Kabanata 17
Kabanata 17: Insane
I gripped the pullup bar tighter as I pushed my bodyweight up, reaching the bar height with my chin, then lower down myself. I was panting heavily and the sweat from my skin felt good. I tried to avoid my gaze at the girl on the treadmill but damn... That ready-to-rock body was just sizzling in fire to resist.
I bit my bottom lip as I watched how she moves that body.
I looked at the two damn boys beside me, they were both staring at her too. Nagpupunas ng pawis si Ryde habang nakatingin sa babae, habang si Gizo naman ay nagbubuhat pero ang ulo ay nakatagilid para pagmasdan ang babae. Pinakawalan ko ang kapit mula sa bakal at naghabol ng hininga. Masyadong mabilis ang pagtaas-baba ng balikat ko dahil sa pagod.
"Hey..." I tapped Gizo's shoulder to get his attention. Binitawan niya ang bakal bago umayos ng tayo. Nginisian niya niya ako at pasimpleng nginuso ang babae. "Hindi ba uncle mo ang may-ari ng bar na ito?" tanong ko.
Bahagya naman siyang tumango. "Bakit?"
"I mean... Is this gym for both men and women? Wala bang separate workout station for girls?" I asked. Kinuha ko ang towel sa gilid ng bakal at nagpunas ng pawis.
Narinig ko ang halakhak ni Ryde sa likod ko. Naabutan ko siyang nagpupunas ng pawis sa mukha. "Distracted huh?" Pang-aasar pa niya habang nakangiting aso.
"Who wouldn't be distracted by those big butts, Ryde?" I smirked. "Parang gusto ko siyang tulungan sa pagtakbo. I can't fucking focus on my own shits. Oh, well..." I roam my eyes to the other guys here.
Sabay silang tumawa dahil sa sinabi ko. Naabutan kong nakatingin sa amin ang babae, nang mahuli ko ang titig niya ay mabilis din siyang umiwas. In-off niya ang treadmill at kinuha ang towel sa gilid para punasan ang kanyang leeg. The way she moves her hand with the towel to wipe away the sweat from her neck and nape was seducing. Alam kong sinasadya na niya dahil alam niyang halos lahat ng lalaki rito ay nakatingin na sa kanya.
Nakasuot siya ng puting damit na ang tinatakpan lang ay ang kalahati ng kanyang katawan pataas. Dahil pawis siya ay bakat ang bra sa kanyang damit. Masyado ring hapit sa mga binti at hita niya ang jeans na suot niya.
I gulped as I looked away.
"Gago, kunwari ka pa," sinapak ako ni Ryde sa balikat. "Kung makatitig ka parang hinuhubaran mo na s'ya."
"Kanino ba siya?" nakangising tanong naman ni Gizo.
Napatingin kami sa bagong pasok lang na babae. Pinasadahan niya ng tingin ang mga naglalaway na lalaki bago pumirmi ang tingin sa babaeng nagpupunas pa rin ng pawis. Lumapit ang bagong dating na babae sa kanya. Nag-usap sila. Nawala ang ngiti sa labi ng mga lalaki rito nang makitang naghalikan ang dalawa.
"Okay?" Umiwas ng tingin si Gizo na natatawa. "Hindi pala tayo ang type," nakangisi pa niyang sabi.
Napailing na lang ako bago tumalikod at lumapit sa bench kung nasaan ang mga tubig namin. Sa sobrang pagod ay isang lagukan lang ang nagawa ko sa isang bote ng tubig. Sumunod naman sina Gizo at Ryde. Nakangisi pa ang dalawang gago.
"Ba't nakatalikod sa atin ang treadmill?" tanong ni Ryde bago uminom ng tubig. "Paki ayos sa susunod, Gizo. Iharap mo sa atin..." Natatawang sabi ni Ryde matapos maubos ang tubig.
Kinuha ko ang aking cell phone sa gilid. "Ano kayang ginagawa ngayon ni Chelsea?" tanong ko habang kunwari ay nangangalikot sa phone.
Tumikhim si Ryde bago hinawakan ang balikat ko.
"Walang ganyanan, Jude... Hindi ka mabiro eh," ngumuso pa si Ryde. Akala naman ng gago ay makukuha niya ako sa paawa.
"What? I am just going to ask if she wants some news about her boyfriend," I snickered.
Sumeryoso ang tingin ni Ryde. Ngumisi ako sa kanya.
"Lagot..." pang-aasar pa ni Gizo sa kanya. "But I will consider your suggestion. Pagbalik natin ay nakaharap na sa atin ang treadmill."
Napailing na lang ako. Inabot pa kami ng tatlumpong minuto bago napagpasyahan na tumigil na. Sabay-sabay kaming pumunta sa CR ng gym para magpunas. Nakatutok na si Ryde sa kanyang phone habang nakasandal sa lababo.
Hinubad ko ang damit ko at nagpunas ng pawis habang nakatingin sa malawak na salamin. Sa bahay na lang ako maliligo, may lakad pa pala ako mamaya. Matapos kong magpunas ng pawis ay nagpalit na ako ng damit.
"Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Gizo. "Shot muna... Tagal na ng huling shot natin eh."
"Pass muna, may gagawin pa ako," sabi ni Ryde bago kinuha ang kanyang bag at isinakbit na sa kanyang balikat. Tumingin siya sa akin. "Tara na," aya niya pa sa akin.
Umangal pa si Gizo pero wala na rin naman siyang nagawa. Sabay kaming lumabas ng gym ni Ryde. Pagkarating namin sa parking lot ay mabilis kong pinatunog ang sasakyan. Si Ryde ang unang pumasok bago ako sumunod. Naabutan ko siyang nag-aayos ng buhok habang nakatingin sa rear view mirror.
"Ibaba mo na lang ako sa Yume," sabi niya nang hindi ako nililingon.
Isinuot ko ang seatbelt. I put my car in ignition and maneuvered it out of the parking lot. Bahagya kong binilisan ang pagmamaneho ng sasakyan ko pagkalabas. Sinulyapan ko ang phone ko. May mga notifications pero wala namang importante kaya binalewala ko ang mga 'yon.
"Lapit na birthday mo," biglang sabi ni Ryde. Sumandal siya at pinaglaruan sa kamay ang kanyang phone. "Anong plano?" tanong pa niya.
"Party?" I shrugged my shoulder.
"Yes!" Tumawa siya bago sumuntok sa hangin. "Wala akong regalo ah? Ito na lang friendship..." Siniko ko siya nang niyakap niya ako.
"It's okay pero tutulungan mo ako..." Tinapunan ko siya ng tingin.
Tumawa siya. "Don't tell me babalik na si Aara?" Pang-aasar niya.
"She will..."
"Damn. And you are going to surprise her?"
"I will text you the details," I grinned.
"Anything." He chuckled.
Ibinaba ko siya sa lugar na sinabi niya. Napangisi ako nang makitang halos tapos na ang restaurant niya. Wala na ring isang buwan ay magbubukas na ito. I guess I need to prepare my resignation letter. Gusto ko ring magtrabaho rito kasama siya.
Pagkauwi ko ay naabutan ko sa sofa sa salas si Irene. She was busy on her phone that she didn't even notice my presence. I faked a cough to get her attention. She looked up with surprise on her face.
"Paalis ka na?" tanong niya.
"Actually, kararating ko lang." Tumawa ako.
Tumango siya bago muling tumingin sa screen ng kanyang phone. Gumalaw muli ang mga daliri niya sa pagpindot sa tipahan. Hindi ako nag-abalang lingunin ang screen dahil ayoko namang manghimasok.
"Shower lang ako..." sabi ko bago naglakad papasok sa loob ng kwarto ko.
Ibinaba ko sa lamesa ang bag ko. Pabagsak na umupo ako sa kama at tinulak ang sarili pasandal sa ulunan ng kama. Napangiti ako nang makita ang text ni Tristan. Mabilis na tumalon ako mula sa kama at naghanap ng maisusuot sa closet. Nang makapili na ay pumasok na ako sa shower room.
I turned the mode of the water into a warm one. I looked up and let the strong drops of water to punch my face. As I clean myself, my mind was roaming from a different ideas for my plans. I want Aara's come back to be a memorable one. Pambawi ko na lang dahil wala akong nagawa nung pagbalik niya.
Matapos kong maligo at makapagbihis ay inabala ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. I put a little wax on my hair to fix its style and sprayed a perfume on my wrists, shirt and neck. I ransacked my collection of shoes to get a cool one paired on my pants.
Naabutan kong umiilaw ang phone ko pagkaharap sa maliit na lamesita. Kinuha ko ito at binasa ang message mula kay Thalia. Nang matapos na sa pag-aayos ay kinuha ko na ang aking phone, wallet at susi bago lumabas ng kwarto.
Bumali ang leeg ko nang makita pa rin si Irene sa pwesto niya kanina, tutok na tutok pa rin sa kanyang phone. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko si Aling Soreng na nagluluto.
"Aalis ka? Kain ka muna," aya niya sa akin.
"Sa labas na lang po ako kakain," sagot ko naman.
Matapos kong mapatid ang uhaw ay lumabas na ulit ako. "Why so busy?" I interrupted Irene. "Sino ba 'yang ka-text mo?" I asked, curiously.
Napatingin siya sa akin. Mabilis na gumalaw ang tingin niya sa suot ko bago muling pumirmi sa mata ko ang kanyang atensyon.
"Nick Claus Lemence. Katrabaho mo ito, hindi ba?" nakangiti pa niyang tanong. "Ang saya niyang kausap." She giggled.
Tumaas ang kilay ko bago siya tinapunan ng tamad na tingin. "Stop texting him... Damn that jerk."
"Hey, your words, Jude..."
"Sorry... Please, do not entertain him."
"Why? Mabait naman siya, ah?"
"Where did he even get your phone number?" pabulong ko pang tanong. Lumapit ako sa kanya at tumingin ng seryoso. "If he really is a decent one, he should have got your permission first before sliding in your inbox. Stop texting him. I'm gonna deal with you later. May pupuntahan lang ako."
She nodded her head, gently. Pagkalabas ko ng gate ay pumasok na ako sa sasakyan. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa rear view mirror para tignan ang ayos ko. Wala sa sariling napangiti ako bago kinindatan ang sarili sa salamin.
Naabutan ko si Tristan sa tapat ng isang store ng school supplies. Itinabi ko ang sasakyan sa harapan nila bago binaba ang bintana. "Hop in," nakangiting sabi ko sa kanila.
Pumasok sila sa tabi ko. Napangiti ako nang makita ang kanyang anak sa braso. Nakasubo sa kanyang bibig ang pacifier habang ang kanyang mata ay malikot, bahagya pang sumisipa ang kanyang mga paa.
"Sigurado ka ba rito, pare?" kinakabahang tanong ni Tristan. "Ang akala ko ay hindi pa siya handa?"
Tumikhim ako bago umiling. "Handa man o hindi ang isang ina, hindi niya matitiis na hindi makita ang kanyang anak. Alam mo, pare? Gustong-gusto na ni Thalia na makita ang anak niya pero alam mo na? May takot na sa kanya."
Tumingin ako sa kalsada bago ibinalik ang sasakyan sa pagpapatakbo. Nag-text na rin si Thalia na naroon na sila sa meeting place. Ramdam ko rin kung gaano kakabado ngayon si Tristan.
"What's her name?" tanong ko bago saglit na nginitian ang baby.
"Davina, si Thalia ang nagpangalan no'n."
Napatango na lang ako. "Sana magkaayos na kayo," bulong ko. "Para rin naman ito sa anak ninyo."
Bumuntong-hininga siya. "Ayos naman ako. Mahal ko pa rin naman siya. Kung gusto niyang magkaayos kami, bakit hindi?" malungkot niyang sabi.
"Ito na ang araw na 'yon."
"Salamat dito, pare. W-Wala rin kasi akong lakas ng loob na kausapin siya. Nangangatog nga ang tuhod ko ngayon..." bahagya siyang tumawa.
Pagkarating namin sa isang restaurant ay ipinarada ko ang sasakyan sa parking space malapit sa entrance. Sabay kaming lumabas ni Tristan. Kalong-kalong niya pa rin sa bisig ang kanyang anak.
"Tara na?" aya ko sa kanya.
"Wala na rin naman akong magagawa," natatawa niya pang biro.
Pagkapasok namin sa loob ay mabilis na nahagip ng tingin ko ang dalawang babae sa isang pabilog na lamesa. Napatingin silang dalawa sa akin. Mabilis ding umiwas ng tingin si Aara pero si Thalia naman ay natulala sa lalaking katabi ko, mabilis na nag-unahan ang luha pabagsak sa kanyang mga mata.
Lumapit kami sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Aara. Pinanuod namin kung paano tumayo si Thalia habang nakatingin sa kanyang anak. Hindi niya alam kung paano niya hahawakan ang kanyang anak.
"D-Davina..." nanginginig na tawag ni Thalia sa kanyang anak.
Nakatingin lang sa kanyang ang bata na tahimik lang. Maingat na pinaubaya ni Tristan ang bata sa kanyang ina. Madiing pumikit si Thalia at bahagyang hinigpitan ang yakap sa anak.
"Labas muna tayo?" aya sa akin ni Aara.
Umiling ako at muling tumingin kina Thalia at Tristan na nag-uusap. Napangiwi ako nang hawakan ni Aara ang braso ko at sapilitang itinayo. Pinandilatan niya pa ako ng mata kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya. Lumabas kami ng restaurant.
Mabilis din na binawi niya ang kapit sa akin. "That's their family time. Mas magandang sila na muna bago tayo makisama," sabi niya sa akin habang nakatingin sa malayo.
Napangiti ako. Nahuli niya ang ngiti ko kaya mabilis na tumaas ang mga kilay niya. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. "Pumayag lang akong sumama dahil pangbawi kay Thalia sa mga nasabi ko sa kanya. Huwag kang assuming..."
"What? I haven't opened my mouth yet," I chuckled.
She rolled her eyes. "I told you that I can read moves too..."
"So... Let's have a walk?"
Nauna siyang maglakad sa akin kaya mabilis na sumunod ako, pinantayan ko ang lakad at sinabayan ang kanyang bilis. Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa loob ng bulsa ng pants ko. I couldn't hide away my smile.
"May resort na malapit dito," sabi ko. Hindi niya ako pinansin. "May butterfly garden doon."
"I am not into butterflies..." pagsusungit niya.
"They are not into you too," I laughed a bit.
Napatikhim ako nang tignan niya ako nang masama. "Okay. Sige. Naubusan na rin ako ng idea para sa sketch. I'm getting bored."
Pumunta kami sa resort, ako ang nagbayad sa entrance fee at hindi naman siya umangal. Halos sa swimming pool ang bagsak ng lahat ng tao kaya konti lang ang nasa butterfly garden. Mabilis na kinuha ni Aara ang kanyang phone sa bulsa at lumapit sa isang paruparo na kulay itim.
"Weird. Hindi ba kaluluwa ng mga namatay ang itim na paruparo?" tanong ko.
"Mukha ka pang kaluluwa kesa sa inosenteng paruparo na sinasabi mo, Jude..."
Nakatingin lang ako sa kanya habang kinukunan niya ng litrato ang paruparo na nakadapo sa isang sun flower, kulay itim ang buong pakpak no'n. Iba't-ibang anggulo ang kuha ni Aara hindi katulad ng isa ibang nagpipicture dito na iisa lang.
Umupo ako sa tabi niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang biglang lumipad ang paruparo at lumayo. Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Aara.
"See what you just did? What a bad spirit," she glowered.
Napakamot na lang ako sa ulo bago sumunod. Naabutan ko siya sa kinukunan ng litrato ang isang kulay asul na paruparo, katamtaman lang ang laki no'n kung ikukumpara sa iba rito na higante.
"Don't move..." Aara warned me.
"Whoa. Noted." Napataas naman ang dalawa kong kamay bago nanatiling nakatayo sa likod niya. Marahan ko ring ibinaba ang kamay ko para hindi mabulabog ang paruparo.
"Alam mo ba kung ano ang tawag sa kulay asul na paruparo na 'yan?" tanong ko.
"I told you, I am not into butterflies. How the hell would I know?" Pabulong na sabi niya pero may diin.
Matapos niyang makunan 'yon ay humarap na siya sa akin.
"Blue butterfly," I smiled.
"Are you trying to be funny?" She arched her brows. "Nice try..." Ngumisi siya bago lumipat.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na siya sinundan. Inabala ko ang tingin ko sa kung gaano kaganda ang lugar na ito. Konti lang ang mga tao. The flower arrangements were breathtaking heaven. It feels like we are in the other side of the world, a dream.
"Hey..." Napalingon ako nang may kumalabit sa likod ko. Tumambad sa akin ang isang babae na may shades na nakalagay sa ulo. She also has a pair of blue hued eyes and a wavy blonde hair. "Can you take me a picture?" she asked with her foreign accent.
"Sure," I smiled.
She lent me her phone. Pumwesto siya sa isang magandang lugar kung saan hagip ang halos lahat ng bulaklak sa kanyang likuran. "Smile..." I said. She opened her arms widely.
I clicked the capture button multiple times and she did different poses after the shutter sound. Nahawa ata ako ng malawak niyang ngiti dahil napangiti rin ako.
"Thanks..." Nagulat ako nang bahagya siyang yumakap sa akin at pumunta sa ibang bahagi ng garden.
Napatingin ako kay Aara na nakabusangot habang nakatingin sa kanyang phone. Lumapit ako sa kanya. Sinubukan kong sumilip sa mga kuha niya ngunit inilayo niya agad 'yon sa akin.
"Let's go back," she uttered. Itinago na rin niya sa loob ng bulsa ang kanyang phone.
"Gusto mo bang kunan kita ng litrato?" suhestyon ko.
"Ah. Katulad ba ng ginawa mo sa babae kanina? Hindi na. Gutom na rin ako," sabi niya bago tumalikod sa akin. Nagsimula na siyang humakbang palabas. Masyadong malalaki ang mga hakbang niya.
Pagkalabas namin ng resort ay bahagyang bumagal ang kanyang mga hakbang. Sumabay ako sa kanya.
"Nagugutom na rin ako," bulong ko.
"Nakakagutom pala ang pagkuha ng litrato ng ibang babae," natatawa niyang bulong.
"Mas nakakagutom ata ang pagseselos?" ngumisi ako.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Masama ang tingin niya sa akin. Sinubukan kong itago ang ngiti ko dahil baka mas lalo pa siyang mainis. Umiling siya bago muling naglakad.
Pagkabalik namin sa restaurant ay nagtatawanan na sina Thalia at Tristan. Nasa kalong pa rin ni Thalia ang kanyang anak. Napatingin sila sa amin nang umupo kami.
"Order na tayo?" tanong ko kay Aara.
"Gutom na ako kaya sige lang, huwag ka munang um-order," sarkastikong tugon niya.
Natawa ako sa inasta niya. Tinawag ko ang waiter at nag-order na kami. Inabala naman ni Aara ang kanyang sarili sa paglalaro kay Davina. Nagsalubong ang tingin ni Thalia nang mapatingin ako sa kanya.
"Saan kayo galing?" tanong ni Thalia.
"Sa labas lang. Sinamahan ko lang si Jude na kunan ng litrato ang ibang babae," si Aara ang sumagot.
Bahagya kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa pero ang hindi ko napigilan ay ang pagguhit ng ngiti sa aking labi. I didn't know Aara's jealousy could make me feel better.
Tahimik na kumain kami ni Aara nung dumating na ang order namin. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako gutom kaya konti lang ang kinuha ko, habang si Aara na ang halos kumain sa lahat.
Ako ang naunang natapos kumain. Hindi kami pansin ni Aara na kumakain pa rin.
"Ah, Jude?" tawag sa akin ni Thalia. "Pwede mo muna bang hawakan si Davina? May pag-uusapan lang kami ni Tristan?"
I gulped. "S-Sure..." Lumapit siya sa akin at pinahawak si Davina. Hinalikan niya muna ito sa noo bago sila umalis ni Tristan.
Hindi ako makakilos sa inuupuan ko habang yakap-yakap ang baby. Napatingin sa akin si Aara, kumunot ang noo niya habang nagpupunas ng tissue sa bibig.
"Mukha kang tuod, ayos ka lang?" tanong niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang maging malikot si Davina. Kinandong ko siya sa akin pero parang dumudulas siya. Inatras ko ang upuan at mahina siyang itinaas muli sa kandungan ko. I was bit nervous that I might suffocate her if she would persist to make sudden movements like kicking feet, waving hands and shaking body.
Nabitawan niya ang pacifier na dumulas sa sahig. Napangiwi ako nang mag-umpisa ng umiyak ang baby. Natatawa naman si Aara habang nakatingin sa akin.
"Shhh... Huwag kang malikot, bahala ka mahuhulog ka," bulong ko dahil nagwawala na siya sa yakap ko. "Huy..." Tawag ko kay Aara na nakatingin lang sa akin. "I think she needs milk."
Tumaas ang kilay niya. "Hindi sa akin ibinilin 'yan," nagkibit-balikat siya pero halata ko ang patago niyang pagkagat ng labi.
Davina started to cry, loudly. Wait... No. She's not crying, just making annoying sound. Walang luha eh.
Napangiwi ako nang mapatingin sa amin ang ibang kumakain. Mas lalong gumalaw ang kanyang katawan. Ngumuso ako habang nakatingin kay Aara. Tumayo si Aara at lumapit sa akin.
"Marunong gumawa ng bata pero hindi marunong mag-alaga," bulong niya habang ibinibigay ko sa kanya si Davina.
Inakay niya ito sa kanyang braso, nanatili siyang nakatayo. Tumigil sa pag-iyak ang baby lalo na nung bahagya niyang igalaw ang pagbuhat sa kanya. Nakahinga naman ako nang maluwag.
Kinuha ang pacifier na nahulog at itinabi sa gilid ng lamesa, hindi na niya ito magagamit dahil marumi na. Nang tumahan na ang baby ay umupo na ulit si Aara. Inumpisahan niyang laruin si Davina. Nakatingin lang ako sa kanya.
"What's with that smell?" tanong ni Aara. Ngumiwi ang kanyang labi bago tamad na tumingin sa akin. "May laman na pala ang diaper niya. Wait me here..." Kinuha niya ang kulay asul na bag sa gilid at naglakad papunta sa CR.
I rested my back on the chair as I tapped my finger on the table, I roam my eyes around. Sa kagagala ng mata ko ay nahagip ng mata ko ang phone ni Aara na nakapatong sa table.
I bit my lower lip as I pick it up. Tumingin ako sa CR na pinasukan ni Aara at nang mapagtanto na baka matagalan pa siya at pinagtuonan ko ng pansin ang cell phone niya.
This is not privacy breaching, just curiosity.
I unlocked her phone and it surprised me when it doesn't have a password. Well, Aara is not really into password. I can still remember how frustrated she was back in high school when she borrowed my phone and almost wrecked it in frustration because of the password. She was so impatient,oh well, until now.
I slid in her gallery and found random albums. I opened the recent photos. These are the photos taken earlier at the butterly garden. I was stunned by the photos and how they were perfectly done. I think... I am in love with her shots.
I was smiling while scanning the photos.
Literal na nanlaki ang mata ko nang makita ang isang kuha niya. Isang litrato rin na kuha kanina sa butterfly garden. It was her selfie but what makes me want to scream is.... I was in her background, looking away... She was not looking at the camera... Her eyes were fixed on me... Her lips were smiling.... Her eyes were sparkling.
"Shit..." I whispered.
I was literally shaking... my heart was roughly pounding. This feeling was just too much to handle that I had to put her phone back to its place when my hand turned quite languid. I silently skedaddled the place, I just found myself standing in front of a tree.
I screamed and punched the tree... I winced when the impact made my trembling fist bleed. I suddenly remember when the first time she kissed me, I also punched a wall.
"Poor tree..." Thalia appeared. "Being used to release the fatality of overwhelming feels of love. To make it short... Kinikilig." Tumawa siya.
Kinuha ko ang panyo sa kamay ko at itinali ang kamao ko. Ngumiwi ako nang mas lalong humapdi ito.
"Ask your friend." I smirked. "This is her fault."
"Is this love?" Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
"Insane, right?" I winked.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro