Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[2] September Entry

The most beautiful dahlias
Written by: reveeruary

DAHIL sa malakas na pagsabog ay biglaan siyang nagising. Nagmamadali siyang bumaba sa tagpi-tagping higaan. Nag kalat sa buo niyang silid ang mga lumang librong nakita niya sa bulto-bultong basura. Mga librong ginagamit ng mga tao no'ng maayos pa ang mundo.

Sa masikip nilang bahay ay nagpilit siyang dumiretso sa kanilang sala at kusina. Kung saan, iisa lang ito.

"Pa! Anong mayro'n po?" pasigaw niya rito. Naiirita niya pang inalis ang isang mahabang bakal nakaharang sa kaniyang harapan.

Nang makarating siya sa sala ay bagsak ang balikat niyang pinanood ang nasa maliit na tv. Pinapakita rito ang pag anunsyo nang natitira nilang oras sa mundong kanilang ginagalawan. Setyembre 30th.

Nagkakagulo ang buong paligid. Maingay. Maraming usok at may ilan pang nasusunog na gusali sa hindi kalayuan.

Hindi niya hinintay ang sagot ng kaniyang ama at nag mamadali siyang lumabas ng bahay. Bumungad sa kaniya ang mas magulong paligid. May nag banggaan na sasakyan sa hihimpawid.

Nagpatuloy siya maglakad.

Nagtatakbuhan ang mga tao habang sinisigaw ang katagang katapusan na ng mundo.

Mariin niyang hinawakan ang magkabilaang tainga. Umalingawngaw ang ingay ng siren horn sa buong paligid. Lahat sila ay nahinto sa kanilang kinakatayuan at pinanood ang biglang lumitaw na screen sa bawat malalaking gusali. Umupo ang isang naka tuxedong lalaki.

"Sorry," natatawa nitong saad nang mag echo ang mic sa unahan nito sa isang matinis na tinig. Umayos ito nang upo at sumeryoso ang mukha. Matagal itong nakatingin sa camera hanggang magsalita ito na kinataas niya ng balahibo.

"Hello, my dear people! That's right! The world is ending." Tumaas ang sulok ng labi nito hanggang maging isang nakakatakot na ngisi. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at nilingon ang kanilang munting tahanan.

Sa bintana ay nakaupo ang kaniyang ama habang naghahalo ito ng mainit na kape. Lumandas sa kaniyang pisngi ang isang luha na agad niyang pinunasan. Ang ama na lang niya ang mayro'n siya. Simula mawala ang ina niya nang masira ang mundo dahil sa pagiging gahaman ng gobyerno makalipas ang sampung taon.

Sila na lang ng kaniyang ama ang natira. May lungkot na pinatitigan niya ito. No'ng araw din no'n ay nabulag ang kaniyang ama dahil sa maliit na matulis na bakal. Pilit nito niligtas ang kaniyang ina na may dala-dalang sanggol sa sinapupunan.

Nabalik ang atensyon niya sa screen nang isang palahaw ang lumabas sa kaniyang bibig. Pinanood nilang kinuha ng lalaki ang sariling buhay. Mahigpit na kumapit siya sa bibig at pilit na pinatigil ang sarili sa pag-iyak.

"No, no, no!"

Paatras siyang bumalik sa tahanan nila. Dumako pa ang atensyon niya sa bagong lumitaw na screen na may nakalagay na oras.

23:27:42

Mabilis siyang umakyat sa bahay. Nadapa man dahil sa pagmamadali ay hindi niya ito ininda hanggang marating niya ang kinaroroonan ng kaniyang ama.

"Pa," tawag niya rito. Lumingon ito sa kaniya. Dinaluhan naman niya ito at niyakap nang mahigpit. Umiyak siya nang umiyak sa bisig nito. "Ayos lang, anak. Makakasama na natin ang iyong ina at bunsong kapatid." Umiiyak na tumango-tango siya rito.

"Opo, makakasama na natin sila mama," nababasag ang boses niyang saad. Biglang nag flashback sa kaniya ang ngiti ng ina at ang pagsuklay ng buhok nito sa kaniya bago matulog pagkatapos sa pinaka likod ng kaniyang isipan. Naalala niya ang pangarap maging guro.

Sa panahon nila ngayon ay hindi na nakakapag-aral ang mga bata dahil hirap sa pera at walang maayos na kagamitan. Ang mga lumang libro nasa silid niya ay pinursige niyang hanapin sa basura para matuto at maituro sa mga kabataan.

Sa isang araw natitira sa kanila. Ginugol niya ito sa pagluto ng paboritong pagkain ng kaniyang ama, gamit ang mga nakita niyang sangkap sa kanilang maliit na ref. Nilagay niya ang mga ito sa isang basket bago niya inalayan ang ama lumabas.

Pumunta sila sa isang lugar na palagi nila pinupuntahan. Ang puntod kung nasaan ang kaniyang ina. Nilapag niya ang dala at pinatitigan ang pangalan. Pinahawak niya sa ama ang batong may nakaukit na pangalan ng ina.

Pinagmasdan niyang umiyak ito. Pilit niya nilakasan ang loob. Nilagyan niya ito ng pinakamagandang bulaklak nakita niya sa kanilang dinaanan. Kumain sila ng niluto niya habang nag re-reminisce no'ng mga panahon kasama pa nila ang ina. Puro ang kaniyang ama ang nag ku-kwento dahil mas marami itong alaala sa ina.

Nang makita niya ang oras sa himpapawid. Tinulungan niya tumayo ang ama. Nagsimula silang marahan na sumayaw sa tunog ng sigawan ng mga tao.

"Salamat po sa pagpapalaki sa 'kin. Salamat dahil hindi ka po sumuko nang mawala sina mama. Mahal ko po kayo." Tuloy-tuloy na ang luhang lumandas sa kaniya.

"Mahal din kita, anak. Salamat sa 'yo at paumahin sa lahat ng pagkukulang ko. Hindi ka na mahihirapan alagaan ako." Mahigpit niya itong niyakap habang hinihintay ang katapusan.

- Wakas -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro