Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Kabanata 19: Party

I leaned my back against the wall and crossed my arms in my chest. Klaus was standing in front of me. Pinaglalaruan niya ang apron na hinubad niya. Pagkapasok ko kanina ay agad na hinila ko siya palabas para kausapin.

"So, tell me, Klaus... Ano ba talaga ang kailangan mo kay Irene?"

Sinalubong niya ang tingin ko.

"Kaibigan?" hindi siguradong sagot niya.

Bumali ang leeg ko dahil parang may kulang sa sinabi niya. Tumikhim ako bago muling nagsalita. "Where did you get her phone number?" sunod na tanong ko.

He gulped. "I sent her a friend request on Facebook and we had conversations there. She gave me her phone number," he said, tensed. "Wait... What's with this confrontation? I didn't do anything horrendous to her," dipensa pa niya.

"I am her brother, Klaus, remember? Gusto kong magkasundo tayo para sa kanya."

"Okay. We are friends and she gave me her phone number. We exchanged text messages and one time, we had talked through phone. Satisfied?" He gave me a bored look. "Now, can I go back to work?"

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Irene. Hindi ata alam ni Irene na sa panahon ngayon ay delikado na ang magbigay ng mga personal information katulad ng phone number sa isang estranghero.

I cleared my throat.

"So, just friends?" paninigurado ko. "You have no plans of crossing the line?" I retorted.

I saw how his face suddenly turned into a cold one. Parang nawalan siya ng interest at bahagyang nakaramdam ng pagkainis. Bumuntong-hininga siya bago mahinang tumango.

"Gusto ko siyang ligawan," bulong niya.

"Ginagago mo ba ako?" Dumiretso ako ng tayo at sinamaan siya ng tingin. Nabahala naman ang mukha niya. "Ang sabi mo ay kaibigan lang tapos ngayon sasabihin mo na gusto mo siyang ligawan?"

"Ang sabi niya ay kaibigan lang ang pwede sa akin! We can be friends but not more than that." Bahagyang tumaas ang boses niya. Lumunok siya bago bahagyang umiwas ng tingin. "Wala na. Hindi ko naman siya pipilitin kung kaibigan lang talaga. I still know how to respect decisions."

Muli niya akong binalikan ng tingin. "Then what's with the secret rendezvous?" I arched both my eyebrows. "Is that what friends do?" I mocked him. "

Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?" He retorted.

I smirked. "Alam ko na, Klaus. Palihim kayong nagkikita," naiiling kong sabi. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Wala naman sa akin kung kaibigan lang pero pakiusap, huwag palihim," mataos kong pakiusap.

"Wait..." Bahagya siyang natawa. "I don't understand. Hindi pa ako nakipagkita sa kanya, I mean... Personally."

Natigilan ako sa sinabi niya. "I told you not to lie, right? It's okay with me. Basta huwag na lang mauulit," dumiin ang boses ko.

"We just had chats but I have not invited her yet to go out. The last time we had engagement was when I introduced myself to her. Remember?" He glared at me.

Sumeryoso ang tingin ko. Tumitig ako sa kanyang mga mata at pakiramdam ko ay nagsasabi siya ng totoo. "You know I love my sister, right?"

"Of course, and you may not know me deep down than what you see... I am telling the truth." He looked into my eyes, sincerely.

Tumango na lang ako at inaya na siyang bumalik sa trabaho. Habang nagtatrabaho ako ay hindi ko mapigilang isipin kung sino ang kinikita ni Irene sa labas. Ang akala ko ay si Klaus at inamin na rin niya.

What's with the another lie?

I didn't dare to ask Irene to open up to me because I still believe in her, she won't do something that will hurt her. But deep inside, I am still hoping she will approach me voluntarily.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. I was wearing a gray polo shirt paired with a dark navy blue feather design shorts. I unbuttoned the first two of my polo. I fixed my hair and sprayed a perfume. I practiced myself.

I heard a few knocks from the door before it opened. Pumasok si Mommy na malawak ang ngiti. She was wearing a floral white dress that suit her fair complexion, and there was a shades on her head.

"Whoa. You look stunning mom," I grinned, widely.

She just laughed while approaching me.

"You look hot, son..." I laughed when she gave me a tight hug. "Happy birthday, my baby..." I giggled when she throw kisses on my cheeks.

"Mom..." Natatawa kong pigil sa kanya.

"Hey, hey..." Pumasok si Daddy. Gaya ko ay naka-polo shirt din ito at white shorts. Tumingin sa akin si Daddy. "Whoa... I look damn hot, right, son?" He chuckled.

"Is that compliment supposed to be mine?" I smiled when he hugged me.

"Fine. You are damn hot today, son... Happy birthday."

"Masyadong hapit sa hita mo ang shorts mo, Ronie," puna ni Mommy sa suot ni Daddy.

Tumawa lang si Dadd. "Not really, Hon." Sinubukan pa niyang akbayan si Mommy pero hinawi agad ni Mommy ang kanyang kamay.

Mom rolled her eyes. "Kunwari ka pa, gusto mo lang mang-akit."

Humalakhak ako nang yakapin ni Daddy si Mommy. Nakatingin lang ako sa kanila habang naghaharutan. Nagpaalam akong lalabas na ng kwarto pero mukhang hindi nila ako narinig dahil sa paghaharutan nila. Lumabas na lang ako at iniwan sila sa loob ng kwarto ko.

Saktong kalalabas lang din ni Irene sa kanyang kwarto. Nagtama ang mga paningin namin. Mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. She was wearing a plain sky blue dress and a fair high heels.

"Hey..." I greeted her.

"Happy birthday," she said, shy.

Tumawa ako bago inilawak ang aking dalawang braso. "Wala ba akong yakap dyan?" nakangisi kong hamon sa kanya. "Come on, Irene. Give your little brother a sweet hug."

Ngumiti siya bago lumapit sa akin. She hugged me but I was the one who tightened the grip. Mabilis na nasinghot ko ang maamo niyang pabango na malamang ay dumikit na rin sa akin.

"Ang gwapo mo," nakangiti niyang bati pagkatapos ng yakap.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Oh well..." I laughed. "And you look like a princess ready to go in a castle where the prince charming is waiting," pang-aasar ko pa.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa resort na paggaganapan ng party. Nag-text na rin sina Ryde na papunta na. Nasa backseat kami ni Irene habang nasa gilid ni Mommy si Daddy na nagmamaneho.

"8 P.M, we will also depart," nakangiting sabi ni Mommy habang nakatingin sa amin sa rear view mirror. "Enjoy your freedom..."

"Why not 5 P.M, mom?" biro ko.

"Okay. 10 P.M," sinamaan niya ako ng tingin.

"Kidding..." Ngumisi ako.

"How 'bout you, Irene?" tanong bigla ni Daddy kay Irene. "Sasabay ka na ba sa kanya o sa amin?"

Napatingin din ako kay Irene. "Wait... Uuwi ka na rin agad?" tanong ko sa kanya. "Stay, please..."

"I don't know... I am not really into party," simple niyang sagot.

"Kahit na ako naman ang may party?" Sumimangot ako at kunwari ay nagtampo. "Okay. Sabi mo eh."

Narinig ko ang pagtawa niya. "Let's see, Jude..."

"I invited Klaus," I mumbled on her ears.

Napatingin siya sa akin. "Why not? He is your friend too, right?" she asked.

"I invited him for you," pagtatama ko.

Mahinang tumango na lang siya. Pagkarating namin do'n ay sinalubong agad kami ng mga imbitado. Mga katrabaho at kaibigan nila Mommy at Daddy, mga kaklase ko at mga tropa.

"Thank you," ngumiti ako sa mga bumabati.

Hinila naman ni Mommy si Irene at ipinakilala sa iba. Mukhang nahihiya si Irene base sa payak niyang ngiti at ilang na tawa. Pinuntahan ko sina Ryde, Chelsea, at Jux na kasama ang iba pa naming kaklase.

Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat sa mga bati nila. May iba pang nakipagbiruan.

"Hey..." Lumapit sa akin si Chelsea. She was wearing a plain yellow dress. "Happy birthday, Jude..." She hugged me. Bahagya kong inilapit ang ilong ko sa kanyang batok habang nakatingin kay Ryde.

Ngumisi ako kay Ryde na nakatingin sa amin. Ipinakita niya sa akin ang isang daliri niya na nasundan pa ng isa hanggang sa maging tatlo. Mabilis naman na humiwalay na ako kay Chelsea nang makatatlo na siya.

"Thanks," I said to Chelsea.

Nakangising lumapit naman sa akin si Ryde. "Ang gwapo ko," nakangiti niyang sabi. "Sobra..."

"Birthday ko ngayon, Ryde." I cleared my throat.

"Ang gwapo natin," ngumisi pa siya. "Happy birthday, Judeus Poris Clavez."

Humalakhak kaming sabay. Binigyan niya ako ng saglit na yakap at kulang na lang ay bumuga ako ng dugo dahil sa pagtapik niya sa likod ko. Tinulak ko siya palayo. Tinawanan lang ako ng gago.

"Mamaya ah?" pagpapaalala ko.

"Damn. I am so thrilled." He winked.

Bumati rin si Jux at ang iba pa naming kaklase na kararating lang. Nasa isang pabilog na table sila. Umupo ako sa bakanteng upuan tabi ni Chelsea na busy sa kanyang phone.

"Happy birthday daw sabi ni Kuya Led," sabi niya.

Tumango lang ako. Hinanap ko sa karamihan ng mga tao si Irene ngunit hindi ko siya makita. Nakapalibot sa engrandeng swimming pool ang mga bisita at halos pagalawin na rin ng mga stereos ang lupa dahil sa lakas ng tugtog.

"How's Irene?" biglang tanong ni Chelsea.

"Cool," I answered.

"Binigyan niya nga pala ako ng cookies," bahagya siyang natawa. "Pero si Ryde lang ang halos na kumain."

"Sinisiraan mo naman ako sa kaibigan ko eh," biglang singit ni Ryde na kararating lang. May hawak siyang wine glass sa kamay. Umupo siya sa kabila ni Chelsea. "Baka akala ni Jude, ginugutom kita."

"Hindi ba, Ryde?" Nakangisi kong pang-aasar. Pinasadahan ko ng tingin si Chelsea na nakanguso. "Nakakasilaw naman ang kulay ng suot mo," bati ko.

Tumaas ang dalawa niyang kilay kaya napatikhim na lang ako. "Shut up, Jude..." She rolled her eyes.

"That's her favorite color, Jude... Yellow," ngumisi si Ryde. "Actually pati ang..."

"Ryde..." Pinanlakihan siya ng mata ni Chelsea. "Do you want to go home, Love?" Chelsea warned him.

Ryde cleared her throat. "Kidding, Love." Mabilis na hinalikan niya pa si Chelsea sa pisngi.

Tumayo ako at nagpaalam na hahanapin si Irene, sinabihan ko na rin sila na kumain na. I roam my eyes around. Marami pa ring bumabati sa akin at nakikipag-usap kaya mabagal ang usad ng paghahanap ko.

"Enjoy po," sabi ko sa isang kausap ko.

Napatingin ako sa isang cottage. Naroon sina Irene at Klaus na nagtatawanan, sila lang dalawa ang naroon. Nakita kong umiling si Irene nang abutan siya ni Klaus ng wine. May sinabi pa si Klaus dahilan ng pagtawa ni Irene.

"They are friends..." I mumbled to myself.

I shook my head and averted my attention. I will try not to meddle on Irene's life as long as I can. Aara was right, she needs to have a life without me holding a pen and drawing lines for a limitation.

Sinamahan ko na lang ang mga kaibigan ko na kumain. Tinawag din ako ni Daddy para pumunta sa harap at magsalita. Nakangiti ako buong araw at hindi lumilipas ang isang minuto na hindi ko sinusulyapan ang relos ko.

"Ayaw mong mag-swimming?" tanong ni Ryde habang nakatingin sa ibang bisita na nasa pool na.

"Mamaya na. Pag-umalis na sina Mommy."

Masyadong excited naman ang isang 'to, gusto lang niyang ipagmayabang ang katawan niya kay Chelsea. Nagpaalam ako kay Ryde na may pupuntahan lang. Naglakas-loob akong puntahan sina Irene na hindi na lumabas sa cottage.

"Hey, Mr. Clavez," inabot ko ang kamay ni Klaus. "Happy birthday," bati niya pa.

I nodded my head.

"Kumain na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi mo ba tatanungin kung nakailang dagdag si Irene?" nakangising tanong ni Klaus. "Sabagay, baka laging cookies na lang ang kinakain niya."

Namula naman ang mukha ni Irene at pasimple siyang siniko. Mukhang mas nagkakamabutihan na sila ng loob. Ramdam ko rin na komportable si Irene sa kanya.

"Mukhang sasabay ka na sa akin umuwi, ah?" nakangisi kong sabi sa kanya. "It's okay. Have fun," I smiled.

"Oo na... Sayang naman ang suot ko kung hindi ko rin magagamit," sabi niya.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Naka-swimsuit si Irene sa loob," humalakhak si Klaus nang sapakin siya ni Irene. "What? Normal lang naman 'yan dahil pool party ang pinuntahan mo. Ang masama ay walang tubig sa pinuntahan mo tapos naka-swimsuit ka."

Napatitig ako kay Irene, naguguluhan. "Hindi mo sinabi sa akin na may balak ka palang magbasa ngayon." Bahagya akong natawa.

"Don't tell me you will also forbid me to swim?" nanunuyang tanong niya.

Bahagyang bumali ang leeg ko dahil sa talim ng boses niya. Napaiwas naman ng tingin si Klaus na uminom na lang sa wine glass.

"Do what you want then," tipid kong sagot.

"Sure, Jude." Nginisian pa niya ako.

Wala pang 8 P.M ay pakonti na rin nang pakonti ang mga taong imbitado nila Mommy at Daddy. Nakaupo kami ni Ryde sa gilid ng pool at nakababad ang mga paa namin sa tubig. Bahagya na rin kaming nabasa dahil sa talsik mula sa mga nasa pool.

"What's wrong?" biglang tanong ni Ryde. "Bakit parang bigla kang naging matamlay?"

Hindi ako nakasagot. Tumingin ako kina Klaus at Irene na nasa kabilang bahagi ng pool. Gaya namin ay hindi pa rin sila nagbabasa. May tinitignan sila sa phone ni Klaus. Ngumuso si Irene at sinapak ang balikat ni Klaus. Nanliit ang mata ko nang makitang gumapang ang kamay ni Klaus sa braso ni Irene.

"Sino 'yong kasama ni Irene?" tanong ni Ryde. "Boyfriend?"

"Si Klaus. Katrabaho ko at kaibigan ni Irene," sagot ko.

Napatingin ako kay Ryde. "Bagay sila..." bigla niyang sinabi.

"They are just friends," mabilis kong sabi.

Napatingin sa akin si Ryde. "May problema ka ata kay Klaus eh," pang-aasar pa niya. "Hindi ka ba boto sa kaniya? Mukha namang maayos ang mokong. Kung ikukumpara sa akin, medyo may itsura siya."

"Ang sabi niya ay kaibigan lang sila," muli ko silang tinignan. Nagtatawanan na sila ngayon. "Pakiramdam ko ay ginagago nila ako. May magkaibigan bang ganiyan?" Natawa ako.

Naramdaman kong umakbay sa akin si Ryde. "Don't tell me you are jealous of the guy?"

Siniko ko siya na ikinatawa niya lang. "It's not like that... Parang kasing may itinatago sila sa akin." Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Bumagsak ang tingin ko sa tubig. "I don't know... I just hate this feeling."

"Don't stress yourself, birthday boy. A princess will walk in later. You don't want to be her knight in crying armor, do you?"
Mayamaya rin ay nagpaalam na sa akin sina Mommy at Daddy. Medyo binawasan na nila ang mga alak na ngayon ay limitado na lang. May mga guard din sa labas para kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan.

"Enjoy, son..." Kinindatan ako ni Daddy.

"Ano na namang sinesenyas mo, Ronie? Halika na nga," saka na siya hinila ni Daddy.

Pagkawala nila ay biglang tumayo si Ryde. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at sumigaw. "Let's the start the party, madapakah!" He screamed and the sound system became a roars of thunder shaking the floor.

Napatingin ako kay Chelsea na madilim ang tingin kay Ryde. Napailing na lang ako. Hinubad ni Ryde ang polo shirt nita at lumapit kay Chelsea. Hinawakan ni Ryde ang kamay ni Chelsea na namumula na ang mukha.

"Strip or rip, Choose, Love..." dinig kong sabi pa niya.

Pumunta muna ako sa CR kung saan tahimik. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at hinanap sa contacts si Aara. I pressed the call button. Ilang ring ang nasayang bago siya sumagot.

"Hey!" bati ko.

Tumingin ako sa salamin habang kausap siya. Inayos ko ang bahagyang nagalaw kong buhok.

"H-Hey... Happy birthday," bati niya.

"You okay?" tanong ko.

"Actually, I don't think I can make it tonight, Jude..." Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot. "May problema ba? I'll be there, just tell me."

"No. I'm good, Jude. Medyo kasi nagkaproblema rito sa office at baka anong oras na akong makaalis."

"That's fucking fine, just please... Come here," I bit my lip. Parang may bumara sa lalamunan ko. "Please?" I pleaded.

Habang nakatingin sa salamin ay nakita ko ang pagpula sa gilid ng mata ko.

"Pwede naman natin itong i-celebrate sa ibang araw, hindi ba?"

Huminga ako nang malalim at kinalma ang naghuhuramentado kong dibdib. She's right, this celebration can wait.

"S-Sure... It's totally fine," I smiled, bitterly. "Sigurado kang okay ka lang?"

"I'm sorry, Jude. Babawi ako..." And she ended the call.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. Mabilis na pinahid ko ang luhang bumagsak sa mata ko. Huminga ako nang malalim bago lumabas.

Naabutan ko si Ryde sa pool, kasama si Chelsea. Hindi na nila ako napansin. Nilagay ko sa bag ang phone ko bago inalis ang polo shirt ko. SInuot ko ang trunk shorts ko at hinila ang babaeng nakita ko.

Sabay kaming bumagsak sa tubig. I pushed her on the edge of the pool and gave her a hard kiss. Mabilis na kumapit sa akin ang kanyang mga braso. My hands were shaking and I couldn't breathe.

I bit her neck, she moaned. I pulled her underneath the water and kiss her there. Pagkaahon namin ay humiwalay na ako sa kanya. Pinunasan ko ang mainit na tubig sa mata ko bago umahon. This is insane.

"Jude..." dinig kong tawag sa akin ni Ryde.

Hindi ko siya nilingon, dumiretso ako sa loob ng cottage at kumuha ng alak. Umupo ako at tinungga iyon. Pumasok din si Ryde na naguguluhan.

"Hey. You okay?" he asked.

"Tell them to go home," I said.

"What happened?" nag-aalala niyang tanong.

Nagtubig muli ang mata ko. "This is all for her and without her, everything is fucking nothing but shit."

Bahagyang tumagos ang alak sa katawan ko pero hindi ko 'yon pinansin.

"But the party isn't over yet," biglang dumating si Irene.

Napangisi na lang ako nang makita ang swimsuit na suot niya. "Fine," I shrugged my shoulder. "Continue the party." Tumayo na ako at ibinaba ang bote ng alak. "I am going home."

"Uuwi ka na?" napatingin ako sa babaeng nasa likod nila.

Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita si Aara na naka-swimsuit. Her skin was glowing. She was holding a cake on her hand. Nanginig ang buong katawan ko. Bahagyang bumali ang leeg ko.

"Ryde?" tawag ni Aara kay Ryde. "Can you blow the candles? Mukhang uuwi na kasi si birthday boy."

Ngumisi si Ryde. "My pleasure." Hinila ko si Ryde palayo kay Aara nang aktong gagawin nga niya kung ano ang sinabi nito.

Mabilis na iniwas ni Aara ang cake nang yakapin ko siya. Suminghap siya dahil sa pabiglang yakap na ibinigay ko. Narinig ko ang sigawan ng mga tao rito at mga sipol. Mas hinigpitan ko ang yakap.

"Damn... You almost fucking ruin the day," I whispered.

"Jude, blow the candle first," dinig kong bulong niya.

Kumawala ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. Ipinakita niya ang cake sa akin. "This is the reason why I am late, wala akong mahanap na bilihan ng cake. Kakauwi ko lang sa trabaho. I'm sorry.."

"I don't need that cake..."

"I just need you," Ryde cut me out. "Just fucking blow the candle and cut your cringe words," singhal pa niya. "There is still a ceremony after this."

Narinig ko ang tawanan sa mga tao rito.

"Make a wish first," Aara mumbled.

"You are my wish," I shrugged my shoulder. Hinipan ko ang kandila kasabay ng paglakasan ng hiyawan.

Napangiwi ako nang may tumulak sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Ryde dahil nalagyan ang dibdid ko ng icing ng cake. Ngumiwi si Aara dahil bahagya ring tumapon sa kamay niya ang icing.

"Damn you, boy..." Nginisian ko siya.

Nagkibit-balikat lang siya,

"Let's start the ceremony," Ryde winked at me.

Pinagtulungan ako nina Ryde at Jux na ihiga sa gilid ng pool. Napailing na lang ako dahil mukhang alam ko na kung ano ang binabalak nila. Pinaupo nila sa ibabaw ko si Aara na namumula ang mukha.

"Do I really have to do this?" nahihiyang tanong ni Aara.

"Pagbigyan mo na lang sila," natatawa kong sagot.

Napatingin ako kina Chelsea at Klaus na kinakausap si Irene. Kumunot ang noo ko nang makita ang pagpahid niya sa kanyang mata. Tatayo na sana ako nang maramdaman ang kiliti sa dibdib ko.

Aara was licking the icing on my chest while looking at me. Chills started to electrify my sleeping veins. Bahagya akong napaliyad dahil sa kiliti na ginagawa ni Aara.

"Fuck..." I cursed under my breathe.

Humalakhak naman si Ryde at ang mga kasama niya na tuwang-tuwa.

"Please, come home with me," I whispered.

Tumigil siya sa ginagawa niya at humarap sa akin. She licked the icing on her lips.

"Please?" I pleaded.

Tumawa siya bago sandaling hinalikan ang aking labi.

"I will," she whispered. "You are going home with me."

Itunalak ko siya sa pool bago sumunod. I kissed her underneath the water. Ipinulupot niya ang kanyang braso sa leeg ko at idiniin pa lalo ang labi ko sa kanya. Ipinulupot din niya ang kanyang mga binti sa akin.

"Let's start the party?" she winked at me.

Umahon kami at dinaluhan ang karamihan sa mga kasama namin. Kinuha ko ang towel sa bag ko at inabot 'yon kay Aara. Lumapit ako kay Chelsea.

"Where is Irene?" I asked her.

"Huh? Kasama ni Klaus," sabi niya. "Mukhang may problema si Irene ah. Kausapin mo kaya?"

Tumango ako. Hinanap ko siya sa mga narito ngunit bigo ako. Hindi ko rin mahagilap si Klaus. Pumunta ako sa likod para mag-CR.

Natigilan ako nang makita ang dalawang tao sa bandang gilid ng CR. Humahagulgol si Irene habang kausap si Klaus.

"Calm down, Irene..."

"He's not my brother, Klaus..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance