Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

prologue

ELORDE'S POV

"Aray!" Napadaing ako ng pabalik akong bumagsak at naupo sa basang daan. Napahawak ako sa pang-upo ko kasi ramdam kong nabasa ito sa tubig kanal.

"Ah—Tangina!" Ungot naman ng nakabangga kong lasing na dala-dala ang bote ng alak.

'Di ko na lang pinansin at tumayo kahit na labis ang pagkadisgusto. Napangiwi kong ginawang suporta ang dalawa kong kamay para makatayo kahit na nahihirapan.

Gusto kong sumbatan sa pagiging lasinggo at perwisyo. Nagtitipid ako ng pera tapos heto, gagasto na naman ako ng pera para sa ipanglalaba ng damit ko.

Masama kong tiningnan ang lasinggo na nakabangga sa akin. Dapat kasi umiinom ayon sa limitasyon ng katawan natin! Nakakuyom akong bumuntong hininga para pigilan ang sarili. Pigilan sa saan? Sa ano? Ewan ko, basta napipikon ako ngayon.

Lalagpasan ko na sana siya ng mapansin kong tatlo pala silang magkakasama at nakatingin sa akin ng nakakaloko. Nakapalibot sila sa akin ngayon. Ang galit na nararamdaman ko kanina, ngayon ay wala at napalitan ng kakaibang takot.

Ang isa sa kanila ay lasing na hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Bitawan mo ako." Ang angal ako at nagpumiglas sa hawak ng may bigoteng mahaba.

"Nakikilala kita ah. Diba ikaw 'yung bakla na malakas gumiling sa club?!" Alam kong sa klase ng reaksiyon nila ay namutla ako sa sinabi ng kanilang kasamahan.

Kapag nasa ganitong sitwasyon 'di ka dapat magpakita ng takot pero paano ba maiwasan ang matakot? Natural lang na reaksiyon ang matakot.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Bitawan mo ako kung ayaw mong masaktan." Binantaan ko siya at ulit na nagpumiglas.

Masaktan sa anong paraan, Elorde Sol? Tangina, hindi na gumagana ng tama ang utak ko.

Napabitaw ang lalaking nakahawak sa akin pero pag-atras ko sa likuran ay isang matalim na ang nakatutok sa tagiliran ko. Suminghap ako at napatingin sa tagiliran ko. May nakatutok na matulis na bagay.

"Isang atras pa, patay ka sa'min." Bumulong ang matandang nasa likuran ko. Ang baho ng hininga!

"Bitawan niyo ko..." Ang sabi ko sa kinakabahang boses.

Gusto kong magmakaawa na pakawalan na nila ako dahil gusto ko ng maka-uwi. Gusto kong isigaw sa kanila na hirap-na-hirap na ako at dumating pa ang pisteng mga taong 'to.

"Madali lang kaming kausap." Nanginig ang katawan ko ng haplusin ng isa ang mukha ko pababa sa leegan ko.

Hinatak niya ang hood ng jacket ko kaya napa-aray ako dahil mas tumatalim ang kutsilyo sa tagiliran ko.

"Gusto lang naman namin na makitang gumiling ka sa mga pagkakalalaki namin. Huwag ka ng pumalag, bata."

Sa sobrang takot ko ay hindi na ako nakagalaw. Naging estatuwa ako dahil sa takot. Maraming klaseng lalaki na akong nakilala dahil sa trabaho ko at kabilang na ang mga hayop na ito. Ito ang kailanman ang hindi katangap-tangap sa trabaho ko—ang babuyin. Ang iparamdam nila na wala kaming karapatan na mag-inarte dahil isa kaming baboy sa lipunan.

Oo, pwede nila akong matawag na pokpok pero hinding-hindi ko hahayaan sila na babuyin ako. Trabaho lang sana at walang personalan.

"Pare, yariin natin 'to! Mas masarap pa 'to sa babae mo eh!" Isang butil ng luha ang lumagpas sa mga mata ko at mariing pinikit ang mga mata dahil sa takot.

Takot sa dahil wala akong laban. Takot dahil wala akong mahihingan ng tulong. Ito ang reyalidad ng buhay ko. Kahit na magsisigaw ako ng tulong ay walang lilingon dahil isa akong pokpok sa paningin ng iba. Aakalain lang nila na parte ito ng trabaho ko.

Napakagat ako ng labi dahil sa labis na galit at takot na nararamdaman.

"H-Hindi ako katulad ng ini-isip n-niyo. Pakawalan niyo ako! Putangina niyo mga piste kayo sa lipunan, pakawalan niyo ako!"

Nilakasan ko ang sigaw ko at baka sakaling may makarinig sa akin at tulungan ako. Ngunit ang mga maririnding tawa lang nila ang narinig ko.

"Piste daw pare oh. Tanginang pokpok 'to ang arte!" Napahiyaw ako ng hinawakan ng isa ang anit ko. Malakas na tumama ang isang kamay niya sa aking pisngi kaya natabingi ako sa pagkakatayo. Ang hapdi!

"'Wag ka na kasing magpakipot. Papaligayahin ka naman namin." Akmang hahalikan ako ng isa ng duraan ko siya sa mukha!

Tangina ninyo! Kung mamatay lang din naman ako, hindi ako papayag na sa huli ay inaapi pa rin ako. Lalaban na lang ako!

"Kung mamatay man lang 'din naman ako ay ang malas ko naman dahil sa inyo pang mababaho at mga walang silbi! Mga amoy imburnal!" Daing ko at ininda ang sikip ng hawak ng nasa likuran ko.

"Putangina mong bakla ka!"

Itinaas ng isa na may mahabang bigote ang kamay niya para sampalin sana ako ng isang malakas na tunog ng baril ang humiyaw sa buong lugar. Kasabay nito ang pagkatumba ng lalaki at dumaing sa sakit dahil sa tama sa braso.

Ang dalawa niyang kasamahan ay kumaripas ng takbo kung kaya't natulak muli ako sa putikan. Ang tapang at lakas ko kanina ay parang nawala sa buong sistema ko. Para bang trial-card lang ang lakas na 'yun at kusang lalabas sa mismong kapahamakan.

Ngayon, ay wala akong nagawa kundi ang damhin ang basang damit habang naka-upo pa rin sa daan. Walang tutulong sa isang katulad ko...

Siguro napadaan lang ang bumaril para takutin ang mga hayop na 'yun. Kasabay ng pagbagsak ng mga butil ng ulan, ay ang pagsunod at pagragasa ng mga luha ng aking mata.

Ang sakit-sakit. Ang katawan ko masakit. Ang isipan ko walang tigil sa kaka-isip. Halos wala na akong luha na mailuha pa pero naiiyak pa rin ako.

Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Hindi naman ako masamang tao ah. Nagtatrabaho ako, 'di man marangal pero may rason naman ako.

Suminghap ako ng hangin at nag-ambang tumayo. Lumuhod ako at pinunasan ang mga luha na nagpapalabo sa aking mga mata.

Mula sa 'di kalayuan ay naramdaman ko ang bag ko. Ginapang ko ang distansiya nito at ng mahawakan na ay niyakap ng mahigpit.

Gusto ko pang umiyak. Gusto kong ilabas ang kakarampot ng mga luha at emosyon sa puso ko, pero wala na akong lakas. Lupaypay na ako.

"Go find those bastards. You know what to do with those rats." Mula sa 'di kalayuan ay naririnig ko ang usap-usapan ng dalawang tao kasabay ng palapit na mga yapak. Ang boses niya. Ang baritonong boses na 'yun.

Malalaki at naluluhang mga mata, dahan-dahan akong napa-angat ng tingin, "We meet again, baby boy." 

.

.

.

.

.

Note: Hello readers, you might be confused with the details of the story, YES, I made some changes to it. This time, this is the final details since I already outlined the plot of the story. Maraming salamat sa pagtangkilik ng mga gawa ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro