Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

light

ELORDE'S POV

Naalimpungutan ako ng maramdaman na wala na ang malaking bulas ni Acades sa tabi ko. Pagod ang katawan ko na iminulat ang mata at sinipat ang tabi ng higaan. Walang Acades akong nakita dito kung kaya't bumangon ako sa pagkakahiga.

Napahawak ako sa damit na nakasuot na sa aking katawan. Malaki at alam kong hindi ito akin dahil wala naman akong kahit anong gamit dito.

"Anong oras na ba?" Ang bulong ko at sinipat ang bedside table ni Acades.

Nakita ko ang cellphone niya dito kaya tiningnan ko ang oras dito. Masiyado pang maaga para magpakita ang araw.

Nasaan kaya si Acades? Alam kong tumabi siya sa'kin kanina dahil naramdaman ko pa na ang nagmumutok niyang braso ang ginawa niyang unan sa aking ulo. At ang mabango niyang amoy, naamoy ko ito kanina.

Tumayo ako sa pagkakahiga at nakitang halos umabot sa aking tuhod ang laki ng kaniyang damit pang-itaas. Wala akong nakapa na pang-ibaba maliban sa boxer short ni Acades.

Malamig ang sahig ng kwarto niya dahil sa bumubugang air conditioner sa loob. Kinuha ko ang remote at pinatay ito. Ininom ko ang baso ng tubig na hinanda ni Acades at nagdesisyon na bumaba patungong kusina at binaybay ang naka dim na ilaw ng buong bahay.

"Magkano kaya ang bayarin nila sa maintenance dito? Parang walang tigil ang mga AC eh." Ang sabi ko at wala sa sariling kinusot ang mga mata.

Alam kong wala pa ako sa sarili. Meron man ay parang hinihili pa rin ang ibang parte ng utak ko dahil sa antok.

Hindi rin ako makatulog dahil sa kakaibang lasa ng nasa bibig ko. Naalala ko na hindi pala ako nakapaglinis matapos gumawa ng kababalaghan!

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at sumandal sa marbled kitchen island ng kusina at sinimulang linisin ang bibig. Binasa ko ang labi at kinagat-kagat ito dahil pakiramdam ko ay may kung ano pang natuyot dito!

Napanguso ako at gamit ang libreng kamay ay hinawakan ang makasalanang labi. Ano ba itong pinagagawa namin ni Acades? Kung makawaldas kami ng bawat-isang katawan ay parang mag-nobyo o ano kami. Siya lang ang lalaking may kayang baliwin ako ng ganito. Idagdag mo pa ang ideya na siya lang ang kauna-unahang lalaki na nakagawa sa akin nito. Ang may kayang painitin ang katawan ko at ang alisin ang mga natitirang inhibisyon ng aking katawan.

Nagiging makasalanan ako kapag si Acades na ang pinag-uusapan.

"Ano ba itong pinag-iisip ko. Tsk, Elorde naman kasi, ang rupok!" Ang dapat pinaglalaanan ko ng oras ay ang isipin sa kung papaano ko sasabihin kay Acades na pakawalan ako.

Papakawalan. Dahil literal na nakakulong naman ako dito. Hindi ito labag sa aking kalooban pero hindi niya ako dapat pagbawalan dahil may buhay rin ako. Paano na lang sina Lolo at Lola? Ang pag-aaral ko? At kung 'di ako makapasok sa university ay paano nalang ang kaibigan ko? Paniguradong mag-aalala 'yun!

Siguro kukumbinsihin ko na lang siya gamit ang mga rason ko. Siguro naman ay hahayaan niya ako. Hindi niya rin naman ako mapipigilan.

May buhay ako at may buhay rin siya. Maliban sa kung anong laro ang aming kinakasangkutan ay may kaniya-kaniya kaming desisyon.

"Are you lost, baby boy?" Muling bumalik ang ala-ala namin ni Acades. Ang mga salita niya. Ang magaspang at dominanteng boses niya. Ang mga salita niyang may laman.

Napapikit ako at akmang ibabalik na sana ang baso sa lababo ng may narinig akong putok ng baril! Namutawi ang tunog ng kung anong pagkabasag sa loob ng kusina at dito ko napansin ang nabasag na baso— nabitawan ko dahil sa gulat!

Hindi ako pwedeng magkamali dahil ang tonog ng baril ay kasing-tonog nito ang baril ni Acades! Naalala ko ang tonog nito ng gabing iniligtas niya ako sa kapahamakan sa ilalim ng ulan!

Walang alinlangan akong naglakad at iniwasan ang bubog ng basag na baso. Dumaan ako sa isang pintuan palabas ng kusina papunta sa likurang bahagi ng mansion. Iyong daan na tinahak ko para tumakas sana. Alam ko ang daan dito. Walang tsinelas akong naglakad sa bato-batong daanan na inilaan sa harden. Inikot ko ito at nadaanan ko na ang naka-dim na swimming pool, nadaanan ko rin ang fountain sa gitna ng harden.

May nakita akong parang maliit na bahay na hindi konektado sa mansion. Maingat akong nagtago ng makitang may mga tauhan si Acades na nakatalikod sa akin.

"Morgan you dipshit," Narinig ko ang boses ni Acades na parang may kinaka-usap!

Narinig ko na ang pangalan na 'yun eh. Morgan... Sa hospital at sa saan nga ba 'yon?

"Boss, hindi ko naman alam na binahay mo na pala ang baby boy mo eh." May panunukso sa tono nito at tantya ko ay ang Morgan ang sumagot nito kay Acades.

Siguro isa ito sa mga tauhan niya pero simula nang dumating ako dito ay wala pa naman akong narinig na tauhan na sumagot-sagot kay Acades ng ganito.

"Tangina mo, Morgan pwede bang itahimik mo ang bibig mo? Kanina kapa kuda ng kuda, eh tayo ang maglilinis ng kalat na'to, gago!"

Narinig ko ang reklamo ng isa pang boses. Hindi ito boses ni Acades dahil kahit nakapikit ako ay alam ko kung ano ang tono ng boses ni Acades. May isa pa silang kasama. Dahil mausisa ay mahina at may ingat akong naglakad palapit sa pader sa kung saan nandoon si Acades at ang iba pa niyang kasama.

"Gago ka rin! Pareho tayong nagdesisyon eh. Boss, tingnan mo oh, inaapi na naman ako ni Xander!" Dahil may mga tauhan ni Acades ay maingat pa sa ingat akong nagmanman bago sumilip sa kung anong ginagawa nila.

At malaking pagsisisi ang kung anumang pakiki-alam ko sa ginagawa nila. Dapat natulog nalang ako!

"Delikado akong tao, baby boy." Ang pag-aalala ko sa mga salita ni Acades.

Habang nakatingin ako sa tatlong bangkay na nasa harapan nila ay nanginginig akong naluluha.

"Hmm. Pagbabayarin natin sila. They made the devil's baby cry. I'll make sure they'll pay for it. Now stop crying, baby boy."

Habang nakatingin ako sa mga walang buhay na bangkay ay naalala ko ang pangako ni Acades sa akin noong gabi na muntikan na akong magahasa.

Tinupad niya ang pangako!

Pinagbayad niya ang tatlong manyakis na lalaki. At wala na silang buhay! Diyos ko!

"Go fuck yourselves! The both of you clean this mess. I need to get back before Elorde would notice I'm not beside him." Parang kidlat ang boses ni Acades habang sinasabi niya ito.

Ito ang nakakatakot na reyalidad patungkol sa kaniya. Ibang klase magalit si Acades.

"Gago ka kasi Xander, bakit mo kasi pinainit ang ulo!" Narinig ko ang Morgan na sinisi ang kasama niya.

Ang isipin ang tunay na pagkatao ni Acades ang isa sa bumabagabag sa aking isipan. Kung uminit ba ang ulo niya kapag ako ang kasama ay sasaktan niya rin ba ako? O mas malala ay babarilin din katulad ng pagbaril niya sa tatlong lalaki na parang wala lang sa kaniyang harapan?

At bumalik ang ala-ala ko sa apartment building. Ang taong pinatay na katabi lang ng apartment room ko.

Kilala ko na sila pero at alam ko ang nakita ko sa loob ng kwartong 'yon, pero bakit hindi ako natakot na sumama kay Acades? Kahit na alam ko kung ano ang ginawa niya? Bakit ang isipan ko ay sinasabing iba si Acades at hindi niya ako sasaktan? Pero paano ako nakakasiguro kung nakakulong ako mismo sa bahay na ito.

Inalala ko ang gabing 'yon. Si Acades na may tattoo na ahas sa leeg at ang dalawang lalaki na kasama niya sa pagpatay sa lalaking kapitbahay ko. Nakatakip ang mga kamay sa bibig ay hindi ko napigilan ang napahikbi dahil sa nasaksihan. Kaagad akong umalis at tumatakbong umalis sa lugar na 'yun pero huli na ng makita ako nilang lahat.

Nanginginig ang katawan kong nakatingin kay Acades at tiningnan siya sa mata. Nag-iba kaagad ang timpla ng kaniyang mukha. Ang kaninang galit ay napalitan ng pag-alala.

Nalipat ang tingin ko sa tatlong bangkay na nasa likuran ni Acades at binalik sa kaniya. Mabilis na humarang iyong Morgan at Xander sa paningin ko sa nakalatay ng mga bangkay para hindi ako matakot pa, kahit alam nila na sobra-sobra na ang takot na naramdaman ko ngayon.

Apat na tao ang pinatay mo Acades. Sino ka ba talaga?

"Acades..." Ang bulong ko sa kaniyang pangalan.

Nanglalaki ang mata ni Acades at halatang nagulat dahil nakita ko ang ginagawa nila. Para namang asong ulol ang dalawang tauhan niya na nakatingin sa papalayo kong bulto at kay Acades na kaagad sumunod sa akin.

"Lagot na..." Ang sabi ng lalaking nakapangalang Morgan.

Pawis at luha ang naging puhunan ko sa pagtakbo paalis sa lugar na 'yon. Hindi ko lubos maisip na halos makaniig ko na ang tao nang 'di man lang alam ang buong pagkatao nito!

Sinabi na niya na delikado siya pero nagpumilit ako! Nadarang ako sa apoy na ginawa namin ni Acades. Masiyado siyang mataas at tama nga ang unang hinuha ko. Ang taong katulad ko na mahirap at mangmang ay kailanman walang pag-asa sa mga ganitong bagay.

Siguro ginawa lang talaga akong parausan. Baka nga alam na ni Acades ang trabaho ko kung kaya't ganito niya akong ituring. Gusto kong masaktan. Gusto kong damhin na nasasaktan ako, pero wala naman akong karapatan.

Imbes na pabalik sa loob ng mansion ako pumunta ay dinala ako ng aking hubad na paa sa entrada ng mansion. Nakikita kong nakamasid lang ang mga tauhan ni Acades, hindi katulad kanina na hinarang nila ako at pilit na pinapabalik.

At mukhang alam ko na ang rason. Wala sa akin ang atensiyon nila bagkus ay nakatingin sila sa likuran ko. Alam ko kung sino ang nasa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang tumalikod at tingnan pa si Acades.

"Boss," Tumango sila at umalis na sa aking harapan.

Sa mga ganitong oras ay wala akong makitang katawa-tawa pero 'di ko lubos maisip sa kung bakit natatawa ako. Tiningnan ko ang mga paa at namumula na ito dahil sa mga batong naapakan.

"Ginagawa mo ba sa'kin 'to dahil alam mong ako ang taong nakakita sa inyo d-doon sa katabing apartment room, Acades? Kinulong mo ba ako para hindi magsalita tungkol sa nakita ko sa gabing 'yon sa apartment?" Hinarap ko siya at wala na siyang hawak na baril. Wala na ang galit niyang ekspresyon. Naluluha ko siyang tiningnan sa mata.

"Kagaya ka rin ba nila, Acades? Na gagamitin lang ako dahil sa init ng katawan?" Gamit ang dalawang kamay ay niyakap ko ito sa aking sarili. Sa paraan ng titig niya, parang wala siyang pinatay ah!

Walang bahid na pagsisisi ang mga mata niya.

"Sinabi ko na sa'yong delikado akong tao, Elorde. There's no point in crying for what you saw. I could kill more for you." Ano?

Lumapit siya sa akin kaya napa-atras ako, "Hindi mo sinagot ang mga katanungan ko! Palagi mo na lang iniiba ang usapan kapag nagtatanong ako Acades! Parang awa mo na!" Napasigaw ako dahil sa pagkalito. Ganito siya eh. Iniiba niya ang usapan kapag ako na ang nagtatanong.

"Don't shout, baby." Umiling ako sa mga sinabi niya. Pareho kaming napatigil ng naabot na ng likuran ko ang nagtataasang bakal ng gate. Nakakandado ito kaya malaki ang kompyansa niya na 'di ako makakatakas.

"Ang gago mo naman, Acades eh..." Tinuro ko siya na para bang binibintangan siya kung bakit ako umiiyak ngayon. "Napakagago mo. Nililito mo ako! Bakit ka ba ganiyan ha? Bakit pagdating sa akin ay ganiyan ang turing mo! Magalit ka rin! Sigawan mo rin ako gaya ng mga tauhan mo! Utos-utosan mo rin ako!" Pareho lang naman kaming lahat dito sa bahay. Sunod-sunoran sa kaniya. Ang kaibahan lang ay pang-kama ang trabaho ko.

"You're damn different from them, Elorde Sol!" Alam kong may namumuo nang galit sa mga mata ni Acades. Dahil tumatalim na ang mga tinginan namin sa isa't-isa.

"Iba ako sa kanila? Dahil sa parausan ako. Dahil may silbi ako kapag nalilibugan ka na? Ganoon ba 'yon Acades? Pinulot mo ako sa lansangan dahil alam mo kung ano at sino ako bago mo ako dinala dito. Kaya ang dali sa'yong gawin 'yon dahil nakita mo na siguro akong gumiling at baboyin sa harapan nila!" Hindi katanungan ang huling sinabi ko. Ito ang katotohanan. Sa simula pa lang dapat alam ko na ito. Hindi dapat ako tanong nang tanong. Dapat alam ko na ito simula pa. Pero ako ang bobo na naniwala naman kaagad sa mga salita niya.

Nadala sa init ng katawan. Nagpakarupok!

"Ah oo nga pala! Isa akong club dancer! Isa ako sa mga taong walang matinong trabaho. Isa ako sa mga taong pilit na pinapaintindi ang iba na wala naman akong masamang ginagawa pero pinapamukha pa rin na masama! Ganon ba 'yun, Acades? Ang sakit naman kasi. Hindi ba pwedeng napilitan lang ang tao? Kailangan ba talagang naka uniporme ako para masabing marangal ang trabaho ko? Hindi ba pwedeng sa paghuhubad lang talaga ako nagkakapera? Ang gago ng mundo. Ang gago ng lahat!"

Lumaki ako sa hirap at isa ako sa mga batang kailanman ay 'di naranasan ang makapaglaro sa isang remote controlled car o sa kahit na anong mamahaling laruan. Alam niyo, hindi nga ako nakikipaglaro. Hindi dahil ginusto ko ang mapag-isa at nag-iisa lang ang kaibigan ko. Hindi, palakaibigan ako eh. Gusto ko ng maraming kalaro pero pati 'yon pinagkait ng mundo sa'kin.

Nakakatampo lang dahil marunong naman ako sa tagu-taguan, o sa patintero, o sa bahay-bahayan pero ni-isa ayaw nilang lumapit sa'kin dahil bakla ako! Dahil salot daw ako! Ganoon ba talaga 'yon?

Mahina akong umiyak at naupo sa aking paanan. Sa mga ganitong pagkakataon ay niyayakap ko ang aking sarili, dahil wala namang taong gagawa nun sa'kin maliban ang sarili lang.

Isinubsob ko ang basang mukha sa aking mga braso at doon humagulhol.

"Ang mundo ang masama. You will always be the innocent Elorde I started yielding to. The moment na nakita ko ang takot at inosente mong mga mata sa apartment na 'yon, pinakita mo sa akin ang natitirang kabutihan sa mundo." Narinig ko ang sinabi ni Acades.

Mula sa namamasang braso ay inangat ko ang tingin kay Acades na maingat akong tiningnan. Para siyang takot na mabasag ako kapag may sinabi masama. Totoo ba talaga ang mga sinabi niya?

"I want your kindness all to myself. One single day, habang nakatingin ako sa malayo, I saw an opportunity to strike but unfortunately, nabangga kita ng sasakyan. And it made me realize that fucking maybe that was Satan's plan for me to finally have the chance to hunt your heart. I am a greedy motherfúcker, baby boy. And I intend to lock you in my hellish world for the rest of our time."

Bakit ka ganiyan Acades? Ito ba ang ibig mong sabihin na espesyal ako? Na iba ako sa kanila? Ano ba ang kina-espesyal ko na kahit ako ay 'di ko man lang makita sa sarili ko?

"Bakit? Maiintindihan ko naman siguro diba?" Tiningala ko siya at mahinang umatras ng akmang hahawakan niya ako. Binawi niya ang kamay at seryosong tumitig sa mga mata ko.

"Baby boy, heaven knows the sin I committed. I am deadly. Tonog pa lang ng pangalan ko ay kinakatakutan na ako ng iba. How could I possibly ruin the innocent image I created in your head, baby? Anong gagawin ko kapag tumakbo ka sa akin? Lock you? Cage you? Fucking r*pe, you? Damn, thinking of it I know it will only scare my boy away. So, tell me now, after finding out how messy I am, do you still like me? Would you still moan my name if I did you? These fucking questions are swarming in my head like crazy, baby boy. I am crazy obsessed with owning and having you!"

Napa-awang ang bibig ko habang nakatingin sa galit na galit na bulto ni Acades. Sobrang pula ang mukha niya at namamasa na ang mga mata niya habang pinagsisipa ang kung anumang masipa niya.

Naluluha akong tumingin sa mga mata niya. "I'm lost, baby. And for the first time, I found a genuine light. Please, damn, please don't leave me!"

Isa rin pala siyang basag na muwebles. Gaya ko ay isa rin siyang basag na muwebles. Mamahalin nga lang siya pero pareho kaming basag at kailangan ng pagkukumpuni. Hindi ba't pareho lang naman ang kwenta ng mga sira at basag na kagamitan— walang kwenta.

Napaluha akong napakagat labi. Siguro ay dumudugo na ito dahil sa labis na pagkagat ko. Nakatingin lang ako habang unti-unti siyang lumapit sa akin na para bang isa akong ibon na handang lumipad patakas kapag binigla.

Napakalaking bulas para maging mahina sa akin.

Sa kaniyang kinakatayuan ay lumuhod siya paharap sa akin. Ang kamay niya ay nakayukom at ang mga mata niya ay naluluhang nakatingin sa akin.

"Sinong bumasag sa pagkatao mo?" Ang mahinang bulong ko at tuluyan ko nang nasaksihan ang pagbagsak ng luha niya.

"I will do anything, baby. Just don't give up on me. Huwag mo lang akong kamuhian at gagawin ko ang lahat para sa'yo. Money? Shopping? Everything! I could give you everything just don't leave me!"

Alam kong wala na siya sa sarili habang hinahawakan ang dalawa kong kamay. Ang rasyonal na Acades na nakilala ko ay hindi luluhod sa isang bakla na katulad ko.

"Bakit Acades? Ano ba ang dapat kong panghawakan maliban sa materyal na bagay na 'di ko naman kailangan. Ano ang dapat kong panghawakan?" May ingat akong hinaplos ang mukha niyang nababasa sa mga luha niya.

Akala ko na ako ang may problema sa buhay naming dalawa pero nagkamali pala ako. Oo, lahat naman tayo ay may problema pero nakadepende 'yun sa bigat ng bagahi na nasa likuran natin.

"Hindi ko alam, Elorde. I don't fucking know anything aside from spoiling you and I know how fuck up that sound is, but it's the truth. Wala akong ideya kung papaano ka manatili sa akin at 'di ako iwan." Walang ideya. Ganiyan rin ako. Walang ideya kung papaano ba dapat mamuhay.

"Pero bakla ako, Acades. Isa akong bakla. Naiintindihan mo ba, huh? Kapag lalabas tayo at kasama mo ako, maririnig mo ang klase-klaseng masasamang komento ng mga tao. Ang mga mahal mo sa buhay ay magagalit sa'yo at posibleng iwan ka. Idagdag mo pa ang pagiging marumi ko sa mga mata nil—"

"But you wouldn't leave me, right? I don't care and their comments. I have my attention on you. Ikaw ang kailangan ko para maging mahimbing ang pagtulog ko. Ikaw ang kailangan ko para magkaroon ako ng lakas na bumangon sa umaga. As long as my obsession in you lasts, I would always need to have you, baby boy."

Mahina akong umiling sa mga sinabi niya. Alam ko kung ano ang nasa isipan niya. Wala siyang ka ideya-ideya na hindi pera at luho niya ang kailangan ko.

"Pero pagmamahal ang hanap ko sa'yo, Acades... Kaya mo ba akong mahalin? Kaya mo ba akong iharap sa mundo kahit na pandirihan nila ako?" Kahit na anong klaseng matatamis na salita ang ibigay niya.

Kahit na malalim at may pinaghuhugutan ang mga salita niya, kung 'di niya ako kayang mahalin ay hindi ako ang para sa kaniya.

Diniinan ko ang hawak sa kaniyang mga palad para bumalik siya sa reyalidad. Binigyan niya ito ng pagbaling at pinagsiklop gamit ang mga sariling kamay.

Dahan-dahan at mainit niya itong dinala sa kaniyang mga labi at hinalik-halikan.

"Kaya kong maging mabuting kaibigan at tulungan ka sa problema mo, Acades." Tumango ako sa kaniya. Tiningnan ko ang namumuong delubyo sa mga mata niya, "Kaya kong maging alalay mo hanggat kinakailangan mo ng tulong ko."

"I don't need a fucking maid, Elorde!" I warmly smiled at his reaction. Alam kong malapit na siyang sasabog kapag ipagpatuloy ko pa ito, pero ito ang reyalidad ng buhay namin.

"Ito ang reyalidad, Acades. Isa akong bakla at isa ka namang karespeto-respetong tao. Kapag pinilit ko ang kahilingan ko na sa kung sakali na mamahalin mo ako, baka pandirihan ka rin nila."

Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Habang nasa tamang pag-iisip at hindi darang sa pandamdaming emosyon ay gusto kong pag-isipan niya ng mabuti ang mga salita ko.

"Pwede kang mag-asawa at magkaroon ng mga anak sa isang babae at mamuhay ng normal gaya ng iba, Acades."

"But you are normal, baby." Ang diin ni Acades.

"Alam ng iba na hindi," Ang diin ko rin.

"Fúck them then, 'di ko man kayang madaliin ang proseso but we'll get there. Hahantong rin tayo sa pagmamahalan, sa ngayon ay sapat na ang baliw na baliw kong isipan sa'yo."

"Sinisimulan mo ang isang apoy na pinagbabawal, Acades. Baka pagdating ng panahon ay masunog ka sa sarili mong apoy." Ang huling babala ko sa kaniya. Isang mapangahas na ngiti ang lumakbay sa mga labi niya at hinalikan niya ang mga palad ko.

"Baby boy, you're too imaginative. The only heat I want is the fire we could light while making love."

Napakagat labi ako sa mga tinuran niya. Gamit ang hinlalaki ng kaniyang kanang kamay ay pinaghiwalay niya ang mga labi ko.

Isang kahig niya ay nasa kandungan na niya ako at karga sa mga bisig niya habang naglalakad pabalik sa loob ng mansion.

"Such a temptress, baby, and I hate how you could easily make men throw themselves at you!"

"Pero sa'yo lang ako," Ang mahinang bulong ko malapit sa kaniyang tenga.

"Daddy, handa na ako..." Natigilan pa siya sa paglalakad at pinigilan ang kamay ko sa paglalakbay pero pursigido kong naipasok ito at nilaro ang kaliwang utong niya.

"Fúck!"

Nasundan pa ito ng magkasunod-sunod na mga pagmumura. Gamit ang mga libri kong kamay ay sinimulan kong tanggalin sa pagakakabutones ang polo shirt niya. Doon ko nakita ang liyab ng apoy na sinimulan ko. Hindi siya, kundi ako ang nagsimula ng apoy na pareho naming alam na hindi na mapipigilan.

"Pagsisisihan mo ito, baby boy. Big time!"

Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa mga labi ko at inambaan siya ng halik sa labi.

.

.

.

.

.

Note: Alam niyo na ang kasunod! Pero bago 'yon ay gusto ko munang ipaabot sa lahat ang aking pasasalamat sa pagbabasa ng mga kwento ko. Araw-araw ay may nadadagdag sa mga followers ko at kasabay nito ay ang pag-taas ng reads ng ibang stories. Also, if you find something, mga name na iba, it could be that I did not notice it. Kindly correct me.

('`○)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro