Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

limits

ELORDE'S POV

Closer, I grip the tool inside my bag. I could easily finish those three bigots with the thing I'm clutching right now, but this man came.

Acades came.

In this world, a hero came. A person who willingly embraced me with no disgust or remorse for the dirt other people saw me. For the first time, someone was willing to be dirty just so he could reach my level. This time, I didn't need to push my limits just so I could reach him— the devil rose from his seat and lowered himself for me.

But I'm no damsel in distress. I know I can protect myself. Slowly, I let the tool slip from my hands and into my bag again.

-

Kung sa ibang pagkakataon ay baka tumakbo na ako sa takot sa mga oras na'to. Gaya ng palaging ginagawa ko, tumatakbo ako sa problema. Isang katangahan lang din ang tumakbo ako sa mga problema ko, pero heto ako ngayon— ang problema na mismo ang sumusunod sa akin.

Pero ngayon hindi. Malakas ang kutob ko na walang problema ang dadating sa akin, dahil akap-akap ng taong kung tutuusin ay estranghero sa akin— Acades Zapanta. Sa katunayan ay malakas ang kapit ko sa mamahaling suit ni Acades habang karga-karga niya ako sa kaniyang mga bisig.

Pilit kong pinipigilan ang sarili na magpakawala ng hikbi. Kagat-kagat ko ang aking labi para pigilan ito. Ewan ko, pero malaki ang kompyansa ko sa aking sarili na maiyak at magpakita ng kahinaan sa harap ng lalaking 'to. Nararamdaman ko, iba siya sa inaakala ng iba.

Takbo. Tatakbo. Tumatakbo. Tatlong salita pero iisa lang ang salita. Dapat 'yan ang unang ginawa ko noong mamulat ko ang mga mata sa ospital na 'yon. Sa paggising ko, nakilala ko na kung sino ang lalaking nasa loob ng kwarto.

Paano ko makakalimutan ang isa sa tatlong tao na nakita ko sa kabilang unit. Nandoon si Acades pero ang tinawag sa kaniya ng kaniyang mga kasama niya ay Acel.

Dapat tumakbo na ako nun, dapat nagtago at hindi nagpadarang sa init ng damdamin. Ngunit ang tukso ang nagiging kakampi ko sa oras na 'yon. At nakita ko na lang ang sarili na nadadarang sa apoy na sinimulan ni Acades.

Lupaypay ang kanang kamay ko, habang ang kaliwang kamay ay walang lakas na nakasuporta sa balikat ni Acades. Gusto kong gawin ang iniisip ko, na dapat nagtatakbo na ako palayo sa lalaking ito dahil delikado. Mas delikado pa sa tatlong manyakis na 'yon.

Pero ayaw ng puso't-isipan ko. Nagsisigaw sila na tama na ang pagtatakbo. At kahit ngayon lang, hayaan naman namin ang aming pisikal na katawan ang magpahinga.

Dahil pagod na pagod na ako. Ang gusto ko na lang ay makaalis sa lugar na ito.

"Uuwi na ako, Acades..." Ang nanghihina kong bulong sa kaniya. "Gusto ko ng magpahinga. Pagod na ako." Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking katawan habang patuloy lang siyang naglalakad.

Sa kung saan? Wala na akong pakialam pa. Wala akong ibang ini-isip kundi ang malayo sa lugar na'to.

"Kung dumiretso na lang sana ako pauwi sa apartment ay baka 'di nangyari sa akin 'to." Bakit parang naging kasalanan ko pa na may mga taong halang ang bituka? Bakit parang naging kasalanan ko pa na kahit ang ayos-ayos ng suot ko— sa huli ay napagtripan pa rin ako.

Alam ko sa sarili na maraming gago sa daan pero nagpabaya pa rin ako sa sarili.

Naglalakad lang ako, pero nabastos pa. Bakit parang kasalanan ko pa? "Bakit ba kasi ang t-tanga ko?" Talaga bang tanga ako sa isiping kahit wala naman akong pinapakitang tukso ay meron pa ring natutukso?

"A-Acades..." Humihikbi ako habang mahigpit na nakayakap sa taong walang arteng binuhat ako na parang isang babae.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan at sumakay si Acades sa loob akay pa rin ako. Tumulak ito pero 'di ko napapansin na gumagalaw ang taong niyayakap ko kaya ang hinuha ko ay may ibang nagmamaneho. Gumalaw ako paatras sa kaniyang leeg na kinasubsuban ko kanina lang.

Ang mamahaling suot ni Acades ay halatang nabasa dahil sa nangyari kanina.

"Acades, nababasa ka na. Uupo n-na lang ako sa tabi mo." Ang nahihiya kong sambit habang 'di makatingin sa mga mata niya.

Alam kong magaganda pa rin ang mga mata niya, nandoon ang dilaw nitong kulay kapag naiilawan ng araw at nagmumukha naman itong ginto kapag sa gabi. Pero sa mga oras na ito ay hinihiling ko na lang na 'di na sana nagpakarga sa kaniya. Nakakahiya!

Para akong isang hayop na koala sa malalaki niyang katawan. Nakabukaka ng kunti ang mga hita niya kaya't kung ganun ay nakasentro ang biyak ng aking pagka-upo sa malaki at matigas niyang pagkalalaki sa ibabaan. Mga imahe ng mga kababalaghan na ginawa namin sa madilim na parte ng apartment building ang pumuno sa isipan ko kung kaya't napa-ungot ako at sumiksik na lang sa matipunong dibdib ni Acades!

Pero ang maalala na basa nga pala ako ang nagpaatras sa akin ulit. Nakanguso kong tiningnan siya na seryosong nakatitig sa mukha ko, sa mata ko, at sa mga labi kong kumikibot-kibot dahil sa hiya.

"Baka magkasakit k-ka dahil nababasa na kita, Acades." Gumalaw ako para sana ay umalis na sa pagkaka-upo pero nanlalaki ang mata ko siyang binalingan ng tingin ng mas dumiin pa ang pagkakalalaki niya sa pang-upo ko matapos niyang hawakan ang magkabilaan kong pang-upo.

Ang mala-pakwan kong pang-upo ay hulmado sa malalaki niyang mga kamay. Kahit na sa makapal na tela ng aming kasuotan ay natural na umani ng mainit na reaksiyon ang akin dahil sa ginawa niya.

"Stay still, hon." Pinisil niya ulit ang pang-upo ko kaya napakagat labi ako sa hiya!

Ang boses ni Acades ay parang may init at sa kung anong klaseng pagkabigkas niya nito ay nagpapahiwatig sa akin sa pangangangailangan nito.

"Acades, kasi... 'Yung ano. 'Yung ano mo tinatamaan ako. Aalis na lang ako sa pagkakandong." Akmang aalis na ako pero isang malaking singhap ang lumabas sa bibig ko ng padiin at may lakas pero maingat niyang binalik ang pagakaka-upo ko sa kandungan niya.

"Uhm, fuck..." Mas lalo 'atang pumula ang mukha ko ng marinig ko ang lalaking-lalaki niyang ungol dahil sa paggalaw ko!

"Stop wiggling your way out, baby boy. No escaping from daddy, now." Bakit parang may ibig sabihin siya sa mga sinabi niya? Anong no escape? Bakit saan ba kasi kami pupunta? Sabi ko uuwi na ako dahil magpapahinga na ako!

"Acades naman kasi..." Ang parang batang nahihiya kong tugon.

Nilaro ko ang mga daliri ko sa kandungan ko at namumula ang mukha na panakaw-nakaw na tumingin sa kaniya. Napatingin ako sa mukha niya at may aliw at maliit na ngiti ang naglalaro sa mga labi niya. Halatang nasisiyahan sa pagkakataong nasa kandungan niya ako.

"Hmm. Get back to sleep." Giniya niya ang mukha ko pabalik sa leegan niya.

"Pero mababasa ka!" Ang angal ko at umatras para tingnan siya. Mahinang pinalo niya ang matambok kung pang-upo at nilamas ito para alisin ang hapdi nun.

"Just do as I say, baby. Huwag ng makulit." Ang pinal niyang tugon.

Ako naman ay nahihiya pero may saya sa puso ko habang ninanamnam ang init ng katawan niya sa aking basa at malamig na sarili.

Naalala ko kung paano niya pinalo at nilamas ang pang-upo ko. Senswal ito at alam ko kung paano mas lumalaki at tumitigas ang pagakalalaki niya pero wala akong mahanap na diskomporte. Para bang ang katawan ko mismo ang ginusto ang mga haplos niya.

At nahihiya man, nagustuhan ko ang reaksiyon ko sa katawan ni Acades. May maliit na ngiti ang namutawi sa aking labi at tuluyan ng nilamon ng init ni Acades. Ang swerte ko dahil sa isang taong katulad ni Acades ang nakakita sa akin sa daan na 'yun.

Ano nalang kung wala siya dun? Baka patay na ako at nagahasa.

Hinayaan ko ang aking sarili na kainin ng antok at pinagbigyan ang pagod na katawan ng isang pahinga. Ang huli kong natandaan ay ang mainit na halik ni Acades sa aking noo.

-

"Elorde, come on baby boy. Wake-up. Let me see those innocent eyes." May tumatawag sa akin at naramdaman ko ang marahang pagyugyog ng balikat ko.

"Uhmm..." Ang reklamo ko pero mahinang baritonong pagtawa lang ang naging sagot nito.

Kaagad na bumuka ang mga mata ko para masaksihan ang paminsan-minsang pagtawa ng lalaking nakaharap sa akin ngayon. Para siyang anghel. Tama nga ako! Anghel na delikado.

May ngiti pa rin sa mga labi niya at galak sa mga mata niya bago niya hinaplos ang noo ko. Napalitan ito ng pag-alala habang nakatitig pa rin ako sa kaniya. Napakalaking tao pero ang lambot at maingat niya akong pinapasadahan ng barakong kamay.

Sa totoo lang ay mabigat ang pakiramdam ko pero naibsan ito dahil sa lalaking may pag-aalala at nakakunot na naman ang kilay habang sinisipat ang noo ko. Mahina ko itong pinalo at matagumpay na umalis sa kandungan niya. Para akong mabubulwak sa pagkakatayo kaya dali-dali rin akong naupo sa isang mamahalin at komportableng itim na sofa.

Dito ko napansin na nasa loob pala kami ng isang bahay!

Kaninong bahay ito? At bakit ako nandidito? Nilibot ko ang paningin pero sumakit lang ang sentido ko. Para akong masusuka sa mga kinain ko kanina.

"Acades? Kaninong bahay 'to? Bakit ako nandidito?" May katamlayan man ay nagawa ko pa rin ang magtanong ng sunod-sunod.

Wala akong narinig na sagot at isang malamyos na haplos sa noo ang ginawa niya at walang pag-aalinlangan na tumayo sa harapan ko.

Para siyang isang mamahaling modelo habang minamasdan ko siyang isa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng mamahalin niyang suot-suot na suit. Pagkatapos nito ay pinalibot niya ito sa aking maliit na katawan.

Amoy na amoy ko ang bangong lalaki ni Acades dito. Matapang na may pagka-Acades. Ang klase ng amoy na alam mong pagmamay-ari niya. Ang tipo ng amoy na kapag nalanghap mo ay talagang makikilala o maaalala mo kung sino ang taong 'yon.

"You're burning hot, Elorde. May sinat ka! Can you walk, baby?" Nahahalata ko ang pag-aalala sa boses niya at sa sandaling ito ay nagi-guilty ako dahil naging perwisyo pa ako sa kaniya.

"O-oo naman." Tumango ako at huminga ng malalim. Bumunot ako ng lakas para makatayo pero natumba lang ako. Mabuti't sa katawan ni Acades ako nasalo.

"Fuck! Come-on, I will bring you to bed." Iyon lang at inayos niya ang damit niya sa katawan ko at kinandong ako.

Marahan siyang naglakad paitaas pero wala na talaga akong lakas kaya muli't nakatulog ako habang yakap-yakap siya. Mamaya na lang ako magpapasalamat at hihingi ng tawad pagkagising ko lalong-lalo na sa perwisyong nadulot ko.

-

Napanaginipan ko na naman ulit ang mga panaginip na 'yon. Dahil sa pabalik-balik lang naman ang mga panaginip ay talagang naihahantulad ko na ito sa isang bulaklak. Mabango at mahalimuyak sa damdamin.

Kahit sa panaginip ay nararamdaman ko ang epekto ng sinat ko. Nahihilo at nabubuwal ako sa aking kinakatayuan.

Nawala lang ang lahat ng ito ng may kung anong mainit ang tumatama sa mukha ko kaya minulat ko ang mata. Naibsan ang bigat ng aking mga talukap dahil sa kung anong bagay na nakalapat sa aking mukha.

"Ay iho, nagising pala kayo. Pasensiya na pero mas mabuti na nga ito para naman maka-inom ka ng umagahang gamot mo." Nagsalita si Nanay na naka-unipormeng katulong at pansamantalang tinigil ang pagtataas ng mga malalaking kurtina sa naglalakihang bintana.

Kelan pa ako may kasama sa apartment? At bakit may malaking kurtina?

Para akong tuta na nalilito sa nakikita. Kinapa ko ang kama at napakalambot nito. Hindi naman kalambutan ang kama ko ah. Kinapa ko ang damit at malalaki ang mata kong tiningnan ang ilalim ng komporter.

"Huwag kang mag-alala, 'di hinayaan ni Aksel na may makakita sa hubad mong katawan. Walang iba ang nasa loob ng kwarto kundi ako lang habang binibihisan kita." May malaking ngiti sa mga labi at may katandaang mukha.

Sa sinabi niya ay 'di ko mapigilan ang pamulahan ng mukha. Kung ganun ay 'di pala ako nanaginip bagkus ay totoo ang lahat! Simula sa kamuntikan akong nagahasa, tapos dumating si Acades, dinala ako sa bahay na'to, at nagising sa estrangherong kama.

"K-kayo po ang nagbibis sa'kin?" Ano ba ang dapat maging reaksiyon sa ganitong awkward na sitwasyon.

Kailanman ay walang ibang nakabihis sa akin at posibleng nakakita sa hubo't hubad na katawan maliban na lang sa Lolo Ambo at Lola Sanny noong kabataan ko.

"Ay naku iho, huwag ka nang mahiya sa'kin. Ituring mo na lang ako na parang nanay mo total ay mukhang ikaw na ang magiging susunod kong amo." Nandiyan pa rin ang malalaki niyang ngiti pero ewan ko at na-aasiwa pa ako. Idagdag pa ang huling sinabi niya.

"Ano po ang i-ibig niyong sabihin, n-nay?" Ang nahihiya kong tanong.

Nasaan ba kasi si Acades? Alam kong wala akong karapatan na maghanap sa kaniya at mag request ng presensiya niya pero bakit naman niya ako iniwan dito?

"Ha? Saan, iho?" Pareho kaming nagtinginan at ngumiti na lang ako sa kaniya at umiling.

"'Wag mo na lang intindihin, nay. Ako po pala si Elorde Sol Concepcion, kaibigan ni Acades po." Walang kasiguraduhan ang pagpapakilala ko dahil 'di ko naman alam kung ano ko si Acades. Mukhang pwede rin naman siya matawag na kaibigan. May magkaibigan ba na naghahalikan?

"Ako naman si Eda." Tumayo ako at nahihiyang kinamayan siya.

Kalaunan ay inaya niya akong kumain muna ng agahan. At doon ko napagtanto na umaga na nga dahil sa pataas ng sinag ng araw! Buti na lang at walang pasok ngayon. Kundi paniguradong huli na ako sa klase. Ang po-problemahin ko na lang ngayon ay kung papaano umuwi para maka-trabaho mamayang gabi.

Hinayaan ko ang sarili na magtingin-tingin sa loob ng bahay. Malaki ang bahay. Sobrang laki! Mahahalata mo talaga na hindi maitatanggi ang yaman ng may-ari nito. Mula sa mga mamahaling muwebles, marmol na lapag, at mga modernong kagamitan. Sa katunayan ay may nadaanan pa nga kaming parang gawa sa salamin na daanan at sa ilalim nito ay may mga malalaking isda na iba't-iba ang kulay sa ilalim.

Napansin 'ata ni Nay Eda ang mangha kong mukha kaya pinaliwanag niya sa akin,

"Elorde, huwag kang mag-alala at pwede mo 'yang lakaran. Matibay 'yan at sinadya talaga d'yan dahil may paniniwala ang senyorita na maswerte ang mga ganitong isda."

Senyorita? Sino?

Tumango ako. May kirot man sa puso ko ay 'di ko na lang pinansin. Bakit ba kasi nakalimutan ko na baka may asawa na nga si Acades. Sa gwapo niyang 'yon ay hindi mahirap ang makahanap ng mga mayaman at magagandang babae na nababagay sa kaniya. Bakit ba ang daldal ko kasi, tingnan mo tuloy at nasasaktan ako sa mga katotohanan.

"Halika na muna sa kusina at nakahanda na ang pagkain mo." Sumunod na lang ako sa kay nanay at baka makasagi pa ako ng mga mamahaling bagay dito.

"Heto at may hinandang pagkain na para sa'yo. Kukunin ko lang ang mga gamot mo." Tumango ako kay Nay Eda at nawala naman siya sa isang pintuan sa 'di kalayuan.

Tiningnan ko ang loob ng kusina. Ang laki talaga ng bahay! Maliban sa mansion ng mga Buenavista na pinagtatrabahuan ni Lola Sanny noon, ito ang pangalawang beses na nakapasok ako sa ganito ka engrandeng bahay. Habang kumakain ay naiisip ko na sa laki ng bahay ay baka singlaki na ng kusina ang buong apartment room ko.

Bumalik si Nay Eda sa nilabasan niyang kwarto na may dala-dalang parang kahon. Lalagyan ng mga gamot 'ata. Tinigil ko saglit ang pagsubo at ngumiti sa kaniya.

"Sige lang at ng magkalaman ang sikmura mo. Ilang beses ka 'ding nagsuka kagabi kaya nag-aalala si Aksel sa'yo ng sobra. Ano ba kasing nangyari at ika'y nilagnat ng pagka-tindi?"

Nag-alala si Aksel? Sino si Aksel? Wala namang ibang pwede niyang tawagin ng Aksel kundi ang boss niya na si Acades. Baka nga talaga at Acades Axel ang buong pangalan ni Acades.

At teka? Bakit naman mag-aaalala si Acades sa kalagayan ko? 'Di ba magagalit ang senyorita na sinabi ni Nay Eda kapag malaman niyang sa kwarto ng asawa niya ako natulog kagabi?

"Nadisgrasya lang po sa ulan, nay Eda. Pasensiya na po talaga sa abala." Tumingin na lang ako sa masarap na umagahan at tinuloy ang pagkain.

Hangga't mabuti ang turing ng mga tao dito sa'kin ay tatanawin ko itong malaking utang na loob.

"Huwag kang humingi ng pasensiya, iho. Sa katunayan ay 'di natulog si Aksel sa kakabantay sa'yo. Mukhang pinag-alala mo ng todo ang aking alaga."

Inangat ko ang tingin sa kaniya na nilapag ang mga tabletas ng gamot. Mukhang malaking abala ang naging sanhi ko sa mga tao dito. Kailangan ko na 'atang umalis.

"Pasensiya po ulit..." Ang mahina kong paumanhin.

Inubos ko ang pagkain at huhugasan na sana pero pinigilan ako ni nanay Eda. Sa huli ay hinugasan ko talaga ang mga pinagkainan ko. Nakakahiya na!

"Nagustuhan mo ba ang pagkain?" Ang tanong ni Nay Eda kaya tumango ako at nilunok ang tatlong tableta ng gamot gamit ang tubig panulak.

"Masarap po. Salamat sa pagluluto."

Umiling si nanay Eda, "May kaibigan 'yang alaga kong si Aksel na isang chef. Pareho silang marunong magluto kung kaya't hinandaan ka niya ng makakain para makain mo kaagad." Si Acades pala ang nagluto?

Masarap. Sobra.

"Gusto mo bang magpahinga muna sa kwarto ninyo ni Aksel?" Nagsmistulang kamatis ang mukha ko dahil sa tanong ni Nay Eda. Bakit ba kasi parang pinalalabas nila na may kung ano kami ni Acades?

May asawa na ang tao eh!

"Dito na lang po ako sa kusina, nay Eda. Magaling naman ang katawan ko. Salamat sa pag-alaga." May ngiti ko siyang pinasalamatan.

Alam ko na ang ngiti ko ay 'di naka-abot sa mga mata ko. Sa katunayan ay naguguluhan ako sa mga kilos niya.

"Pwede po bang malaman kung nasaan ang bag ko, nay Eda? Kukunin ko lang at uuwi na siguro ako. Magpapasalamat na lang ako sa kaniya sa susunod naming pagkikita."

Kung meron pang susunod. Huli na siguro 'to. Dahil kapag nalaman ng asawa ni Acades 'to ay baka mag-away pa sila. Kahit wala akong kasalanan ay 'di ko pa rin gugustuhin ang ganun. Lalo na't sa isa pang 'pokpok' ang naging dahilan.

"Aba'y 'di mo ba hihintayin si Aksel, iho? Ang alam ko ay mahigpit niyang pinag-utos sa akin at sa mga bantay sa labas na bawal kang palabasin lalo na sa kalagayan mo."

Kinabahan ako sa sinabi ni nanay Eda. Ano ang ibig niyang sabihin na may mga bantay at bawal akong makalabas?

"Naku, nay Eda. Magaan na po talaga ang pakiramdam ko." Gumalaw-galaw ako para ipakita sa kaniya na mabuti na talaga ang aking kalagayan.

"May trabaho po kasi ako mamayang gabi, ayaw ko po sanang lumiban. Pwede niyo bang sabihan na lang si Acades na umalis na ako?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil umiling si Nay Eda. Humingi pa siya ng pasensiya dahil pagagalitan daw silang lahat pag pinalabas nila ako sa bahay. Napatungo na lang ako dahil sa dismaya. Sana naman ay umuwi na si Acadees at ng maka-uwi na rin ako.

"Huwag ka ng mangulila at sigurado akong babalik din kaagad ang nobyo mo, iho."

Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya? Ano daw?

"P-po?"

"Oh, diba't ikaw ang nobyo ng alaga kong si Aksel? Eh ikaw lang ang kaisa-isang tao na dinala dito sa bahay niyang binata kong si Acades Aksel."

Nobyo? 

.

.

.

.

.

Note: Patuloy kong nararamdaman ang init ng inyong mga suporta! Maraming salamat! Malapit na rin tayong umabot ng 40K reads dito! Keep it coming! 

(∩˃o˂∩)♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro