Kabanata 14
Kabanata 14: Runaway
Natigilan ako sa paglilinis ng lamesa nang may tumapik sa balikat ko. Hindi ko nilingon si Nick na muling tinapik ang balikat ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumalin sa kanya ng tingin.
"Alam kong bagong promote ka lang as assistant chef," ngumisi siya bago ipinatong ang tray sa harapan ko. "But it would not affect your reputation if you would face the waiting angel outside...Or maybe, you want me to accomodate her instead? Pleasure, Dude."
I wiped my hands with a clean sheet and took off my apron. Naabutan ko sa isang table si Irene. Sinalubong agad ako ng kanyang mga nakangiting labi. Mabilis din na nahagip ng mata ko ang isang kahon na nakapatong sa lamesa at mukhang may hinuha na ako kung ano 'yon.
"Thanks for the cookies..." tumawa ako bago umupo sa harap niya.
"That's not cookies," she grinned.
"Oh well, the logo name says it all. Irene's Heart. Which means cookies shaped heart."
Tumawa siya sa sinabi ko bago tumango. Iginala niya ang mata niya sa paligid na animo ay ito ang unang pagkakataon na nakatapak siya sa lugar na ito.
"So... How was your online business so far?"
Her eyes twinkled in thrill. "It was fun! Especially when someone as famous as you on social medias promoted my business page... It boomed the orders."
Napangiti na lang din ako nang makita ang tuwa sa kanyang mata, Halatang masaya siya sa kanyang ginagawa.
"Don't exhaust yourself, Irene."
"Limits Before Other Things." She rolled her eyes. "I know, Judeus. Pero minsan ay dahil masyado akong enjoy..." She giggled. "Minsan lang naman."
Napailing na lang ako. "Anong gusto mo? You hungry?" tanong ko.
Umiling siya. "May customer kasi ako nearby kaya pagkatapos ko sa kanya ay dumiretso na rin ako rito,” pagpapaliwanag niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "I told you to get someone who will do the meet-ups and deliveries. I want you to be happy but I won’t let something bad happens to you."
"Y-Yeah. Sorry. May nakuha na rin akong tao na gagawa ng task na ito kaya hindi na ito mauulit."
Napatingin ako kay Nick na lumapit sa akin. "I was wrong. If you wouldn't stand up and drag your ass in the kitchen now... You might get demoted."
"Just a sec."
Nick looked at Irene who was staring at him too. "I believe guys should introduce themselves to newly faced angel like you. Nick..." He offered his hands.
Napailing na lang ako. Alam na alam ko ang mga ganitong galawan.
"Irene..." Then they do the handshake. Mabilis ko ring inalis ang kamay ni Irene nang humigpit ang kapit ni Nick na natawa lang.
"Go home," I said to Irene. Sabay kaming tumayo, Kinuha ko ang box ng cookies na ibinigay niya. "Thanks for the hearts," I snickered.
Pagkabalik ko sa kusina ay inilapag ko ang box sa tabi at tumulong sa chef. Hindi na rin ako nilubayan ni Nick ng tanong tungkol kay Irene. I avoided her questions because if I didn't, it would surely lead to a cliche moves or worst, story.
"Stop bubbling and work, Mr. Nick Claus Lemence." Nginisian ko si Nick nang mapagalitan siya ni Chef Ocampo.
It's been a month since I got this job and well, not bragging, a week when I got promoted as assistant chef. Along the way was Irene who just started an online business selling of her cookies which both my parents and I had agreed. Para kahit papaano ay malibang din siya.
I stretched my arms as soon as I finished the tables. Napailing na lang ako nang mapatingin kay Nick na kanina pa tapos ang shift pero hindi pa rin umuuwi. He's probably waiting for me to finish and so he can make move.
"Nice job, Mr. Clavez," Chef Ocampo complimented.
"Thanks, Chef." I smiled.
"Parang may pakiramdam tuloy akong gusto mo na akong palitan?" biro niya na ikinatawa ko.
Hinubad ko na ang apron na suot ko at isinabit sa lalagyan. Pumasok ako sa CR at naglinis ng katawan. Nang matapos ay lumabas na rin ako. Napapikit ako sa gulat at halos mahambalos kay Nick ang towel na hawak ko dahil sa bigla niyang pagsulpot.
"Sino siya?" tanong niya habang nakasunod sa akin. Pumunta ako sa mga bags. Kinuha ko ang bag ko at ipinasok sa loob ang towel. "Bukod sa pangalan niya ay Irene?"
"Is it your first time to see her?" I asked without looking at him.
Isinakbit ko na ang bag sa likod ko bago hinarap si Nick na tumatango.
"Well... I've already brought her here once and I think you were not around. Not my fault," I smirked. "Well it seems like you are interested in her." I arched eyebrows.
"Actually... is she your sister?"
"Well... You should be interested in me first because you wouldn't know her and there is no hell I would let you to touch her without going throuh me first and foremost. Good night, Mr. Lemence," I tapped his shoulder before getting out.
Pagkapunta ko sa parking lot ay pinailaw ko agad ang sasakyan ko at pumasok sa loob. Hinubad ko ang bag na nasa likod ko at itinapon sa likod. Inaantok na binuhay ko ang sasakyan ko.
Pinaadar ko palabas ng parking lot ang sasakyan ko bago binilisan ang pagpapatakbo rito. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa nang maramdaman ang vibration. Napabuntong hininga ako nang makita ang pangalan ni Ryde sa notification.
Iniliko ko ang sasakyan at mabilis na pinatakbo ang sasakyan sa lugar na sinabi ni Ryde. Naabutan ko siyang nakasandal sa bakal ng lamp post habang nakatingin sa akin. Lumaki ang ngiti sa kanyang labi.
Ibinaba ko ang bintana. "I am not your driver, fucker. You should have practiced to commute first before you sold your damn car." I glowered at him but the jerk just snickered.
Sumakay siya sa gilid ko at sinubukan niya akong akbayan pero mabilis kong pinigilan ang braso niya.
"Sumakay naman ako ng jeep kanina," pagmamayabang niya. "May naka-meeting kasi ako sa malapit. And it just happened na walang dumadaan na jeep dito pauwi. I had no choice but to call my friend since then. A friend who would do anything for me."
"You should stop sugarcoating before I kick you out of here, Ryde."
"Damn, man." Tumawa siya.
Inumpisahan ko na ring patakbuhin ang sasakyan. 7 P.M pa lang ngunit pakiramdam ko ay antok na antok na ako.
"Did you see her again?" I asked.
"Who?"
"Never mind."
Ryde chuckled. "Why so vile? You sound like a menopausal woman..." Pang-aasar pa niya kaya sinamaan ko siyang tingin. "Kidding... But, nope. Since the last time we saw Aara with some stranger jerk... I haven't seen her yet."
I nodded my head. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala na naman nang makita namin si Aara sa mall na may kasamang estrangherong lalaki. Though they were doing nothing nasty to my eyes… I still hate it.
"She seems enjoying her so-called freedom, huh?" Nakangising sabi ko.
"Don't tell me you're still coveting her?"
"Coveting?" I laughed. "I still own her, Ryde. Binigyan ko lang siya ng panahon."
"Until when? You already gave her a month. Is it not enough?"
"I won't beg for her comeback. Siya mismo ang lalapit sa akin."
"You know what, Jude?" Hinarap ako ni Ryde ngunit nanatili ang mata ko sa daan. "Life taught me to stop waiting and do something. You wouldn't get what you want all the time by waiting. If you want an assurance, do fucking moves."
I let out a heavy sigh. "I know..." I whispered.
"Quit the betrothed concept and fulfill the vows," Ryde mocked.
Nagpababa na rin si Ryde sa isang kanto papunta sa bahay nila dahil magkaibang direksyon kami at ilang bahay na rin naman ang layo ng sa kanila.
"Prepare your retirement papers and work with me," pahabol pang sabi ni Ryde.
Napailing na lang ako. Nauumpisahan na rin niya kasi ang pagpapatayo sa pangarap niyang restaurant. Gamit ang perang inipon niya magmula nung first year college namin at pagbebenta ng ibang pagmamay-ari niya gaya ng kanyang sasakyan. Ryde didn't want to depend and ask for his parent's help for establishing his own business which is a dream of him. I wonder if he somehow tried to sold himself. I laughed in my mind.
Pinagbuksan ako ng gate ni Aling Soreng. I drove my car in garage. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko sina Mommy at Irene sa table at halatang seryoso ang usapan nila. Nakalatag din sa lamesa ang maraming papel.
Dumiretso ako sa ref habang nakikinig sa usapan nila.
"So you have delivered ten orders for today?" Mom asked, shocked. "That was amazing for a someone who just started."
Ibinaba ko ang tubig para sumama sa usapan nila. "I need credits from you too, Mom. I help her."
Napatingin sila sa akin.
"Uh, Jude actually promoted my business to his social media accounts," Irene said.
"Customers wouldn't go for it if they didn't like your offers, Irene. Walang kinalaman si Jude sa success ng business mo."
"Not really, Mom. You have a, not bragging, too-handsome-to-resist son," I snickered. “Baka sa susunod ay phone number ko na ang ibenta mo, huh?”
"Like father like son,” Mom rolled her eyes.
Natawa na lang ako sa sinabi ni Mommy. "Naubos mo na 'yong cookies?" biglang tanong ni Irene.
Natigilan ako at bahagyang napangiwi nang maalala na naiwan ko sa kitchen ng pinagtatrabauhan ko ang kahon na may cookies na ibinigay niya.
"Mukhang nasarapan si Jude kahit na hindi niya natikman." Tumawa si Mommy.
“It’s okay. Baka magmukha ka ng cookies kapag kinain mo pa ‘yon,” ngumiti si Irene.
Nagpaalam na akong pupunta na sa kwarto. Pabagsak na humiga ako sa kama at niyakap ang unan na nahagip ng kamay ko. Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ‘yon.
Nawala ang antok sa mata ko nang makita ang text message na may address. Ngumisi ako bago tumalon mula sa kama at kumuha ng jacket sa closet ko. Kinuha ko rin ang susi ng sasakyan bago mabilis na lumabas.
“Emergency?” Dad asked me when he noticed my moves, hurrying. “Call ambulance, instead.”
Ngumiti na lang ako bago nagpatuloy sa paglabas. Binuksan ko muna ang gate bago kinuha ang sasakyan sa loob ng garahe. Hindi ko na rin nagawang isara pa ang gate matapos kong makalabas. Sandali lang naman ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang tao na inutusan ko para alamin ang impormasyon na ito.
“I’ll deposit your payment in your bank account. Thanks for the help,” I said before ending the call.
Pagkalabas ko ng subdivision namin ay mas binilisan ko ang pagmamaneho. Halos i-overtake ko ang lahat ng madadaanan kong sasakyan. Napatingin ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko na nakangisi.
I’ve granted her freedom but it doesn’t mean I have no rights to be informed about her address where she is currently staying at. Kumunot ang noo ko nang maging makipot na ang daan at medyo hindi na maganda ang lugar na tinatahak ko.
Napatingin ako sa gilid kung saan nakatipon sa iisang lamesa ang mga lalaking nag-iinuman. Halos luma na rin ang mga gusali rito. May mga batang nagtatakbuhan at maraming lalaking tambay. Kahit na gabi na ay marami pa ring tao sa labas.
I stopped my car to ask the woman who was standing beside the store. I lowered the windows.
“Pwedeng magtanong?”
“Two five…” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Masyadong maiksi ang kanyang shorts at may tattoo rin sa kanyang braso.
“Alam mo ba kung saan ang---“
“Sige na, dalawang libo na lang. Gwapo ka naman eh,” kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. “Pero limang oras lang,” dugtong pa niya.
Mabilis na itinaas ko muli ang bintana ng sasakyan ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. I shook my head when she raised her middle finger.
Umalis na rin ako roon at nagpalinga-linga sa paligid. Maraming napapatingin sa akin.
I gulped… Ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar?
Mabilis na inapakan ko ang preno nang may humarang na lalaki sa daan. Nakahubad siya kaya kitang-kita ang katawan niyang halos mabalutan na ng tattoo. Pumunta ito sa gilid ko at kumatok sa bintana.
Wala akong nagawa kung hindi ang ibaba ang bintana.
“Ganda ng sasakyan mo ah,” nakangisi niyang sabi. “Pwede ko bang mahiram?”
“Hoy!” Itinulak siya ng isang babae palayo. “Ipagmamayabang mo na naman ang katawan mo. Bumalik ka na nga sa mga tropa mo!” sigaw pa niya sa kanya.
Ngumisi ang lalaki bago naglakad palayo. Napatingin sa akin ang babae. Mas disente siyang tignan kesa sa babaeng nakita ko kanina pero hindi pa rin nakatakas sa tingin ko ang maliit na tattoo sa kanyang batok.
“Anong ginagawa ng isang ginto sa putikan?” Tinaasan niya ako ng kilay.
Tumikhim ako. “Hinahanap ko ang Celeste Apartment, alam mo ba kung saan iyon?” tanong ko.
Kumunot ang noo niya. “Uh, yeah. May kailangan ka ba?”
“Pwede mo bang ituro sa akin?” magalang ko pang tanong.
Ngumisi siya. “Kami ang may ari ng apartment na ‘yon. Hindi naman siguro masamang magtanong kung ano ang sadya mo kapalit ng sagot sa tanong mo.”
“Okay. I am actually looking for someone…” I said. Tumaas lang ang dalawang kilay niya na halatang naghahanap pa ng kasunod. “Her name is Aara Limpio.”
Namilog ang kanyang mata. “D-Don’t tell me you are her… Pasakayin mo ako. Ituturo ko sa ‘yo.”
Kumunot ang noo ko. “Can I trust you?”
“I don’t trust you too so it’s fair.”
Binuksan ko ang pinto sa gilid ko at mabilis naman siyang pumasok.
“Diretso lang…” sabi niya.
Muli kong pinatakbo ang sasakyan sa mabagal na kilos. Nararamdaman ko ang maya’t-maya niyang paglingon sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Naiilang din ako sa tingin ng mga tao sa paligid.
“Ngayon ka lang nakapunta sa ganitong lugar?”
I shook my head. “Hindi naman.”
“Kaliwa,” turo niya.
Huminto kami sa isang building. Sa lahat ng nakita kong building dito ay ito ang masasabi kong pinakadisente. Maayos pa ang pagkakatayo. Lumabas kami ng sasakyan.
Napatingin sa amin ang ibang tao na nasa paligid. Pumasok kami sa loob ng building.
“Oh, Thalia. Sino ang kasama mo?” tanong ng isang ginang sa kanya.
“Ligaw na engkanto.”
Napailing ako sa isinagot niya. Umakyat kami sa paikid na hagdan. Tahimik ang paligid, hindi katulad sa labas. Huminto kami sa isang pinto sa ikatlong palapag ng building.
“Room 312,” bulong niya bago ngumiti sa akin.
She knocked on the door three times. Namawis ang palad ko dahil sa kaba. Wala sa plano ko ang magpakita sa kanya pero dahil sa nasaksihan ko kanina at ang katunayan na rito siya nakatira ay gusto ko siyang makausap nang masinsinan.
Muling kumatok sa pinto si Thalia.
“Sandali!” Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang boses ni Aara mula sa loob.
Pagkabukas ng pinto ay nanlaki ang mata niya. Bahagya rin akong napaiwas ng tingin nang makita na nakatapis lang siya ng tuwalya sa katawan.
“May bisita ka…” nakangising sabi ni Thalia.
“J-Jude… Anong ginagawa mo rito?”
“Hindi mo ba muna kami papapasukin?” tanong ni Thalia.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata ni Aara ngunit wala rin siyang nagawa kundi ang papasukin kami. Pumasok muna siya sa kwarto para magdamit. Umupo kami ni Thalia sa sofa.
I roam my eyes around. Maayos naman ang mga gamit at halata rin na bagong pintura lang ang pader. May flatscreen TV na nakapatong sa isang babasagin na table.
“Judeus Clavez…” Napatingin ako kay Thalia nang banggitin niya ang pangalan ko. “I am actually Aara’s high school friend. And in case you are wondering how I mentioned your full name, obviously… nakwento ka na sa akin ni Aara.”
Napatango na lang ako. Lumabas na rin si Aara mula sa kanyang kwarto. Nakasimpleng white blouse na siya at maiksing shorts. Tumikhim ito at halatang hindi rin kumportable sa akin.
“Tubig o tubig?” Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. “Hindi pa ako nakapag-grocery.”
Tumitig lang ako sa kanya at mukhang napagtanto naman niya kung ano ang gusto kong mangyari kaya humarap siya kay Thalia na mukhang naintindihan naman ang makahulugang tingin ni Aara.
“Ah… Pinapaalis na pala ako.” Tumawa siya.
Napaigtad ako nang hawakan ni Thalia ang braso ko bago lumabas. Nanlisik ang mata ni Aara bago tumingin sa akin.
“If you are going to pitty me… I don’t need it.”
“Why don’t you seat first?”
Huminga siya nang malalim bago tumabi sa akin. Pinagsalikod ko ang mga kamay ko habang naghahanap ng tamang salita para umpisahan ang naguguluhan kong isipan.
“I believe you owe me an explanation.” I looked at her.
She rolled her eyes. “I have nothing to explain to you, Jude.”
“Where is the jerk?” Tanong ko dahil siya ang natatandaan kong huling kasama ni Aara bago siya umalis. “The jerk named Zac? I wonder why he is not around.”
“Gone,” she simply said.
“Officially jerk…” I smirked.
“Totally!” She agreed.
Bahagya akong naguluhan lalo na nung mapansin na tila may galit siya rito.
“Don’t tell me he dumped you right after the pleasure?”
Tumayo siya at lumapit sa isang malii na ref. Kumuha siya ng tubig at nagsalin sa baso. Inabot niya ‘yon sa akin bago muling umupo sa tabi ko.
“Cool down first…” She gave me a smile.
Inubos ko ang laman ng baso habang nakatingin sa kanya. Ipinatong ko sa gilid ang walang lamang baso bago muling tumingin kay Aara. Hindi ako nagsalita. Bumuntong-hininga siya.
“Yeah…” sagot niya. “You are right except the pleasure part. Gross.”
Sumandal ako sa sofa at minasahe ang kamao ko. “You are giving me more reason to kill the jerk.”
“Says by the jerk too…”
“So… Why did you end up… here?”
“Don’t come here again, Jude.”
“I believe questions need to be answered.”
Bahagya siyang dumistansya palayo sa akin bago umiling. Tumingin ito sa malayo na tila malalim ang iniisip. Tahimik lang ako habang naghihintay ng sagot mula sa kanya.
“I lied…” She mumbled that I barely heard. “Pumayag si Mommy na umatras ako sa kasal. Pero ito ang kapalit…” Nagkibit-balikat siya. “She cancelled my credit cards and all my source of… you know?”
“Why didn’t you tell me?”
Galit na tumingin siya sa akin. “Why would I tell you? Para kaawaan ako?” Bahagya siyang tumawa. “Well… Naka-adjust naman na ako. I am working as a call center agent. I still can get what I want.”
“Then why can’t you get a more decent place to stay in?”
Naiisip ko pa lang na araw-araw siyang dumadaan sa gano’ng lugar ay naiinis na ako. Baka nabastos na rin siya rito o napagtangkaan ng masama. That enrages the shit out of me.
“This is a decent place, Jude.” She laughed. “I can even call it home. Well actually, this is home for me? You know what is not home for me? To stay in a place that has no space for you.”
Napailing na lang ako. “Mag-impake ka na. You are leaving this place…” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
Napatingin ako kay Aara nang humalakhak siya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Tumindig siya sa harapan ko habang may ngisi sa labi.
“Sino ka ba sa tingin mo? A perfect guy from fiction stories that an imperfect woman couldn’t resist? Didn’t know you can daydream at night.” She mocked.
“Aara…” I shook my head. “This is for you.”
“Umalis ka na…” Napatitig ako sa kanya nang buksan na niya ang pinto.
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko inakalang aabot dito ang galit na nararamdaman niya sa akin.
“Why are you even mad at me?” mahinahon kong tanong,
Tumawa siya habang nakatingin sa akin.
“Because of your promises, Jude. The promise that you can’t even--- Just… Go, Jude. Please…” She pleaded.
I nodded my head and walked towards her. Sinabayan niya ang mga malalim kong tingin. Bahagya siyang tumingala nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya.
I smiled. “That’s the old me, Aara… I don’t make promises now.”
“Because you don’t know how to keep one. You made the right decision.”
Damn. This girl is something… I couldn’t even catch her with my words. She has his own damn ways to flinched the meaning of my words and turn into into a futile one. What a smart and tough girl.
“Umalis ka na, Jude…”
Tumango ako at humakbang na palabas. Huminto ako nang makaapak na palabas. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Hindi niya pa rin sinisarado ang pinto.
“Don’t be surprised because this is not the last time you will see me hovering around…” I turned to faced her. “And if you are planning to runaway, make sure it would be on the other side of the world because as long as we are breathing in the same air and walking in the same world… You can’t escape from me.”
“Huh! Damn you…” She smirked before slamming the door in my face.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro