Escaped - Wakas
Hi, guys! Maraming salamat po sa panahon na ginugol ninyo para basahin ang kwentong ito. I hope you learned something from this story. That's life, right? Instead of escaping, live it! After all... We all have our own adventures, make yours a worth-telling one. Don't be scared... Why the hell would you?! Come on! /winks/
Now Playing: Highway Don't Care by Tim McGraw, Taylor Swift, Keith Urban
***
Escaped
Malakas na ulan ang angad na bumungad sa akin pagkalabas ko ng building na pinanunuluyan ko. Sa kabilang kalsada pa ang waiting shed kung saan makakakuha ako ng taxi. Wala akong payong o magagamit man lang para hindi mabasa.
Ngumuso ako nang mapagtanto na mukhang wala akong pagpipilian kung hindi ang sabayan na lang ito, mukhang matagal pa rin bago ito tumila. Inayos ko ang shoulder bag ko bago sinuong ang malakas na ulan.
Nanginig ako sa lamig pagkasilong sa waiting shed. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para magpunas. Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko, nakatingin ito sa akin.
"Ang ganda mo, Ate..." Nakangiti niyang sabi.
Nahihiyang napangiti na lang ako bago bumalik sa pagpupunas. Siya ang unang sumakay sa taxi na dumaan at ang sumunod ay ako. Iniiwas ko sa akin ang aircon dahil giniginaw ako.
"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng drayber.
Kinuha ko ang aking phone sa loob ng shoulder bag at binasa ang meeting place. Sinabi ko 'yon sa driver kaya nag-umpisa na rin siyang magmaneho. Sumandal ako sa upuan at ibinalin ang tingin sa labas ng binatana.
Masyado pa ring malakas ang buhos ng ulan. Mukhang hindi ito titila hanggang sa maabot ko na ang lugar.
Hindi ko maiwang matuwa dahil ngayon ko na makukuha ang ipinangako niya sa akin. Hindi na ako makapaghintay na tuluyang makalaya sa tanikala ng nakaraan. Pero alam kong makalaya man ako ay mananatili na ang bakas nito.
If someone would ask me if I somehow regret my decision, I wouldn't hesitate to nod my head. But out of all the regrets... There was this kind of satisfaction. I am so proud of myself.
Pagkapasok ko sa coffee shop ay samu't-saring amoy ng iba't-ibang klase ng kape ang bumungad sa akin. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko dahil hindi malamig sa loob.
I roam my eyes around... Where is he? There! Natagpuan ko siya sa bandang dulo. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin. I made my way to him.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
Nakangiting umiling naman siya sa akin. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Napansin ko ang isa pang bakanteng upuan kaya nagtaka ako.
"Oh, here..." May kinuha si Zac sa kanyang bag. Inilabas niya ang isang envelope at ibinigay sa akin 'yon. "It is all yours... Thank you."
Binuksan ko ang envelope. Napangiti ako nang makita ang pangalan ko bilang bagong may-ari ng titulo ng bahay at lupa sa Davao. Hindi naman na daw sila umuuwi ro'n at saka ipinamana na raw sa kanya ng magulang niya. Meron ding plane ticket.
I am so thrilled!
"T-Thank you for this..." I smiled, widely.
He nodded his head. "Mamaya na rin ang lipad mo..." Ngumiti siya.
"I-Irene?" Umangat ang tingin ko nang marinig na may tumawag sa pangalan ko.
Bumagsak ang mga balikat ko nang makita ang gulat na mukha ni Aara. Wala sa sariling napatayo ako at nayakap siya. Ilang segundo ang lumipas bago siya yumakap pabalik. Naramdaman ko ang sobrang lungkot... Ayoko na ng pakiramdam na ito.
While hugging her... There was nothing special. Gusto kong matawa dahil mukhang napapaniwala ko na rin ang sarili ko sa mga sinabi ko.
"Congratulations, Mrs. Clavez," natatawa kong bati. Hinarap ko siya, tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata. "You just got married, bakit andito ka? Where is Jude?"
Nagsiupuan na kami. "I-I had a meeting... You know? Job?" Suminghap ito bago hinawi ang luha sa kanyang mga mata. "Uuwi rin ako sa Zambales mamaya."
Napatango na lang ako. "H-How is he?"
"W-Why?" tanong niya pabalik.
"What?" Bahagya akong natawa pero ramdam ko na naman ang paninikip ng dibdib ko.
Hindi ko na kayang manatili pa nang matagal sa lugar na ito. Gusto ko nang makaalis at masimula muli... Malayo sa lugar na ito. Hindi bale... Ito naman na ang huli. I will get rid of this feeling right after I left this place.
"B-Bakit kailangan mong palabasin na ako ang mahal mo?" tanong niya, nanginginig na rin ang kanyang boses. Tanging ngiti lang ang naisagot ko. Unti-unti namang nanlaki ang kanyang mga mata. "Oh, god! D-Don't tell me..."
I bit my bottom lip when I felt the tears started to loom around my eyes. "I-I felt it too, Aara. Hindi lang ikaw ang nakapansin... The way he treated me... It was out of the line."
"Why didn't you just left? Bakit kailangan mo pang gumawa ng kwento?" sunod na tanong niya.
Hindi na ako nakasagot nang pumatak na ang mga luha sa mata ko.
"It was my plan," Zac interrupted. "I stopped Irene from escaping... Kung tatakasan niya ito ay hahabulin lang siya ni Jude. You would suffer again. I've had enough seeing you bleeding in love..." And there... Love, it is. Mahal na mahal pa rin niya si Aara. "She needed to make Jude's thought of him wrong."
Napangiti ako sa gitna ng pagluha. "B-Because... He knew... He felt it too..." My voice trembled.
"That you are also into him?" Aara asked me.
"I had to! H-Hindi kami pwede... Hindi ko rin hahayaan na masaktan pa siya. Ikaw ang dapat, ikaw ang tama. Kapag nalaman niyang pareho ang nararamdaman namin... It would lead to a nightmare. Kasalanan ko... Aakuin ko ang responsibilidad."
"The red rose..." Tumingin si Aara kay Zac. Tumango naman ito sa kanya. Tumingin muli sa akin si Aara. "S-Sinadya mong iwan ang envelope sa ibabaw ng lamesa para makita ko, hindi ba?"
Mahinang tumango ako... "T-Tapos na, Aara... Let's move on. Maging masaya naman tayo... Nakakainis. Lagi na lang iyakan." Sinubukan kong magbiro.
Umiling siya. "W-When you screamed that you love me... Y-You knew? Alam mong andoon kami ni Jude?"
"Come on! Let's not talk about it anymore."
Bahagyang natawa si Aara. "Oh, god... I am so sorry." Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko. "K-Kung alam ko lang na pareho kayo ng nararamdaman... A-Ako na sana ang nagparaya."
"H-Hey..." Hinila ko siya patayo. Tumingin ako sa kanyang mga mata. "M-Mahal ka pa niya... Nakita ko. It is still there... You just have to ignite it. Promise me... You will make him happy. You guys deserve a life without me... A happy ending for a new beginning."
Humagulgol siya. Tumayo si Zac at niyakap si Aara. Gusto kong matawa... Bakit gano'n? Kung sino pa ang nagmamahal sa atin ay sila pa ang nagagawa nating saktan? Siguro gano'n talaga. Love can blind a person... I must say.
"Sshhh, My Juliet. You will be happy soon... You are now married," Zac whispered.
Kahit ilang beses ipagtabuyan ni Aara si Zac... Love is still there. Ginawa niya ito para hindi na masaktan si Aara. Alam niyang kay Jude siya masaya... Just like me... It is all worth it.
"I-I am sorry, Zac..." Aara cried even harder.
I smiled... I think that's it. Tapos na ako. Kinuha ko na ang envelope at nag-umpisa nang maglakad palayo. Hinawi ko ang luha sa aking mga mata bago binatak ang mga labi ko para sa isang ngiti.
Tumila na ang ulan pagkalabas ko... Sariwa na ang hangin.
This is a new start to me... I promise that this time... When I fall in love, I will make sure it won't hurt me like this anymore. Gusto kong maranasang umibig nang walang pag-aalinlangan. I want a love that is worth fighting for. Isang pagmamahal na walang inaapakang tao.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Mga ulap na lang ang nakikita ko. Pagkalapag ko sa bagong lugar ay mag-uumpisa na ang bagong yugto ng buhay ko.
This will be the last time I will do the escape... Ito na ang huling pagkakataon na pipigilan ko ang sarili ko pagdating sa pag-ibig. There will be no escape after this.
Napagpasyahan kong ilagay ulit ang lumang simcard ko. Pinalitan ko kasi ito agad pagkaalis ko. Napangiti ako nang sobrang daming messages ang lumitaw. Pero sa lahat ng andoon... Isa lang ang umaagaw sa atensyon ko.
"Remember me, no matter what happens. Remember my words, you need them. Someday, there will be a guy who will break all those huge walls around you and will extricate you from your world. He will be your oxygen when you feel suffocated. I want to see you again in the future... I want to meet him. Thank you... Take care. Angel."
Nag-unahan muling pumatak ang luha sa aking mga mata.
Oh, god! I already missed him!
Hinawi ko ang mga luha sa aking mata at nagbasa pa ng ibang message. Nang makuntento ay hinanda ko nang alisin muli ang simcard nang.... May isang bagong mensahe ang lumabas.
Six words and I felt suffocated. "I am going to find you..."
Nanginig ang buong mundo ko at sa hindi mabilang na pagkakataon... Naramdam ko ulit ang takot. Siya lang ang may kayang magbigay sa akin ng pangamba.
Binasa ko ang pangalan.
"Kuya Alex..."
Wakas
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro