CHAPTER 4
SIMULA nang makilala ko ang gwapong Doctor, palagi ko siyang sinusubaybayan sa malayo. Kada matatapos ang trabaho ko, pupunta ako sa Hospital at aabangan siyang lumabas saka siya susundan.
For the short time period, I became his secret admirer—no, scratch that, I am more like his stalker. Sounds creepy but uheck I don't care. Gusto ko lang masilayan ang gwapo niyang mukha araw-araw!
Sa tingin ko nga ay mas lalong dumagdag ang gastusin ko simula nang makilala ko si Crystoff, ang gwapong Doctor. Biro mo, noon kuryente, tubig, baon ni Zeros, at apartment ang binabayaran ko pero pati ngayon pati pamasahe papunta sa mga pinupuntahan ng Doctor nasama na din sa badget ko.
Pero hindi bale, magiging asawa ko naman siya.
"Hoy, lukaret! Saan na naman ang gala mo?" Tanong ni Dhina nang makita niya akong palabas ng Bar.
Pasado alas-sais na ng umaga at ngayon pa lang ako uuwi dahil marami kasing tao kanina. Literal na dagsa.
Ramdam ko ang pagod at antok sa sistema ko kaya napagdesiyunan ko na sana munang umuwi but Dhina saw me.
Inaantok ko siyang nilingon. "Hmm? Uuwi muna ako, sis. Aasikasuhin ko pa 'yung kapatid ko." I said while yawning.
Totoo naman na aasikasuhin ko muna ang kapatid ko tapos maglalaba at maglilinis bago sundan ulit ang gwapong Doctor hehe.
"Weh? Maniwala!" Saad niya. "Nako, alam ko likaw ng kipay mo, sis. Siguro may may daddeh ka na 'no!" Pinanliitan niya ako ng mata.
Mahina akong natawa bago umiling. "Lah, grabe ka! Wala 'no!" Wala pa…
"Kipay mo bulok!" Nagulat ako nang hinampas niya ang braso ko. "Utuin mo na lahat, 'wag lang ako! Duh, been there, done that!" She flipped her hair.
"Dhina nga! 'Yang bunganga mo!" I hissed at her.
"Bakit? Anong problema mo sa bunganga ko? Hindi mo ba alam na kaya nitong magsubo ng dalawang daks na pipino?" Pagbibiro niya.
Nanlaki ang aking mata dahil sa kanyang sinabi. "Dhina nga! Ang halay mo! Lumayas ka nga sa harapan ko!" I exclaimed.
Humagalpak naman sa tawa ang loka-loka kong kaibigan. "Hoy, ang green-minded mo!" Saad niya. "Literal na pipino ang tinutukoy ko at hindi 'yung lawit!" Tuloy pa niya.
"Ah, mababaliw na ako!" I shrieked. "Aalis na ako!" Tinakpan ko ang aking tenga at nagsimulang maglakad palabas ng Bar.
"Hoy! 'Yung sugar daddy ko! Hanapan mo ako!" Rinig ko pang sigaw niya ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.
Nang makaratinga ko sa bahay ay pasado alas-siete na kaya kaagad akong nagluto ng almusal para sa kapatidd ko. 8:30 pa naman ang pasok niya pero may lahing pagkatamad at pagong ang kapatid ko kaya kailangan ko siyang gisingin ng maaga.
Nang maisalang ko na ang ulam na lulutuin ko, kaagad akong dumiretso sa maliit na kwarto ni Zeros. Naabutan kong nakahubad at nakadapang natutulog ang kapatid ko. Napailing ako at lumapit sa pwesto niya.
Ginising ko siya at inutusang ayusin ang kama niya at maligo na kaagad naman niyang sinunod. Bumalika ko sa kusina at binantayan ang aking niluluto. Habang hinihintay ko ang kapatid kong makupag kumilos, naglinis muna ako sa sala, kusina, at sa maliit naming bakuran.
Wala ngayon si Tiya sa bahay. Siguro maaga siyang pumunta sa palengke ngayon.
Ilang minuto lang ay lumabas na si Zeros sa banyo. Matapos niyang magbihis, kaagad ko siyang pinakain at binigyan ng abon galing sa sahod ko kanina. Hindi nagtagal ay pumasok na rin siya sa school. Nagpalit muna ako ng damit bago kinuha ang mga labahin ko.
"I fall in love with boys I see on the TV screen…hmm…" I hummed while doing the laundry.
Pasado alas-dose na nang matapos akong maglaba. Diretso akong naligo at bumiyahe papuntang palengke para matulungan si Tiya.
"Tiyaaa! Na-miss kita!" Bungad ko sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Nako, ikaw talagang bata ka! Bakit dumiretso ka pa dito? Dapat nagpahinga ka na lang!" Sermon niya sa akin.
"Tiya naman! Tutulong lang ako, eh!" Nakangusong aniko.
"Tutulong ka pa sa lagay mong 'yan? Mukha ka nang mamamatay." She glared at me.
"Lah, grabe ka na, Tiya! Ikaw na nga tinutulungan tapos nanlalait ka pa!" Reklamo ko.
"Eh, kung bunutin ko 'yang buhok ng kipay mo? Ang kulit mo talagang bata ka!" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"Tiya nga! 'Wag ka na nang lumalapit kay Dhina, nahahawa ka na sa kahalayan ng lokaret na 'yun!" I stated.
"Aba, bakit naman? Nakakatuwa kaya ang batang 'yun!" She defended Dhina.
"Anong nakakatuwa sa kahalayan niya?" Nakaismid kong tanong.
"Lahat!" Aniya sabay tawa.
Jusmiyo, baka matuluyan na si Tiya.
Akmang magrereklamo ako nang may marinig akong pamilyar naboses na tumawag sa pangalan ko.
"Rishanne, milabs!"
Patay...
"Oh, Tony, nandito ka na pala." Bati ni Tiya sa bagong dating.
"Aling Carol, pasensya na at ngayon lang ako. Dinaan ko pa kasi kay Bentong 'yung bisikleta na hiniram ko kagabi." Nakangiting saad ni Tony.
Napangiwi ako nang wala sa oras.
Tangina men, 'yung hininga nakakamatay. Dami pang tartar sa ngipin.
"Ah, Tiya, alis na po pala ako…" mahinang saad ko.
Naguguluhan naman akong tinignan ni Tiya. "Ha? Akala ko ba tutulungan mo ako dito?" Tanong niya.
"I've changed my mind. Magpapahinga na lang pala ako hehehe." Akmang maglalakad na ako paalis nang may isang braso ang humigit sa akin at walang pasabi na inakbayan ako.
Muntik pa akong maduwal nang maamoy ko ang katawan ni Tony.
Putang...ina. Mabangong amoy ni Doctor Cryst ang gusto ko hindi putok ni Tony.
"Hi, Rishanne! Namiss kita!" Maligayang saad niya at akmang yayakapin pa ako.
I instantly pushed him in horror then ran away while shrieking my lungs out.
Oh my gosh! Punyeta ka talaga, Tony! Ang asim mo! Animal ka!
***
Ilang oras na akong naghihintay sa tapat ng Hospital na palagi kong pinaghihintayan sa gwapong Doctor ngunit hindi pa rin siya lumalabas.
Siguro, marami pang ginagawa.
"Shuta, nangalay na ako." Saad ko sa sarili.
Sa ilang araw kong pang-i-stalk sa kanya, halos kabisado ko na ang scedule niya pauwi. Tuwing alas-syete ng gabi siya umuuwi.
Pero sabagay, alas-sinco pa lang, eh.
Napagdesisyunan ko munang mamasyal sa isang mall malapit sa Hospital. Pagkapasok ko pa lamang sa loob, laking gulat ko ng makita ko ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki.
Si Doc. ba 'yun?
Pinasingkit ko ang aking mata para siguraduhin kung siya nga talaga ang nakikita ko.
Si Doc nga!
"Ibig sabihin...wala siyang duty ngayon sa Hospital?" I asked myself.
Hindi lang si Doc. Cryst ang nakita ko, napansin ko rin na mayroon siyang kasamang...babae?!
What the heck?! Sino siya?!
I gasped when I saw the woman wrapped her hands around Cryst's arm. I gritted my teeth. "What the heck?! Akin lang siya!"
I was about to make my way to them when suddenly someone grabbed my arm and pulled it.
"Ay yawa!" Napasigaw ako sa gulat.
"Ano bang prob…" nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. "...lema mo?"
Tumaas ang kilay niya at maliit na napangisi. "I'm pretty sure that you know me, Ms. Salvonte."
Patay…
"I-Ikaw 'yung…secretary ng gwapong Doctor!" I exclaimed. I gasped then covered my mouth.
His smirk grew bigger. "Yes…yes, I am. And I can instantly report to him that I finally found his stalker."
My eyes widened. "A-Alam mo?! P-Paano?" Mariina akong napapikit at wala sa sariling napahilamos ng mukha. "I mean…h-hindi, ah! A-Ako? Stalker? Hah! In your dreams! Paano mo naman nasabi?"
"Seriously? Don't deny it. Paano mo ako nakilala kung hindi moini-stalk boss ko?" He looked at me ridiculously. "Sa tingin mo hindi namin mapapansin na palagi kang nakasunod sa kanya? I even saw you fall at a tree last sunday."
Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya.
Nakakahiya! I'm so lame!
"And…Doctor Valois is planning to file a restraining order once na mahanap ko na ang stalker niya and finally, I found you." He smiled at me.
Pinagdaop ko ang dalawang palad ko at hindi nagdadalawang-isip na lumuhod.
"Waaaah! Kuya Reymooond, maawa ka!" Ngawa ko at yumakap sa hita niya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko dahil muntik na siyang matumba, mabuti na lang at nabalanse pa niya ang katawan niya.
"What the…hey! Stand up!" Pilit niya akong itinatay pero mas hinigpitan ko ang kapit sa binti niya.
"Hindi! Maawa ka sa'kin! 'Wag mong sabihin!" Mangiyak-ngiyak na saad ko.
"Hey, you're making a scene! Tumayo ka na d'yan!" He said, panicking.
"Ayaaaw! Hindi mo pwedeng sabihin sa kanya na ako ang stalker niya! Kapag nag-file siya ng restraining order para sa akin paano ko siya masisilayan? Hindi ko siya magiging daddy! Kapag hindi ko siya magiging daddy, hindi kami maikakasal! Kapag hindi kami ikakasal, hindi—" natigil ako sa pagssalita nang may marinig akong boses na nagmula sa likod ko.
"What's happening here?"
Holy shit. Si Doc.!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro