Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13: Off


Racing hearts, shaking hands, sweating palms, flushing face, and butterflies in the stomach. I'm not that dumb not to know what they possibly indicate.

When I was young, I was told by my mom that I will get to experience them when I grow up... that someone will look at me and cherish me like I'm the most precious thing in the world.

And now, as I look into his eyes, I feel scared. Because it seems like my conscious mind was starting to envision those words or maybe... I'm starting to get delusional and see things that don't even exist.

Like that kind of look.

Damn. Mabilis at malakas ko siyang itinulak. Gago, hindi ako marupok. Hindi pwede! At hindi rin ako bobo para hindi mapansin ang unti-unti kong nararamdaman, mag-aabogado nga kasi ako, 'diba? At hindi pwede 'yon, 'di ako pwedeng maging mahina at magpadala sa nararamdaman.

"I hate blood, linisin mo muna 'yan," I swiftly said before walking away from him.

Nang makapasok ako sa loob ay agad na sumalubong sa 'kin ang mga kaibigan ko.

"Oh my gosh! I heard about what happened. Hindi ko nakita kasi nasa malayo ako but there was a commotion kaya lumapit kami kaso nga lang, wala na kayo no'ng dumating kami." Mabilis na sabi ni Olive at hinawakan ang braso ko.

"Okay ka lang ba, Gi?" Kelssey worriedly asked.

Tumango ako.

"Grabe! Anong nangyari? Sabi ni Olive wala namang something sa inyo, pero bakit daw siya nagalit? Selos ba?" Caryl asked but I chose to ignore her dahil hindi ko naman obligasyon na sagutin 'yon. 'Di ko rin naman kasi alam.

"Sure ka, okay ka lang?" They asked again, agad naman akong tumango.

"Don't worry about me, hindi naman ako natulak or what, kaya okay lang ako." I sighed and pulled the two of them. "Let's just have fun, 'yon naman ang pinunta natin dito, 'diba?" I chuckled because they still looked worried while looking at me.

Mabuti nalang ay tumigil na rin sila sa pag-aalala makalipas ang ilang minuto at nawili na rin sa pagsasayaw.

'Yon nga lang si Kelssey, mukhang may natitira pa ring tanong sa isip niya at hindi na naman nakatiis.

"Kumusta naman? Magkasama daw kayong lumabas? Ano? Bati na kayo?"

I sighed. Mala-media ang tanungan ah.

"'Di naman kami nag-away ah," sagot ko at hinila siya palapit kina Olive.

'Di naman ako nagsisinungaling, 'di naman talaga kami nag-away, naiinis lang ako sa kanya kasi hindi ko siya magets minsan. Lalo na kanina, bigla-bigla nalang nanununtok.

I danced the whole night with my friends. Medyo nakakainis lang dahil tanong nang tanong ang mga tao tungkol sa nangyaring panununtok but I decided to just ignore them. Hindi ko naman kasi kasalanan e. Malay ko bang bayolente pala 'yon, at malay ko rin kung may bad blood pala sila nung Cire na 'yon.

Nagdesisyon akong mag-enjoy nalang dahil sobra kong namiss ang pumarty.

"Oh my gosh! Feeling ko lasing na ako!" Kelssey shrieked when we finally went out of the bar. Grabe, inumaga na naman kami.

"Lasing ka na talaga," Olive hissed. "Ayan na nga pala ang sundo mo, tsupi na oy! Makakatulog ka na oh!"

"Grabe ka na, Olive. Oo na! Eto na, aalis na!" Reklamo ni Kelssey bago sumakay sa SUV nila.

I chuckled while looking at them, feeling a bit tipsy, too. Pero kaya ko naman na ang sarili ko.

"Ikaw din Olive, lasing ka na rin. May sundo ka?" I asked.

"Yes, susunduin ako ni manong. How about you? Paano ka uuwi? Should we drop you off? Medyo delikado kasi e," she worriedly said.

Papayag sana ako kaso naalala ko, opposite way nga pala sila kaya umiling nalang ako.

"Hindi na, hindi naman na ako lasing e." I laughed. "Oh, ayan na pala sasakyan niyo. Don't worry about me, okay?"

"Sure ka?"

Tumango ako at tinulak-tulak na siya papasok sa sasakyan nila. "Oo, ingat! See you tomorrow!" Mabilis kong sabi at kumaway.

When they finally left ay napabuntong-hininga nalang ako. Now, it's time to go home alone.

I went near the road para mag-abang ng cab. Sa katunayan, pwede rin naman akong mag-jeep kaso medyo nahihilo lang ako nang slight.

"Witwew! Mag-isa ka lang ba, Miss? Gabi na ah. Ang sexy mo pa naman! Laki ng dyoga mo!"

I rolled my eyes when I saw a group of jerks from a distance. Kahit na tipsy ako ay kitang-kita ko pa rin kung paano nila ako tingnan.

"Gusto mo ba ng kasama? Free kami!"

"O gusto mo magpahatid? Willing ako, walang bayad!"

"Ayaw mo? Choosy mo naman!"

"Pero okay lang, maganda at sexy ka naman. Mukha pang masarap."

"Magkano kaya ang isang gabi?"

I crossed my arms and faced them. Ayoko sanang magpaapekto pero mali ang ginagawa nila e. Catcalling is a form of harassment that shouldn't be tolerated. Kahit na nakasuot ako ng maiksing dress, kung 'di sila utak manyak, edi sana dumiretso nalang sila sa kung saan man sila pupunta. Puro kasi etits pinapairal, hindi ginagamit ang utak.

I stood confidently and started speaking with my firm and audible voice. "No, leave me alone. I can handle myself, and most especially..." I looked at them disgustingly, sa paraan na mararamdaman nila ang pangmamaliit at pandidiri ko. "Hindi ako sumasama sa mga mukhang adik at kriminal." I added with my disgusted voice and turned my back to walk away.

Narinig ko ang pagsinghap nila at iilang side comments pero hindi ko na 'yon pinansin, because the more you engage with them, the more they'd think na interesado ka. Mga utak basura 'yon e!

Lumipat ako ng kanto and this time ay napunta ako sa medyo tahimik. Wala ng mga nangcacatcall kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.

I was busy looking at the streets waiting for the cab when someone approached me.

"Hi, Gi!" said by a familiar voice kaya lumingon ako.

Ngunit bahagya akong napaatras no'ng makilala kung sino iyon.

"Dennis." I called his name. He's someone I knew when I was in sophomore year. We spent a night together pero pagkatapos nun ay hindi na ako nakipag-usap sa kanya because I just don't like his vibe.

"Oh, kilala mo pa pala ako? Judging the way you ghosted me back then, akala ko nakalimutan mo na ako?" he laughed and went closer, muli naman akong napaatras.

"Ah, hindi naman. Nabusy lang talaga ako noon, pasensya na."

Tumango siya. "Okay lang, naiintindihan ko naman." He wet his lower lip and looked at me closely. "Nakainom ka?"

Tumango ako. "Konti lang naman."

"Really? You looked really drunk to me though," he chuckled. "Wanna drink some coffee until you sober up?"

Oh, coffee? Tempting, but...

I smiled. "That's so kind of you to offer, but I have to turn it down. I'm sorry. Need ko na kasing umuwi dahil may pasok pa ako bukas, and sabi ko nga..." I stopped and chuckled. "Hindi naman ako gano'n ka-lasing."

I know it's a kind offer pero I just don't like the way he looks at me right now.

"Sige na oh, ngayon lang naman, sumama ka na sa akin!" Pamimilit niya at hinawakan pa ang braso ko't bahagyang hinaplos na tinuluyan ko nang ikinaatras.

"Uuwi na ako," mariin kong sabi dahil hindi ko na gusto ang galaw niya. "Sa susunod nalang, Dennis. Pasensya na." Mabilis kong sabi at tumalikod na para umalis pero muli niya akong hinawakan.

"Wala kang kasama, at least let me take you home?" He smirked and took another sleep closer para hawakan ang kamay ko pero bago pa niya 'yon magawa ay itinulak ko na siya.

"Hey! Grabe naman! 'Di ka na rin mahawakan!" Aniya at muli na namang umambang lumapit.

"Ang sabi ko, ayoko." Mariin kong sabi habang umaatras.

He laughed. "Grabe naman, Gigi. Pa-virgin? Alam naman ng lahat kung ano ka e."

What? Ang kapal naman ng manyak na 'to. Kahit naman sexually active ang isang babae ay hindi pa rin nito deserve na ma-slut shame. Nakakaloka ha. Tsaka wala namang nagmamalinis ah, hindi ako nagmamalinis. Sadyang manyak lang talaga siya at may masamang balak.

Sa sobrang inis ko ay malakas ko siyang itinulak at nagpakawala ako ng sipa but damn, I must be really drunk dahil hindi ko matantya ang galaw ko.

I was a taekwondo player in highschool but I guess I'm getting rusty now, idagdag pa na nakainom.

"Come on," he whispered and held both of my hands. Panay ang pagbalikwas ko pero dahil lalaki siya at malaki pa ang katawan ay hindi ko magawang makawala.

"Get your hands off her."

Nagulat ako nang biglang may sumugod sa amin at hinila ako palayo kay Dennis.

It was Alistair.

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagdating niya but I got worried again when I saw him punched Dennis on his face.

Gago, bayolente nga pala siya pero deserve naman no'ng sinuntok. Iyon nga lang, 'di pa rin tama 'to. Nakaka-dalawa na siya ngayong gabi e. 'Di ba sumasakit kamay niya?

"Alistair!" I called him when Dennis punched him back, ngunit parang wala lang siya narinig at muli na namang sinuntok ang lalaki.

"Tama na!" Pag-awat ko, lalo na no'ng marinig ang sirena ng kung anong paparating.

But he still didn't stop and as they kept on throwing punches with each other, I realized that Alistair is on the advantage. Mabilis siyang gumalaw, agresibo ang mga suntok, at tila gigil na gigil dahil sa galit.

I suddenly wonder if he's always like that dahil sa paraan ng paggalaw niya ay tila sanay na sanay na siya.

But damn, baka nag-iiba lang ang paningin ko dahil lasing ako.

I shook my head and my eyes widened when I saw a police car nearing us. Kahit na naka-heels ay tumakbo ako palapit sa kanila at hinila patayo si Alistair na patuloy pa ring pinapaulanan ng suntok ang lalaki.

"Tama na, tara na..." I pulled the hem of his shirt. "Uwi na tayo please." I begged him.

Alam kong ang mga ganitong pangyayari ay dapat nirereport sa police but I couldn't risk it, dahil baka makarating na naman sa pamilya ko, and Alistair's family, too.

And I'm tired, gusto ko na ring magpahinga.

"P-Please," I muttered again as I looked into his eyes.

I saw how he clenched his jaw ngunit sa huli ay nagpakawala nalang siya ng isang buntong-hininga at hinawakan ang kamay ko. "Alright, let's go home now." He said gently before pulling me with him.

"Do not let our paths cross again, jerk. Or else... I'll never hesitate to kill you," nilingon niya si Dennis saka ako tuluyang hinila palayo.

Ang sabi ko uuwi na ako para magpahinga pero dahil sa kalasingan ko ay hindi ko na namalayang sa ibang bahay na pala ako umuwi.

"Bakit tayo nandito? Hatid mo ako sa condo ko!" I hissed habang nakaupo ako sa couch ng condo niya.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa bed niya na nasa tabi lang ng couch. Damn, memories. Ngayon ko lang din napagtanto na magtatatlong linggo na rin akong walang dilig.

"So impatient, huh?" Aniya nang lumabas sa banyo at may dalang isang box. Ano naman 'yon? Box ng condom? Ano? Gusto na naman niyang makipagsex?

"Hey, let me treat your wound first," aniya na ikinalaki ng mata ko.

Wound? Mayroon ako nun? At wow, first aid kit pala ang dala niya. Medyo berde ako sa naisip ko kanina ah, kahiya nang slight.

Napasinghap ako nang hawakan niya bigla ang bandang tuhod ko, doon ko lang napagtanto na may maliit palang gasgas doon.

"Gasgas lang naman," komento ko nang magsimula na siyang gamutin iyon. Napansin ko rin na parang sanay na sanay na siya, e hindi naman siya med student ah?

Hmm, medyo sus ah. Kanina sanay makipagsuntukan tapos ngayon naman sanay gumamot ng gasgas. Siguro warfreak 'to no'ng highschool.

I chuckled a bit at napatingin naman siya sa'kin.

"Done," aniya at tumayo para ibalik ang kit.

I furrowed my brows when my eyes caught something.

"Dumudugo pa rin kamao mo, halika nga!" Medyo inis kong sabi at hinila siya pabalik. "Akin na nga, gamutin ko na."

Binawi niya ang kamay niya sa'kin. "Huwag na, kaya ko na ring gamutin 'yan."

Ay, wow? I rolled my eyes.

"'Di 'wag, hindi tayo bati," inis kong sagot. "Pauwiin mo na rin ako, pwede?" mataray kong dagdag, tila maamong pusa naman siyang tumitig sa akin pagkatapos.

He sighed. "Alright, gamutin mo."

Ay? Rupok 'yan? I suddenly wonder, bakit parang takot naman siyang hindi kami bati?

Takot na hindi ako pumayag makipagsex? I shook my head. Hindi talaga! Lalo na ngayong nalaman kong may fiance na siya, syempre naman, may respeto pa rin ako sa kapwa kahit papaano. Tsaka, 'di naman ako gano'n ka-hayok sa sex! Kaloka. Hindi ko kaya ugali ang makipag-sex sa mga taong committed na. Malaking pulang ekis 'yon.

I sighed and smirked no'ng makaisip ng kalokohan.

"I'm just wondering..." I started talking while cleaning his wound. "May gusto ka ba sa'kin?" I asked. Nagulat naman ako nang bigla niyang bawiin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko, 'yon tuloy nadiin ko ang cotton na hawak.

"Gago, biro lang," natatawa kong sabi at muling kinuha ang kamay niya. "Ikaw kasi e, mukha kang takot na awayin kita kaya naisip ko 'yon."

He sighed and looked away. "It's not a good joke, Gi." Aniya sa isang madiin na tono.

I chuckled. "Alam ko namang hindi mo 'ko gusto," pagpapatuloy ko at pakiramdam ko naman ay biglang may kumurot sa puso. Tangina naman oh. "Pero 'di rin naman kita gusto kaya kwits naman tayo," I continued and just masked off the chaos inside me with laughs.

"Yeah, right. Friends tayo, 'diba?" He smirked but what he just said sounded sarcastic. "That's what you told them, right?" He smiled but it didn't even reach his eyes, like he's telling me he's not happy about it.

I raised a brow. "E friends din naman talaga... na may benefits din." Halakhak ko. "Well, dati. Kasi ngayon, hindi na."

Kumunot ang noo niya. "Why?"

Ngumisi ako. "Hindi nga kasi ako nakikipagsex sa mga committed na. I was serious when I said that earlier."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay mas lalong bumigat ang tingin niya sa'kin.

"I am not really committed. It's just... my family."

Family? Right, he also had some issues with his family. But that doesn't justify what he's doing.

"Your fiance doesn't deserve it," madiin kong sabi at umiwas ng tingin, inabala nalang ang sarili sa mga gamit na nakalagay sa kit.

"We have no feelings for each other," he added and looked at me, but I suddenly couldn't look at him.

"Gaano ka ka-sure?" I chuckled just to somehow lighten the atmosphere dahil pareho yata kaming seryoso.

Umiling siya. "We're just friends."

Friends? Parang kami, friends din ah.

"Friends na engaged... na ikakasal na." Pagtatama ko.

Humugot siya ng malalim na hininga bago muling ipinukol ang tingin sa'kin, like he's slowly losing his patience.

"We're not, damn! What do you want me to do?"

Huh?

Ngumuso ako at bahagyang itinaas muli ang kilay. "Ewan ko, buhay mo 'yan. Bakit mo 'ko tinatanong?"

"Damn," reklamo niya at napaigik ako nang bigla niya akong binuhat mula sa kinauupuan at ipinatong sa hita niya.

"Tell me please, what should I do?" He asked as he caught my eyes, making me feel volts of electricity running throughout my whole body.

Fuck him.

"M-Matulog ka nalang," walang kwenta kong sagot dahil pakiramdam ko ay nablangko bigla ang utak ko.

"Sleep here," aniya at pinatakan ako ng mabilis na halik sa leeg. "I'll talk to my parents tomorrow, I'll call the engagement off."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro