Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

breathe

ELORDE'S POV

"Elorde, apo..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling tinulak palayo si Acades sa akin nang marinig ko ang boses ni Lolo. Lagot na!

Nakita ko kung paano bumusangot ang mukha ng lalaking kasama ko ngayon. Para siyang bata na inagawan ng candy at galit na galit. Pinanlakihan ko siya ng mata para umayos siya.

"Lo, nandito po ako sa bakuran, kasama ko po... ang lalaking nag-order ng kakanin kahapon." Ang sabi ko at nakita ko naman na lumabas si Lolo Ambo galing sa likurang bahagi ng bahay-kubo.

"Aba at sana ay pinapasok mo muna sa bahay ang bisita. Mainit pa naman sa labas." Tinanggal ni Lolo ang kaniyang salakot at hinarap ang kasama ko.

"Magandang hapon, tito. Napadaan lang ako para pasalamatan kayo sa ginawang kakanin. Nasarapan ako. It tastes extra good." Napakamot ako sa siko ko dahil sa makahulugang sinabi ni Acades. Ang loko sa akin talaga nakatitig habang sinasabing masarap ang kakanin.

"Mabuti naman at nagustuhan mo, malaki ang binayad mo sa asawa ko kaya pinag-igihan namin 'yong gawin kasama itong apo ko." Sus kung alam ko lang na siya pala ang nag-order ng kakanin ay baka hindi na ako nagpakita sa bahay niya.

"Too bad I'm still craving for more," ayan na naman siya sa mga salita niyang alam na alam kong may iba pang kahulugan.

"Ha? Ano iyon anak?" Ang naguguluhang tanong ni Lolo kay Acades.

Bago pa man siya makasagot ay ako na ang sumagot kay lolo, "pumasok na tayo sa loob, lo at uuwi na rin po siya. Yon ang sabi niya."

"But I don't want to go yet," at nagmaktol pa talaga! Naguguluhan namang tumingin si Lolo Ambo kay Acades at sa akin.

"Mukhang ayaw niya pang umuwi, apo. Hala sige, magkakilala na ba kayong dalawa?" Medyo kinabahan ako sa tanong ni Lolo kaya hilaw akong natawa sa tanong niya.

"Hindi," ang sagot ko.

"Of course," ang sagot ni Acades.

Pareho kaming nagsukatan ng tingin. Alam kong hindi magsisinunangaling lalong-lalo na sa nakikita kong determinasyon sa mga mata niya. Acades intends to meet my family, and he's there's no hiding for him. Looking at his powerful stance, alam ko na tama ako. Kung tama ang pagka-alala ko ay gusto niya ring humarap sa pamilya ko noon pa man.

Natapos din ang araw na 'yon dahil nakumbinsi ko si Lolo na uuwi na si Acades, ang bagong kapitbahay namin. At talagang kapitbahay ko pa talaga ang damuho. Hindi man lang nagtayo ng bahay niya sa ibang parte ng Maraya, dito talaga sa baryo namin at talagang sa pinakamalapit na lupain pa kung saan ako nakatira. Walang palya, lahat nakukuha niya pa rin.

Acades is still powerful. The thought calms my heart. If he can freely do things and act like the free man he is, I am certain that the organization kept its promise to me.

"Kami nga at tapatin mo apo. Nakita ko kung paano tumingin iyong kapitbahay natin kanina sa'yo. Anong relasyon mo sa taong 'yon?" Akala ko ay nakalusot na ako sa mapanuring mga mata ni Lolo pero hindi pa rin talaga.

Nanahimik lang siya kanina pero alam ko, basi pa lang sa naninimbang na tingin ni Lolo kay Acades kanina, nakilala na niya kaagad ito bilang isa sa mga taong nakakonekta sa akin. Ang hindi niya alam ay kung anong klaseng relasyon ang meron siya sa akin kaya ito ang tinatanong niya.

Ayaw kong magsinungaling, pero ayaw ko rin naman na malaman ni Lolo at Lola kung anong klaseng buhay ang meron ako noon. Dahil tiyak malalaman nila ang kung anong meron ako noon sa siyudad.

Tumigil na si Lolo sa pagkain at hinintay akong sumagot sa tanong niya.

"Ambo, iyang tono ng boses mo, ayusin mo at kumakain itong apo ko. Huwag mong takutin at baka mawalan ng gana." Dumepensa si Lola Sanny sa akin. Nakita yata niya na kinabahan ako sa tanong ni Lolo, at isa pa, siya rin ang naka-usap ni Acades kanina ng pumunta ito dito. Ang kung anong pinag-usapan nila ang hindi ko alam, pero sapat na 'yon para kampihan ako ni Lola sa mapanuring tanong ng Lolo Ambo.

"Alam ko ang nakita ko, Sanny. Hindi ako pwedeng magkamali, dahil lalaki rin ako. Ang ganoong klaseng tingin ay makikitaan mo lang sa isang lalaking ulol sa kaniyang kapareha." Kalmado lang ang boses ni Lolo Ambo pero may diin sa bawat salita niya.

Inabot ni Lola Sanny ang kamay ni Lolo at marahan itong hinagod.

"Simple lang ang tanong ko apo. Simple lang din ang sagot nito. Uulitin ko, anong klaseng relasyon ang meron ka sa lalaking 'yon, Elorde?"

Tumingin ako kay Lolo at kay Lola. I look at them in the eyes. Looking at their serene faces, there's no point in lying. I have been lying my entire life, and heaven knows how tired I am with my lies. I want to be free, and I can't be free if I don't choose to free myself. After all, I should start with small steps.

"Nakilala ko po si Acades, a-ang kapitbahay natin sa siyudad, l-lo. Walang libre doon, kahit na nasa kamay ako ni Papa Rocco, hindi siya pumapayag na hindi ko paghirapan ang mga bagay na nakukuha ko." Ang simula ko.

Nakayuko lang ako sa pinggan. Naramdaman kong natigilan silang pareho. Ang alam lang nila ay komportable ang buhay ko sa siyudad at matiwasay na nag-aaral. Ang alam nila ay 'yong binibigay kong pera noon ay galing sa trabaho ko, pero hindi nila alam kung anong klaseng trabaho ang meron ako.

Oo may pera ako sa organisasyon pero nagagamit ko lang ito kapag ginagampanan ko ang posisyon ko. Sa labas, wala akong kontrol dito, kaya meron akong Stella kung saan nakamasid sa lahat ng kilos ko.

"Nag-aaral ako sa piling araw at nagtatrabaho ako kapag walang pasok. Pumapasok ako bilang katulong, tagalinis ng pinggan, naglalaba rin ako ng mga damit para may pera akong maipadala d-dito." Nautal ako sa hulihan lalo pa't narinig ko na napasinghap sila sa inamin ko.

"Habang sa gabi naman ay sa isang pampublikong club ako nag... nagsasayaw dahil m-malaki ang bigay doon. Isang gabi, muntikan na akong magahasa at doon ko nakilala si Acades. Siya po ang nagligtas sa akin sa lugar na 'yon." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko.

Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang aking bibig para hindi kumawala ang iyak ko. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kahirap ang dinaanan ko para marating kung anong meron ako ngayon.

Ano ba ang meron ako? Peace.

"Pasensiya na po at ngayon ko lang sinabi. Nahihiya po talaga ako na sabihin ang katotohanan at ayaw kong mag-alala po kayo sa'kin. Sapat na... sapat na ang maka usap ko kayo dahil doon lang ako kumukuha ng lakas ng loob para lumaban. Pero dumating si Acades, siya... siya ang dumating na hindi ko inaasahan. Pinakita at pinadama niya sa akin ang pagmamahal ng walang kapalit. Noon 'yon, hindi na ngayon." Umiling ako at tinangal ang mga kamay sa mukha. Inalis ko ang mga luha sa aking mata at tumingin kay Lolo at Lola na parehong naiiyak na nakatingin sa akin.

"Kinaya ko lang naman ang lahat dahil meron akong kayo. Kayo ang lakas ko sa tuwing nahihirapan na ako. Kayo lang ang meron ako na alam ko kahit anong mangyari ay pwede kong takbuhan." Nakangiti akong sinabi 'yon. Pilit akong ngumiti pero kumakawala pa rin ang sinok at impit kong iyak.

Tumayo si Lola Sanny at nilapitan ako. Isang mainit na yakap ang sumakop sa akin mula sa likuran.

"Siya ba ang tinutukoy mong lalaki na nagpapasaya sa'yo noon, apo?" Biglang nagsalita si Lolo.

Mahina akong tumango. Naalala ko noon na tumawag sila kaya sinabi ko ang tungkol kay Acades. Sayang lang at iba na ang sitwasyon namin ngayon. Siguro, masaya at maipagmamalaki ko ang isang Acades sa pamilya ko kung wala lang akong nilihim noon.

What happened between me and Acades was not a coincidence. The organization planned it and I was the bait. Hungry to prove myself to my father, I accepted the job, but I did not expect that it would be a sweet downfall.

Acades made me kneel. My love for that devil made me kneel to protect him and salvage what I could grasp just to lessen the burden I imposed on him.

"Anong nangyari?" Mahina akong umiling dahil ayaw kong pag usapan namin ang nangyari noon. Ang sabihin sa kanila ang isa sa mga hakbang ko para tuluyan ng palayain ang sarili pero ang sabihin kung anong nangyari sa amin ni Acades ay hindi ko pa kayang sabihin.

May mga bagay na sasarilihin ko muna para maiwasang mahiwa muli ang mga sugat na naghihilom na.

"Tama na Ambo. Parang awa mo na, tama na. Nasasaktan na ang apo natin." Nagsalita si Lola. Mahigpit ang kapit ko sa kaniya at umiyak ng umiyak sa dibdib niya. Mas humagulhol pa ako ng tumayo si Lolo at iniwan kami sa kusina.

"Tahan na, tahan na," paulit-ulit iyon hanggang sa nararamdaman ko na lang ang sarili na natahimik.

Nawala na rin ang gana kong kumain kaya nagpaalam ako kay Lola na papasok muna sa loob ng aking kwarto. Gusto kong ipagpahinga ang puso't katawan ko. Masiyadong maraming nangyari ngayong araw. At ang pagod ng aking nararamdaman ngayon ay resulta ng nangyari ngayong araw.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa kakaibang nararamdaman. Sumasakit ang ulo ko, nasusuka, pero wala naman akong maisuka dulot ng wala akong kinain kagabi. Namamumuo ang pawis ko sa noo pero pinigilan ko ang maiyak at baka magising ko ang dalawang matanda.

Pagkatapos kong magsuka ay bumalik ako sa kwarto at inayos na lang ang kagamitan ko doon, maaga rin akong naglinis. Kapag hindi maganda ang pakiramdam ko at kung kaya ko naman ay naglilinis ako para maibsan ang kawalang-gana kong kumilos. Hindi pwedeng wala akong gawin. Binuksan ko ang bintana at parang magnet ang mga mata kong napatingin sa kabilang bahay, o sa bagong kapitbahay ko ngayon.

Wala pa ang araw pero naririnig ko na ang pagsisibak ng kung ano. Nahinto ako sa ginagawa at tiningnang mabuti. Medyo humupa ang ambon at doon ko nakita ang hubad-baro na si Acades. Seryosong nagsisibak ng kahoy habang walang suot-suot na pang-itaas na damit. Tanging ang kaniyang pang-ibabang grey pants lang ang suots.

"Kailangan talagang nakahubad kapag nagsisibak?" Ang maanghang kong bulong dahil nakita ko ang kumpulan ng mga babae na masaya at malalantod kung makangiti habang pinagmamasdan si Acades.

"Mga haliparot! Kalbohin ko kayo eh. Itong lalaking ito naman, sinasadya talagang maghubad at ipakita ang magandang katawan. Mamaya ka sa'kin." Para akong lamok na bulong-ng-bulong dito habang naka-amba ang dalawang kamay sa bintana ko.

Kung nakakatusok lang ang talinis ng tingin ay baka kanina pa natusok si Acades.

Naririnig ko ang tunog ng pagkakasibak, malakas ito dahil malakas ang bwelo ni Acades sa palakol. Nagsisiliparan pa ang mga parte ng kahoy at sa bawat sibak ni Acades ay naririnig ko rin ang mga hagikhik ng mga dalagang nakatingin sa kaniya.

"Talagang hindi na tumuloy sa mga gawain at diyan pa talaga maghasik ng kahaliparutan." Kunot-noo kong iniwan ang bintana at padabog na lumabas ng bahay. Malalaki ang hakbang ko at lumabas sa bakuran namin.

Kinuha ko ang tabo at balde na ginagawang pampatubig sa mga halaman. Wala pang araw pero nagpapatubig na ako sa halaman.

"Lumayo kayo d'yan!" Ang sigaw ko at sinabuyan ng tubig ang mga halaman na malapit sa kinakatayuan ng mga babae kaya nagsisigaw sila dahil naabot sila ng tubig.

Hindi ako marahas pero nag-iinit ang ulo ko ke-umaga pa!

"Ano ba yan?! Nag-e-enjoy pa nga kami eh!" Ang reklamo ng isa sa mga dalaga.

Tinaasan ko sila ng kilay, "eh kung sabihin ko sa mga tatay niyo na nandito kayo at nagkukumpulan na parang mga biik? Ano?!"

Nagsitakbuhan naman sila paalis. Naiinis ako pero napangiti kaagad ako ng mawala sila. Effective pangtakot ang mga tatay dahil talagang malilintikan na, gaya na lang ni Lolo Ambo na plano kong kausapin at lambingin ngayon.

May atraso pa ako eh.

"Good morning, baby!" Inalis ko ang ngiti ko sa aking labi at lumabas na sa bakuran namin.

Hinarap ko mula sa daan ang lalaking nagpapa-init ng ulo ko ngayon.

"Anong good morning? Walang good sa morning ko Acades dahil ang aga-aga mong mang-bwiset!" Bulyaw ko dito. Nakita ko ang pagkamot niya sa kaniyang batok dahil napagalitan ko siya.

Bakit ang gwapo mo, Acades? Nakakainis! Ang sarap tuloy sabuyan ng tubig. Pero huwag na lang at baka magkasakit. Pinagpapawisan pa naman ang katawan. Dahil sa pagkamot niya ay nakita kong gumalaw ang biceps at triceps niya. Sinundan ko ang pagbaba ng pawis niya mula sa leegan niya pababa sa abdominal muscles niya. Malapad at malaki ang katawan ni Acades, lalong-lalo na at nabibgyang diin nito ang kaniyang mga tattoo. Ang mga pamilyar na tattoo na hilig kong laruin gamit ang hintuturo ko.

Kailangan kong pang ilayo ang tingin ko dahil naakit ako! Nang ibalik ko ang tingin kay Acades ay may malaki na siyang ngiti sa mga labi, tila gumana ang plano niya. Hayop na'to!

"I'm not doing anything wrong, babe. I was making sibak ng kahoy just so I could be a probinsiyano man for you. You said men here are different, so, I'm doing what a man should do." Lintek at ang puso ko ay tumalon dahil sa sinabi niya.

Imagine a full-grown man coercing his baby. That's Acades in the flesh right now. Para siyang bata na nahihiya sa crush niya.

"Magsibak ka na hindi nakahubad, lalaki ka. At isa pa... malamig ang panahon kaya walang rason para maghubad ka, Acades." Nang-iinit ang mukha ko. Para matago ang kahihiyan ko ay inirapan ko lang siya.

Lumapit siya sa akin at umamba sa bakod niya. Nasa balikat niya ang t-shirt na hinubad. Ginamit niya rin ito para punasan ang pawis sa mukha.

"Damn, this feels like a married couple argument, baby. You, as my wife scolding his hard-headed husband, afraid that he might get sick. Are we not, baby?" Binasa ni Acades ang pang-ibabang labi at may ngising tinaas-taas ang dalawang kilay.

Kung ibang lalaki lang ito ay baka namanyakan na ako, pero ibang klase si Acades. Nakaka-buwesit ang ka-gwapuhan na wala ka talagang magagawa kundi ang mapalunok.

Sunod-sunod akong napalunok at naawang ang mga labi. Umingos ako at bumuga ng hangin. Nilagay ko ang dalawang kamay sa bawat tagiliran ko at tiningnan siya ng masama. Hawak-hawak ko pa ang tabo.

"Talagang hindi. Dahil kung ako ang mapapangasawa mo, matagal na kitang ginapos sa puno ng mangga dahil diyan sa pagpapasikat mo sa mga babae." Mas lumaki pa ang ngiti ng damuho. Halatang nag-e-enjoy na sa galit ko.

"Stop smiling, Acades! I'm serious!" Ang bulyaw ko.

"Yeah, baby. I'm not smiling. But can't your man be happy because his baby is acting cute?" Wala na. Hulog na hulog na naman ang marupok kong puso.

Umirap ako at akmang babatuhin siya ng tabo ng tumatawa siyang lumayo sa akin.

"Buwesit kang lalaki ka," ang sabi ko at iniwan siya doon.

"Yeah, I love you too. Iniibig rin kita sinta ko." Ang sigaw ni Acades kaya napapatingin ako ng masama sa kaniya.

Pulang-pula na ang mukha ko at itong lalaking 'to ay gumagana na naman ang kawalanghiyaan sa katawan! Tinago ko sa kaibubuturan ko ang hiya at kilig na naramdaman. Ke-aga-aga ang landi na!

"Manahimik ka, Zapanta!" Ang sigaw ko pabalik na tinawanan lang ng damuho.

Wala talagang seryosong usapan kapag ang lalaking 'yon na ang kaharap ko. Hindi naman siya ganito ka-kulit noong iwan ko ah. Iba talaga ang epekto kapag iniwan. Iba ang Acades na nakikita ko ngayon keysa sa Acades na nakasama ko noon sa mansion niya. Oo, parehong maligalig pagdating sa akin, pero mahirap basahin at paamuhin ang dating Acades.

Isa rin sa napansin ko ay ang kapabayaan niya ngayon sa sarili na tila wala siyang pakialam sa kaniyang paligid. Hindi niya kasama sina Morgan at Xander o kahit sino sa mga tauhan niya. Pero alam ko, sa likod ng kampanting bulas ni Acades ay nandiyan lang ang mga tauhan niya, handang pumatay kapag may nangyaring hindi kaaya-aya sa lider nila.

Natapos ko kaagad ang paglilinis sa bakuran at napakain ko na rin ang mga alagang hayop. Maagang umalis si Lolo Ambo sa bukid kaya hindi ko na siya nakausap tungkol sa nangayari kagabi. Medyo nanlumo ako dahil ayaw kong magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Kasalanan ko naman kasi dahil tinanong niya ako at hindi ko sinabi ang totoo, oo, sinabi ni Acades ang totoo pero pinangunahan ako ng kaba. At kapag kinakabahan ay hindi ako nagiging rasyonal mag-isip.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay nagpalit lang ako ng damit dahil plano kong maglaba ulit mamaya at maligo sa batis. Habang pinaghihiwalay ko ang mga damit ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko.

"Sino naman 'to?" Ang tanong ko sa sarili habang nilalabas ang cellphone ko sa loob ng maleta. Wala naman kasi itong silbi dito.

"Elorde Sol! Bakla ka, hindi mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka pala d'yan sa atin edi nagsabay na sana tayo!" Nailayo ko sa aking tenga ang telepono dahil ang lakas ng boses ni Ram.

Wala naman ibang may cellphone number ko maliban kay Acades at Ram, at kahit nakapikit ako ay makikilala ko kaagad ang boses ng bestfriend ko.

"Ram, hinaan mo nga ang boses mo at baka may maisturbo ka d'yan," ang paalala ko sa kaniya.

"Oo na, hihinaan na. Ilang buwan kitang hindi ma-kontak tas malalaman ko lang na nasa Maraya ka na. Lord, heads up ka naman at nauna ka pa talagang magbakasyon ah." Nilagay ko sa loud speaker mode ang tawag namin para matapos ko rin ang ginagawa ko.

"Pasensiya na talaga Ram ah, alam ko malaki ang eksplenasyon na gagawin ko sa'yo dahil hindi naman gawain ng isang mabuting kaibigan ang ewan ka sa ere. Pasensiya ka na talaga. Pangako babaw ako sa'yo sa kahit na anong paraan pa 'yan." Oo, guilty ako, dahil sa kahit na anong nangyari sa akin ay isa sa Ram na hindi ako iniwan. Sincere siya at bukal ang puso kong tulungan ako.

"Hoi huwag kang umiyak d'yan ha. Malayo pa naman ako, hindi kita masasabayan umiyak! Anyways highways! Pauwi na ako! Gagamitin ko na lang ang chopper ng pamilya para makarating kaagad d'yan sa Maraya. Gusto ko pumunta ka doon sa mansion ha, para makita kita kaagad." Walang pag-aalinlangan kong tinanggap ang alok niya. Kahit sa ganoon lang ay maipakita ko kay Ram na sincere akong humihingi ng tawad dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya.

Sasabihin ko rin sa kaniya ang ibang detalye kung bakit ako nauwi para maliwanagan siya. Ram is a low maintenance friend, but we make sure to fill each other with information kapag nagkikita kami.

"I'll see you later, Lord. Maybe around three in the afternoon ay nandiyan na ako sa Maraya. Ikaw ang una kong hahanapin kaya umayos ka!" Natatawa kong pinatay ang tawag.

Sakto naman at natapos ko na rin ang paghihiwalay ng mga damit ko kaya nilagay ko na ito sa isang palanggana at nagpaalam kay Lola Sanny na maglalaba at maliligo rin ako sa batis. Sinabi ko rin sa kaniya na uuwi ngayong araw si Ramarie.

"Aba sige apo, gagawan ko ng kakanin iyong si Donya Glenda dahil paborito pa naman niya ang luto ko." Si Lola ang head ng mga katulong noon sa mansion ng mga Dela Fuentes kaya kilalang-kilala na niya ang mga ito. Kaya nga at nagkakilala rin kami ni Ram at ang kaniyang kapatid na si Valerie dahil palagi ako doon.

Naglalakad na ako palabas ng makita kong dumating ang isa pang sasakyan papasok sa loob ng bahay ni Acades. Tumabi lang ako pero nagulat ako nang bumaba ang salamin nito at bumungad sa akin ang pamilyar na kulot na buhok.

"Baby boy!" Ang sigaw ni Morgan at ambang lalabas na sana pero pinigilan siya ni Xander.

"Good morning, Elorde." Ang pormal na bati ni Xander sa akin.

"Hey let me go man. Na-miss ko si baby boy natin. I want to hug him!" Boses nagmamaktol si Morgan. Buti na lang at sanay na ako sa personalidad niya.

"Hug him and you'll be buried six feet below the ground, asshole." Biglang sumulpot si Acades.

Nakita ko kung paano ngumuso si Morgan. Nabaling ang tingin ko kay Acades. May suot na siyang damit pero pormal ito. Ang manggas ng itim niyang polo shirt niyang hapit sa katawan ay nakatupi kaya kitang-kita ko ang mga tattoo niya. Nakasuot din siya ng itim na jeans at puting sapatos. Kaagad kong napansin ang engineer's protective helmet sa kanang kamay niya habang bitbit naman sa kabila ang blueprint.

Sa likod ng helmet ay nakasulat ang, Engr. Acades Zapanta.

"Bossing, nandito na kami." Ang pagpapansin ni Morgan pero hindi man lang binalingan ni Acades.

"Where are you going, baby boy?" Ang tanong niya sa akin.

"Awit hindi man lang tayo pinansin ni bossing! Kompyansa kasi nandito na baby boy niya, pero noong iniwan siya, kami lang naman ang kasama niya kaka-inom ng Alfonso." Binatukan ni Xander si Morgan at hinila na papasok sa bahay kaya naiwan kami ni Acades.

"Maglalaba lang ako sa may batis," gusto ko pa sanang tanungin kong saan siya pupunta pero pinigilan ko ang sarili.

"Wait for me, I'll go with you." Akma na sana siyang aalis pero nagsalita ako.

"Huwag na, mukhang may lalakarin ka rin na importante kaya unahin mo na 'yan." Ang sabi ko.

"Nothing is more important when it comes to you, baby boy." Lumapit siya sa akin at hinagkan ang noo ko bago bumalik sa loob ng bahay. Naamoy ko pa ang mabango niyang pabango. Ang klase ng amoy na hindi nakakaagaw ng pansin pero kapag naamoy mo ay tiyak maadik ka.

Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko napaghandaan ang ginawa niyang paghahalik sa akin. Tyansing rin eh!

Sabay na lumabas ang tatlo sa bahay. Suot-suot na ngayon ni Morgan ang helmet ni Acades habang si Xander ang may bitbit sa blueprint.

"Make sure to advise the team with the next route plan for the concrete materials and equipment. I won't attend the meeting today, go make some lame excuses to save my ass." Ang dinig kong sabi ni Acades bago narating nilang tatlo kung nasaan ako nakatayo.

Kinuha kaagad ni Acades ang palanggana ko at nilagay doon ang mga damit niyang lalabhan din. Ases, magpapalaba lang pala ang damuho!

"Yes, boss! I'll tell them that you're busy with your laundry and baby time! Yie!" Sinundot-sundot ni Morgan ang tagiliran ni Acades kaya umani siya ng isang sapak sa ulo galing kay Xander.

"We'll get going... Elorde..." Ang paalam ni Xander sa akin.

I don't know what keeps pushing them to respect me amidst what happened between us in the past months, but I appreciate them not mentioning it. I have my reasons and they probably knew already everything about me but they did not, so I wouldn't. There will come a day when I will tell them my side of the story, but I just can't right now. I came home to heal myself from my broken past, and I have to give it to myself so I can grow.

"Lead the way, baby," binaling ko ang atensiyon kay Acades. He's still wearing the same clothes but this time, nakapaa lang siya.

"Nasaan ang tsinelas mo, Acades?" Ang tanong ko. Gumalaw-galaw pa ang mga daliri niya sa paa, halatang hindi sanay na nakapaa lang.

"Baby, I forgot to buy one when I came here. Nagmamadali kasi ako, but I'm fine walking around. Don't worry about me." Kahit loko-loko itong lalaking ito, mahal ko pa rin naman 'to at hinding-hindi ko makakaya na nakikita siyang nasasaktan o nahihirapan man lang.

This man, Acades, saved me from the torment of the world when I was in his abode, and now, chasing me and proving himself to me doesn't mean that I would want to see him in the same struggle I had before he knew me.

"Huwag kang gumalaw d'yan. Hantayin mo lang ako, may kukunin lang ako sa bahay." Bumalik ako sa amin at kinuha ang isang libreng tsinelas doon. May kalakihan din ito, siguro tama lang sa paa ni Acades.

Bumalik ako sa harapan niya at lumuhod para ipasuot ang tsinelas, "itaas mo muna ang paa mo," ang utos ko at sinunod naman niya kaagad ito.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at inalis ang putik doon. I made sure to clean it before I made him wear the slipper. Ganoon din ang ginawa ko sa kabilang paa niya. I was so focused that I immediately stopped when a tear landed to my right arm.

Napatingala ako at nakita ko ang umiiyak na si Acades. Nang makita na nakatitig na ako sa kaniya, kaagad siyang tumingala at pinahiran ang mga luha sa mukha.

"Acades..." I softly called his name, afraid that I might break him more than I already did.

"I'm sorry for making a mess, baby. I just missed your touch so much. Two months and it was hell for me. I looked for you everywhere, mad not because you cheated on our game, but because you left me all alone in my dark world. Seeing you is a breather, let alone your touch is enough to make the pain go away, baby." Acades confessed.

Pinatayo niya ako at pinatakan ng halik ang noo ko, sealing his confession. Lumayo kaagad siya sa akin.

"Lead the way, baby." Acades smiled.

.

.

.

.

.

Note: Walang palya sa everyday updates ako ah. Anywayssss, guys check niyo rin ang story ni Eludes at Havoc. May bagong book cover nga 'yon eh, edited by me hehe. Sabihin niyo sa akin kapag maganda haha.

꒡ꆚ꒡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro