Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

prove

ELORDE'S POV

Maaga akong nagising ngayong araw. Papasinag pa lang ang araw ay sinamahan ko na ang Lolo papuntang bukirin namin. Ganado akong simulan ang araw ko dahil hindi ako nagsuka pagkagising ko kanina. Mabuti naman...

"Oh siya, sabihin mo sa Lola mo at hindi ko na siya matutulungan sa paghahatid ng kakanin dahil kailangan kong linisan ang bahaging 'yon para umagos ng mabuti ang patubig." Tinuro ni Lolo ang isang kanal na may tubig. Malinis naman ito pero may mga damo lang kaya hindi masiyadong nakakadaloy ang tubig.

"Tulungan ko na muna kayo dito, Lo. Maaga pa naman para hanapin ako ni Lola." Ang sabi ko. Itinaas ko ang manggas ng suot kong jacket.

"Ay naku apo, huwag na. kayang-kaya ko na ito. Ang lola mo ang tulungan mo dun. Nga pala, heto at naalala ko. Paubos na ang kangkong para sa mga bebe at baboy, kumuha ka na lang sa daan pauwi." Nakinig ako sa mga sinasabi ni Lolo.

Tinuro niya sa akin ang mga daan kung nasaan binabaybay rin ang ang kanal. May marami kasing nakatanim na kangkong dito para sa amin. Nakakain din ito dahil nga ay tanim namin mismo, pero kadalasan ay ginagawa lang naming pagkain sa mga alagang hayop tapos hinahalo namin sa mga animal feeds. Ang sabi ni Lolo ay para raw balanse ang pagkain ng mga hayop.

"Mag-ingat ka sa daan," ang sabi ni Lolo nang pauwi na ako.

Medyo madilim pa pero nakikita ko na ang daan. Natural na maambon sa Maraya lalong-lalo na dito sa bukirin na halos mga puno at damo lang ang makikita mo. May hawak pa akong flaslight dahil madilim ng pumunta kami dito.

"Sige po, mauuna na ako. Babalik ako maya-maya para dalhan ka ng tanghalian, lo." Tinanggal ni Lolo ang kaniyang salakot at ginamit ito para kumaway sa akin. May ngiti ang aking mga labi habang pauwi.

Bitbit ang isang sako ay inilatag ko ito sa gilid ng daan at nangkuha na ng kangkong. Mabilis lang naman itong gawin dahil kahit mga daliri mo ay kayang pitasin ang gulay, kaya lang ay may mga katas ito na nagpapa-itim ng kuko. Nakikita ko na rin ito ng klaro hindi katulad kanina ng dumating kami dito sa bukid. Papasinag na rin kasi ang araw.

Humming a song, sinasabayan ko ang huni ng mga ibon, ang kaluskos ng mga dahon, at ang mapayapang katahimikan sa lugar. Hindi kalayuan sa akin ay ang iba pang magsasaka na nagsisimula na rin sa kanilang kaniya-kaniyang trabaho. Kagaya ni Lolo ay kapag nadadaan ka ay kumakaway ito sa akin gamit ang salakot nila, ang aksiyon ng mga taong maraya.

"Magandang umaga anak," ang bati sa akin ng isang ginang.

Ngumiti ako sa kaniya at tinanggal ko ang suot na salakot bilang paggalang sa kaniyang presensiya, "Magandang umaga rin po. Mag ingat po kayo sa daan dahil medyo madulas at maputik po sa bandang 'yon." Tinuro ko ang nadaanan ko kanina.

Tumango siya sa akin bago nagpatuloy sa kaniyang dinadaanan. Ganoon lang ang ginagawa ko kapag may bumabati sa akin, tiyak na nakasanayan ko na rin sa buong pamamalagi ko dito sa amin.

Halos namumukhaan ko na rin ang mga tao dito. Kami-kami lang naman kasi ang naririto at magkakonekta lang din ang mga bukirin na inaani namin. Ang kaibahan lang ay ang aming mga pananim. Si Lolo at Lola ay mahilig sa klase-klaseng gulay habang ang ibang magsasaka ay mga prutas naman, katulad ng pakwan at singkamas. Mabuti nga at hindi rin nagtatanim ang hacienda ng ganitong pananim at binigay nila sa mga magsasaka. Sa katunayan ay ang mga Buenavista pa ang nagbibigay ng allowance para may maibili silang gamit sa bukid, gayundin sa mga makinarya na gagamitin ng mga magsasaka.

"Maraming salamat nga po pala sa binigay niyong singkamas kahapon, masarap po lalo na sa suka na binigay niyo rin." Ang pagkausap ko sa isang magsasaka. Namukhaan ko kaagad siya ng bumati ito sa akin. Malugod kong pinasalamatan ang binigay niya. Ang sabi ay unang ani niya ito.

Medyo nagulat nga ako dahil ang natural lang na magbigay ng mga tao dito sa amin. Kung anong meron sa kanila ay tiyak bibigyan ka, ganoon din naman kami sa kanila.

"Walang anuman anak. Alam mo naman na kapag bagong ani ay tradisyon na sa ating magsasaka na ibigay sa isang marikit na binata at dalaga para sa marikit din na ani. Ikaw ay matanong ko nga kung okay lang sa'yo. May nobyo ka na ba at sayang ang angkin mong ganda?" May napadaan pa na ibang kasamahan nila na magsasaka.

Bitbit ko sa magkabilaang kamay ang kangkong. Medyo natawa ako sa tanong ni tatang. Kung gaano sila kabait ay ganoon din naman sila kawalang-preno kung magtanong. Siguro ay nasanay na sila na mababait ang lahat at pwedeng-pwede mo lang kausapin kahit hindi kayo magkakilala.

"Ano ka ba Marsing, bakit ganiyan ang tanong mo sa bata. Alam mo ba na apo 'yan ni Ambo at Sanny, lumaki 'yan sa siyudad kung kaya't iba ang nakagisnan sa atin. Mamaya ay baka sensitibo pala ang tanong mo." Ang sabi ni nanang na nagbigay ng singkamas sa akin kahapon.

Kaagad naman na tinanggal ni tatang Marsing ang kaniyang salakot, "hala pasensiya ka na at hindi ko napigilan itong bibig ko anak ha."

"Okay lang po, wala naman pong problema sa akin. Hindi lang po sanay na may kumakausap sa akin patungkol sa buhay pag-ibig kasi wala naman po ako nun." Pina-simple ko lang ang aking sagot sa kanila.

"Aba ay sayang naman 'yang ganda mo. Bakit ba? Wala ka bang natitipuhan sa mga binata dito sa atin? Tiyak na may nagkakagusto sa'yo pero nahihiya lang. O baka naman dahil tinatakot ng Lolo mo, aba eh matanda na 'yon eh." Sino naman po ang magkakagusto sa akin dito? Yung mga duwende at engkanto? Nakipagtawanan na lang din ako sa mga sinasabi ni tatang.

"Baka naman kasi hindi naghahanap ng nobyo, ano ka ba. O baka hanap mo ay dalaga, anak? May kakilala ako." Nilagay ko sa nakalatag na sako ang mga bitbit kong kangkong at nahihiyang napakamot sa batok.

"Hehe," ang tanging sagot ko sa kanila.

"Oh siya at hayaan na natin ang bata, mauuna na kami sa'yo Elorde ha at ng matapos mo na 'yang trabaho mo." Tumango ako sa kanila at binalik sa pagkakasuot ang aking salakot.

Bago pa man sila nakaalis ay pinangakuan pa ako ni tatang Marsing na bibigyan niya ako ng unang bunga ng kaniyang pananim na pakwan. Kaagad ko naman siyang pinasalamatan at pinagpanalangin na sana ay marami siyang aanihin.

Minabuti kong ginapos ang sako bago ko nilagay sa aking ulo at nagsimula ng tahakin ang daan pauwi. Madadaanan ko ang bahay ng bago naming kapitbahay mula sa dinadaanan ko kaya pagkatungtong ko sa aspaltong daan ay tiningnan ko ang bagong tayong bahay-kubo.

"Maaga pa naman, baka hindi pa gising." ang pagka-usap ko sa sarili habang dinadaanan ang bahay. Medyo naguguluhan nga ako dahil bakit ba gustong-gusto kong makilala ang may-ari eh hindi naman ako pala-kaibigan.

Ngumuso ako sa aking iniisip habang narating ko na lang ang amin. Si Lola Sanny ay nagkakape na. Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa kulungan ng mga baboy at binigyan sila ng kangkong. Pinalabas ko na rin sa kulungan nila ang mga manok at bebe. Sunod kong kinuha ay ang mga itlog ng bebe na pakalat-kalat sa loob ng kulungan nila.

"Magandang umaga, la." Ang bati ko kay lola at niyapos siya ng yakap.

"Maupo ka na dito apo. Anong ulam ang gusto mo ngayong umaga, ipagluluto kita." Ngumiti ako sa sinabi ni Lola.

Kung nasa siyudad lang ako ngayon ay baka kinulang na naman ako sa kain dahil short sa budget. Simula lang naman noong nakitira ako kay Acades na may nag-alaga sa akin. Na-miss ko rin tuloy ang luto ni Nay Eda. Komusta na kaya siya at ang mga kasama namin sa bahay?

"Ikaw na po ang bahala la, wala naman po akong pili basta ikaw ang magluto ay tiyak gaganahan ako." Ang sabi ko.

"Bolero ka naman apo." Pareho kaming natawa sa sinabi ni Lola.

"Hindi naman La, totoo kaya na masasarap ang lutong bahay niyo. Walang katumbas lalo na dahil alam kong niluluto ito ng taong mahal na mahal ako." Ang sabi ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ulit.

Piningot niya lang ilong ko. Masaya kaming nag-usap ni Lola habang tinutulungan ko siyang magluto ng umagahan namin. Ako ang nag-aapoy at nagsaing ng kanin.

"Ang dami naman yata ng niluto mo ngayon, la?" Ang takang tanong ko.

"Naalala mo ang sinabi kong malaki ang binayad ng bagong kapitbahay natin? Nagbayad siya ng sampung libo para sa kakanin lang, apo." Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Lola.

Sampung libo para sa kakanin? Ang laki naman yata nun. Hindi niya ba alam na tag limang piso lang ang kakanin dito sa amin?

"Tapos itong si Consolacion ay napabisita dito bitbit ang isang kilong baboy. Ang sabi ay pinapabigay ng mga Buenavista sa mga bahay-bahay. Sinisiguradong may makain ang lahat lalo pa at tag-ulan daw." Ngumuso si Lola sa gilid ng pintuan ng kusina at doon nakita ko ang isang sako ng bigas.

"Pati yang bigas ay mula sa unang ani ng hacienda kaya lahat ng mga tao ay may tag-iisang sako." Napatango ako.

Mayaman ang mga Buenavista at alam kong mas yayaman pa sila dahil ang klaseng yaman sila ay kasali ang mga tao.

Nakangiti kong pinakinggan si lola. Ang sabi ay may pinatayong bagong pampublikong hospital ang mga Buenavista at libre lahat ng serbisyo at medisina. Ito siguro 'yong dinaluhan nila Lola nitong nagdaang araw. Hindi na ako nakabisita pa.

"Ang usap-usapan ay itong si senyorito Havoc ang nagpatayo nito. Naniwala kaagad ako dahil alam ko sa likod ng malditang mukha ng senyorito ay ang mabuting puso niya. Sadyang nakilala lang siya bilang isang Buenavista na naging dahilan kung bakit namatay ang bunso sanang anak ng mga Buenavista."

Kahit ako ay napatungo dahil sa sinabi ni Lola. Narinig ko ang istorya sa kung papaano nakunan si senyorito Miracle noon at mukhang nasisi si Havoc. Simula noon ay naging pangit na ang ugali at tingin ng mga tao kay senyorito Havoc.

"La, hindi natin alam kung ano talagang nangayari kung bakit nagkaganon. Sa nakikita ko ay okay naman na sila, oo, nararamdaman ko na hindi pa tuluyang naiaalis ni senyorito Havoc ang nakaraan pero wala na po tayo doon. At kung totoo man na siya ang nagpatayo sa hospital ay magpasalamat na lang tayo sa kaniyang kabutihan."

Inalala ko ang mukha ni Havoc habang kinakanta niya ang regalo niya noon para sa kaniyang ama at ina. Ang hirap ng buhay niya kung ako ang pasasabihin. Lumaki siyang pasan ang konsensiya niya sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.

"Para saan po 'yan la?" Napatanong ako ng may nilalaan siyang adobong baboy sa isa pang baunan. Hindi naman ito baunan ni Lolo at imposibleng para ito sa mga Buenavista dahil alam kong marami ito sa mansion nila.

"Ano ka ba, kaya nga sinabi ko na maraming dalang biyaya itong si Consolacion kahapon kasi gusto ko rin na bigyan itong kapitbahay natin. Panigurado ay hindi ito nabigyan ng mga Buenavista dahil tayo lang naman ang nakakaalam na may bago dito sa atin."

Tumango ako. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman akong reklamo sa sinabi ni Lola. Gaya ng sabi ko, mapagbigay kaming lahat dito.

"Oh heto, tapos na ito. Idaan mo na lang 'yan kapag pupunta ka na sa bukirin. Idaan mo 'yan sa kapitbahay natin at dalhin mo na rin itong kakanin na pinagawa niya."

Bago pa man ako pumunta doon ay naligo muna ako at tinanggal ang kwintas sa aking leeg. Maingat ko itong nilagay sa banig. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng pambahay na damit. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. My skin is glowing out from happiness and peace. Ibang klase yata ang hangin dito sa Maraya at nakaka-glow. Kinagat-kagat ko ang aking labi para bumagay ito sa maputi kong balat. Mahina kong tinampal ang aking pisngi at ng pumula ito ay sapat na 'yon para lumabas ako sa kwarto.

"Ito na ba 'yon lahat, la?" Binabalanse ko sa aking ulo ang tatlong lalagyan ng kakanin. Sa dalawang kamay ko ay ang baunan na may lamang ulam.

Maaga pa naman ngunit may araw na. Kakatapos ko lang din kumain. Kanina pagkagising ko ay medyo nanghihina pa ako at medyo nasusuka pero okay naman na ako ngayon. Tingin ko ay dahil ito sa klase ng klema ang meron dito sa Maraya.

"Hinay-hinay lang sa daan," ang paalala ni Lola Sanny. Ngumuso lang ako bilang pagsagot. Hindi ako makatango at baka mahulog itong binabalansi ko.

Mabuti at hindi naman kalayuan ang bahay ng kapitbahay namin. Mga ilang hakbang nga lang. Pagkadating ko doon ay tahimik pa ang bahay. Nakikita ko ang malaking kotse na nakaparada sa loob ng malaking espasyo ng bakuran. Kulay itim at malaki nga ito. Kung tama ang pagkakaalala ko ay sinabi ni Lolo Ambo na malaking tao raw ang nakatira dito kung kayat bagay sa kaniya ang sasakyan.

"Tao po, magandang umaga..." Ang sabi ko. Mukhang hindi pa nga gising.

Lumapit ako sa may pintuan at nilagay sa isang kamay ko ang baunan. Gamit ang kananang kamay ay marahan akong kumatok.

"May tao ba d'yan? Maghahatid lang po ng kakanin na in-order niyo kahapon." Wala akong marinig mula sa loob, baka tulog pa nga?

"Babalik na lang po ako mama-" Biglang naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan, "...ya!" Ang naiwan sa ere kong sabi.

Medyo nahihirapan pa akong balansihin ang mga kakanin na nakapatong sa aking ulo dahil sa gulat. Wala na akong panahon para tingnan kung sinuman ang nagbukas ng pinto dahil sobrang pokus ko sa pagbabalanse na 'di ko namalayan na napasok ko ang isang paa sa loob ng bahay.

"Ay!" Ang sigaw ko sa gulat dahil hindi ko napansin ang amba ng pintuan kaya napasigaw na lang akong natumba sa taong nakasalo sa akin.

"Ang mga kakanin ko!" Tinulak ko ang kamay ng taong nakahawak sa aking beywang at kaagad na dinaluhan ang mga nagkalat na kakanin sa sahig ng kubo!

"Hala ang mga kakanin ko..." Ang mangiyak-ngiyak kong sabi at pilit sinasalba ang pwede pang maisalba.

Paano na 'to?

Napatakip na lang ako sa aking mukha dahil sa pinagsamang hiya at galit sa sarili. Pinaghirapan ito ng lolo at lola para lang matapon! Naiiyak man ay tumayo ako para humingi ng tawad.

"Baby..." Mali-mali ang desisyon ko sa buhay pero ang marinig ko ang salitang 'yan, kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay natumba ako pabalik sa sahig.

Nanginginig at dahan-dahan kong tiningnan ang lalaking hawak-hawak ang baunan ni Lola. Seryoso ang mukha niya pero ang mga mata niya, ang naluluha niyang mata habang nakatingin sa akin. Kilalang-kilala ko ang mga matang 'yan. Kahit bali-baliktarin man ang mundo, alam kong nag-iisa lang ang mukhang may ganiyang klaseng kulay na mata.

"Baby..." Ang sabi niya ulit na nagpatigil sa akin. Nakaawang ang mga labi ko at isa-isang nagsitakasan ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya.

"Kilala kita," Ang sabi ko.

"I know you too," Ang sabi niya at lumuhod sa harapan ko.

Itinaas niya ang mga kamay at hinuli ang mukha ko, "I am here, now." Ang sabi niya.

Napasinghap ako ng hangin pero kaagad kong binawi ang paninitig sa kaniya at umiwas sa kaniyang kamay. Dali-dali akong tumayo at umatras papalayo sa kaniya.

"Kilala kita." Ang pinal kong sabi at tiningnan siya mata sa mata.

"Call me by my name, baby. Say my name, please." Ang sabi niya. Tumayo siya at akmang lalapitan ako pero tinabig ko ang mga kamay niya.

"Anong ginagawa mo dito, Zapanta?" Ang sabi ko sa malamig na boses.

Durog na durog na ako pero ang maalalang may atraso ako sa kaniya, na nilinlang ko siya, na ginago ko siya ang nagpapapigil sa akin na yapusin siya ng yakap. Nagkamali ako sa tao at dapat kamuhian niya ako. Hindi ang ganito na parang wala lang. I can't accept how he can still love me after months of not seeing each other. I don't doubt Acades' love, but I doubt his intentions now.

Don't tell me he still loves me after I played with him, spied on his business, and potentially ran dirt all over his personal life. Hindi lang doon, I even made him bent for me. This man lowered his standards for me. Acades lowered his standards to someone like me.

"Baby boy," nagsusumamo ang boses niya pero hindi ko magawang maawa. Kinakain ako ng labis-labis na konsensiya.

Napahawak ako sa leegan ko para maramdaman ang kwintas ko pero natigilan ako ng wala akong makapa dito. I did not lose it, I just know.

"Aalis na ako," ang sabi ko at nilagpasan siya.

"Step away from me and you'll see how much of a demon I am when it comes to owning you, baby." Natigilan ako sa sinabi niya. Nagsitayuan ang balahibo ng aking katawan.

"Wala kang kontrol pagdating dito, Acades. Oo, kilala kita, pero hanggang doon lang 'yon sa siyudad. Dahil pagdating dito, hindi kita kilala. Isa kang estranghero sa buhay ko dito at pipiliin kong lumayo sa isang katulad mo bago pa tayo magkasakitan muli. Sinasabi ko sa'yo, Acades, layuan mo ako at ayaw na kitang makita pa." Lies. Lies. Lies!

Paano ko ba babaguhin ang sarili ko kung inuulit ko na naman ang nakaraan? Ang magsinungaling. Palagi na lang akong nagsisinungaling.

"Oh yeah, watch me then. I'll fucking show to this place that you belong to me. That your heart is sold to me just as the same with you stealing my sanity away from me. Subukan mong tumakbo ulit, at igagapos kita sa kama ko." Napalunok ako sa sinabi niya.

I gave him a hard look, while Acades seemed to be enjoying the catfight I started. This man is thinking that I am only playing, but I am serious.

Sa sobrang takot ko na baka maulit muli na may masaktan sa amin ay gugustuhin ko na lang ang malayo sa kaniya. Papa and the organization made it clean, but I know, once I turned around with what I promised them, they will not hesitate in wiping Acades off.

Mas kakayanin ko pa na hindi na siya makita kaysa sa makita siyang walang buhay. I love this man so much that I am willing to sacrifice the only hope I have left for the both of us.

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, Acades. Umuwi ka na bago mo pa pagsisihan na pumunta ka dito. Wala kang mapapala sa akin," I said with conviction.

Kinagat ko ang sariling labi para pigilan ang maiyak. Tumalikod kaagad ako para hindi niya makita ang naiiyak kong mukha. Pagdating ko sa bahay ay dinaanan ko lang si Lola at kaagad na pumasok sa loob ng kwarto. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako dahil sa pagod.

Nagising lang ako ng medyo naduduwal na naman ako. Patakbo kong pinuntahan ang lababo at doon sinuka ang kinain ko kanina. Nanghihina kong tinukod ang dalawang kamay sa lababo at mangiyak-ngiyak na hinabol ang hininga. Naramdaman ko ang kamay ni Lola na humahagod sa likuran ko.

"La, natatakot ako, ilang araw na akong ganito. Nasusuka at medyo sumasakit ang dalawang dibdib ko." Ang sumbong ko kay Lola.

Siya lang naman ang tao dito sa bahay dahil nasa bukid si Lolo Ambo. Patuloy niya lang hinahagod ang likuran ko para patahanin.

"You could be pregnant with my child, baby." Natigil ako at napaharap sa taong nasa likuran ko.

"A-Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito, Acades?" Ang kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Instead of answering all of my queries, kumuha siya ng isang baso mula sa tray at nilagyan ito ng tubig.

"Drink some water to relieve your throat," he said like a command. Pinaningkitan ko siya ng mata at hindi tinanggap ang alok niya.

"Answer me first, Acades." I demanded.

Pareho yata kaming pinaglihi sa bato dahil pareho kaming matitigas ang ulo. Ang kaibahan lang ay kayang-kaya ni Acades na gamitin ang pisikal niyang lakas kumpara sa akin.

His right arms swiftly touch the side of my waist. Hinahagod niya ito para pakalmahin ako habang ang isang kamay naman niya ay may hawak na baso. Nilapit niya ito sa aking bibig.

"Drink," Kunot-noo kong ininom ang tubig.

"Good boy," ang sabi niya. Napakagat-labi na lang ako para mapigilan ang namumuong kiliti sa aking tiyan.

"Sagutin mo ako, Acades. Anong ginagawa mo dito? Baka nakakalimutan mo na hindi mo ito bahay." Ang sabi ko. Inalis ko ang kamay niya at umatras palayo sa kaniya. Pinagkrus ko ang dalawang kamay.

Ngayon ko lang napansin ang suot-suot niya. A black tank top and his casual grey pants. Nakikita ko ang mga tattoo niya. Pinipigilan kong tumingin sa mga mata niya dahil alam ko madadala na naman ako sa emosyon mula doon. Mahirap pa naman kalabanin ang sarili.

"Sabi ni tita Sanny pwede raw akong pumasok to check on you." Ang casual niyang sabi. At sa sobrang casual niyang magsalita ay gumagamit pa siya ng Tagalog ha? Eh baluktot naman ang pagkakasalita niya.

"Nakiki-tita ka pa," ang komento ko. Ngiting-ngiti naman siya habang nakatingin sa aking tiyan.

Napahawak ako dito, "pwede bang tigilan mo ako sa tingin na yan, Acades?" Inirapan ko siya bago nagsimulang maglakad palabas. Hindi ako buntis.

Medyo nagulat pa ako ng unahan niya akong bumaba sa hagdanan at kinuha ang kamay ko para alalayan makababa. Tinampal ko ito. Anong tingin niya sa akin, baldado? Nauna akong naglakad para makatakas sa kaniya.

Inirapan ko siya habang siya ay ngiting-ngiti pa rin, "Damn, I'm now hundred percent sure that you're pregnant. Akin 'yan eh. Walang palya at sinigurado ko." Narinig ko siyang bumulong-bulong sa likuran ko.

Huminto ako at tiningnan siya ng masama, "Hindi ako buntis at kung mabubuntis man ako ay hindi 'yon galing sa'yo. Hindi ako magpapabuntis sa'yo."

Narinig ko lang siyang sumipol. Hindi niya yata siniseryoso ang mga sinasabi ko! Nakakairita na gusto ko siyang magkabuhok! Pati kalbo niyang ulo ay ayaw kong makita!

"I'm sure his pregnant. He's extra moody." Baliw na yata itong lalaking 'to! At nahahawaan na rin ako sa kabaliwan niya!

"Alam mo, umuwi ka doon sa bahay mo at baka kung ano pa ang isipin ni Lola Sanny sa pinunta mo dito. Uulitin ko sa'yo Zapanta ha, hindi tayo magkakilala dito kaya umayos ka. Matataga ka talaga ni Lolo kapag sumalisi ka." Binulong ko ang huling sinabi ko. Asa naman ako na sasalisihan niya ako. At isa pa, it won't make sense kapag nagbati kaagad kami.

Yang pinagsasabi ni Acades, dala lang 'yan sa bugso ng damdamin. Halos dalawang buwan niya akong hindi nakita kaya siguro ganoon na lang ang gulat namin ng makita ang isa't-isa. Yeah, oo, tama nga...

"I asked for permission to enter your home, baby. Pumayag si Tita. What's with the unnecessary fuss? You know I need to have you, 'cause hell knows I crossed borders just to see you again. Tell you, no one can stop me." Ang maangas niyang sabi.

Pinag-krus ko ang mga kamay at binigyan siya ng mataray na tingin. There, he said it. Sinabi niya na ako ang pinunta niya dito. Oo, aaminin ko sa sarili ko na naglaho ang pagtatampo at kaba sa puso ko dahil sa mga sinabi niya.

Napahawak ako sa leegan ko at dinama ang malamig na kwintas doon. Nakita ko kung paano bumaba ang madilim na tingin ni Acades sa leegan ko. Slowly, I saw how his emotions shifted. Ngayon ay malumanay na niya akong tinitingnan.

"Acades, iba ang pamamaraan dito sa probinsiya, lalong-lalo na sa Maraya. Ayokong pag-usapan ka ng mga tao dahil sa angas mong umasta at mas lalong hindi sasapat ang angas mo dito." Ang sabi ko sa kaniya.

"Baby, you underestimate me too much." Inirapan ko siya. Talaga lang!

"Tigil-tigilan mo 'yang pagtawag mo sa akin ng 'baby' dahil kapag iyan narinig ni Lolo, tiyak uuwi ka na kulang ang daliri." Ang hamon ko sa kaniya.

Ibang klase si Lolo pagdating sa mga kalalakihan na nagtatangkang manligaw sa akin. Kaya nga walang nagtatangka dito sa amin dahil takot kay Lolo. Si Ethan nga ay pinakitaan niya ng itak niya. Akala kasi niya na manliligaw sa apo niya.

"What else should I call you then? You're my baby boy, I can't just call you any names." Kailangan ko pang umiwas ng tingin dahil sa nakanguso niyang mukha. Parang ang laki ng problema niya ah.

"Call me by my name," I said staring at his yellow eyes.

"Elorde Sol..." ang sabi niya. Acades eyes radiate warmth as he said those names. The sound of my name sounded so natural when he said it.

"I'll call you by your name when there are people around us, but I'll have the liberty to call you my baby when there's only the two of us." Ang tigas ng ulo.

Lumapit siya sa akin, marahan at nagtitimbang dahil sa galit kong mukha. Hinuli niya ang mga kamay ko at sinakop ito. Nilagay niya sa balikat niya ang mga kamay ko habang ang sa kaniya ay sa bawat giliran ko.

"Bakit ba ayaw mong maintindihan na ang taong minahal mo ay iba sa taong kaharap mo ngayon? Ibang pagkatao 'yon, Acades. Mapagpanggap, manlilinlang, at masama." I tried convincing him. I am trying to save us both for a more disastrous effect.

"I know you, Elorde. I have fallen to someone I know. Don't give me shitty reasons just so you could push me away, baby. Tinanggap mo ako ng buong-buo noon. You and your sweet heart did not falter when you knew who I was. Hayaan mo naman ako na iparamdam na kaya ko ring mahalin ang tunay na ikaw. Damn cheesy, but let me have you again, baby. Alam mo kung gaano ako kabaliw sa'yo."

Tulala ko siyang tiningnan. Minsan ko lang makita ang mga emosyon sa mukha ni Acades at halo-halo ito ngayon. Nakikita ko ang nasasaktan, nalilito, nanghihinayang, at iba pa. Kung noon ay kailangan ko pang basahin ang emosyon niya, ngayon kusa na niya itong pinapakita sa akin.

Those golden eyes...

"You're mad," I whispered those words avoiding his eyes.

Hinuli ni Acades ang mukha ko at binalik sa kaniya ang tingin ko. A smile of content in his lips, "Yeah, I am madly inlove with you, baby."

Nilakbay ko ang mga kamay ko sa mga matitipuno niyang balikat. Oo, mainit dito pero malamig ang Maraya.

"You and your words," ang iling ko sa mga salita niya.

"My words are true. I'll prove it to you." There was a glint of warning in his voice, but this time it was laced with clear intent. Sinakop ng dalawang kamay niya ang mukha ko.

I saw how that predatory gaze landed on my parted lips. I saw hunger and the immediate turmoil in those orbs. I can only be equivocal with his words and actions, but it did not stop me as I closed my eyes when he lowered his lips to mine.

"Elorde, apo..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling tinulak palayo si Acades sa akin nang marinig ko ang boses ni Lolo. Lagot na!

.

.

.

.

.

Note: Dapat kasi kagabi ko pa ito na-publish, sobrang pagod ko sa pagbabantay ng tindahan kaya tulog mantika na si me haha. Anyways, tuloy-tuloy pa rin ang dagsa ng bagong readers at imaginary haters ko ah. Still, it's a read. Win-win for me!

(ٛ⁎꒪̕ॢ ˙̫ ꒪ٛ̕ॢ⁎)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro