Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Kabanata 16: Saturn

Matapos ng nangyari ay umuwi na rin kami. Tahimik sa byahe, paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin si Irene. Dumiretso siya sa kusina habang ako ay pumasok na sa kwarto ko. Madiin akong pumikit bago pabagsak na umupo sa kama. Kinalma ko ang sarili ko.

The moment my mind absorbed the idea that Irene was not there, where I last seen her, was making me quite chagrin. I should have not let her to be out of my sight. Lalo na ngayon na malabo pa rin ang motibo ng lalaking pumasok sa kwarto niya. We should be more careful.

“Damn…” I cursed under my breathe in frustration.

I heard a few knocks on the door. “Jude? Can I come in?” I heard Irene asked from outside.

Huminga ako nang malalim bago umayos ng pagkakaupo.

“Come in,” I said.

Bahagyang bumukas ang pinto bago pumasok si Irene. Kinagat niya ang babang labi niya bago lumapit sa akin at inabot ang dala niyang isang baso ng tubig. Kinuha ko ‘yon at kinapit sa dalawang palad ko.

“I’m sorry…” she whispered. Umiling siya bago umupo sa tabi ko. She let out a heavy sigh.“I realy hate it when you are mad…And I even more hate it when I am the reason.” Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa braso ko. “I am really sorry, Jude…”

I nodded my head as I gulped the water until its last drop before putting it down to the side table. I let out a heavy sigh for the nth time before turning my attention to Irene. Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa akin.

I looked straight at her weary eyes.

“Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa ‘yo,” bulong ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mata. “You hear me? I swear if something bad happens to you, I can’t forgive myself. You are my responsible after all.”

She arched her brows.

“Is that it?”  Konting ngumiti siya. “You are just worried because you are responsible, that you are the reason why I am still here, and all the blame would be yours when something horrendous happened to me?” I suddenly felt the bitterness on her shaky voice.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat at tumayo sa harapan ko. Tumindig din ako sa harapan niya, nakatingin sa naguguluhan niyang mata. Tinangka kong hawakan ang braso niya pero umiwas siya. Tumamad ang tingin ko.

“Maybe… You are right?” I shrugged my shoulders. "If that would happen, their blames would be nothing to me anymore. Why?" I gulped as I stared at her cold eyes. "Maybe I've had blamed myself enough to be affected by theirs. After all... They don't know what you are to me."

Humakbang ako palapit sa kanya, sa pagkakataong iyon ay hindi na siya umatras. Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay.

“W-What am I really to you, Jude?” halos naging pabulong ang tanong niya na iyon. “Ano nga ba ako sa ‘yo?”

I smiled as I grabbed her waist closer to me. She gasped.

“A family… You are my sister,” I whispered.

She curved a smile on her lips but her eyes tell a different story. Tears started to fall down from her fuzzy eyes, it screamed a different emotion. I suddenly felt languid. I knew there was something bothering her emotions. I couldn’t help but to bring back the doubt I’ve longed burned down.

She gave me a peck on my cheek before skeddadling my room.

Humiga ako sa kama at niyakap ang nahagip na unan. Pumikit ako at kinalma ang naghuhuramentado kong  isipan. Sa pagod na dulot ng pag-iisip ay mabilis na nilamon ako ng kadiliman. Nagising ako na madilim na sa labas.

Ngumiwi ako nang umikot ang paningin ko dahil sa biglaang pagbangon. Pinasadahan ko ng tingin ang orasan na nakasabit sa pader. It’s already 7 in the evening… I didn’t know I could sleep this long in daytime.

“Jude?” Mom knocked on the door. “You already awake, son?”

I gulped. “Come in, mom…” I yawned.

I sat at the edge of the bad while stretching my arms. Pakiramdam ko ay dinaganan ako ng sampong tao dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Sumilip si Mommy sa pinto.

“Ano’ng gagawin mo sa wedding gown na pinatahi mo?” tanong niya. Minataan niya ako bago sinenyasan na sumunod na. “Labas ka na riyan. Let’s have a dinner.”

Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang tinutukoy niya. Lumabas ako ng kwarto ko at hinila ang sarili sa sala. Naabutan kong pinagmamasdan ni Irene ang wedding gown na nasa sofa.

Naglakad ako palapit sa kanya. “Elegant…” Irene chuckled. Tumingin siya sa akin. “So… Can you bring home the bride?”

Ngumiti ako bago tumingin sa wedding gown. Napailing na lang ako. Kinuha ko ang note na nakasulat sa papel. Galing sa mananahi ng wedding gown.

“I’m sorry, Mr. Clavez, but this gown has long done. You said you don’t want to claim it yet but we are lacking space in here and so it is already paid… I hope you would understand,” the note said.

Maingat na kinuha ko ang pangkasalan na kasuotan at mas pinagmasdan ‘yon. Kuhang-kuha nito kung ano ang nasa sketch, bawat detalye ay halatang masusing ginawa. Gusto kong makita ni Aara ang resulta ng sketch niya pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.

Tumingin ako kay Irene.

“Pwede mo bang itago muna ito?” tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Alam ba ni Aara na nagpatahi ka na ng wedding gown?” tanong niya.

Kinuha niya sa akin ang wedding gown at hinawi ito. Pinagmasdan niya ang bawat disenyo rito.

“Yes. She knew…”

“Sure, Jude…” She looked at me. “I am going to keep it safe. Pero mas mabuting magamit ito nang mas maaga. I can already hear the wedding bells … We just need the bride.” Tumawa siya.

“She will be home soon…” I smiled.

Sa hapag-kainan ay mabilis na isiningit ni Mommy ang birthday ko. Gusto niya ng engrande dahil tumanggi na akong magka-party nung graduation ko. I had no choice but to say yes. Saka may plano rin ako para sa araw na iyon.

I shot a message to Thalia as soon as I got back in my room. “I need an explanation… See me later.”

Nakipagkita ako kay Thalia sa pwesto ng nagtitinda ng  isaw kung saan siya kumain dati. Magsasampong minuto na ako rito pero wala pa rin siya. Halos mangamoy usok na ako at kainin na ng tingin ng ibang babae.

“Hinihintay mo si Thalia?” nilapitan ako ng isang babae. She has a blonder hair, a petite body with tattoos on her right arm. “Magkano ba ang bayad niya sa ‘yo?” tanong niya pa.

Ipinilig ko ang ulo ko sa ibang direksyon. Inabala ko ang tingin ko sa ihawan. Bahagyang lumayo nang mapunta na naman sa akin ang usok. Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang relos ko.

“Ang sungit mo,” natatawang sabi ng babae. Tamad na napatingin na lang ako sa kanya. Inalok niya ako ng isaw pero tumanggi ako. “Maarte pa…” Umikot ang kanyang mga mata. “Magkano ba ang binabayad sa ‘yo ng babaeng ‘yon?”

Napatingin ako kay Thalia na nasa likod na niya, hindi niya siya napansin dahil nakaharap siya sa akin. Humalakukipkip si Thalia at nagtaas ng kilay.

“Alam mo bang may anak na siya---Aray,” napangiwi ako nang hilahin ni Thalia ang buhok ng babae. “T-Thalia… Bitiwan mo ako,” nakangiwi na ang kanyang labi dahil sa hapdi na dulot ng paghila sa ilang hibla ng kanyang buhok.

“Aalis ka rito o pupunuin ko ng baga ang bibig mo?” tanong ni Thalia habang pinapakita ang ihawan. Mabilis naman na pinigilan ko siya. Umiling ako sa kanya. Nabitawan niya ang babae na mabilis namang kumaripas ng takbo.

Para namang wala lang ‘yon sa iba naming kasama na patuloy lang sa ginagawa nila.

Tumingin sa akin si Thalia. “Pandidirian mo na rin ba ako?” Ngumiti siya. “Okay lang. Sanay naman ako…”

Kinuha niya ang dalawang upuan na gawa sa plastic, mula kay Kuyang nagtitinda ng isaw ,at dinala ‘yon sa hindi kalayuan. Mula rito ay hindi kami naabutan ng usok. Sinakop ko ang isang upuan at siya naman sa isa pa.

“W-Wala kang nabanggit sa akin…” Lumunok ako.

Nagkibit-balikat ito. Naglabas siya ng sigarilyo at tumayo, pumunta siya sa ihawan at pagkabalik ay may sindi na ang sigarilyo. Bumuga siya ng usok bago umupo sa tabi ko. She crossed her legs.

“Kailangan ko bang ipagmalaki na maaga akong nabuntis?” Tumawa siya na naiiling. “Saka bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?”

Naubo ako nang mabugahan niya ako ng usok. Lumayo naman siya nang bahagya sa akin. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Hindi mo naman kasalanang ma-excite ka sa pagkakaroon ng anak,” biro ko.

“Gago ka talaga…”

Umayos ako ng upo. “Tell me more…”

Gulat na tumingin siya sa akin. Umawang pa nang bahagya ang bibig niya na puno ng usok. “Seryoso ka?” Tumawa siya. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanya. “Seryoso ka nga.” Binitawan niya ang sigarilyo at inapakan hanggang sa mamatay ang baga roon.

“So… Bukod sa mag-iisang taon na ang anak ko. Ano pa ang gusto mong marinig?”

“Paano?”

“Hindi mo alam kung paano gumawa ng bata?” Tumawa siya nang malakas. “Gusto mo bang turuan kita?”

Natawa rin ako sa sinabi niya. Dinadaan niya sa biro ang lahat. Sabagay ay mas gumagaan ang problema kapag tinatawanan kaysa sa iyakan nang iyakan.

Tumikhim ako. “Biglaan ba?” Hindi ko napigilang itanong ‘yon.

“Tinanong kasi ako ng gago kung mahal ko ba raw siya. Kung mahal ko raw siya ay dapat gawin namin ang…” Tumaas ang dalawang sulok ng kanyang labi. “Alam mo na? Ito naman akong si gaga… Tumango agad.”

Napatango na lang ako. “One night stand?” Paglilinaw ko.

“Hindi… Naulit hanggang sa parang naging hilig na namin.” Humalakhak siya.

“Pero mahal mo siya…” Gusto ko malinawan sa parteng iyon. “Well, it’s kind of obvious.”

Natigilan siya sa pagtawa. “S-Syempre… Hindi naman ako papayag kung hindi.”

Tumikhim ako. “I didn’t know love could measure through sex,” I chuckled.

“Sex can intimate the bond and that’s just it. Sex is not the right term, maybe, making love?” Kunwari ay naubo siya. “Nauubusan ako ng English sa ‘yo.”

“Tough girl… Bagay nga kayong mag best friend ni Aara.”

“Aara, the sleeping bitch.”

“H-Hindi mo ata kasama ang anak mo?” tanong ko nang mapagtanto na hindi ko pa nakitang kasama niya ang bata.

“Nasa tatay niya…” bulong niya. Bahagyang tumagilid ang ulo ko nang maging interesado sa parteng ‘yon. Mukhang naintindihan naman niya ako kaya ipinagpatuloy niya ang pagsasalita. “H-Hindi ko pa kaya…”

Bahagya na lang akong napatango ulit nang maintindihan ang sinabi niya. Hindi ko na lang siguro dapat binuksan ang topic na ito. Napailing na lang ako.

“Mag-iisang taon na ang anak ko kaso ni isang beses ay hindi ko pa siya nadalaw matapos ko siyang iluwal sa mundong ito…” Pumatak ang luha sa kanyang mata.

Hinila ko ang upuan ko palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Mas lalo siyang humagulgol. Hindi siya mapalagay sa pagpunas ng luha sa kanyang mata na parang ayaw na ayaw niyang tumutulo ang mga ‘yon.

“B-Bakit hindi mo siya puntahan?” tanong ko.

Tumawa siya bago umiling. Madiin pa rin ang paghawi na ginagawa niya sa mga luha. “Dahil sa tagal ay parang natakot na ako…” Tumingin siya sa akin at sinabayan ang mata ko. “Natatakot na akong harapin siya.”

“Natatakot kang baka hindi ka na niya makilala?”

Umiling siya. “Malamang na hindi niya ako kilala…”

“I can help you…”

Napatingin siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo at halatang naguguluhan sa sinabi ko. “H-Hindi na… Kaya kong ayusin ang problema ko.”

Umiling ako. “Hindi naman ako ang aayos ng problema mo. I just want to help you…”

Tumawa siya bago tumango. Hinayaan ko muna siyang tumahan at bumaba ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung ilang minuto siyang nagpupunas ng luha sa mata. Halos sampalin na nga niya ang kanyang sarili dahil sa inis.

“Alam mo bang sa ‘yo lang ako nakapaglabas ng sama ng loob?” Tumawa siya nung kahit papaano ay kumalma na siya. “Ay mali… Kay Aara rin pala. Pero hindi katulad mo… Sinampal niya ako.”

Natawa ako sa sinabi niya. “Ayos ka na?” Paniniguro ko.

“Naman. Teka… Bakit ka nga pala nandito?”

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko sa kamay. “S-Sino ‘yong kasama niyo kanina? I mean… Sa mall? ‘Yong lalaki?”

Hindi talaga maalis sa isipan ko ‘yon. Akala ko ay walang lumalapit kay Aara sa lugar na ito.

“Ah. Boyfriend ko…” Ngumisi siya. “Don’t worry, break na kami.”

“Y-You mean… yours?”

“Oo…” Siya naman ngayon ang naguluhan. “H-Huwag mong sabihin na…” Humalakhak siya at sinapak ang balikat ko. “Asa ka pang papatol si Aara sa gano’ng lalaki.”

Parang nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya. Wala sa sariling napangiti ako. Kinabahan ako ro’n. Akala ko ay may problema na naman ako.

“I thought…” I smirked.

“Kaya ba parang sasabog ka sa galit nung nilapitan mo kami? Akala mo ay kalandian ni Aara?” Napailing na lang siya. “Inubos nga ni Aara ang alcohol na dala niya nung hinawakan siya sa kamay ng gago’ng ‘yon. Si Aara pala ang gusto…”

Bahagyang bumali ang leeg ko. “C-Can you please---“

“Oo na…” Putol niya sa akin. “Last na ‘yon. Hindi na ulit ako magdadala ng lalaki kapag kasama ko si Aara. Pakiramdam ko rin ay makukulong kami nang wala sa oras.”

I nodded my head. “Kain tayong isaw?” alok ko sa kanya. “Libre ko… ulit,” ngumisi ako.

Lumiwanag ang mukha niya.

“Wow… Gusto mo bang isama si Aara?” Malawak na ngiti ang ipinakita niya. “Nasa kwarto lang naman ‘yon. Nad-drawing ng kung anu-ano… Game?”

I gulped hard as I nodded my head. “Let’s make up the sleeping bitch,” she mumbled.

I watched her as she slid her hand inside the pocket of her jeans and got out the phone. Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi nang tumingin doon. Hindi ko napigilang sumilip.

“Help me!” Aara sent her a text.

Mabilis na napatayo ako at tumakbo. Sumabay din sa akin si Thalia. Maraming napapatingin sa amin. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko at hindi ko rin namalayan na nakakuyom na pala ang kamao ko. Sasabog din ang utak ko sa dami ng tanong.

“Kaka-send niya lang two minutes ago…” hinihingal na sabi ni Thalia habang umaakyat kami sa paikid na hagdan ng building nila.

Hingal na hingal kaming dalawa pagkaharap sa kwarto sa apartment ni Aara. Sinubukan kong pihitin ang busol ng pinto ngunit nakakandado ito. Kumatok ako sa pinto.

“Aara?” I called her name. Habol-habol ko pa rin ang hininga kong napatid dahil sa mabilis at walang hintong pagtakbo. “You okay?”

“D-Don’t come in, please…” she said, shaking.

“Calm down… What’s happening there?”

I tried to push the door but I failed. “I said don’t come in!” sigaw ni Aara sa loob.

“Kukunin ko lang ang duplicate key,” bulong ni Thalia bago tumakbo pababa.

Sinubukan kong itulak ang pinto pero ayaw talaga. Wala akong nagawa kung hindi ang hintayin si Thalia. Pagkarating niya ay mabilis na inilahad niya sa kamay ko ang susi. Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis ko ‘yong binuksan.

“Shit!” Aara cursed loud.

Naabutan namin siyang nakatayo sa sofa, may hawak na walis tambo sa kanang kamay at tsinelas naman sa kanyang kaliwang kamay.

“W-What’s happening?”

“Come in! Faster!” She screamed. Hinila ko si Thalia papasok. “Close the damn door!” utos pa niya.

Lumapit kami sa kanya pagkasara ko ng pinto. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis nang makita ang gagamba na nakadikit sa likod ng pinto. Napatingin ako kay Thalia nang mahina siyang matawa.

“D-Don’t tell me…”

“Shut up, Jude…” Napatili si Aara nang bahagyang gumalaw ang gagamba.

Kinuha ko ang walis tambo sa kamay ni Aara bago lumapit sa pinto at binuksan ‘yon. Pagkabukas ng pinto  ay itinaboy ko palabas ang gagamba. Akala ko ay pasasalamatan ako ni Aara dahil do’n pero hinampas niya sa balikat ko ang hawak niyang tsinelas.

“Baliw ka ba? Paano kung bumalik ‘yon?!”

Tamad na napatingin na lang ako kay Thalia na natatawa pa rin. Madiin akong pumikit bago muling hinarap si Aara na masama ang tingin sa akin. Kinuha ko ang tsinelas mula sa kanyang kamay at itinapon ‘yon.

“Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.

Para namang natauhan siya dahil kumunot ang kanyang noo. “What are you doing here?” She asked. Napatingin siya kay Thalia na umiwas ng tingin. “Why are you with her?” Bahagyang nanlaki ang kanyang dalawang mata. “D-Don’t tell me…”

“I am asking you… You okay?” I asked again.

She shook her head. “I knew it… Kaya pala laging nakabuntot sa akin si Thalia,” natatawa niyang sabi. “Para sabihin sa ‘yo lahat ng ginagawa ko. Wala ka ba talagang tiwala sa akin?”

Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay pero iniiwas niya ‘yon. Napatitig na lang ako sa kanya. Masyado pa ring malakas ang kabog sa dibdib ko. Masyado akong kinabahan na baka may nangyaring masama sa kanya. Kahit na alam kong ayos lang siya ay gusto ko pa ring marinig ang sagot niya.

“Karapatan naman sigurong malaman ni Jude ang mga ginagawa mo, hindi ba?” Tumayo na rin si Thalia. Masama ang tingin niya.

“Magkano ang ibinayad niya sa ‘yo?” Natigilan si Thalia dahil sa tanong na ‘yon mula kay Aara. “Baka sakaling matapatan ko rin ng pera ang privacy na gusto ko.”

“Hindi mo naiintindihan, Aara…” ngumiti si Thalia. Malalalim na rin ang kanyang paghinga.

“Hindi ko alam na pagkakakitaan mo ako, Lia. Tell me… Magkano ba ang serbisyo mo?”

“Aara… Ako ang pumilit sa kanya,” pigil ko.

“Sorry…” Tumawa si Thalia. Kinuha niya ang pitaka mula sa kanyang bulsa at naglabas ng singkwenta pesos doon. Pabagsak na ibinaba niya ang pera sa lamesa. “Para sa anim na isaw at limang pisong samalamig. Keep the change…” Saka na siya lumabas.

Naiwan kaming dalawa ni Aara. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Kahit papaano ay naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo sa harapan niya.

“Y-You okay?” I asked.

Humalukipkip siya sa harapan ko. Bakas ang pagkawalang interesado sa kanyang mga mata. Inaamin akong nasasaktan akong ganito siya. Pero alam kong kasalanan ko. I pushed her.

“Y-You okay?” I asked her again. Namaos na ang tinig ko. “Answer me, please?” I pleaded.

“Why you care?” may diing tanong niya.

“Damn it! Are you okay?!” I grabbed her arms. Hinila ko siya palapit sa akin. “Sagutin mo naman ako…” pagsusumamo ko. “I-I just want to know…”

Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ko pero hindi ko siya pinakawalan.

“Ano bang pakialam mo at kailan ka pa ba nagsimulang magkapakialam sa akin?”

“Tangina naman…” Inis na binitawan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya at hinilamos ang palad ko sa aking mukha. “G-Gusto ko lang naman malaman na ayos ka lang. Y-You have no idea how worried I was…”

“Ayos lang ako!” sigaw niya kasabay ng pagpatak ng luha sa mata niya. “Umalis ka na, Jude… Tigilan mo na ako.” Pumunta siya sa pinto at binuksan iyon.

Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko at panginginig ng kamay ko. Nanlabo na siya sa mata ko. Alam kong gano’n din ako sa kanya. Umiling ako bago muling isinara ang pinto.

“Kaya ba inutusan mo si Thalia na sabihin lahat ng ginagawa ko ay dahil nagdududa ka?”

“Sa lahat ng rason ay ‘yon pa ang napili mo? I just want know if you are safe…”

“Really? Kaya pala halos pandirian mo na ako kanina nang nakita mong may kasama akong lalaki. Sa tingin mo ba ay basta-basta na lang akong sasama sa ibang lalaki?”

“Hindi ba gano’n ang ginawa mo?” Kinagat ko ang labi ko. Natigilan siya. Sumandal ako sa pader nang manghina ang tuhod ko. “Sumama ka sa ibang lalaki…” Flasbacks started to flicker inside my head. “You left me while I was pleading…”

I looked at her… She was staring at me too, intently.

“Dahil naguguluhan ka, Jude. Naguguluhan din ako. We both needed space!”

“Is it not enough? Look, Aara…Hindi lang ikaw ang nasasaktan.”

“I am actually scared, Jude…” She wiped her tears away. “Alam mo bang nung umalis ako ay gabi-gabi rin akong nasa labas niyo? I couldn’t stand the pain. I wanted to hug you, to kiss you, to be with you… But I was scared that the pain would be more fatal. I had to stay away.”

My fists were clenched while looking at her. “Then do it now…” I dared her. “I am here, standing in front of you… Do what you want.”

Lumapit siya nang bahagya pa sa akin. “And you know what scares me right now?” She gulped hard. “Mas nangingibabaw na ang sakit. Natatakpan na nito ang pagmamahal. Gusto ko mang sumama ay parang may pumipigil sa akin. I am scared this love is slowly turning into an agony.”

Naglakad siya palayo sa akin at muli niyang binuksan ang pinto. “Leave…”

“Are you saying that because of this looming agony, your love for me will fade?” I chuckled. “Because that’s bullshit. I didn’t loosen the grip to lose you. I just gave you time.”

“If I let myself suffer longer… Sometimes agony overpowers us. And…” She gulped. “Some.Agony.Turn.Us.Roughly.Numb.”

“Then let’s cut this nonsense argument and let me prove myself to you… Marry me!”

Tumawa siya habang pinupunasan ang luha sa mata. “You still don’t get my point, Jude, do you?” Namaos ang kanyang boses. “I thought if I could give you some space to freshen up your mind… You would know that all I wanted since the very first step I made in your life was not marriage.”

She walked closer to  me… She held my face with her naked eyes. “Jude… I don’t care about the promises you’ve made… I don’t care about the marriage anymore. All I wanted was your love and you can’t give it to me.”

I stunned the moment she brushed her lips against mine. I felt my whole damn system trembled. She was rocking myself just by a kiss. I was about to respond from her kiss when she already parted her lips.

Lumayo siya sa akin at itinuro ang pinto. “Please?” Namamaos na pakiusap niya. “I need more time…”

Bumuntong hininga ako bago mahinang tumango. Wala akong nagawa kung hindi ang humakbang palapit sa pinto, nakatingin lang siya sa akin. Nanatiling nakatayo siya sa gilid ng pinto at hinihintay ang paglabas ko.

I turned to her. I held her chin and lifted it up. We stared at each other.

“I wouldn’t be here like a dumbass, forcing you to come with me, pleading in tears, if that was just my intention too.” I smiled before wiping her tears away.

“Time heals the wound of the past. Don’t you think it is already too late?” bulong niya.

Umiling ako.

“Time has nothing to do with us because at the end of the day, we are still the one who will decide for ourselves. Time just gives us, oh well, time. The choice is ours… To let go or to take the risk. But when you chose the latter one, make sure it’s worth it.”

Nag-unahan na naman ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

“Am I worth the risk?” Tanong ko. Itinapat ko ang daliri ko sa labi niya nang aktong ibubuka niya ‘yon. May kinuha ako sa bulsa ng jacket ko at ipinasok ‘yon sa bulsa ng pants niya. “I will wait…”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance