Eight
Naging masaya ang bawat araw namin ni Ben sa Benguet, sa pangalawang araw naman ay pupunta kami sa isang strawberry farm para mamitas ng sariwang strawberries.
Nakapagbihis na si Ben at hinihintay ako.
"Tara na." Yakag ko sa kanya matapos kong magbihis.
Nakitang kong tumitig muna siya sa akin bago tumayo. Kakaiba ang ngiti nito.
"Ang ganda mo ngayon Emma." Bulong nito habang iginigiya ako palabas ng cabin.
"Wow ha parang ngayon lang ako naging maganda sa paningin mo." Natatawa kong turan sa kanya pero ang totoo ay kinilig ako sa sinabi niya.
"Ikaw talaga Emma, siyempre lagi kang maganda sa paningin ko pero mas maganda ka sa araw na 'to." He said habang binubuhay ang makina ng sasakyan.
"Hmmn sige na nga naniniwala na ako." Nakatawang tugon ko at ibinaling ang aking paningin sa labas ng bintana ng sasakyan at namangha ako sa ganda ng lugar. Habang nakatanaw ako sa mga nadadaanan naming magandang tanawin ay nakangiti ako, pakiramdam ko kasi ay nakawala ako sa hawla, yun bang malaya ako sa pakiramdam nang pag iisa at pakiramdam na hindi binibigyan ng halaga.
"Maganda ba dito Emma.?" Narinig kong tanong ni Ben.
Binalingan ko siya ng tingin. Ngumiti ako sa kanya ng matamis.
"Salamat sa pagdadala mo sa akin dito, ang ganda Ben." Sinsero kong tugon sa kanya.
Naramdaman kong ginagap ni Ben ang aking mga kamay at dinala iyon sa mga labi nito at masuyong dinampian ng halik.
"Salamat din sa pagsama mo sa akin dito. I really need this kind of environment Emma para hindi masyadong maisip si Yvette." Malungkot na tugon nito. Nakita kong parang bigla itong nalumbay pagkabanggit sa asawa nito.
"B-Ben wag kang mag alala susubukan kong punan ang mga pagkukulang niya. Wag ka nang malungkot." Saad ko pa at hinaplos ang pisngi nito.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Your making me happy right now Emma."Saad ni Ben at nagpatuloy ang aming paglalakbay.
Nang nasa Farm kami ay masaya silang namitas ng strawberries habang masaya ding naghuhuntahan.
Nang mapagod sa pamamasyal ay pansamantala silang namahinga sa isang shed.
"Grabe ang saya dito, ang daming pwedeng pasyalan tapos tignan mo ang dami nating nakuhang strawberry, ay alam ko na gagwin natin itong strawberry jam." Masayang saad ko habang tuwang tuwang nakatingin sa basket ng strawberries.
Napansin kong tahimik ito habang nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha nito.
"M-May problema ba?" Tanong ko dito.
"Ah W-wala naman, pasensya ka na Emma.. Ahmm yah masarap ngang gawing jam yan." Tugon nitong parang bumalik sa huwisyo.
"K-Kung may gumugulo sa isip mo p-pwede mong i share sa akin." Bigla ay lumabas sa labi ko. Tumingin ako sa gawi niya.
Ben stare at me, biglang nalungkot ang mukha nito.
"About Yvette, s-she wanted to split up with me." Garalgal na saad ko at nakita kong bumalong ang munting luha sa mata niya. Alam ko nasasaktan siya. That means mahal ni Ben ang asawa nito.
Bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa isiping mahal nito ang asawa, eh natural lang naman yun di ba dahil asawa naman nito iyon., Naisip ko.
Bigla kong ipinilig ang ulo ko dahil sa naisip.
"B-bakit daw?" Tanong ko.
"I think she already have someone else." Mahinang saad nito.
Katahimikan..,
Napalunok ako at binalingan ko siya.
"Mahal na mahal mo siya ano?"Tanong ko pa sa kanya.
"Siya ang first love ko Emma at siya lang ang babaeng minahal ko." Sagot niya na halos tumusok sa puso ko,.
Ang sakit, nasasaktan ako. Sa isip ko.
"Ahmm si-siguro ang ganda ni Yvette noh?" Bigla ay tugon ko at pinasigla ko ang tinig para hindi nito mahalatang na upset ako sa sinabi nito.
"Ayokong mawala siya Emma, p-pero anong gagawin ko andito ako sa Pilipinas at naroon siya sa Canada." Saad ni Ben, mukha talagang problemado ito.
"D-Di sundan mo siya doon, Diba mag asawa na kayo? Bakit pala di ka pa niya pinetition.?" Naisip kong itanong.
"Supposedly ay kukunin na niya ako, pero biglang nagbago ang ihip ng hangin she instantly change and I don't know why." He said at narinig kong bumuntong hininga ito.
"Ang tanga lang ng asawa mo, bakit di niya nakitang napakabuti mong tao." Wala sa loob na saad ko. Bigla siyang tumingin sa akin.
"Emma pasensaya ka na kung sinisira ko ang mood ng bakasyon natin. Tara na marami pa tayong pupuntahan."Saad nito sabay tayo at lahad ng palad sa akin.
Inabot ko ang kamay nito at tsaka kami naglakad na para mamasyal.
Pagbalik namin sa cabin ay naghanda ako agad para lutuin ang inuwi naming strawberry.
"Anong gagawin mo Emma?" Nagtatakang tanong ni Ben pagkakita sa ginagawa kong paghahanda ng pagluluto ng jam.
"Magluluto ako ng jam, sayang kasi itong napakadaming strawberries na napitas natin kung di ko lulutuin."Natatawang saad ko at inumpisahan ko na ang paglilinis sa strawberries.
"Ay ganun ba ayos ah. Sige need my help?"Tanong nitong nakangiti na sa akin.
"Sige halika tulungan mo akong maghugas." Saad ko at binigyan ko siya ng space sa lababo.
Halos dikit na dikit na kami habang nagtatawanan pa dahil sa kakulitan din nito paano naman ay kung ano anong kinukwento tungkol sa mga kalokohan ng mga ka-trabaho nito.
"Grabe naman yang mga kasama mo ang babastos." Saad kong tawang tawa sa kinukwento ni Ben.
"Ganun talaga ang mga yun lalo pag nakakakita ng chicks." Natatawa ding tugon nito. Bigla siyang natahimik.
"Y-Yung mga kasamahan mo bang pulis may mga kabit din?"Naisip kong itanong dito.
Awkward pero ano pa ba kami di ba nga ay naglalaro naman kami ng apoy.
Bigla siyang napatingin sa akin. Nakakunot noo.
"Emma bakit mo naitanong yan?" Tanong nito.
"W-Wala lang na curiuos lang ako. Di ba nga ang sabi nila pag pulis daw matulis." Natatawa kong saad at nagsalang na ako ng kawali para maisalang na ang strawberries.
Habang hinahalo ko ang niluluto kong strawberry jam ay nilapitan ako ni Ben at hinapit mula sa likuran.
"Uy Ben ano ba Nagluluto ako." Natatawang tugon ko.
"Hmmmn ang bango Emma." Saad nito habang nilalanghap ang leeg ko.
Eto na naman kami. Sa isip ko.
Pagkatapos kong maluto ang jam ay agad akong kumutsara ng kaunti at ipinatikim kay Ben.
"Ano how does it taste?" Tanong ko. Nakahapit ang kamay nito sa baywang ko.
"Hmmn sarap." Saad nitong bigla akong hinalikan sa labi. Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya.
Pero agad din akong nakabawi and pretended na wala lang yung ginawa niya.
"Kita mo na di hindi nasayang yung pinaghirapan natin."Tugon ko at iniiwas ang tingin kay Ben.
"Tama, Emma hindi nasayang."
Saad ni Ben pero titig na titig sa akin.
"B-bakit may dumi ba ako sa mukha.?" Naiilang kong tanong dahil sa uri ng tingin nito sa akin.
"Ang swerte ng boyfriend mo Emma, masyado kang maalaga, bakit hindi niya nakikita ang magandang katangian mo?." Bulong nito sa tenga ko nakalapit na siya sa akin.
"H-hindi ko din alam eh." Malungkot kong sagot.
At namalayan ko na lang na sakop nito ang mga labi ko at muli pinagsaluhan na naman namin ni Ben ang bawal na pagniniig.
Naging masuyo sa akin si Ben punong puno ng gentleness ang bawat ulos at haplos niya sa akin at doon ko nararamdaman na mahal ko na si Ben.
Sa napaka ikling panahon ng aming pagsasama.
Alam kong kahit kailan ay hindi ko mapapalitan sa puso ni Ben ang asawa nito but I wanted to feel him near kahit saglit lang at kahit na panakip butas lamang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro