Kabanata 12
Kabanata 12: Kissed
She tried to kiss me again but I flinched my face away. Tinulungan ko siyang makahiga sa kama pero hindi siya nagpahiga, umupo lang siya at sumandal sa headboard ng kama ko. She was biting her bottom lip and I noticed how her face blushed.
“Here!” Sabay kaming napalingon kay Aara na hinga na hingal. Inabot niya sa akin ang inhaler kaya naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay. “Come on, Jude! Give her the inhaler!” sigaw ni Aara nang nanatiling hawak ko lang ‘yon.
I turned my look to Irene. “Do you still need this?” I waved the inhaler.
Hindi ko maiwasang matawa nang mabilis siyang tumango. Ibinigay ko sa kanya ‘yon at mabilis naman niyang ginamit. Pinagmasdan ko ang kilos niya. Kumuyom ang kamao ko nang mapagtanto na kakaiba ang kinikilos niya.
“T-Thanks,” said Irene when she finished. She kept the inhaler inside the pocket of her pajama. “T-Thank you,” again, she uttered.
Tumingin ako kay Aara na nakangiwi ang mukha. Masyadong mariin ang pagkagat niya sa kanyang labi. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakakuyom at bahagyang nanginginig.
“S-Should I say sorry?” Aara asked, tensed. “I didn’t mean to hurt you or to trigger your condition. You forced me.”
I raised my eyebrows. “Why are you even explaining?” I asked her. Napatingin sa akin si Aara. “Hindi mo naman alam na mangyayari ito. In fact,” I turned my sight at Irene. “You saved her life…” I smirked.
Bumagsak ang tingin ni Irene sa unan na nasa tabi niya.
“N-No, Jude… D-Dapat ay hindi ko lang siya pinatulan---“
“I said, stop explaining your damn self!” Hinila ko siya at binigyan ng isang mahigpit na yakap. “Thank you…” I looked at Irene while hugging Aara. She was looking at me too and I couldn’t see any emotion from her eyes. “You saved my sister.”
Mabilis na kumawala ako sa pagkakayakap at hinarap si Aara. Nakakunot ang noo niya na halatang naguguluhan sa mga kilos ko. Even I, myself, was confused of my actions. But then again, Irene was even harder to read.
I let out a heavy sigh. “Come, ipagluto natin siya ng soup…” Hinawakan ko ang bewang niya bago tumingin kay Irene. “Kung ayos na ang pakiramdam mo, baka mas kumportable ka sa kwarto mo.” Saka ko na hinila si Aara roon at pumunta sa kusina.
Mabilis na binitawan ko rin ang pagkakahawak ko sa bewang niya at hinanda na ang mga kasangkapan sa pagluluto. Ramdam ko ang tingin ni Aara na sinusundan ang bawat kilos ko.
“Now… I am being used to make someone jealous,” I heard her.
I didn’t bother to look at her. Kung alam niya lang ang ginawa ni Irene ay alam kong iba na naman ang iisipin niya--- And I think… I am starting to give her the benefit of the doubt. Why the hell would Irene do such thing? Unless, she didn’t mean it. But fuck! She even tried again.
Napapikit ako nang masagi ko ang babasagin na baso na nahulog at gumawa ng malakas na ingay. Mabilis na pumasok si Aling Soreng na halatang natataranta.
“Ako na,” pigil niya sa akin nang aktong kukunin ko na ang mga piraso ng nabasag na baso. Lumayo muna ako habang naglilinis siya.
Napatingin ako kay Aara na nakatingin lang sa akin. Halata ang pagdududa sa kanyang mga nagtatanong na mata. Nakahalukipkip pa ito habang nakaupo sa high chair. It felt like I was being confronted just by her stares.
Nang matapos na si Aling Soreng sa paglilinis ay kumilos akong muli para sa soup na lulutuin ko. Hindi kumibo si Aara kaya hindi rin ako nagsalita. Natapos ko ang pagluluto nang pinapanuod niya lang ako.
“What happened while I was gone earlier?” Finally, she opened her mouth.
Inilagay ko sa tray ang soup bago ‘yon binitbit. “Wait me here… Ibibigay ko lang ito kay Irene,” I said before leaving the kitchen.
Una akong pumunta sa kwarto ko at gaya ng inaasahan ko ay wala na roon si Irene. Naabutan ko siyang tulala sa kanyang kwarto. Mabilis na napatayo siya nang makita ako. Dumiretso lang ako sa malapit na lamesa at ipinatong doon ang tray.
“Higupin mo na ito habang mainit pa,” sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. “Sorry kung hindi kita mapapapakain ngayon.” Sa pagkakataong iyon ay binalingan ko na siya ng tingin. “Aara is waiting for me…”
I was about to leave when I felt Irene’s hands grabbed my arm that stopped me from moving. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.
“Y-You mad?”
“Your hands, please,” I mumbled.
Her hands on my arm started to tremble and it caused a huge impact to me. It was just a kiss; I shouldn’t be acting this way, but the fact that she took the advantage of her condition, to do the move, had ignited the burning cole inside me.
“I didn’t mean to kiss you…”
That’s the time I brushed her hands off my arms and turned my back to face her. Tears started to loom around her light brown eyes.
“I really didn’t mean it…”
“Inaatake ka ba talaga ng hika kanina?” tanong ko. Napaiwas siya ng tingin kaya napatango ako. Napabuntong-hininga na lang ako. “Lumalamig na ang soup,” ang mga huli kong sinabi bago tuluyang lumabas at bumalik sa kusina.
Nakahanda na ang tatlong bowl ng soup sa lamesa pagkarating ko. Naabutan ko pa si Aara na nagsasalin ng tubig sa baso.
“Ba’t tatlo ang bowl?”
“Ah? Kay Aling Soreng,” sabi niya bago hinawakan ang bowl. “Ouch!” Mabilis niya ‘yong nabitawan nang mapaso.
“Easy…”
Mabilis na kinuha ko pa ang isang tray at maingat na inilipat doon ang isang bowl.
“I’m cool.” She smirked.
“Ako na. Maupo ka na riyan,” lumabas ako at pumunta sa salas.
Naabutan kong nakaupo sa sofa si Aling Soreng na tutok na tutok sa kanyang phone. “Wow. Bago po ata phone niyo?” natatawa kong tanong. “Soup po.” Binitawan niya muna ang kanyang phone bago kinuha ang tray sa akin.
“Salamat. Nagf-facebook kasi ako,” natawa ako sa sinabi niya. “Bigay ng Mommy mo ang phone. Nagpaturo ako kay Irene kung paano gamitin.” Tumawa siya.
Napatango naman ako. “Kumusta naman po si Irene kapag wala ako?”
Napatingin siya sa akin. “Nako, Jude. Halos hindi na nga ako kumilos dahil gusto niya siya lahat ang gumagawa. Napakamaalalahaning bata.”
Napangiti naman ako. “Sige po. Kung gusto niyo pa ng soup, marami pa po roon.”
Pagkabalik ko sa kusina ay mga tingin agad ni Aara ang bumungad sa akin.
“Nakakailang ang mga tingin mo,” bulong ko bago umupo sa tabi niya at humigop sa soup.
“Wala ka bang sasabihin sa akin?”
“’Yung sketch mo pala ng wedding gown at ‘yong susuotin ko,” namilog ang kanyang mga mata. “Baka sa susunod na linggo rin ay tapos na.”
“P-Pinakialaman mo ang sketch ko?”
I frowned. “Hindi ba dapat ay mas pagtuonan mo ng pansin na ako na ang nagpatahi ng mga ‘yon?”
She laughed, softly. Kinawit niya ang kanyang braso sa akin.
“So… What do you think of it?”
I tried to rummage my memories to find the picture of her sketch but I didn’t find its image, just the notes at the top of the sketch. Binitawan ko ang hawak kong kutsara at humarap sa kanya. Kumalas naman siya sa pagkakakapit sa braso ko para harapin din ako.
“I spent two sleepless nights to finish my wedding dress and one day on your suit, well…” she shrugged her shoulders. “Kung gusto mo lang naman malaman.”
“I love it…”
She raised her eyebrows. “Is that a compliment?”
“Look,” I gave out a heavy sigh. “I am really sorry for everything…” I gulped. “For making you wait this long. I want you to know that I appreciate it… I appreciate you a lot.”
She pouted her lips. “Why am I feeling like a high school girl, standing in front of my crush who is confessing how he appreciates me? But yeah, anything for my baby boy,” she giggled.
Hinila ko siya at ikinulong sa aking mga bisig, umabot ng ilang segundo bago ko naramdaman ang pagragasa ng kamay niya sa likod ko at paghigpit ng kapit namin sa isa’t-isa.
Sinabi ko kina Mommy at Daddy ang mga plano ko sa araw ng graduation ko ngunit gaya ng inaasahan ko ay may iba silang parte ro’n na tinutulan.
“You don’t want a grand celebration? Fine. You want to celebrate the day with your friends? Cool. But, I want you to get home before 9 in the evening,” Daddy said. “We will have a small celebration. Just… Just us? Around this house.”
Sunod-sunod na tumango ako.
“Come on, Jude. I want to hug my son,” natawa ako nang yakapin ako nang mahigpit ni Mommy. “I want you to know how proud we are for you. We are just here for you. Always. Son.”
“Oh, I love you, mom… dad,” I giggled like a little boy when mom started to give me kisses on my cheeks. “Mom…” I laughed so hard.
Napatingin ako kay Irene na dumaan sa likod namin. Diretso lang ito hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Matapos ng ginawa niya ay hindi ko na alam kung paano siya haharapin na humantong sa pag-iwas ako. Sa tuwing lalapit siya ay lalayo ako, sa tuwing magsasalita siya ay ilalagay ko sa tainga ko ang headphone.
“Congrats?” Napatingin ako kay Aara nang maabutan niya akong nakaupo sa bench sa likod ng bahay at nakatingin sa kalangitan na dinesenyohan ng mga kumikislap na bituwin.
Tinanggap ko ang inalok niyang beer. Umupo siya sa tabi ko kaya bahagya akong dumistansya. Sabay kaming tumingala sa madilim na kalangitan.
“Malapit ka nang matali sa akin,” natatawa kong sabi habang nakatingala. “You still have enough time to make decisions, Aara. You know?” I turned my face to her. “To protect yourself?”
Napatingin din siya sa akin. “You insane, dude?” She chuckled. “I am going to protect myself by marrying you.”
Umiwas ako ng tingin bago tinungga ang beer na hawak ko.
Naramdaman kong bumigat ang balikat ko nang ihilig niya roon ang kanyang ulo. Bumagsak ang tingin ko sa isa niyang kamay nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa aking hita.
“I want Irene gone, Jude…”
“Why? Are you seeing her as a threat to us?”
“A threat to herself.”
Napatingin ako sa isa niyang kamay ay nakita ko ang pamumula no’n. Hinawakan ko ang kamay niya na mabilis din niyang binawi. Lumayo siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.
“What happened?” I asked.
“Nothing,” she turned her gaze away.
“Napagkatuwaan mo lang na papulahin ang kamay mo?”
“Jude…” Nakipagtitigan siya sa akin bago bahagyang tumango. “Tinulungan ko si Irene sa pagluluto. We had conversation and I didn’t see it… The conversation led to something. We had arguments!”
I listened silently, waiting for the answer to my question. Marami akong nakakaligtaan sa mga nangyayari. Pero malapit naman na akong makatapos sa pag-aaral.
“Then…” She gulped. “It happened.”
“You just had arguments and that led to that? Oh?” I faked a laugh. “I didn’t know just arguments could lead to---“
“Okay, fine! She pushed me!
Napaatras ako kaya nahawakan ko ang mainit na kawali.”
Napatitig ako sa kanya. “Why didn’t you say this?”
“Because it’s not a big deal.”
“Why are you protecting her now?” I arched both my eyebrows. “What’s with the sudden changed of heart?”
“Are you accusing me of lying?”
“Are you?”
Napapikit ako nang dumampi sa pisngi ko ang kanyang palad. “Hindi ko inakalang gano’n mo siya kakilala.” Tumawa siya bago tumayo sa harapan ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya. “Tama ka. She didn’t push me, in fact, she helped me when the accident happened.”
“Because I know Irene wouldn’t do such thing! Don’t make up stories just to ruin her to me!”
Humalakhak siya. “I am a bitchy person but I can be a goody one too. Now, broaden your messed up mind and fucking think of what I meant.” Then, I was left alone again.
Dumating ang graduation day namin at gaya ng napagplanuhan ay pumunta kami sa isang bar pagkatapos at doon nagpalipas ng oras. First year college pa lang kami ay napagplanuhan na namin ito. And para na rin itong despedida sa nalalapit na pag-alis ni Led na last year pa nag-graduate, kasabay si Light.
“Akala ko ba kanya-kanyang bayad tayo?” tanong ni Led. “Bakit napunta ngayon sa akin lahat?” Nagtataka pang dugtong niya.
Tumawa si Ryde. “Bayaw naman. Nagtitipid ako. Kailangan ko nang maipatayo ang business na plano ko. Ayaw mo ba no’n? Mas gaganda ang buhay sa akin ng kapatid mo?”
“Kabadingan mo, Ryde. Alisin mo nga ang mga nasa mukha mo!” singhal sa kanya ni Led.
Hindi ko rin gaanong matignan si Ryde dahil sa pinaggagawa niya sa kanyang mukha. Naglagay siya ng make-up sa mukha kaya nagmukha siyang clown. Ang rason niya ay ayaw niyang may lumapit sa kanyang babae. Gago talaga. Parang gano’n siya kagwapo para pagkaguluhan.
“Oo nga. Saka aalis ka na. Bayad mo na ito sa pang-iiwan na gagawin mo sa amin!” singhal rin ni Jux, na isa rin sa kasama namin, kay Led.
Wala rin siyang nagawa. We spent our time tasting new heavy drinks, throwing cringe jokes, sharing problems, dancing in the floor and above the tables, and kissing random girls.
“You taste strawberry…” I mumbled on the ears of the girl I was kissing. “But… Let’s stop right here,” I grinned.
Humiwalay na ako sa kanya at inayos ang pagkakabutones ng polo shirt ko. Saka ko lang napansin na nadala ko na pala siya malapit sa CR. Tinignan ko ang babaeng nakasandal sa pader.
“You are so hot…” she bit her bottom lip.
I leaned against the wall, facing her. Ayoko pang bumalik dahil nagdadrama na si Led sa table namin at ayokong marinig ang ka-cornihan niya.
“What’s your name?” I asked her.
“I don’t want to name myself,” she chuckled. “Oh, well… Who is Aara?”
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “You know her?”
“Well, you mentioned her name while kissing me… Girlfriend?”
“I should get back. Nice kissing you…” Then, I gave her another shot of kiss before I walked back on our table.
Mabilis na hinila ni Ryde ang polo shirt ko nang makita ako at inupo sa tabi ni Led na tulala lang sa lamesa.
I cleared my throat. “Led? Nahulog ka na ba sa babae?” I winced when Ryde kicked me under the table. “I mean… Sa kama?” dugtong ko.
“I don’t love her…” biglang sabi ni Led.
“I could feel the bed bleeding in pain,” I grinned.
“She is… not my type. Cringe. I found her childish. Trashtalker. And uh, sometimes, flirt.”
“Oh, I didn’t know bed could talk and flirt,” I mumbled.
“But why am I so damn affected when I saw how her smile faded when she heard the news that I am leaving…”
“Bed could smile?”
“Gago ka talaga, Judeus!” Binato ako ng ice cube ni Jux, na isa rin sa mga kasama namin. “Si Kapitan Jean ang tinutukoy niyan!” Lumapit siya kay Led. “Dude… Kaya mo ‘yan.” He tapped Led’s shoulder.
Napailing na lang ako. Napatingin kay kay Blaze na kakarating lang. Nakipag-fist bro ito sa amin, napansin ko ang ilangan nila ni Ryde. Tinagayan namin siya pero tumanggi siya dahil maaga pa raw siya bukas aalis.
“Whoa. Mag-aalisan na kayo?” tumawa si Jux.
“Napagplanuhan ko kasing magturo na lang sa probinsya namin. Dati ko pa ito plano,” sagot ni Blaze.
“Hindi naman ako ang dahilan, hindi ba?” biglang tanong ni Ryde.
Tumawa lang si Blaze at hindi sumagot. Mabilis din itong nagpaalam at umalis. Hindi ko siya masisisi lalo na’t alam naming may pagtingin siya kay Chelsea na ngayon ay girlfriend na ni Ryde. Alam kong ginagawa na rin niya ito para protektahan ang sarili niya.
“Ikaw, Jude? Hindi ka ba aalis?” tanong ni Jux. “Sige na. Alis na. Ganyan naman kayo eh, nang-iiwan.”
Tumawa lang ako bago kinuha ang phone ko sa loob ng bulsa. Napangiwi ako nang makita ang maraming messages mula kay Mommy na sinasabing umuwi na ako. Kahit na 5 PM pa lang ay nagpaalam na akong uuwi.
“Hoy! Paano si Led?” tukoy ni Ryde kay Led na tulog na. “Wala kaming kasamang magbubuhat!”
Biglang umangat ang ulo ni Led mula sa pagkakayuko sa lamesa. “Hindi ako lasing. Sige, mauna na rin ako.” Nakatingin lang kami kay Led na mabilis na umalis.
“Aalis na nga rin ako---“
“Samahan mo muna ako,” pigil ni Jux kay Ryde.
Hindi na ako nagpapigil dahil may text na naman si Mommy. Pagkarating ko sa bahay ay imbes na ingay ang bumungad sa akin ay katahimikan ang sumalubong sa akin.
“Jude!” Mabilis na yumakap sa akin si Mommy pagkapasok ko sa pinto. Napatingin ako kay Daddy na may kausap sa phone. Halatang seryoso ang usapan nila.
“Ano’ng meron? Akala ko may maliit na party?” nakakunot-noong tanong ko. “Ba’t parang may lamay?” biro ko pa.
“T-Tumawag kasi si Tito Elizar mo. Inatake raw sa puso ang Tita Lineth mo.”
Shit. Mabilis na umikot ang paningin ko sa paligid para hanapin ang isang babae. “Where is Aara?” kinakabahang tanong ko.
“Nasa kwarto niya, ayaw niyang lumabas.”
Lumapit ako kay Aling Soreng na halatang kinakabahan din. Hindi na ako nagsalita dahil agad niyang binigay sa akin ang duplicate key ng kwarto ni Aara.
Mabilis na tumakbo ako. Nadatnan ko si Irene na nasa harap ng pinto ng kwarto ni Aara. Mabilis na lumapit ako sa kanya.
“Jude!” salubong sa akin ni Irene.
“Nasa loob siya?” tanong ko.
Tumango naman si Irene.
“When she heard the news about her mother, she ran inside and locked herself. Hindi niya ako pinagbubuksan,” Irene said, tensed.
“Ako na ang bahala rito, puntahan mo na lang sina Mommy.” Tumango naman siya bago umalis.
Nang mabuksan ko ang pinto ay nadatnan ko si Aara na nakaupo sa sulok at yakap-yakap ang kanyang bagahe. Mabilis na lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
“Everything is going to be alright,” I mumbled on her ears.
Biglang kumawala ang hikbi sa kanyang bibig kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hanggang sa ang hikbi ay lumakas at naging hagulgol. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya.
“J-Jude… I am scared,” she said, sobbing.
“Ssshhh… Don’t say that,” I murmured.
I cupped her face using my hands and wiped her tears. Tumingin ako sa mga namamaga niyang mata. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Pati ako ay naapektuhan na parang sumisikip ang dibdib ko.
“I-Is this a sign?” She asked, trembling.
“Magiging maayos din ang lahat. Magpapa-book din ako ng flight ngayon para mapuntahan natin agad ang Mommy mo,” sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
She shook her head. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang pisngi.
“H-Hindi kaya… Hindi talaga tayo para sa isa’t-isa?”
“Don’t say that.”
“Look, Jude. Kung kailan malapit na ang kasal natin, ngayon pa ito mangyayari.”
“It’s just a coincidence, stop saying that. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala. Makakasama rin natin ang Mommy mo.”
Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang mukha ko.
“I-Itigil na natin ito…”
“Fuck! Ngayon pa ba? No!”
“Jude…”
“Nasasabi mo lang ‘yan kasi nabigla ka sa mga pangyayari. Stop overthinking, Aara. We will get through this.”
I held her hands. She smiled at me.
“Babalik ako kapag maayos na ang lahat.”
“I’m coming with you.”
She shook her head. “Masyadong mabilis ang mga pangyayari, Jude. Bata pa tayo. Kahit na mahal kita, kaya kong palayain ka. Sa pagbabalik ko, kung ako pa rin ang gusto mong makasama… Ako na talaga.”
“You are not Aara… Hindi kita makilala ngayon,” namaos ang boses ko. “You are so easy to let go of me. Come on!”
“Jude…”
“Aara---“
She cut me out when she pressed her lips against mine. I wanted to push her away and to hug her instead, because I hate how her kiss felt like… It felt like a goodbye one.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro