Ten
Pagkatapos naming magniig ni Ben ay halos wala kaming kibuan.
Iniisip ko that time na nalalapit na kaming maghiwalay dahil kukunin na siya ng asawa niya sa Canada.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot at biglang nangulila.
"Ihahatid na kita Emma baka hanapin ka na sa inyo." Saad nito habang nagbibihis.
Nilingon ko ito. Nakabihis na ako noon.
"Sige. Ahmm Ben pwede bang w-wag mo na akong puntahan." Bigla ay namutawi sa labi ko pero ang totoo gustong gusto ko nang umiyak.
"B-bakit Emma? May problema ba?" Nagtatakang Tanong ni Ben.
"K-kasi yun naman ang dapat di ba. Ahh ayako na kasi yung ganitong set up. A-at tsaka paalis ka na eh di ba dadalhin ka ng asawa mo sa Canada." Naiiyak na turan ko pero sobra ko iyong pinipigil.
"Ayaw mo na ba akong makita? O nagkabalikan na kayo ng boyfriend mo?" Tanong ni Ben nakatunghay sa akin.
"Hindi, Ano kasi--- naisip ko na habang maaga putulin na natin 'to. Ben natatakot ako sa sarili kong damdamin kaya mas mabuting itigil na natin." Di ko na napigil ang nag uumapaw na emosyon ko. I cried.
"Umiiyak ka ba Emma?" Tanong ni Ben. Lumapit pa sa akin.
"H-hindi. Sige na uuwi na ako." I uttered and cleared my throat.
"Hindi ako sasama kay Yvette sa Canada Emma. I won't leave you." Biglang saad nito na ikinalingon ko.
Tama ba ang dinig ko? Tanong ko sa aking isip.
"Mas nakakaramdam ako ng halaga sa piling mo Emma." Tugon ni Ben na yumakap pa mula sa likuran ko.
"Wag mong sabihin yan Ben m-may asawa ka na. Ayokong makasakit ng damdamin dahil alam ko ang pakiramdam ng niloloko-- at kung bakit naman kasi sinuong ko pa 'to." Hirap ang damdaming tugon ko. Sabay pilit kong kinakalas ang kamay nito.
"Im willing to file an annulment. Emma. Please don't give me up." Pagsusumamo pa ni Ben.
Pero dahil mahal ko ito bumigay ako at naniwala sa sinasabi nito.
Ang pagmamahal ang naging dahilan para kumapit ako sa kanya.
Hinarap ko siya.
"Hanggang kelan natin 'to gagawin Ben? Maling mali eh." Hilam na sa luhang turan ko.
Ginagap ni Ben ang mukha ko at pinunasan ang luha ko using his hands.
"Alam kong mahal mo ako Emma. Wag mo akong iiwan please. Sayo ko lang nararamdaman na may halaga ako bilang lalaki." Saad ni Ben nagmamakaawa ang itsura nito.
Hirap na hirap ako that time kaya tumango na lamang ako. At hinalikan niya ako ng marubdob sa labi.
*****
Naging parang langit ang sumunod na araw para sa aming dalawa at halos ay sa apartment na ako nito tumira dahil lagi ako nitong dinadala doon.
Isang gabi pag uwi ko ay nadatnan ko ang mga gamit kong nasa labas na ng bahay namin. Bigla akong napatakbo at kinatok ang bahay.
"Ma!!! Pa!!!! Buksan nyo ang pinto! Bakit nasa labas ang mga gamit ko?" Nagmamaktol kong turan habang nagtatawag sa mga ito.
"Lumayas ka dito Emma!! Tutal naman lagi kang gabing gabi na kung umuwi, kaya ang mabuti pa doon ka na sa lalaking yun tumira para di ka na mahirapan!! Kunin mo na yang mga gamit mo at sumama sa lalaki mo kung sino man yun!" Galit na bulyaw ng mama ko.
"Ma naman wag mo naman gawin sa akin 'to. Saan naman ako pupunta." Umiiyak at nagmamakaawa na ako sa mama ko pero parang wala itong naririnig.
"Umalis ka na Emma!" Saad ni mama at ibinalibag pa ang pinto.
Naiwan akong lulugo lugo at nanghihinang yumukod at pinulot ang mga gamit kong parang itinapon pa ng mama ko ng basta.
Halos kalahating oras akong nakatulala at umiiyak habang nakaupo sa labas, nang magdesisyon akong tumayo at maglakad palayo sa bahay namin.
Dinala ako ng mga paa ko sa apartment ni Ben.
Kumatok ako sa pinto.
Binuksan nito iyon at halatang naalimpungatan.
"E-Emma? Anong nangyari?" Tanong nito at niluwagan ang pagbubukas ng pinto and let me in.
"B-Ben pinalayas ako ni mama." Sumisinghot na tugon ko.
"Ano? B-bakit?" Tanong pa ni Ben habang kinuha ang bag na hawak ko sa aking kamay. Pinaupo niya ako sa sofa.
"E-ewan ko. Siguro masyado na akong pabigat sa kanila." Saad ko at ininom ang tubig na binigay ni Ben.
"Grabe naman yung mama mo. You can stay here." Alok ni Ben at hinagod ang likod ko.
"P-pasensya ka na ha kung naabala kita. Wala kasi akong alam na mapuntahan eh." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Wala yun, ikaw pa ba. Kumain ka na ba?" Concern na tanong nito.
I nodded at nginitian ito ng tipid.
"Halika na magpahinga na tayo." Maya maya lang ay alok nito at iginiya ako sa loob ng silid nito.
Nagpatinaod naman ako at nahiga kaming magkayakap. Hindi ako ginalaw ni Ben that night nakontento lang itong yakap ako hanggang sa payapa na akong makatulog.
Pag gising ko kinabukusan ay naamoy ko ang mabangong sinangag na niluluto from the kitchen.
Bigla tuloy akong nagutom.
Bumangon ako at pumunta sa kusina and I saw Ben cooking in the kitchen at sobrang sarap nitong pagmasdan.
Sumandal ako sa balustre ng pinto ng kitchen ni Ben at pinagmasdan ko siya habang nakangiti.
At habang aliw na aliw akong panoorin si Ben ay bigla itong lumingon sa gawi ko at agad siyang ngumiti sa akin.
"Good morning Emma." He greeted and smiled.
"Good morning Officer." Nakangiting tugon ko.
"Halika kain na tayo." Yaya nito.
"Anong niluto mo?" I ask him
"Sinangag fried egg at hotdog." Pilyo pa itong ngumiti.
At masaya na kaming kumain habang nag kukulitan pa.
Lumipas pa ang mga araw at naging masaya kami ni Ben. Naging maalaga kami sa isa't isa. Hinigitan ko ang pagmamahal at pag aalaga ng asawa niya at ibinigay ang mga bagay na hindi maibigay ng asawa ni Ben.
Hanggang sa isang araw ay nagulat ako ng ibalita nitong uuwi si Yvette.
"K-kelan daw siya uuwi?" Tanong ko kay Ben.
"Next week, mag uusap daw kami." Matamlay pa nitong tugon.
Napatitig ako sa kanya at inaarok ang ekspresyon ng mukha niya.
"A-anong pakiramdam mo ngayon? Na e-excite ka ba?" Tanong ko.
"Hindi ko alam." Tipid nitong sagot.
"Ahmm pupunta ba siya dito sa apartment mo?" Tanong ko.
"Hindi. Ako ang uuwi sa Batangas." Tipid nitong sagot.
"Okay. I-empake na natin ang mga damit mo?" Tanong ko pero ang totoo nalulungkot ako, hindi ko kasi alam ang posibleng mangyari pag nagkita sila ng asawa nito. Posibleng magkabalikan kasi ang dalawa,. Naisip ko.
"Okay lang ba sayo na magkikita kami?" Tanong ni Ben.
"O-okay lang, siya naman ang may karapatan sayo." I uttered and smiled bitterly.
"Ayokong nasasaktan ka Emma." Saad ni Ben at niyakap ako from behind.
"Mahal na kita Emma. At ikaw na ang kailangan ko." Bulong nito sa tenga ko, malambing pa niya akong hinalikan sa pisngi.
"T-totoo ba yan Ben?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngayon lang kasi nito sinabi ang bagay na yun at sobrang kinilig ako habang hindi ko na napigilang umiyak dahil sa galak na nadarama ko that moment.
Ben just confessed his feelings for me and it felt heaven.
"Mahal din kita Ben at kung magkakabalikan man kayo ni Yvette maiintindihan ko." Saad ko habang pinupunas ang luhang tumulo sa aking mata.
"Hindi na ako babalik sa kanya Emma." He said at iniharap niya ako at masuyong hinalikan.
Ben kissed me passionately and again pinagsaluhan na naman namin ang bawal na pag ibig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro