Chapter 18
tracked
ELORDE'S POV
Walking the distance of Ehito and Luningning is a peaceful errand thing to do. Kahit pa umulan o mainit ang panahon, there should be no problem with basking in the clean and refreshing air of Maraya.
Hawak ang basket na pinapadala ni Lola Sanny ay payapa kong nilalakad ang gilid ng daan papuntang Luningning. Napag-utusan ako ng Lola na puntahan ang mansion ng mga Buenavista at ibigay ang mga gulay na inani ng Lolo.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa kailangan bigyan ng Lola ang pamilyang 'yon eh ang dami-dami nga nilang pananim. Pero ang isipin na kukuritin ako ni Lola kapag hindi ko susundin ang gusto niya ay mas pinili ko na lang ang sumunod.
Ang tanda-tanda ko na pero kinukurot pa rin ako ni Lola sa tagiliran. Napanguso na lang ako habang iniisip ang hapdi ng kurot niya.
Dumaan ang malamig na hangin kaya napahawak ako sa laylayan ng sweatshirt na suot ko. Inayos ko rin ang suot kong bonnet sa ulo ko.
"Umaambon na naman. Kailangan ko ng magmadali at baka maabutan pa ako ng ulan." Ang bulong ko sa sarili.
Nadaanan ko na ang sakahan at rancho ng mga Buenavista pero nasa puso ng Luningning ang mansion ng Buenaventura. Mula sa kinakatayuan ko ay natatanaw ko na ang matayog nitong estraktura.
"Magandang umaga," Ang bati ng mga kababaehan na kasing-edad ko rin naman.
Ngumiti ako sa kanila at tumango, "magandang umaga rin sa inyo." Ang bati ko sa kanila pabalik.
Gaya ko ay ngumiti lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad. May mga bata rin akong nakakasabay sa paglalakad na naka-uniporme. Ang alam ko ay may malalaking paaralan na ang Maraya na pinatayo ng mga Buenavista. Kung noon ay nagsisimula pa lang madagdagan ng paaralan ang Maraya simula ng mamahala si senyorito Jakob, ngayon ay nabalitaan ko na may external studies unit na ng isang state university ang Maraya.
Tiningnan ko ang punong-puno at may kabigatan na basket, "hindi ko masisisi kung bakit malaki ang respeto ng mga tao sa mga Buenavista dahil malaki talaga ang pinagbago ng lugar dahil sa kanila."
Naiintindihan ko kung bakit halos lahat ng tao ay paliguan ng pasasalamat at mga bagay na pwedeng ibigay sa mga Buenavista.
*BEEP* *BEEP*
Halos mapatalon ako mula sa malalim na pag-iisip ng biglang dumaan ang dalawang SUV sa aking giliran. Nakilala ko kaagad na isa sa mga Buenavista ang mga sasakyan dahil sila lang naman ang nagmamay-ari ng ganitong klaseng sasakyan sa lugar namin.
Huminto ako at pinanood na dumaan ang unang SUV na may pinapagitnaan na isang puting Rolls Royce Phantom, habang sinusundan naman ito ng isa pang SUV. Wala akong intensiyon na alamin kung sino ang lulan ng sasakyan pero kumalabog kaagad ang puso ko ng mapagtanto ko na kilala ko ang taong ito.
Nakababa ang bintana ng sasakyan niya kaya kitang-kita ang magandang mukha ni senyorito Miracle.
"Ang ganda..." Ang bulong ng isang batang babae na nasa tabi ko. Pareho kaming nakatitig sa mukha ng taong lulan ng sasakyan.
Tumitingin si senyorito sa daanan at kumakaway sa mga nadadaanan. Nakita ko kung paano huminto ang sasakyan sa gilid ng daan, sa pwesto ni Nanay Consolacion, ang matandang nagbebenta ng barbeque. Nagsibabaan ang mga securties na kasama ni Senyorito at pinagbuksan siya ng mga ito.
Tahimik lang akong nanonood. Maligalig si Nanay Consolacion sa walang arteng si senyorito Miracle. Kahit ako ay hindi pa nasasanay na sa kahit anong yaman nitong taong ito ay walang arte itong tinutlungan si Nanay Consolacion sa pag-iihaw ng paninda.
"Nakausap ko naman si Jakob, nay. Ayaw paawat at gustong maghanda ng malaki para sa gaganaping anibersaryo ng kasal namin." Ang mahinhin na boses ng senyorito.
"Aba hayaan mo na ang asawa mo at alam mo naman 'yon pagdating sa iyo at sa mga tao dito. Kailangan walang naiiwan!" Ang sabi ni Nanay.
Pareho silang natawa. Nahinto lang ito ng may mga batang lumapit sa kanila. Walang pagdadalawang-isip na binigyan ni senyorito ng mga barbeque ang mga ito. Halos yata ng mga paninda sa mga nakahilerang nanininda ay binili niya.
"Pakipasok na lang sa loob ng SUV, Bast. Also, have you called Jakob and informed him na dapat nasa bahay na siya dahil maya-maya lang ay dadating na si Havoc."
Lumapit ako kay senyorito, oo, nagdadalawang-isip pero nang medyo makalapit na ako ay pinigilan kaagad ako ng isa sa mga security niya.
"Anong kailangan mo?" Ang seryosong boses ng security.
"A-Ah... ibibigay ko lang ang mga gulay," itinaas ko ang basket ng gulay at sa kaniya ko na lang binigay. Mas mabuti ng ganun.
Masiyadong mahigpit ang seguridad ng senyorito pero hindi naman ito sa mga issue ng mga tao dito. Ang sabi-sabi ay ganiyang lang kaligalig ang senyorito Jakob sa pagbibigay seguridad pagdating sa asawa at pamilya nito dahil minsan na itong tinakasan.
Their love story was one of those stories that are continuously told, even in my generation. Their love story inspires many young kids to find their own happy ending story. But I know, their love story is different from mine or anybody else's romance. It's just that, destiny and faith would act up late, while others think of it as perfect timing.
I experienced being in love and that was with the man I gave my full heart too. Yes, I lied, and no matter what I say to him, to Acades, it will never erase the fact that I was a cunning person, who came planned with psychotic plans in his head. I was a liar, but I promised to change the narrative of my story.
Sa bayang ito, hindi ako masamang tao, dahil dito isa lang akong normal na tao na katulad ng iba, may pinaghihilom na sugat mapa-pisikal man o sa puso. Ang sa hulihan ang akin.
"Baby... baby... my baby boy..." Napa-ungot ako dahil kahit anong pikit ko sa aking mata ay hindi ko naaalis sa utak ko ang mga salitang 'yan.
Umalis ako sa pagkakahiga at napagdesisyonang lumabas na lang ng bahay. Hindi naman talaga ako inaantok lalo pa at tanghali pa ng araw. Wala kasi akong kasama sa bahay dahil umalis ang dalawang matatanda sa bukid namin. Natapos ko na rin ang gawaing bahay kaya naisipan kong magpahinga.
Ewan ko ba at nitong nagdaang araw ay kahit alas diyes pa lang ng umaga ay inaantok ako palagi. Alam ko na napapansin na ni Lola ang mga kakaibang kilos ko lalo pa at medyo sumasakit ang dibdib ko. Parang may kung anong pumipisil dito.
Kagat-labi kong pinagmasdan ang paligid. Halos magdadalawang buwan na ako dito sa amin at sanay na sanay na ako sa Maraya.
"Baby..." Pinikit ko ang mga mata ng muli ko namang naalala ang boses ni Acades.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Are you back with your games, Acades? May pumalit na ba sa pwesto ko sa puso mo?
Ayaw ko mang isipin ay alam ko sa sarili ko na madali lang para kay Acades na palitan ang isang katulad ko, gaya ng nauna sa akin sa buhay niya. Masakit sa puso ang isipin na baka ngayon ay iba na ang taong inaalayan niya ng mga regalo at atensiyon niya.
Ngunit wala naman akong magagawa dito kundi ang tanggapin na lang. Oo, ako ang nanalo sa laro at apoy na ginawa ko. Yes, I did prove myself worthy of my last name, but I was a coward after that.
Natakot ako sa kung ano ang gagawin ni Papa kay Acades. Sa sobrang takot ko ay pinanood ako ng iba ko pang kasamahan na manghina at lumuhod sa harapan niya para magmakaawa.
I opened my eyes and let out a breath. Umupo ako sa upuan sa ilalim ng punong mangga. Pinagkrus ko ang mga kamay at malayo ang tingin. Gently, a wind blowed the small hairs in my face.
"Walang pagsisisi akong lumuhod para ma-protektahan ka, Acades. Siguro totoo nga ang sinabi ni Papa na lalaki pa rin ang magpapatumba sa akin." Medyo natawa ako sa lumabas sa bibig ko.
"What are you doing, Elorde? Stand up! I command you to stand!" Bingi-bingihan kong pinakinggan ang Papa habang nakaluhod ako sa harapan niya.
Nandito ang mga kapatid ko pero wala sa kanila ang tingin ko. Nakatuon lang ito sa mga larawan na tinapon ni Papa sa aking paanan. Nakita ko dito ang buong pamilya ni Acades, ang mga kaapatid niya, ang ama at ina niya. Lahat sila at naka-marka na ito ng selyo na ito ng aming organisasyon.
"Huwag mo silang pakialaman! Nagmamakaawa ako, huwag sila..." Ang bulong ko at tinaas ang tingin kay Papa.
Malamig niya lang akong tiningnan.
"Sa akin niyo na lang ibunton ang galit niyo, just... just don't harm them, Papa. Acades did nothing wrong, I have proven it. They are loyal to this mafia! Why is there a need to clear them?" Nangingilid ang mga luha ko habang isinisigaw iyon sa kaniya.
Yumuko si Papa at hinablot ako para tumayo. At gaya ng inaasahan ko ay isang malutong na sampal ang tuluyang nagpatulo ng aking mga luha.
"Of all people, I did not expect my son to follow my footsteps with this god-forsaken act. Binihisan kita, pinakain, ginawang karespe-respetadong tao, Elorde Sol! Huwag na huwag kang lumuhod kahit kanino!" Hinawakan niya ang panga ko at hinuli ang tingin ko. Mata sa mata.
Nakikitaan ko ng labis na galit ang Papa sa mga oras na ito, habang ang akin ay nangungusap. Ayaw kong may madamay na ibang tao. Husto na. Tama na... Ayoko na.
"You taught me love is cruel, Papa. But I have fallen. I love that man, and part of loving him is protecting him. I would never hesitate to kneel for him. Papa, please..."
Tama nga sila, masiyadong nakakatanga ang pag-ibig na 'yan. Pero ang magpakatanga kay Acades ang isa sa mga bagay na hinding-hindi ko pinagsisihan. People may say things negatively and may doubt my love for that man, but I know myself. I know my feelings for him. What I do not know is the idea of forgiving myself because of what I did to Acades.
In the end, no matter how strong my affection towards Acades is, it's all in the gutter because I made a mistake. Ako ang bumitaw.
Inalis ko sa aking isipan ang mga negatibong iniisip bagkus ay inayos ko ang apron na suot-suot ko ngayon. Mas pinag-igihan ko ang paghiwa ng mga karne at nakikipagsabayan sa iba pang tao na katulad ko ay sobrang abala dahil sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal ng mga Buenavista.
Abala ang lahat, si Lola Sanny ay naghihiwa ng iba pang kasangkapan habang ang mga kalalakihan, kasama si Lolo Ambo ay nag-iihaw ng mga karne.
"Oh, natulala ka na d'yan, sige na at hugasan mo rin itong mga prutas." Tumango ako sa isa sa mga kasambahay at hinugasan ang tigdadalawang sakong iba't-ibang klaseng prutas.
Buti na lang at sa labas ng mansion ginanap ang pagdiriwang pati ang paghahanda dahil kung hindi ay baka nagkalat na ang mga tao sa loob.
"... oo nga eh, ito kasing si Merna ay doon pa dumaan ayan tuloy at nakita tayo ni Senyorito Havoc, ang gaspang pa naman ng pag-uugali nun." Narinig kong sabi ng isang kasambahay kaya napatingin ako sa kanila.
Dalawa silang nag-uusap na tila namumutla at nakakita ng multo. Mukhang ang kadadating na si Havoc ang pinag-uusapan nila, gaya ng iba pang mga kasambahay at mga tao ng Maraya... Hindi na iba ang pag-usapan ang nakakabatang senyorito dahil iba talaga ang pag-uugali nito kumpara sa kapatid at ama nito.
"Ewan ko ba at simula ng bumalik 'yon dito ay parang nag-iba sa ugali niya. Hindi na siya palaging galit. Oo, merong mga beses na galit siya pero hindi na siya nagtataas ng boses. Kahit kanina, nagbilin lang siya ng mga utos, na kahit noon man ay hindi niya masiyadong ginagawa dahil ayaw niyang makipag-usap sa iba, maliban sa kapatid at pinsan niya."
Pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas ngayon ng mga ubas at nilalagay ito sa mga pagsisidlan, may mga kasambahay naman na inunti-unting kinukuha ang mga pinaghuhugasan ko para ilagay na sa labas ng handaan.
"Hinaan mo nga ang boses mo at baka marinig ka pa nun, bigla-bigla pa naman 'yong sumusulpot..." Tuluyan ng nawala ang dalawang nag-uusap kaya naiwan akong mag-isa sa harapan ng rumaragasang tubig.
Natapos ko rin kaagad ang mga pinapahugasan kaya lumabas muna ako sandali para tingnan ang kasiyahan sa labas. Kapag sinabi kong maraming tao, totoo ito, dahil napupuno ito ng mga tao at halos magkakilala lang. Buong Maraya ang nandidito kaya walang espasyo ang sinayang, lahat ay may nakalatag na mesa.
"I'm not the type to face my fears but with my parents, facing my darkest side made it easier for me. Maraya may not like me the way I liked it, but to have Mom and Dad is enough reason to call it home. Para po sa inyo ang kantang 'to. To more happy years!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Senyorito Havoc kaya napatingin kaming lahat kung nasaan siya ngayon nakatayo.
Natuon ang atensiyon ko sa kung papaano niya inubos ang inumin sa isang lagok bago lumapit sa piano na pinapatugtog ng kaniyang kapatid na si Mayor Hakob, ngunit wala kay mayor ang tingin ko kundi kay Havoc.
Emosyonal niyang kinanta ang kaniyang regalo para sa kaniyang ina at ama. Kung hindi ko lang kilala si Havoc ay baka maniwala na ako sa kung anong klaseng palabas ito. Pilit niyang nilalakasan ang sarili para maipakita sa lahat na gaya ng kapatid niya ay kaya niya rin.
Sa totoo lang ay naaawa ako para kay Havoc, dahil alam ko, sa likod ng matapang niyang pigura ay ang lalaking gusto rin mapatunayan na gaya ng pamilya niya ay may puso rin siya, hindi katulad ng iniisip ng iba. I have lived my whole life with uncertainty and surely I can tell when someone is pretending. Lalong-lalo na ngayon na nakita at narinig ko siyang nakikipag-usap sa kakambal ni Acades.
Wala ako sa lugar para maki-alam sa kung anong meron sila dahil ako rin man ay may issue sa aking sarili. Natapos ang gabi na puno ng kasiyahan, may inuman, at walang umuuwi na walang bitbit na pagkain. Truly, the Buenavistas are the most generous people in Maraya.
Dumaan ang araw at mukhang nakakahanap na kaagad ako ng kakampi dito sa Maraya, gaya ng dati, si Kuta Ethan lang din ang nakakausap ko. Ewan ko ba, hindi naman siya outcast noon, di katulad ko na walang mga kaibigan masiyado pero siya lang din naman ang nagtitiyaga akong kausapin. Maliban kay Ram.
Silang dalawa ang tinuring kong kaibigan sa magulong mundo ko noon. Kagat-labi kong inalala na hindi pala ako nakapag-paalam kay Ram nang umuwi ako dito. Tiyak magtatampo 'yon, pero alam ko, maiiintindihan niya ang rason ko.
"Mag-ingat ka diyan dahil medyo makalat pa ang mga gamit namin. O baka gusto mo sa tent ka na lang para hindi mainit? May aircon doon eh." Ang sabi ni Ethan sa akin.
Kausap ko siya ngayon dito sa may paanan ng templo na pinapagawa ng mga Buenavista. Ilang araw pa lang itong nasisimulan pero nakikita ko na kung gaano ito kalaki at katayog. Usap-usapan din kasi ito sa buong Maraya at mga kalapit na lugar.
"Okay lang Ethan, at tsaka nakakahiya naman na pumunta ako doon. Napunta lang talaga ako dito dahil gustong ipabigay ni Lola Sanny itong kakanin na ginawa niya para sa'yo at sa mga kasamahan mo." Ang sabi ko. Nakangiti kong binigay sa kaniya ang basket na puro kakanin ang laman.
"Yown! Saktong-sakto at nami-miss ko na ang ganitong pagkain. Masiyadong mailap ito sa siyudad eh, kung meron man ay hindi katulad sa nakasanayan kong kakanin na gawa sa Maraya. Ibang klase! Pakisabi kay Nay Sanny na maraming salamat."
Tumango ako sa kaniya. Nitong nagdaang araw ay bumibisita kasi itong si Ethan sa bahay at kaagad naman siyang nakilala ng dalawang matanda dahil dito rin lumaki si Ethan sa Maraya kaya masaya ang dalawa na makita ito ulit. Lalo pa ngayon na isa na itong ganap na inhinyero.
"Oo sasabihin ko," ang sabi ko.
May tinawag si Ethan na isa sa mga tauhan yata niya dahil 'boss' ang tawag nito sa kaniya, "dalhin mo sa loob ng tent ng mga engineers at rchitects, pakisabi na binigay galing sa biyenan ko."
Napuno kaagad ng hiyawan at kantyawan ang buong lugar lalo pa't ako lang naman ang pwedeng tuksuin nila. Namumula at nahihiya kong pinatid si Ethan dahil sa pinagsasabi niya.
"Hindi po ako ang tinutukoy niya," ang paliwanag ko kaagad pero mukhang wala naman silang pinaniwalaan sa mga sinabi ko.
"Nahihiya lang 'yan," ang dugtong naman ni Ethan kaya umirap ako sa sinabi niya.
Iniwan ko siya doon at medyo umatras para makita ang kabuuan ng tinatayong istraktura. Mula dito ay naririnig ko ang daloy ng tubig na nahuhulog galing sa talon. Pinagbabawal na paliguan ang talon ngayon dahil pwedeng may mga debris na nahuhulog sa pagtatayo ng templo kaya sirado ito sa publiko. Pwede pa rin naman tingnan kaya pumunta ako malapit sa protective screen malapit sa bangin at tiningnan ang maambon na tubig na nahuhulog mula sa talon.
Hindi kalayuan sa aking kinakatayuan ay ang mga tent
"Kahit ilang taon na ako sa siyudad, pag-uwi ko dito, ganito pa rin kaganda ang Maraya. Oo, maraming tao ang bago at hindi pamilyar sa atin pero wala talagang nagbago sa tanawin. Ang ganda ng Maraya, walang katumbas." Binaling ko ang tingin kay Ethan. Pareho kami ngayon ng pinapanood at parehong may ngiti sa mga labi.
Ngumiti ako sa sinabi niya. Inayos ko rin ang suot kong jacket at pinagkrus ang mga kamay para maibsan ang lamig na naramdaman. Mainit naman pero kapag malapit ka sa talon ay ramdam mo talaga ang ambon at ang natural na lamig ng hangin.
"Buti at tinanggap mo ang proyekto dito sa Maraya. Ngayon lang kita nakita dito eh." Ang sabi ko.
Mahina siyang natawa, "Hindi pwedeng hindi ko tatanggapin dahil wala naman akong karapatan na magdesisyon. Empleyado lang din ako, Elorde."
Binaling ko ang atensiyon sa ngayon ay maingay na puting tent. Dahil malakas ang ingay ng agos ng tubig ay 'di ko naririnig ang mga pinagkakaguluhan nila sa loob.
"Huwag mo 'yang pansinin. Paniguradong ang kakanin lang ang pinag aagawan nila." Natatawang nagtaas ng kilay si Ethan kaya marahan akong tumango. Akala ko kung ano na.
Binalik ko ang tingin sa tent, lalong-lalo na sa malaking logo ng construction company na nakapaskil dito. Pamilyar sa akin ang logo, mukhang nakita ko na kung saan.
"Pagkatapos ba ng proyekto na'to ay babalik na kayo sa siyudad?" Ang tanong ko.
Inaya ako ni Ethan na maupo sa isang upuan na gawa sa kahoy kaya naupo kaming pareho doon. Ang talon ang nagsisilbing tanawin namin.
"Hindi pa. Dinig ko ay magkakilala lang ang pamilya Buenavista sa may-ari ng construction firm namin, kaya siguro kami ang pinili para magtrabaho dito. Ang sabi-sabi ay interesado ang kapatid ng boss ko na magtayo ng pampublikong airport sa lugar niyo." Bilib akong napatango sa sinabi niya.
Kung ganoon ay napakayaman ng boss niya kung mangyari man ang sinasabi niya.
"Madali lang 'yan dahil may malalaking lupain ang Maraya at isa pa, sentro ang Maraya sa kalakalan dito. Saan ba nila planong magtayo at kaninong lupain?" Medyo nakakabahala rin kasi at baka maapektuhan ang mga magsasaka kapag mangyaring ang pang-agrikulturang lupain ang gawing pang-industriya.
"Ang dinig ko sa last meeting namin ay ang lupain na pagmamay-ari ng mga Sentenyal." Napatango ako.
Ang pamilyang Sentenyal...
Isa sila sa mga kalaban ng mga Buenavista pagdating sa negosyo at politika, pero dahil mas ma-impluwensiya ang nauna kaya walang-wala talaga ang mga ito sa kanila.
Mukhang mahihirapan sila sa plano nilang airport kung ganoon. Dahil mahihigpit ang mga Sentenyal pagdating sa kanilang lupain.
"Sana nga mangyari 'yan," ang bulong ko sa hangin.
Nag-uusap lang din kami ni Ethan ng mga bagay-bagay. Madali lang ang makipag usap usap sa kaniya dahil matino naman siya kasama. Natigil lang kami ng biglang dumating ang isa sa mga taong ngayon ko lang din ulit nakita ng malapitan.
"Kuya!" Halos lahat yata ng tao ay natigilan dahil sa galit na boses ni Havoc. Para kasi itong bulkan na sasabog na habang naglalakad papalapit kay Mayor Hakob, ang kapatid nito.
Pinanood ko kung paano nag-abot ang kilay ng kapatid niya at tinanggal ang suot nitong sunglass.
Walang kaarte-arteng naglakad si Havoc papunta sa kinakatayuan ng kapatid. Maputik ang daan pero pursigido itong naglakad sa kinaroroonan ni mayor.
"What on earth are you doing here without your protective equipment? Damn!" Lahat kami ay parang nabingi dahil sa sigaw ni Mayor. Ganito ba talaga itong dalawa mag usap na tila ba kaaway ang mundo? O sadyang nag-aalala lang si mayor sa kapatid niya.
"S-Sir isuot mo na po ito. Mapapagalitan po tayo." Pinanood ko ang isang kasambahay na kasama ni Havoc, medyo naawa pa ako dahil mukhang takot na takot ito, nadudulas pa ito sa maputik na daan pero pursigido itong lumapit kay Havoc. Bitbit nito ang isang payong at ang protective equipment para sa amo niya.
"What are you thinking, Havoc? Dad went berserk when he saw you with a scratch, yet you're here walking with no protective. Papatayin mo talaga ako sa pag-aalala!"
Tama nga ako. Nag-aalala lang si mayor sa kaniyang kapatid. Lalo pa at kilala ito bilang matigas ang ulo. Si mayor na mismo ang nagsuot sa kaniyang kapatid ng helmet.
"Why did you hire him, huh? Bakit sa lahat ng construction firm sa bansa— sa buong mundo, at sa mga Zapanta ka pa talaga pumirma? Bakit, kuya?" Sumigaw si Havoc kaya rinig na rinig ko ang mga sinabi niya.
Ano?
Sino?
Tama ba ang pandinig ko?
Napatingin ako kay Ethan at tiningnan ang logo ng kompanya niya sa suot-suot nitong protective equipment. Ang tanga ko para hindi maalala na kaya pala may malaking 'Z' ang logo doon dahil sa mga Zapanta ito!
Sa sinabi ni Ethan kanina na balak magtayo ng airport ang kapatid, sino sa dalawa ang tinutukoy niya? Imposible na si Acrotis o Joxiah ito dahil wala naman silang alam sa negosyo. That only means, it could be Acades.
As far as I know, he doesn't participate in the legal businesses their family owns. Lahat kasi ng pinapalakad niya ay ang ilegal nilang negosyo. All of which are the businesses in the black market, the organization, and the mafia.
Kailan pa siya nagka-interes sa ganitong negosyo? At talagang dito pa sa Maraya? It doesn't make sense. Not unless I will add my thoughts to it. Could it be? Does he know I am here? Acades is a powerful man, it would only take him days before he could find something or someone. Kung iisipin, hindi imposible na alam na niya na nandito lang ako sa Maraya. It leaves me questioning myself, is he doing this just so he could catch me?
Ang sabi niya mahal niya ako. At kung totoo man na nahanap na niya ako, bakit hindi pa siya nagpapakita? Acades is a territorial man. When he wants someone, he only wants it for himself. Or maybe because he is only terrritorial to those who are honest to him, and that excludes me and my lying ass.
Mahina kong binuga ang hangin gamit ang bibig ko.
"Bakit ganiyan ang reaksiyon mo? Huwag mong sabihin sa akin na may nangyari nga sa inyo ng Eludes na 'yon? Did he touch you, Havoc?" Marahan lang ang boses ni mayor pero narinig ko 'yon. What he asked only confirmed my initial thoughts as to why Havoc and Eludes were discussing their relationship inside that bathroom. But then again, I am in no position to talk about it.
"Kuya, just please, replace him. Iyon lang ang request ko. Not that man, please." Naiiyak na si Havoc habang nagmamakaawa sa kaniyang kapatid. Pero umiling si mayor.
"Dad was the one who hired him, not me." Napatingin ako kay Ethan na tumango rin sa sinabi ni mayor. Pareho pala kaming nakikinig sa usapan ng iba.
"K-Kuya..."
"I'm sorry I can't do anything right now. I was surprised that Dad did not hire our usual architecture and engineering company, instead, he contacted his friend, the man, Zapanta to build the temple."
Tuluyan ng umiyak si Havoc kaya tinatahan na ito ng kapatid. Kaagad naman akong nagpaalam kay Ethan at halos madapa pa dahil sa kakamadaling makalayo sa lugar na 'yon.
Bakit ba kung saan tahimik na ang puso at isipan ko ay dito ko lang din malalaman na may koneksiyon pala ang mga Buenavista sa mga Zapanta. Kapag pumunta dito si Eludes at hanapin si Havoc, tiyak na makikilala niya ako kapag nakita niya rin ako.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay kaagad kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa likuran ng pintuan ng kwarto. Maambon kaya medyo nabasa ako. Habang pinapatuyo ko ang aking buhok ay napadaan ako sa kusina kung saan nakita ko si Lola at Lolo na abala sa ginagawang kakanin.
"Napapadalas yata ang paggawa ninyo niyan?" Ang sabi ko at naupo na rin sa harap ng mesa habang pinapanood ko silang dalawa.
"May bago tayong kapitbahay d'yan apo. Napadaan dito kanina ang sasakyan at sabing gusto rin bumili ng kakanin. Ang laki nga ng binayad eh." Ang maligalig na sabi ni Lola Sanny.
Bagong kapitbahay? Sino naman?
"Nakilala niyo kaagad? Aba ang galing niyo naman Lola," ang natatawa kong sabi sa kaniya.
Tumango si Lola at ngumiti sa akin. Mukhang masaya nga siya at may nagpapagawa sa kaniya ng kakanin niya. Sa dami ng paglalagyan na hinahanda ni Lolo Ambo ay alam kong marami nga ang binili ng mga ito.
"Nakita kong naglalakad kaya tinawag ko. Eh napakagandang lalaki pero mukhang suplado. Hindi ko kilala kaya tinawag ko. Ang sabi niya ay dayo siya at bagong bili niya ang bahay sa unahan." Ang sabi ni Lola.
Tumango naman si Lolo at tinuro ang kubo na makikita mula sa bintana namin. Malapit nga at bagong tayo lang.
"Kaya pala may bagong bahay d'yan, nabili na pala. Diyan siya nakatira eh. Mukhang galante dahil malaki ang kotse. Bagay lang sa tindig niya." Si Lolo habang tumatango-tango pa.
Nanatili ang tingin ko doon, hindi ko masiyadong nakikita dahil sa ambon pero nakikita kong may tao doon.
Binalik ko ang tingin sa lamesa at tinulungan ang dalawa sa paggawa ng kakanin. Nag-uusap lang tungkol sa pinapagawang templo. Silang dalawa lang habang ako ay nakikinig lang at paminsan-minsang sumasagot kapag may tanong sila sa akin.
Gabi na ng matapos namin ang ginagawa. Sa umaga ko na dadalhin ang pinagawang kakanin sa bagong kapitbahay namin. May dumaan na sasakyan at sakto naman na nakatingin ako sa labas ng bintana ko kaya nakita ko ang sinani ni Lolo Ambo na malaking sasakyan.
Unconsciously, I remembered someone who had the same-looking car. Napahawak ako sa kwintas ko, "Acades... sobrang miss na kita..."
Bulong man sa hangin ay pinapanalangin kong maramdaman niya ang aking pangungulila.
Napatingin ako ng huminto ang sasakyan sa bahay kubo kaya napatingin ako doon. Bago pa man makalabas sa kaniyang sasakyan ay napagdesisyonan ko ng mahiga para matulog.
-
From the distance, the man watched longingly the boy his hands and soul crave for months now. Admittedly, he was late, but all this time he was busy cleaning the mess just so he could enjoy their time with no security worries.
Blowing out the smoke from his mouth, he watched the beautiful man with a breathtaking face close his eyes while touching the necklace he gave him.
Thanking the heavens that the boy did not remove the necklace from his neck, now, he can always keep track of the boy's whereabouts. He opened his phone to see the blinking red light of the tracking device he purposely installed on the necklace. The device tracked the almost non-existent distance between him and his baby boy.
Smirking, "No running away from me, baby boy. You can never escape this enticed devil."
.
.
.
.
.
Note: Hello gentle readers, I am back! Thesis defended (with a possible publication recommended by the research panels) and I am now free of academic pressure! I will continue these updates from time to time!
°˖✧◝(⁰▿⁰)◜✧˖°
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro