Kabanata 13
Kabanata 13: Promised
I already lost her once, so I made a promise to grip her tighter when she came back, but now that I already have her again, she wants to loose the grip. I didn’t wait this long to give up on her just like that. But… she was begging for freedom now.
I looked up above the dark sky, there was no stars and I could barely see the moon hiding behind the looming clouds. The dark sky started to flicker lights before the roars of thunder.
Pinahid ko ang luha sa aking mukha at nang mangawit ay binalin ko ang tingin ko sa malawak na dagat sa harapan ko. Umihip ang tumatagos na lamig ng hangin sa mukha ko. Hindi na makita ng nanlalabo kong mata ang abot-tanaw na guhit na nagdudugtong sa langit at dagat.
Is this another goodbye?
Muli kong tinungga ang pangatlong alak na dala ko. Sa pagguhit ng init sa aking lalamunan ay ang pagguhit din ng mga malabong alaala ng nakaraan. Ang unang pagpapaalam na ginawa namin.
I could still remember… It was our high school graduation.
“Judeus?” Napapikit ako at natigilan sa mahinang paglalakad nang marinig ang boses ni Mommy sa likod ko. “Saan mo na namang balak pumunta?”
Nakangiwing humarap ako sa kanya. “Kina Aara po,” sagot ko. Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong regalo. “Nakalimutan ko pong ibigay sa kanya ang regalo ko.”
“Gabi na. Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo na muna ‘yan? Magkikita pa rin naman kayo bukas, hindi ba?”
Hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa mga huling salitang sinabi niya. Magkikita pa kami bukas. Bakit hindi? Nasa iisang mundo lang naman kami… Nasa iisang subdivision.
“Mom… Please,” kumamot ako sa batok ko. “Wala kang regalo sa akin ngayon.” Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Graduation ko ngayon, Mom. Ito na lang regalo mo… Please.” Kumurap-kurap pa ako para magpa-cute.
Napatingin ako kay Daddy na kalalabas lang ng kwarto.
“Dad!” tawag ko sa kanya. Napatingin naman sa akin si Daddy. “Pupunta ako kina Aara. Ayaw akong payagan ni Mommy. Girlfriend ko naman ang pupuntahan ko eh.”
Tumawa si Daddy bago lumapit kay Mommy na nakataas na ang kilay. Umakbat ito kay Mommy na mabilis namang hinawi niya.
“Leinne. Hayaan mo na ang anak mo. Para namang hindi mo dinanas ang ganito.” Napangisi ako sa sinabi ni Daddy at naghihintay na lang ng pagsang-ayon. “Remember? Tumakas tayo nung graduation mo para mag-date?”
Sinapak ni Mommy si Daddy na tumawa lang. Tumango naman sa akin si Dad kaya ngumiti ako at mabilis na kumaripas ng takbo. Naabutan ko si Aling Soreng na papasok na ng gate.
“Gabi na, ah? Saan ka pa pupunta?”
“Sa tabi lang po. Sige, babye!”
Hingal na hingal ako nang marating ko ang bahay nila Aara. Hinabol ko muna ang kinulang kong hininga bago pinindot ang doorbell nang apat na beses. Parang code namin ‘yon ni Aara at kapag narinig naman ‘yon ay alam na namin.
Bumukas ang pinto at gaya ng inaasahan ko ay si Aara ang lumabas. Nakaputing dress pa rin siya na suot niya rin kanina sa graduation ceremony. Pagkabukas niya ng gate ay mabilis na yumakap siya sa akin at humagulgol.
“J-Jude…” tawag niya na animo’y humihingi ng tulong.
Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat hanggang sa pinakawalan na niya ako sa pagkakayakap. Nakangiting pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata.
“M-May cancer ka?” kinakabahang tanong ko.
“Multo na lang ako, Jude…” Mahina siyang tumawa bago sinapak ang dibdib ko. “Gago ka talaga.” Napatingin siya sa dala kong regalo.
“Akin ‘yan…” Natawa ako nang hindi man lang siya nagtanong kung para sa kanya ‘yon at agad niyang kinuha at inangkin.
“Hindi ‘yan para sa ‘yo…” biro ko.
“Kahit na. Ayokong may iba kang pagbigyan nito kaya kahit na hindi para sa akin ay akin na.”
Napatango na lang ako. Muli niyang pinahid ang luha sa kanyang mata. Ni hindi na siya makatingin nang maayos sa akin.
“M-May problema ba?” tanong ko.
“Sabi ni Mommy… Hindi ka raw normal kapag wala kang problema.”
“I am all ears,” I smiled.
Umiling siya. “Sabi mo nasasakal kita,” pag-uumpisa niya. “Kaya ba iniwasan mo ako nang isang linggo?”
Hinawakan ko ang kamay niya kaya naramdaman ko ang panginginig no’n. Tumitig ako sa mga mata niya.
“H-Hindi naman kailangan malaman ng buong mundo na ako ang boyfriend mo kaya hindi mo rin kailangang umakyat sa stage para kunin ang microphone at ipagsigawan ‘yon. Hindi rin naman buong mundo ang imbitado kapag nalaman nilang ikakasal tayo kaya hindi mo naman kailangang mag-post sa mga social media accounts mo na pakakasalan kita. Kahit na ako at ikaw lang ang nakakaalam… Mas maganda ‘yon.”
Namilog ang mata niya bago ngumuso. “Sorry na… H-Hindi mo na ba ako mapapatawad?”
Tumawa ako bago ginulo ang kanyang buhok. Tinampal niya ang kamay ko dahil sa panggugulo ng kanyang maayos na buhok.
“Ang ganda mo…” wala sa sariling sabi ko.
Napansin ko ang pamumula ng kanyang mukha. “Sinabihan din ako nina Mommy at Daddy ng maganda pero Jude… Huwag na ikaw. Nahihiya ako sa ‘yo eh.”
Humalakhak ako dahil sa sinabi niya.
“Do you want to play, baby boy?” She bit her bottom lip. “This game lasts for years.”
“I can finish a game within an hour, why years?”
“Tagu-tagoan, Jude. Pero walang maghahanap, ah?” Muling pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Halata na rin ang antok sa kanyang pumupungay na talukap. “Ako lang ang magtatago. Pero sasabihin ko sa ‘yo kung saan.”
I shook my head. Sinamaan ko siya ng tingin. “H-Huwag mo akong iiwan,” madiin kong sabi.
“J-Jude…”
“Ayaw mo na ba akong pakasalan? Sabihin mo lang.”
Mabilis na umiling siya. “Sabi ni Daddy ay bawal pa tayong ikasal. Kailangan muna nating matapos ang pag-aaral.”
“Oh, e ‘di mag-aaral tayo. Marami namang magandang school dito ah?”
“Mas maganda raw do’n. Magkikita naman tayo ulit eh.”
Umiling ako at inis na pinahid ang luha sa aking mukha. Sinubukan kong hawakan muli ang kanyang kamay pero inilayo niya ang mga ‘yon.
“Hintayin mo ako.”
“Hindi ka pwedeng umalis.”
“Aara?” Napatingin ako kay Tita Lineth na sumilip sa pinto. Napatingin siya sa akin. “Oh, Jude? Bakit nasa labas kayo? Pumasok nga kayo rito.”
Tinangkang hawakan ni Aara ang braso ko pero mabilis na tumakbo ako palapit kay Tita Lineth at lumuhod sa harapan niya habang umiiyak.
“T-Tita… H-Huwag niyo naman pong ilayo si Aara. Ako na lang po bahala sa tuition fee niya rito! May ipon po akong two thousand pesos. Kulang ba ‘yon? Hihingi pa ako kay Mommy.”
Lumapit sa akin si Aara at sinubukan akong itayo ngunit hindi ako nagpatinag.
“Jude… Para ito kay Aara.”
“Ako ba? Hindi para kay Aara?”
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at may tinawagan. Mas lalo akong naiyak nang mapagtanto na tinawagan niya si Mommy.
“Pumasok ka na…” sabi niya kay Aara.
“Pwede rin ba akong pumasok?” tanong ko bago tumayo.
Bumuntong-hininga si Tita Lineth bago tumango. Hinawakan ko ang kamay ni Aara at sabay kaming pumasok. Umupo kami sa sofa nang hindi binibitawan ang kapit sa isa’t-isa.
Napatingin ako kay Tito Elizar na nakangiti habang nakatingin sa akin.
“Gusto mong pakasalan ang anak namin, hindi ba, Jude?” tanong niya sa akin.
Mabilis na tumango ako. “Pwede po bang ngayon na?”
Tumawa siya bago umiling. Nanatili naman sa pintuan si Tita Lineth na mukhang may hinihintay. Muli akong tumingin kay Tito Elizar.
“Hindi mo ba alam na bago mo pakasalan ang babae ay dapat mo munang hingin ang kamay nito sa kanyang mga magulang?”
“Kailangan po ba ‘yon? Puso naman po niya ang kailangan ko, hindi kamay…” Biro ko na malakas niyang ikinatawa.
Napatingin ako kay Aara na nakatingin lang sa akin.
“Sige, ayusin natin. Dapat mo munang hingin ang permiso ng kanyang mga magulang. Patunayan mo na karapat-dapat ka nga para sa kanya.”
Nawala ang ngiti sa labi ko. “P-Pwede po ba?”
Malungkot na umiling siya. “Maliban na lang kung gagawin mo kung ano ang gusto namin.”
Humigpit ang hawak ni Aara sa kamay ko nang lumuwang ang kapit ko.
“That’s right, Jude. If you really love her, you will wait. Hindi naman namin pipigilan ang anak namin sa kung ano ang makapagpapasaya sa kanya pero sa ngayon ay gusto muna namin na makapagtapos siya… kayo,” sabi ni Tita Lineth.
Napatingin ako kina Mommy at Daddy na kadarating lang.
“Jude… umuwi na tayo.”
Napatingin ako kay Aara nang yakapin niya ako at nagsimula na ulit siyang humagulgol. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Daddy sa aking braso. Naguluhan ako sa nangyayari.
“Jude…” tawag sa akin ni Aara habang nakabaon sa dibdib ko ang kanyang mukha.
Napatingin ako kay Tito Elizar na nakangiti sa akin. Kahit na masakit ay hinawakan ko ang mga braso ni Aara na nakakapit sa akin at unti-unti itong inilayo sa akin. Puno ng luha ang kanyang namumulang mukha habang umiiling.
“I will wait…” I smiled at her. Nanlabo na rin ang paningin ko. We stared at each other. “I love you…” I mouthed.
Naramdaman kong tumulo muli ang mga luha sa mata ko nang maalala ang mga pangyayaring ‘yon. Hindi ko alam kung ilang minuto o umabot na ba ng oras ang pananatili ko rito sa dalampasigan.
Napatingin ako sa mga alak na dala ko. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang mga ‘yon. Ramdam ko na rin ang paghapdi ng mata ko dahil sa mga luha at dahil na rin sa antok.
“I knew it…” Kahit na hindi ako lumingon ay alam ko kung sino ang narito. “Nag-aalala na kami kung saan ka pumunta. Bigla ka na lang umalis,” sabi pa ni Irene.
Hindi ako kumibo.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. “Naayos na pala ng Daddy mo ang alis niyo. Bukas din ng tanghali ang flight niyo.”
“How about you?” I asked.
“Don’t worry about me. Balik na tayo?”
Tumango ako bago sabay kaming tumayo. Pagkarating namin sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mommy na nangingilid pa ang luha.
Tahimik lang kami habang kinakain ang konting hinanda ni Mommy para sa graduation ko. Hindi na rin kami nag-abalang gisingin si Aara na kumain naman daw kanina.
“Maghanda ka na rin ng dadalhin mo,” pagpapaalala pa sa akin ni Mommy.
Napatingin ako kay Irene na nakatingin sa akin. Ngumiti lang siya bago umiwas ng tingin. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad na dumiretso ako sa shower room para magpababa ng init. Hindi man lang tumalab sa akin ang alak.
Matapos kong maligo at makapagpalit ng damit ay tumalon ako sa kama at kinuha ang phone ko. I tried to call Ryde but there was no response. Malamang na busy na naman kay Chelsea.
Tumulala na lang ako sa kisame. Sinabi na sa akin ni Aara na ayaw niya akong sumama pero hindi ko ‘yon hahayaan. I do not want to bid another goodbye and another tears. Minsan ko na siyang hinayaang makalaya.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto. Tahimik na ang bahay kaya malamang na tulog na sila. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Matapos no’n ay pumunta ako sa salas. Kumunot ang noo ko nang makitang bahagyang nakaawang ang front door.
I closed the door and locked it. Papunta na ako sa kwarto ko nang makitang nakaawang din nang bahagya ang pintuan ng kwarto ni Aara. I immediately got in and roam my eyes around. Wala siya? Pumunta rin ako sa CR pero wala ring tao ro’n.
When I realized she was not her, I also skedaddled her room. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa kwarto ko at mabilis na lumabas ng bahay. Irene startled the shit out of me when I saw her outside. Papasok na sana siya.
“W-Where are you going?” She asked.
“Where the hell have you been?” Balik na tanong ko sa kanya.
Mabilis na napansin ko ang pagkabahala sa kanyang mata. “J-Jude… Uulan na niyan. Pumasok na tayo.”
“Did you see Aara?”
Tumitig lang siya sa akin kaya hinawakan ko ang braso niya. “Y-Yeah… Nakasalubong ko siya. Baka magpapahangin lang ‘yon,” sagot niya.
“Gusto ko ring magpahangin. Samahan mo ako sa kanya.”
“J-Jude…
“Unless you are hiding something?” I raised my eyebrows. “I’ve had enough for today. Just tell me, what’s going on?”
She let out a heavy sigh before nodding her head. Tipid na ngumiti siya bago ako sinenyasan na sumunod. Lumabas kami ng gate. Nanatili ako sa likod niya habang siya ang nauunang maglakad.
“I was drinking water in the kitchen when I heard the front door opened. Nakita kong lumabas si Aara,” sabi niya habang naglalakad. “I followed her…”
“And?” I asked when she stopped.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Sinundan ko ang tingin niya.
I found two figures and it seemed like mind was fuzzy to recognize them. There was a man, leaning on his car, and a girl standing infront of him. They seemed having a serious conversation.
“Is this some kind of romance story?” I laughed a bit. “But I can’t find it romantic at all.”
“Can we just wait until their conversation ends? Maybe Aara has an explanation for this,” Irene mumbled, nervously.
“Is it my fault to not give a damn about what’s behind the scene?” Tinangka akong pigilan ni Irene pero hindi niya ako kinaya.
Huminto ako ilang metro mula sa kanila pero naagaw ko na ang kanilang atensyon. Gusto kong matawa nang wala man lang akong makitang pagkabigla sa mukha nilang dalawa.
“Here comes the guy who throw punches without knowing the reason behind,” Zac mocked.
“And here comes the guy who will bleed after a few damn seconds,” I glowered at him.
“Should I explain what’s going on?” Aara raised her eyebrows. “Or you don’t give a damn like always?”
I crossed my arms in my chest. “Save the guy,” I smirked.
“We are just talking about something which you are not involved,” said Aara.
“That explanation won’t save the jerk, Aara.”
“Then, go home. Stop waving your ignorance here.” Nakangising sabi ni Zac. “Or you want to punch me first?”
“You want a better explanation?” Lumapit nang bahagya sa akin si Aara. Napatingin siya kay Irene. “But, seriously… I haven’t seen you alone since I got in here. Laging may nakabuntot sa ‘yo.”
Bumali ang leeg ko nang makitang lumapit muli si Aara kay Zac at hinawakan ang kanyang kamay. “Well… Malapit si Zac sa family ko,” nagkibit-balikat si Aara. “Sa katunayan ay sa kanya ko nalaman na ayos na ang kalagayan ni Mommy ngayon eh.”
Nainsulto ako sa sinabi niya, Mas lumawak ang ngisi sa labi ng lalaking katabi niya. Nanatiling magkahawak ang kanilang mga kamay.
“Hindi ata nasagot ng parents mo ang tawag ng Daddy ni Aara kani-kanina lang…”
“Tulog na sila,” sagot ko.
“Uh, that explained why I was the one he phoned next. I wonder why not you?”
Kahit na galit ako sa kanila ay nakahinga ako nang maluwag. Ayos na si Tita Lineth. Ibig sabihin lang no’n ay hindi na kailangan ni Aara ang bumalik doon.
“Tinawagan ko na rin si Dad,” sabi ni Aara. “Nakausap ko na rin si Mommy. Nasabi ko na rin sa kanila ang gusto kong mangyari. And they both agreed.”
I felt even more languid at this moment. I think… I am about to hear something I never wanted to hear. “P-Pwede bang umuwi na tayo?” tanong ko kay Aara. “I’m tired… Please.”
Nangilid ang luha sa kanyang mata.
“They both agreed, Jude. Can you still remember when my Mom told you… Hindi nila ako pipigilan sa kung ano ang makakapagpasaya sa akin?”
“Kung ako ang rason, aalis ako…” Biglang sabi ni Irene. “J-Just don’t leave.”
Mahinang tumawa si Aara. “Don’t worry, Miss Good Girl. Hindi ikaw ang problema… Well, I thought it was you… But I admit it,” itinaas ni Aara ang kanyang dalawang kamay. “It’s never been you.”
Biglang bumalin sa akin ng tingin si Aara. Bumagsak na ang luha sa kanyang mata.
” Tayo… Tayo ang problema, Jude.”
Hindi pa rin ako nakapagsalita. Parang naubusan ako ng salita at nablangko ang utak ko.
“Why do you want to marry me, Jude?” Aara asked. I didn’t respond. “Is it just because you have made a promise to me? Dahil kung ‘yon lang ang dahilan… Bullshit.” She chuckled.
“Ouch. That surely hurt my Juliet,” pang-aasar ni Zac. “I am not Romeo but I can promise not to hurt you.”
“Don’t worry, Jude. Hindi na ako lalabas ng bansa.” Aara shook her head, “I am staying… but not for you.”
“A-Aara… You are just hurting each other. Alam ko… Alam kong mahal niyo ang isa’t-isa.”
“This love didn’t do anything but to hurt me, Irene. Parang nagiging lason ito.”
“Then, go…” Napatitig sa akin si Aara. “Sumama ka na sa kanya kung gusto mo. Hindi na kita pipigilan.”
Nakita kong bahagya siyang natigilan sa mga sinabi ko.
“Jerk…” She gritted her teeth.
May kinuha siya sa bulsa niya at itinipon ‘yon sa akin. Bumagsak sa sahig ang singsing na ibinigay ko sa kanya nung high school kami.
“Let’s go, Aara…” aya na sa kanya ni Zac.
Tinalikuran na ako ni Aara at sumakay sa sasakyan ni Zac. Napapikit kami nang businahan nila kami. Pinanuod namin hanggang sa maglaho ang sasakyan nila.
Humarap ako kay Irene. “Hindi ka pa ba inaatok?” I yawned.
“W-Why, Jude?”
“Ang dami kasi niyang sinasabi, sumasawsaw pa ang lalaking ‘yon. Halos isang oras na nga ata tayo rito,” sinulyapan ko ang oras sa phone ko. “Damn… 1 A.M na pala. Kaya pala hinihila na ako ng kama.” Humalakhak ako.
Naguguluhang nakatingin sa akin ni Irene.
“Ang lakas mo, ah? Hindi ka pa inaantok?”
Tumawa siya bago umiling. Inakbayan ko siya at sabay kaming naglakad pauwi.
“Baliw ka na, Jude…” natatawang sabi ni Irene.
“Sabi nga nila, sa hinaba-haba man ng prusisyon… sa simbahan din ang bagsak.”
“Tuloy ‘yon, hindi bagsak.” Tumawa siyang muli.
We both laughed.
Huminto si Irene at humarap sa akin. “Hindi nga? Ano ba ang pinaplano mo?” tanong niya.
“Umalis lang naman siya sa bahay. She needs space. She wants to breathe. But at the end of the day… Akin pa rin siya at sa akin pa rin ang bagsak niya.”
Napatitig siya sa akin. “You are really my ideal love,” she mumbled.
That made me stop from laughing and I just found myself, avoiding her gaze.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro