Chapter 22
taste
ELORDE'S POV
Malakas ang buhos ng ulan kaya nagising ako. Marahan lang ang tunog ng bubong namin dahil gawa ito sa nipa, hindi katulad sa gawang yero dahil matunog 'yon kapag ulan habang mainit naman sa tag-init. Pikit-mata pa akong bumangon at inayos ang pagkakasalansan ng kurtina ng bintana dahil pumapasok ang ulan.
Sinipat ko mula sa bintana ang Luwal, ang baryo na nasa kabundukang bahagi ng Maraya. Mukhang babaha o lalaki ang tubig ngayon sa mga ilog dahil malakas ang buhos ng ulan mula sa ibabaw.
Gusto ko pa sanang matulog pero ang maalala na nangako pala ako kay Ram na pupunta ako sa mansion nila ang nagtulak sa akin na lumabas ng kwarto. Wala pa rin si Lolo at Lola, mukhang na stranded din sa lakas ng ulan. Hindi ko kailangan mag-alala dahil kapag ganitong panahon ay mabilis tumugon ang mga tauhan ng mga Buenavista lalong-lalo na pagdating sa mga magsasaka.
"Ito na siguro 'yong sinasabi ni Lola na dadalhin ko sa mansion nila Ram. Teka, mukhang may kabigatan 'to ah." Isang lanyera lang ang ginawa ni Lola Sanny para kay Donya Glenda pero ang bigat nito.
Sinubukan kong itaas ito gamit ang isang kamay, medyo nahirapan ako pero nadala naman gamit ang dalawang kamay. Ngayon ang tanging aalahanin ko na lang ay kung papaano ako makakapunta kina Ram sa ganitong panahon.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at hinanap ang cellphone ko sa loob ng maleta. Tiningnan ko kung may message ba si Ram sa akin ng kahit anong updates sa byahi niya pero wala naman. Ngunit may isang mensahe doon galing kay Acades. Binaliwala ko muna ito at inunang e-message si Ram na mag-ingat sa lipad niya lalo pa at nararamdaman ko na may paparating na bagyo.
Binuksan ko ang message box namin ni Acades, bago na ito dahil nabura na lahat-lahat ang meron kami sa cellphone na'to. Buti at memoryado ko pa ang numero niya. Kagat-labi ko itong nilagay bilang isa sa mga contacts ko.
Kapitbahay na Hubadero:
Baby, pupunta ako mamaya sa site. I'll visit and check if everything's okay. I will leave you in the hands of Morgan and Xander. Tawagin mo lang sila kung may kailangan ka. I love you.
How could I forget the fact that this man has a multiple degree with multiple job descriptions? Acades Zapanta graduated in Civil Engineering, Business Administration, Law, and the likes. Iniisip ko pa lang kung gaano siya katalino ay namamangha na ako.
Should I reply to his message? Tiningnan ko kung anong oras ko ito natanggap. Halos isang oras na rin ang nakalipas. I composed a short but informative message for him.
Ako:
Pupunta ako ngayon sa mansion ng mga Dela Fuentes para kay Ramarie, ang kaibigan ko.
Binasa ko ulit ang message ko. Kompleto ang pangalan ni Ram para hindi mag-assume ang isa na baka lalaki ang kikitain ko. Mahirap na at baka biglang sumabog 'yon.
Wala pang isang minuto ay natanggap ko ang reply niya.
Kapitbahay na Hubadero:
I'll have my men assist you. Huwag kang pupunta doon ng mag-isa. Ako ang susundo sa'yo. Take care, baby.
Namula ako sa reply niya. Walanghiyang lalaki na'to. Alam na alam kung paano kunin ang loob ko. Hindi na ako nag reply dahil sa mensahe pa lang niya ay desidido na siya. No room left for an argument and clearly imposing his dominance on me. Maingat kong nilagay cellphone sa banig at nagpalit ng damit.
Matapos ang lahat ng pag-aayos ay tiningnan ko muna kong naka-uwi na ba sina Lolo at Lola pero wala pa naman. Buti at nakapagpaalam na ako kanina pa lang kay Lola para maiwasan na mag-alala 'yon ng wala ako dito pagdating nila.
Kinuha ko ang may kabigatang basket ng kakanin at dinala sa pintuan ng bigla na lang sumulpot si Xander sa harapan ko, "Good afternoon, Elorde. Ako na d'yan," kinuha niya ang basket sa akin.
"Salamat," ang tanging nasabi ko dahil naglakad na siya papunta sa sasakyan nila.
Binaling ko ang tingin sa taong nasa tabi ko, nakatitig siya sa akin ng may ngiti.
"Morgan, may kung ano ba sa mukha ko?" Ang marahan kong tanong sa kaniya pero umiling lang siya. Pinasadahan niya ang kulot na buhok at binuksan ang isang payong.
"Na-miss ko lang ang baby boy ni bossing Aksel." Ang magiliw niyang sabi kaya tinawanan ko lang siya.
"Hindi ka ba galit sa akin dahil sa ginawa ko? Nilagay ko kayo sa kapahamakan, normal lang na magalit kayo sa'kin. Matatanggap ko pa na magalit kayo keysa sa magpanggap kayo na okay lang." Ang sabi ko.
Morgan opened his right hand for me to take. Nasa ibaba siya ng hagdan kaya mas matangkad ako sa kinakatayuan ko ngayon. Tiningnan ko ng may pag-aalinlangan ang kamay niya.
"Matagal na naming alam kung sino ka, Elorde. The moment you entered the household, we made everything we can to protect you from the outside world." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Alam ni Acades kung sino talaga ako noon pa man? Oo, makapangyarihan si Acades at maalam sa kung paano patakbuhin ang organisasyon pero hindi ko inaakalang alam na niya pala ito. There's no point in explaining how I involved myself with the organization because he knew from the very start.
Ang nakikita kong sakit sa mga mata niya ay hindi dahil nagpanggap ako, kung hindi dahil sa iniwan ko siya. Ngayon ko nakumpirma ang mga sinabi niya sa akin kahapon. He grieve for me when I left him, he wasn't mad because I lied, he was mad because I left him and it made him feel like he was not enough for me to settle with him.
"Inaamin ko, muntikan akong maihi noong malaman ko kung sino ka talaga. Nagsitaasan nga ang mga balahibo ko sa katawan haha. I could not wrap my head with the idea that a man with an angel-like face is one of the most deadliest people in this planet." Nakalahad pa rin ang kamay ni Morgan para sa akin.
"Hindi ako mamatay tao, Morgan. Hinding-hindi ko kayang saktan ang boss niyo," ang sabi ko sa kaniya.
Ngumiti sa akin si Morgan at tumango bilang pagsang-ayon.
"Alam ko 'yan, baby boy. Malakas ang kompyansa ko na kailangan mo lang umalis para ma-protektahan si boss Aksel. Ang isipin 'yan ay sapat na para pagkatiwalaan kita sa buhay namin." Napatungo ako sa sinabi niya.
Takot na takot ako na baka hindi nila ako matanggap. Nagsinungaling ako sa taong ito pero ang marinig mula kay Morgan na tanggap niya pa rin ako kahit sino man ako at ano man ang nagawa ko ang nagpatulo sa luha ko.
Akma kong ibibigay ang kamay ko kay Morgan para tanggapin ang nakaabang kamay sa akin, pero bago 'yon ay nilahad ni Xander sa akin ang panyo niya.
"Dry your tears, he will know you cried." Lumabas ang mahinang tawa sa bibig ko dahil sa sinabi ni Xander. I don't know how, but I believed in what he said. Somehow, Acades has his ways of knowing what happened to me, that even crying he will know.
"Maraming salamat talaga sa inyong dalawa," ang sabi ko.
Tinanggap ko ang kamay ni Morgan. Akmang hahawak na sana ako sa kamay niya ay bigla niya itong nilipat sa pulsohan ko. Kaagad kong naintindihan na doon niya ako hahawakan para maiwasang magselos si Acades kapag nalaman niyang may ibang lalaking humawak sa kamay ko.
Dalawang payong ang nakatabon sa akin sa malakas na ulan at nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ay kaagad naman na umikot sila Morgan at Xander para pumasok sa front seats.
Naging tahimik ang daan, natatangi ang tunog ng ulan lang ang naririnig ko. Nakatingin ako sa labas ng daan hanggang sa marating namin ang Baryo Mahira. Malakas ang buhos ng ulan pero nakikita ko pa rin ang malawak na lupain ng Dela Fuentes, isa sa pinakamayamang tao dito sa Maraya.
Hindi katulad ng mga Buenavista na makikita mo ang paligid ng mansion nila, iba ang sa mga Dela Fuentes dahil matatayog ang bakod ng mansion nila. Lumabas ang isa sa mga tauhan ng mansion at kinausap si Xander. May tinawagan pa ito sa loob at nang makumpirma ay unti-unting bumukas ang gate nila.
Tiningnan ko ang basket ng kakanin na nasa tabi ko lang, "kami na ang bahala d'yan Elorde. Mauna ka ng pumasok sa loob." Ang sabi ni Morgan kaya tumango ako.
Pinagbuksan ako ng pintuan ni Xander at inalalayan akong makababa sa sasakyan.
"Magandang umaga po, nandito ako para sa kaibigan kong si Ramarie," ang magalang kong bati sa isa sa mga kasambahay.
Mahina itong yumukod sa akin at tinuro sa akin kung saan ang sala, "kanina ka pa po niya hinihintay." Ang sabi ng kasambahay kaya nagpasalamat ako sa kaniya.
Kaagad na bumungad sa akin ang boses ni Ram at iba pang boses ng pamilya niya. Nag-uusap sila ng pumasok ako sa silid. Kaagad akong nakita ni Ram.
"Baklaaaa! Mabuti naman at dumating ka na! Susunugin ko talaga mga panty mi kapag hindi ka nagpakita ngayong araw!" Natampal ko ang kamay niya dahil sa lumalabas sa bibig niya.
Mahigpit niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya, "sobrang na-miss din kita, Ram." Ang bulong ko.
Lumayo siya sa akin at tiningnan ang kabuuan ko. Sinipat niya ang katawan at ang mga kamay ko. Mahina akong natawa dahil ganito talaga niya ako e-check kung okay ba ako.
"Okay lang ako, Ram." Tumango siya sa akin.
"Nakikita ko nga dahil medyo nagkalaman ka ngayon eh." Tumango-tango siya.
"New hairstyle mo ngayon?" Ang takang tanong ko ng mapansin ang bangs niya. Hindi naman kasi siya mahilig mag bangs kaya ang makita sa kaniya ito ay di ko tuloy mapigilan ang sarili na matanong siya.
"Oo eh, nakita ko sa isa sa mga teleserye na maganda ang naka-bangs kaya gumaya rin ako. Do I look good? I know I look good, best even. But I need your approval!" Tumango-tango ako sa kaniya kaya sumigaw na naman siya at niyakap ako.
Madali lang talaga kausap itong si Ram.
Kinuha niya ang mga kamay ko at dinala sa harapan ng mga magulang niya. Kaagad akong yumuko bilang paggalang kay Congressman Dela Fuentes, ang ama ni Ram. Nalipat ang tingin ko kay Donya Glenda at yumuko rin para gumalang sa kaniya.
"Magandang araw po sa inyo. May pinadalang kakanin si Lola Sanny para sa inyo." Ang sabi ko.
Kaagad naman tumayo ang ina ni Ram at excited na nagpasalamat sa akin. Kilala naman nila ako dahil palagi ako dito noon kaya hindi na talaga kailangan ng pormal na introduksiyon.
"May chika ako, alam mo ba 'yung kaklase natin na si Chelsea, gaga nabuntis ng guard..." at doon na nagsimula ang mahabang bakbakan namin ni Ram. Kapag itong babaeng 'to makasimula na kaagad ng usapan ay talagang aabutin ka ng umaga.
Matagal kaming nag-usap ni Ram, nangako rin ako na bibisita ako dito pero uunahan niya na raw ako sa pagbisita sa bahay dahil na-miss niya na ang lutong bahay ni Lola Sanny. Sapat na 'yon para maalala ko ang kabutihan ng pamilya niya sa dalawang matatanda. Lumaki kasi ang mga anak ng mga Dela Fuentes na si Lola Sanny ang tinitingalang pangalawang ina lalo pa't medyo na-busy rin ang tunay nitong mga magulang.
"Nasaan pala si ate Valerie? Hindi ko siya nakita." Nagkibit-balikat lang si Ram at tinawag ang isa sa mga kapitbahay.
"Senyorita, pumunta po sila sa Baryo Luwal kasama ang mayor ng bayan at ang mga kasamahan nito para sa kanilang outreach event." Medyo delikado ang panahon para pumunta sa Baryo Luwal, paniguradong tataas na naman ang tubig sa ilog na dadaanan nila.
"Tingin ko ay dapat ayusin na ang daan ng mga taga Baryo Luwal para mas mapadali ang pagpunta sa kanila." Ang sabi ko kay Ram.
"Oo nga eh, naaawa nga rin ako sa mga taga doon," ang sabi niya at pinasalamatan ang kasambahay at pinabalik na ito sa kaniyang ginagawa.
Bago pa ako umalis patayo dahil papadilim na ay may binigay sa akin si Ram, "ipinaglaban ko 'yan sa registrar's office. Buti na lang at binanggit ko ang pangalan noong jowa mo at mukhang natakot kaya binigay na rin sa akin."
Maluha kong tiningnan ang diploma ko. Ilang linggo na lang rin ay matatapos ko na ang kolehiyo nang umalis ako sa siyudad. Niyakap ko ng mahigpit si Ram bilang pasasalamat. Sakto naman at bumukas ang pintuan ng mansion at dito pumasok si Acades kasama si Congressman, ang ama ni Ram.
"So glad to have you visit us," nakipagkamayan silang dalawa sa isa't-isa bago binaling ni Acades ang tingin sa akin.
"No problem, Congressman." May pinag-uusapan pa sila pero pabalik-balik ang tingin niya kung nasaan ako naka-upo. Napansin kong seryoso ang mukha niya at mukhang alam ko na kaagad nang makita niya akong pinupunasan ang luha ko.
Tumayo na ako at muling pinasalamatan at niyakap si Ram, "ikaw ah, hindi mo sinabi na kasama mo pala si papa de asukal mo dito." Sinundot-sundot ako ni Ram kaya natawa ako. Mahina akong nailing.
"Hiwalay na kami," ang bulong ko.
Bumitaw siya sa yakapan namin at malalaking matang tiningnan ako.
"What the F? Hala bakit? Masiyado bang malaki? Hindi kinaya ng imaginary puday mo? Gaga ka kanina pa tayo nag-uusap pero wala ka namang sinabi!" Niyakap niya ako ulit. Kahit balasubas ang bibig niyan ay marunong naman 'yang makiramdam.
"Ikaw lang naman ang nagsasalita sa ating dalawa kanina. Inubos mo ang chika mo." Ang sabi ko kaya pareho kaming natawa.
Bitbit ang diploma ay magkasabay kaming lumabas ni Acades palabas sa mansion. Buti na lang at tumila na ang ulan. Walang sabi-sabing giniya ako ni Acades sa malaking sasakyan niya. Ang basa ko dito ay Ford Raptor. Bagay na bagay sa kaniya.
"Careful, my baby," ang marahan niyang alalay sa akin para makapasok sa front seat.
Pinanood ko siyang lumipat sa driver's seat. Bumukas ang gate ng mansion. Binaba ni Acades ang bintana ng sasakyan at maangas na tumango sa security guard.
"Paano sina Morgan at Xander?" Ang takang tanong ko ng mapansin na wala na sila.
"I made them do something," kaswal niyang ani. Nababasa ko pa rin na may bumabagabag sa kaniya.
Inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa gear, kaagad naman na napatingin si Acades at pabalik sa daan.
"May problema ba?" Ang tanong ko sa kaniya.
"Did you cry? Who made you cry, baby boy?" Tama nga ako.
Ngmiti ako sa kaniya at tumango, "oo, pero tears of joy naman kasi 'to." Pinakita ko sa kaniya ang kanina ko pa hawak-hawak na diploma.
Tiningnan niya ito at mukhang naibsan naman ang bugnutin niyang mukha. Tumango siya tila naintindihan niya kaagad ang ibig kong sabihin.
"Congratulations, baby. Daddy is very proud. What do you want as your graduation gift, hm?" Pinagskilop niya ang mga kamay namin kaya napatingin ako doon.
May pa holding hands pa kaming nalalaman eh wala naman kaming label, maliban sa hindi klarong relasyon sa isa't-isa. Basta ang alam lang namin pareho ay mahal namin ang isa't-isa.
"Thank you," ang nanumula kong sabi. Kagat-labi kong binaling sa nadadaanan ang aking tingin dahil nahihiya ako.
Sa aming dalawa, si Acades ang gumagamit ng salita at aksiyon para mapatunayan ang mga sinasabi niya. His love language is both actions and words of assurance mixed with dominance. Admittedly, I take pleasure when Acades imposes dominance on me. Ibang klase kasi. Dama ko ito hanggang sa kalamnan ko.
"Just say the word and I'll give anything you want, baby boy." Napa singhay ako sa sinabi niya. Totoo ang mga salita ni Acades. Binigyan niya nga ako ng isang eroplano para sa kaarawan ko.
"Dalhin mo ako sa food park, Acades. Nagugutom ako." Biglaan lang nagbabago ang mga nagugustuhan kong kainin.
"Hm," ang tanging narinig ko na sinabi niya.
Padilim na ng maabot namin ang food park ng Maraya. Kung noon ay wala pa masiyadong pumupunta dito, ngayon ay kilalang-kilala na ito dahil mas pinaganda ito ng mga Buenavista. Maraming tao sa paligid at marami ring stalls ng mga pagkain. Iba-ibang klase ito.
Akmang bababa na ako ng bigla-biglang hinawakan ni Acades ang beywang ko at parang bata na binaba sa kaniyang malaking sasakyan.
"Acades naman!" Ang nahihiya kong sabi sa kaniya.
Seryoso lang niya akong tinaasan ng kilay.
"I'll have my men buy a car comfortable to your size, baby. Your safety comes first. This car is not for you." Acades swiftly put his hands at my waist. Hindi ko na inalis dahil wala naman siyang planong bitawan 'yon.
"Okay lang naman ang sasakyan. Masiyadong malaki sa akin pero kaya ko naman." Ang sabi ko pero ng balingan ko ang mukha niya ay may kung anong dumaan na emosyon dito. Maangas niyang pinasadahan ang kalbong ulo at maangas na tumango. Matatalim din ang tingin sa mga tumitingin sa kaniya. Pati ang mga nagtitinda ay natatakot sa kung anong paraan niya ng pagtitig.
"Gusto ko yung betamax, helmet, at isaw." Ang sabi ko. Kaagad na naglaway ang bagang ko ng makitang may nag-iihaw noon.
"What now?" Ang naguguluhang tanong ng kasama ko.
"Baby, are you sure you can eat those?" Mukhang nandidiri pa niyang tiningnan ang nilalagay ko lagayan para maihaw 'yon ng nagtitinda.
"Gwapo, bumili ka na, mukhang ganado itong si Ganda kumain eh." Ang sabi ng nagtitinda.
Nakakunot lang ang mukha ni Acades habang tinitingnan ang mga pagkain doon.
"Mayaman ka kasi kaya hindi ka pa nakakain n'yan. Subukan mo kasi. Ayaw ko sa maarteng lalaki." Ang sabi ko. Natawa naman ang nagtitinda habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa lalaking kasama ko.
Siniko ko lang siya dahil ayaw niya talagang pumili. Nang makita kong handa na ang pinaluto ko ay iniwan ko siya doon na nakatayo lang. Kumakamot pa ng ulo na tila naguguluhan sa mga nakikita.
"Babe, fuck, hey don't leave me here. Damn it!" Ang sunod-sunod niyang mura. Binalingan ko siya ng tingin at pinalakihan ng mata.
"Sorry baby," ang usal niya.
Tinuro ko ang display ng pagkain, "pumili ka na d'yan. Kung ayaw mo, huwag mong pilitin ang sikmura mo."
Nakalagay na sa plato ang pagkain ko at may isang mangkok rin ng kanin kaya ganado akong kumakain. Hindi naman malayo ang kina-uupuan ko at patingin-tingin lang ako sa damuho na pinagtuturo ang mga pagkain na bibilhin niya.
"What is this?" Ang dinig kong tanong niya at itinaas ang isang stick.
"Gwapo, ang tawag sa pagkain na 'yan ay adidas." Ang sabi naman ni ali na nagtitinda.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at kinunan ng larawan ang diring-diri na mukha ni Acades habang sinisipat ang paa ng manok.
"Here, just take it." Ang sabi ni Acades at naglagay ng isang libo sa harapan ng ali. Mukhang nagulat din dahil dapat may sukli pa 'yon pero naglakad na papalayo ang damuho, papunta sa lamesa na kina-uupuan ko.
"Ano ka ba, may sukli pa 'yong pera mo Acades." Ang sabi ko sa kaniya.
"Nah, she can have it. I don't have enough space in my wallet for coins." Ang sabi niya at tiningnan lang akong ganadong kumakain ng betamax.
Dumating din kaagad ang pinaluto niya pero ang loko wala yatang plano kainin ang binili niya.
"Kumain ka na," ang sabi ko sa kaniya.
Napa singhay na lang ako sa reaksiyon niya. Naglagay ako ng sanitary gloves sa kamay ko at nilagyan ng kanin ang plato niya. Kumuha ako ng soy sauce at nilagyan ang pinaluto niya.
"Subukan mo muna. Masarap 'yan." Ang kumbinsi ko.
Tumango naman siya. Kumuha siya ng sanitary gloves at sinuot ito. Kumuha siya ng isang betamax at kinagatan ito.
"Baby, I don't like it. Mapait ang lasa." Napatawa ako sa sinabi niya.
Kumuha ako ng suka at soy sauce. Pinaghalo ko 'yon at nilagay doon ang betamax. Binigay ko ulit sa kaniya.
"Hm, it tastes horrible but I can take it. I think I like it with sauce, baby boy." Inirapan ko lang siya. Ganado naman siyang kumain. Barako ang postura at seryosong kumakain.
Nakikita ko ang ibang dalaga na halatang nagpapansin sa kasama ko pero walang paki-alam ito. Ganadong itong kumakain habang paminsan-minsan ay tinatanggal ang mga kalat ko sa bibig. Parang wala lang sa kaniya ito. Kapag may dumadaan na mga haliparot ay iniirapan ko lang ang mga ito.
"Ipabalot natin 'yan para may gawin kayong pulutan mamaya sa inuman niyo ni Lolo Ambo." Marahan lang siya tumango.
"Do you want something else, baby?" Umiling lang ako sa tanong niya.
"Umuwi na tayo Acades, paniguradong hahanapin ako ni Lolo at Lola sa bahay kapag wala ako doon." Hinalikan niya ang sentido ko bago tinulungang makasakay sa sasakyan niya. Bakit ba kasi ang laki nito? Agrabyado na naman ang height ko!
Tahimik lang ang daan pauwi. Tumutugtog ang pamilyar na kanta sa stereo ng sasakyan at sinasabayan ko 'yon pero mahina lang ang boses ko.
"You like to sing, baby boy?" Umiling ako sa kaniya.
"But you have a pretty voice, pretty mouth, and pretty lips." Bumaba ang tingin niya sa bibig ko. Sumilay ang ngiti doon at umiling lang sa mga sinasabi niya.
"Ikaw umayos ka mamaya kapag kasama mo si Lolo Ambo, talagang tatagain ka nun kapag nagkamali ka." Ang sabi ko kaya nakita ko siyang napalunok.
"I can drink, and I love you, that's enough to tame your Lolo Ambo... I guess." Mahina akong natawa sa sinabi niya.
Malakas uminom si Lolo Ambo kaya paniguradong mapapalaban na naman ito mamaya.
.
.
.
.
.
Note: Dapat kasi kagabi pa ito lumabas pero nakatulog po ako ng maaga. Pagod ba naman ang katawan from 5AM to 7PM na work. To those who can relate, ikyk. Congratulations sa mga graduates diyan! With or without an award, still, you have proven yourself. Mahal ko kayo!
(✿˵ ꒡3꒡˵)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro