi ni Mommy. Bale nasa kabila namin silang dalawa.


Hindi na ako kumibo at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain. Narinig ko ang mga papuri nila Mommy at Daddy sa lasa ng pagkain na si Irene ang nagluto and I must agree with them. The foods taste good... Balanse ang lasa.


Kung hindi ako nagkakamali ay about sa pagluluto ang kursong kinuha niya sa New York City. So... She still finished a degree with her condition. Oh well, nothing should be a hindrance to pursue what we want. We are capable of more than we know... Just give it a try. Who knows?


"Magkapatid nga kayo ni Jude, parehong mahilig sa pagluluto..." Halos masamid ako dahil sa mga sinabi ni Dad.

I am still not used with the thought of having a sister.. And that word still cringes the shit out of me. Kapatid... Come on, Jude. Magkapatid kayo. I should put that in my mind.

"Bakit hindi niyo i-try mag-business? Mag tayo ng restaurant?" Mom suggested.

I stopped from chewing. Kinuha ko ang tubig na isinalin ni Irene sa baso at uminom doon.

"Good suggestion. Why not? We'll help the both of you..." Dad approved, smiling. "Business parter pa no'n kayo."

I shook my head. "Too early to plan for that. Hindi pa ako tapos mag-aral," I answered, avoiding the disapproval tone.

Napatingin ako kay Irene na tahimik lang na kumakain.

"It is better than to not having plans at all, Judeus Clavez. And... We are just suggesting here," Mom almost rolled her eyes.

I shut my mouth up... I could help Irene to build her own business and that's all I could offer. And one more thing is Ryde and I has already a plan for this. May plano na kaming business.


"Anyways... Aara will be coming home soon..." Bumagsak ang tingin ko sa mga plato. "Jude... Gusto naming ikaw ang sumundo sa kanya sa airport."

Mahinang napatango na lang ako. Kahit naman hindi nila sabihin 'yon ay alam ko ang dapat gawin.

"And... Baka mas mapadali ang kasal ninyo..."

"Kasal?" Napatingin kami kay Irene. Her eyes were damn confused and I could even see a huge question mark above her head. "Jude is getting married soon?"

"Yes..." I said. "I am going to marry my high school bestfriend."

Aara and I were bestfriend when we were still in high school. Siya ang nag-iisang babae sa grupo namin. She treated me like a brother while I silently treated her more than that. And... I could say... We never became friends. I never treated her as my damn friend.

Do you know how hard it is to love someone silently? If not, then congrats! You will never how how painful it can be.

So... When I took all the oxygen in the campus and with my planned words that I had memorized every night staying up late... I confessed. You know what happened next? Yes... She slapped me damn hard with her lips, smirking.

"Yes... The feeling is mutual." I could still remember how she pronounced that in every single word. Especially when she mumbled, "I love you too, Judeus."


If you were thinking that it was an almost fairy tale like story, shut up. Hindi ko inakalang sa bawat araw na lumilipas ay may nagbabago at hindi ko namalayan na darating ang araw na maging ang nararamdaman ko sa kanya ay magbabago. In a snap, I just found myself getting suffocated by her love---With her selfish love. Until one day... I was already running away from her. I was already scared of her presence.

It was funny... I wanted to cut the rope between us but I knew it was too late... I've already chained myself with her when I asked her.... To marry me.

And she answered, "Let's get married..."

And we are going to fulfill that promise soon and there is no backing out.

Now... I am now holding into the thought of getting my feelings for her back. And I believe that love can be learned, especially, the one that faded away.

Pagkabalik ko sa kwarto ay kumuha na ako ng damit sa closet at pumasok sa bathroom. Sumandali akong maligo dahil gusto kong umalis ngayong araw sa bahay. Wala kaming pasok dahil linggo ngayon at ayokong makulong dito kasama sila.

Pagkalabas ko ng paliguan ay halos mapamura ako nang makita si Irene na nakaupo sa gilid ng kama ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya rito sa loob.

"What are you doing here?" Pumunta ako sa harapan ng salamin at inayos doon ang aking buhok.

Ramdam ko ang mga nanunusok na tingin ni Irene.

"Do you love her?" That question made me stop from doing anything.

Do I still love her? I don't know... Kaya kong umatras sa kasal pero hindi ko kayang gawin. Parang may pumipigil sa akin.

"Get out of here, Irene."

"I hope you do, Jude. I know it is already too late but..." Natigilan ako nang makitang tumayo siya sa kama at lumapit sa akin.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya at nakatingin lang sa reflection niya sa salamin. She was smiling... It was a real smile.

"Congrats, little bro..." Then... She hugged me. "I hope I am still here when you get married," bulong niya bago kumawala sa pagkakayakap at naglakad na palabas.

I stopped from breathing for a second but her touch was still lingering on my skin. That was the first time she touched me.

Pumunta ako sa bahay nila Led. Bumati ako kay Chelsea na nasa salas kasama si Jean bago pumasok sa kwarto ni Led.

"Shit!" I couldn't help but to curse when I saw what he was watching on his laptop. Mabilis naman na isinara niya ang kanyang laptop.

"You should fucking knocked first!"

Mabilis na tumalon ako sa kama niya at sinubukang agawin sa kanya ang laptop ngunit inilayo niya sa akin 'yon.

"Kuya Led... Pa-copy naman nung pinapanuod mo..." bulong ko habang nakangisi.

"Meron ka na no'n, 'di ba?"

"Bagong release lang 'yung The Purge na 'yan, 'di ba? Why not share it?" singhal ko.

Umiling ito at itinago sa loob ng cabinet ang kanyang laptop. Napangiwi na lang ako nang ikandado niya pa iyon. Napailing na lang ako. I will just download it when I got home.

"Damot..." bulong ko.

Tumihaya ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame. Ipinilig ko ang ulo ko sa ibang direksyon nang maalala na naman ang nangyari kanina.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Led.

I closed my eyes... "Can I sleep here?"

Mabilis na sinipa ko siya nang hambalusin niya ang mukha ko ng unan.

"Hindi hotel 'tong kwarto ko!"

"Edi gawin nating motel..." ngumisi ako.

"Gago. Dapat sinama mo si Irene. She must be so damn bored there... Come on, Jude."

I groaned. "Andoon naman sina Mommy..." Bakit ba laging nasasali si Irene sa usapan?

"Baka lalo siyang manghina kung ikukulong mo siya sa loob. Andito naman sina Chelsea and Jean---"

"Your love?" I furrowed my eyebrows.

Sinamaan niya ako ng tingin at inambahan na naman niya ako na hahambalusin ng unan kaya mabilis na umiwas ako.

Napangisi ako nang lumabas siya ng kwarto. Pikon talaga. Ba't ba parang inis na inis siya kay Jean?

Pipikit na sana ako nang maalala na bibili pala kami ngayon ni Ryde ng ingredients para sa project namin. How could I forgot it?

Napatingin ako sa wall clock. Napapikit ako... Damn! May usapan kaming magkikita sa isang coffee shop ngayong 8:00AM. Mabilis na tumayo ako. Patay ako nito sa kanya.


"Oh? Aalis ka na?" tanong ni Led nang makasalubong ko siya sa labas.

"May pupuntahan pala kami ni Ryde..." Napatingin sa akin si Chelsea na nasa sofa. "Sama ka?" tanong ko.


Inirapan niya lang ako.

"Bawal ba akong sumama?" tanong ni Led.

"Gagawin mo pa akong tour guide..."


Mabilis na kumaripas ako ng takbo palabas. I am already 30 minutes late sa usapan namin at alam kong nag-aalburuto na si Ryde.

Tumingin ako sa phone ko... Napangiwi ako nang wala man lang siyang text. Sabagay... Bihira lang mag-text iyon. Baka nga 2 times a month lang at kadalasan pa ro'n ay kapag sawi pa siya.


Sumakay ako ng taxi at sinabi sa driver ang lugar na sadya ko.


"Manong... Can you drive like we are being chased by dinosaurs? Or like it is already end of the world?" I asked him.

Tinawanan niya ako... Natawa na rin ako. Akala niya ata nagbibiro ako.


Pagkarating ko sa lugar na usapan namin ay agad na nahagip ko ang isang lalaking palabas na ng coffee shop. Mabilis na nagbayad ako sa driver at hinabol si Ryde.

"Pogi!" tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.


Sumabay ako sa paglalakad niya at nung mapansin na nakakuyom ang kanyang kamao ay bahagya akong dumistansya palayo nang konti.


"Ryde... Ba't ang pogi mo?" tanong ko. Gusto kong masuka sa mga sinasabi ko.


Hindi niya pa rin ako pinansin.

"Sobrang gwapo mo sa plain maroon shirt mo... How to be you po?"

Still no response from him.

"Alam mo bang galing ako kina Led?" tanong ko. "When I mentioned your name... Napatingin sa akin si Chelsea."

Napatingin siya sa akin. Gusto kong humalakhak ngunit mas gusto kong pumasok bukas nang walang galos ang mukha.

"She must be annoyed when you mentioned me..." Uh oh. Kilala niya talaga si Chelsea.

"Inirapan nga niya ako," sagot ko.

"Ulol! Tara na nga..." mas binilisan niya ang paglalakad.

Pagkapasok namin sa mall ay agad na dumiretso kami sa department store. Kumuha ako ng cart at ako ang nagtulak. Pambawi man lang. Kalimitan kasi ay inaabot muna kami ng sampong minuto sa pagtatalo kung sino ang magtutulak sa cart.

"Listahan?" tanong ko.

Kinuha niya sa bulsa ang isang papel na may listahan ng mga bibilhin namin. Maraming napapatingin sa amin habang nasa meat section kami. Baka maging headline kami sa balita mamaya... Dalawang ubod na gwapong lalaki, namataan sa isang mall na namimili.

"Bagong dating lang ba 'to?" tanong ni Ryde sa babaeng nagbabantay habang nakaturo ang kamay niya sa pork.

Napangisi ako dahil mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Y-Yes sir... Kanina lang po 'yan."

Napangisi na lang ako nang hawakan ni Ryde ang pork at bahagya niyang inilapit 'yon sa kanyang ilong para amuyin. Mabilis din niyang ibinaba 'yon at umalis. Sumunod naman ako.

Don't lie like you are fresh to a culinary student... They have an advanced sense of smell.

"Ibalik mo na 'yang cart..."

"Yes, boss!" Sumaludo pa ako sa kanya bago ibinalik ang cart.

Lumabas na kami ng mall at alam ko na kung saan kami pupunta. Pumara kami ng taxi at sinabi ang pinakamalapit na palengke. Minsan ay mas bago pa ang mga tindang karne roon.

"So... Mas inuna mo pa ang pagpunta kina Led bago dumiretso sa akin?" Ramdam ko ang inis sa kanyang boses

Inaayos niya ang relos sa kanyang palapulusuan.

"Hush, baby... You are still my priority." I whispered.

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay.

"Gusto mo bang ihulog kita rito? Ba't mas inuna mo ang pagpunta kina Led?"

"I forgot! Minsan ay may mga bagay talaga tayong nakakalimutan! Pero naalala ko naman agad, hindi ba? Come on, baby... Let's move on."

Napangiwi ako nang batukan niya ako. Pagkarating namin sa palengke ay dumiretso kami sa meat section. Mga nakangiting tindera ang agad na tumambad sa amin.

"Anong sa inyo pogi?"

Isa 'yan sa mga nagustuhan ko rito... Nag-iiba ang pangalan ko.

Sinuri namin ni Ryde ang mga pork bago nakipag-negotiate sa kanila. Tumawad kami sa presyo pero hindi naman gaanong mababa. Sa presyong abot lang ng budget namin.

"Salamat po..." nakangiting sabi ni Ryde kay Ate na nagtitinda.

"Balik kayo, ah?"

"Sigurado po 'yan..." Tugon ko.

Pumunta naman kami ni Ryde sa mga gulay. Halos humugis puso ang mga mata namin nang makita ang mga makintab at luntiang gulay. Ito ang maganda sa paningin namin.

Matapos naming mabili lahat ng sadya namin ay pumunta na kami sa bahay ni Ryde. Inayos namin ang mga pinamili namin sa loob ng refrigerator dahil bukas pa namin kakailanganin ang mga ito.


Iniwan ko si Ryde sa loob ng kusina at pumunta ako sa salas kung nasaan si Tito Randy na nanunuod ng Naruto.


"Tito... Pakilipat naman sa Sports. May laro ngayon eh."


"Doon ka sa kwarto ni Ryde manuod."


"Pwede po?"


"Sige lang... Baka gamitan na kita ng jutsu at mawala ka na lang bigla rito."


Tumawa ako bago tumakbo papasok sa kwarto ni Ryde. Mabilis na binuksan ko ang TV at pinanuod ang sinusubaybayan kong laro sa NBA.

Nasakalagitnaan ako ng panunuod nang mag-vibrate ang phone ko. Mabilis na kinuha ko ito sa aking bulsa.

Kumunot ang noo ko nang makita ang message ni Daddy na umuwi na raw ako. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko.


Hindi na ako nakapagpaalam kay Ryde at agad na akong lumabas ng bahay nila. Nasa iisang subdivision naman kami kaya kahit lakarin ko lang ang bahay namin ay pwede pero takbo ang ginawa ko.


Pagkapasok ko sa gate ay agad na sumalubong sa akin ang isang lalaking doktor. Tumango lang ito sa akin bago dumiretso palabas ng gate.

Lumapit ako kina mommy at daddy.

"What happened?"

"Bigla na lang kasi nanakit ang dibdib ni Irene..." Sagot ni mommy.

Mabilis na pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto ni Irene. Nadatnan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa labas ng bintana.


"You are panting heavily..." she said, without looking at me. "How does it feel to run without worrying you might get suffocated?" She looked at me.


Kahit papaano ay humupa na ang pagod na nararamdaman ko at nawala na rin ang hingal ko.


"What happened?" I sat beside her.

She shook her head before turning her eyes away from me.

"Pinagod mo ba ang sarili mo?" tanong ko.

Muli siyang umiling nang hindi man lang tumitingin sa akin.


"Bakit tumawag ng doktor sina Mommy?" muli kong tanong.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at pagbagsak ng kanyang tingin ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Nakakapanibago ba na may doktor sa loob ng bahay niyo?" Muli siyang tumawa. "I am sorry for being here...".

Humarap siya sa akin. Halos manghina ako nang makita ang pamumuo ng luha sa kanyang mata.

"Jude... I am suffocated with my life." Her fists were clenched.

"Then breathe..." I said, straight into her eyes. "Breathe, Irene..."


Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanyang mga naguguluhang mata.


"How to breathe? I have no idea, Jude..." Pumatak na ng tuluyan ang mga luha sa kanyang mata.


"I can be your oxygen..." I whispered, unconsciously.


She froze, with her confused look.

"W-What do you mean, Jude? I am lost." She faked a laugh.

"I can be your oxygen every night..."

"Jude..." Umiling siya sa akin. "Please..."

Huminga ako nang malalim.

"I can be with your escape every night... And we will start it later..."

Hindi ko siya masasamahan tuwing umaga dahil may pasok ako. Sa gabi ko lang siya kayang ilabas.

Halata pa rin sa kanyang mata na naguguluhan siya.

"Gusto kong makita mo kung gaano kaganda ang mundong ito."

Her lips slightly parted... I smiled.

"Y-You don't need to do this..."

"But it fucking feels I have to... Gusto mo ba o ayaw?"

Tumitig siya sa aking mga mata. Kahit na hindi siya sumagot ay kitang-kita ko na ang sagot sa kanyang mga mata.


"Yes, Jude..."

I nodded my head.

"I'll send you a text... Alright?"

She nodded her head in response.

I let out a heavy sigh. Muli akong tumingin sa kanya. Nakangiti na siya ngayon sa akin.

"Kahit naman hindi gabi-gabi... Kahit na isang beses lang sa isang linggo ay ayos lang sa akin."

Damn... You are so good to get an unfair life. Well... This is life.

"Don't tell anyone about this... Hear me? This is only between the two of us."

Ayokong malaman nila daddy ang mommy ang tungkol dito dahil hindi ko alam kung papayag sila. Saka baka dahil sa nangyari kanina ay mas higpitan nila ang pagbabantay kay Irene.

"Thank you..." Yayakap sana siya sa akin pero mabilis akong lumayo.

Tumikhim ako bago tumayo at lumabas na ng kwarto niya. Bago pa man ako tuluyang makalayo ay muli kong narinig ang pasasalamat sa kanyang bibig.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay mabilis na sumilip ako sa binta. Nang masiguro kong maganda ang panahon ay humiga na ako sa kama.

Gagawin ko ito ngayon pero alam kong darating din ang araw na may lalaking papalit sa akin. Aalagaan siya at tatanggapin nang buo.

It can't be me... forever.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance