Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

awakening

ELORDE'S POV

Maaga pa lang ay nagising na ako, hindi katulad noong nasa siyudad ako. I felt like my body naturally responds to the soft call of Maraya's morning harmony. Maaga pa pero nakalabas na ang araw kaya tumatama na ito sa mukha ko ng magising ako. Saktong malapit ang mukha ko sa bintana ng bahay-kubo namin kaya ramdam ko ang nag-aagaw ng init at lamig dahil sa kakaibang klema ng lugar.

"Magandang umaga, apo." Nang makababa ako ay si Lola Sanny kaagad ang una kong nakita sa kusina namin.

"Magkape ka muna para mainitan ang tiyan mo. Naghahanda pa ako ng umagahan natin. Halika," May ngiti akong naglakad sa giliran niya at malambing na niyakap ang maliit na katawan ng Lola.

"Asus naglalambing na naman ang binata ko. Maganda naman ba ang tulog ng prinsipe?" Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Lola. Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayap niya.

Maaga akong nakakatulog dito dahil ito ang nakasanayan ng mga tao dito sa Maraya. Liban na lang kung may handaan kasi tumatagal talaga ang kasiyahan. Mahigit isang lingo na rin ako dito kaya nakasanayan ko na kaagad ang mga gawain ko.

"Opo la, maganda po ang aking pagtulog at gising." Hinaplos ni Lola ang aking pisngi at tumango sa akin.

"Maupo ka na at ng maka-inom ka na ng kape mo. Magandang simula sa umaga ang pag-inom ng kape para mainitan ang tiyan." Pinanood ko si Lola na paghandaan ako ng kape.

Nang inilapit ang tasa ng kape sa akin ay kaagad kong inamoy ang natural na amoy ng kape. Puro at natural.

"Sobrang na-miss ko ang lasa ng ganitong kape, la." Ang pag-amin ko.

Natutuwa naman si Lola sa mga sinasabi ko. Sinasabi ko sa kaniya ang mga nami-miss kong gawin dito sa probinsiya na wala sa siyudad.

"Nasaan po si Lolo?" Maaga silang magising keysa sa akin kaya minsan ay naabutan ko lang ang Lolo kapag umagahan na.

Minsan ay dinadalhan ko rin si Lolo ng kaniyang pang-umagahan at tanghalian kapag hindi siya nakakauwi sa bahay. Masiyadong masipag sa bukid namin.

"Nandodoon na naman sa bukid. Alam mo naman ang Lolo mo, ayaw niyang iwanan ang lupain na binili mo para sa kaniya." Ang sabi ni Lola.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi naman talaga totoo na ako lang ang bumili sa lupang iyon. Matagal na itong nakapangalan sa Lolo at Lola pero na-isangla. Tinubos ko lang gamit ang pera na binigay sa akin ng organisasyon.

"La, pagsabihan niyo nga po 'yang si Lolo at baka mapano sa bukid natin, baka naman kasi nagkakarga siya ng mabibigat." Ang sabi ko.

Sumimsim ako sa kape na nakahain sa harapan ko. Ang usok nito ay natatamaan ng liwanag mula sa labas kaya mas gumaganda ito sa paningin.

Pinalibot ko ang paningin sa kubo. Simple lang ang bahay namin. Merong lamesa na gawa sa kawayan, ang upuan namin ay isang malapad na kahoy na nilagyan ng paa kaya pwedeng-pwedeng maupo ng sabay ang tatlong tao dito kahit na magkabilaan pa. Ang aming sahig ay gawa rin sa kawayan kaya dapat maging maingat ka para hindi mo maapakan ang mga medyo luma ng sahig para hindi gumuho.

Pinalibot ko ang paningin sa aming abuhan o tinatawag ng iba na dirty kitchen. Hindi uso dito ang gas stove kaya mano-mano ang pag-aapoy. Pero may kuryente kami para sa aming ilaw.

Konektado lang ang aming abuhan sa aming kusina habang may maliit na pintuan sa kusina na kapag bumaba ka ay lalakarin mo ng ilang metro para maabot mo ang banyo.

Lumabas ako ng bahay habang bitbit ko pa rin ang tasa ng mainit na kape. Pinikit ko ang mga mata para madama ang nag-aagaw na sinag ng araw at maambon na lugar. Buti na lang at nasanay na ako sa ganitong klaseng lamig kung hindi magkakasakit talaga ako.

Suot ang pajama at sando ko ay nilibot ko ang buong bahay para tingnan kung ano pa ang kailangan kong bilhin 'pag pumunta ako sa sentro. Plano kong ipaayos ang bubong namin na nipa. Gusto kong palitan ito ng bubong na gawa sa bakal pero ayaw ng Lolo dahil natural na malamig daw ang gawa sa nipa.

Tiningnan ko ang dalawang bintana sa aking kwarto. May manipis itong tela na kurtina, ang klase ng kurtina na may markang mga bulaklak na kulay asul. Ang bintana namin ay gawa sa amakan na parang pintuan na pwedeng buksan at isarado kapag umuulan. Gawa rin sa amakan ang mga pader ng bahay kaya malamig talaga kapag madaling araw.

Sinipat ko ang bakuran namin, maraming mga bulaklak na nakatanim. May mga manok at bebe na naglalakad.

"Apo bigyan mo nga ng makakain iyang mga manok at bebe. Pakilinisan na rin ang kulungan ng mga baboy natin." Narinig ko ang sigaw ng lola mula sa pintuan ng kusina na nilabasan ko kanina lang.

"Sige po," Lumapit ako sa isang mahabang bangko sa ilalim ng puno ng manga at nilagay dito ang tasa ng kape. Lumapit ako sa kulungan ng mga manok at kinuha dito ang balde ng pagkain nila.

Tinawag ko ang mga manok at kaagad naman itong lumapit sa paanan ko, "Ang tataba naman ng mga manok dito. Overdose ba kayo sa kain?" Ang pagkausap ko sa mga manok na halos paika-ikang naglalakad dahil sa kabigatan ng katawan.

Hinuli ko ang isa at hinarap sa akin. Sinipat ko ang katawan ng manok. Hindi naman sakitin, mataba lang talaga siya titingnan.

"Ang taba mo na, mag-igi kang maglakad ng maaga para naman hindi ka namin adobo-hin. Sige ka!" The chicken looked at me like it was offended. I put the chicken down.

Mahina akong natawa ng nakatingin lang sila sa akin habang inaantay na ibigay ko ang kanilang pagkain. Akala ko ba natakot sila na gagawin ko silang ulam, my threat was useless if its them.

"Heto na, heto na!" Ang sabi ko at nilagyan din sila ng tubig na may bitamina.

"Maswerte kayo at hindi ako mahilig sa mga matatabang manok, kundi nagawa ko na kayong ulam." Pareho ng mga bebe namin ay binigyan ko din sila ng pagkain.

Binigyan din ako ni Lola ng isang basket at pinapapulot sa akin ang mga itlog ng mga bebe sa kulungan nila. Kakaiba ang mga bebe dahil hindi sila sumusunod sa itlogan nila, kung saan nila gusto mangitlog ay doon lang talaga nila 'yon iiwan kaya kailangan sundin para hindi rin masayang.

Naalala ko noon na naghahatid ako ng mga itlog ng bebe sa mansiyon ng mga Buenavista. Ang alam ko ay hindi naman kinakain ni Senyorito Jakob ang mga binibili niya sa akin, sadyang mabait lang ang pamilya nila kaya may pa extra pa sila na pera para sa akin, pero may pangit dun sa mansiyon nila. 'Yung isa sa mga senyorito, 'yung maarteng si Havoc. Ang pangit ng ugali dahil minsan ay pinagbabasag niya ang itlog na bitbit ko ng makita niyang nakikipaglaro ang mga pinsan niya sa akin.

"Play with me. I demand that you play with me!" Ang sigaw nito sa akin habang nakaturo pa sa akin ang daliri niya.

Sa tingin ko ay magkasing-edad lang kami pero hindi kami magkasing-ugali dahil mas hamak naman na marunong akong makipagkaibigan at higit sa lahat hindi ako maarte.

"Ayoko nga, ang sabi mo ay mabaho ang mga itlog na dala ko. Hindi mo ba alam na masasarap ang itlog na 'yan lalo na kapag maalat?" Ang sabi ko.

Napatingin siya sa basket na bitbit ko. Dadalahin ko ito sa kusina sabi ni Senyorito Jakob sa akin. Binayaran niya rin ako ng malaking pera para dito.

"I will pay you. Magkano ka ba? Babayaran ko rin 'yang mga itlog para makipaglaro ka sa akin!" Ang maldito niya.

"Senyorito, hindi ganiyan ang makipagkaibigan." Ang sabi ng isang kasambahay pero inirapan lang siya nito.

"Go away," Ang sabi nito at binalik sa akin ang tingin.

"Do you know me?" Ang taas-noo nitong tanong sa akin.

Ngumuso ako at tiningnan siya, "Ikaw daw ang batang pinaglihi sa masamang gamugamo. Maganda tingnan pero masama kapag nahahawakan." Ang sabi ko dito.

Nakita ko kung paano nangliit ang mata niya sa akin at nilapitan ako. Tinulak niya ako kaya napaatras ako.

"I am Havoc! How dare you disrespect me? I only want to play with you! Nakikipaglaro ka naman sa mga pinsan ko ah! Why can't you play with me?" Sumigaw ito sa akin.

Nakita kong paiyak na ito kaya lumapit ako sa kaniya. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hinablot at pinagtatapon ang mga itlog ko. Dahil dun ay umiiyak akong umuwi.

Ganoon na siguro ang ugali nun. Umiling na lang ako sa ala-alang 'yon. Simula noon ay hindi ko pa siya nakikita. Siguro nakalakihan na niya ang masamang ugali. Kataka-taka lang na siya lang ang pangit ang ugali sa pamilya nila. Ang bait ng Senyorito Jakob at ang asawa nito.

Bitbit ang isang walis tingting at pandakot ay nilakad ko na ang kulungan ng mga baboy namin. Medyo may kalayuan ito sa bahay namin para maiwasan ang amoy.

"Ano kaya ang mga pangalan niyo?" Ang tanong ko sa mga baboy. Tiningnan ko sila isa-isa, "Siguro naman may pangalan kayo?" Ang sabi ko at pumasok sa loob ng kulungan. Tiningnan ko ang tatlong baboy na ang taba-taba!

"Aray naman!" Ang reklamo ko dahil inapakan ako ng puting baboy.

Magaling at talagang iba-iba ang kulay nila. May puti, kayumanggi, at itim.

"Dapat maging mabait kayo sa akin kung ayaw niyong gawin ko kayong ulam." Ang pananakot ko sa tatlo.

Kaagad naman silang tumingin sa akin na parang nagulat sa sinabi ko. Mahina akong natawa.

"Maupo kayo sa bandang 'yon para malinisan ko na kayo at itong kulungan niyo." Ang sabi ko at sumunod naman ang tatlo. Binigyan ko rin sila ng kangkong para may pagkaabalahan sila habang nililinis ko ang kanilang kulungan.

Kumuha ako ng tubig sa drum na galing sa ulan at ito ang ginamit panglinis. Inuna ko ang kulangan nila. Buti at ang kulungan nila ay gawa sa sementadong pader. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa mga proyekto ng mga Buenavista na nagbibigay sila ng mga baboy at libreng kulungan para may pagkaabalahan ang mga tao.

Hindi ko rin masisi kung bakit ang lalambot ng mga pusong mga tao pagdating sa pamilyang Buenavista dahil ang bait nila sa amin.

"Excuse me, lipat na kayo sa kabila." Ang kausap ko ulit sa tatlo. Tiningnan nila ako kaya tinuro ko ang malinis na parte ng kulungan kaya sumunod naman sila.

Ang pinagkainan naman nila ang pinagkaabalahan ko. Nilinis ko ang lalagyan nila ng tubig at ang lagayan nila ng pagkain. Nang matapos ito ay pinaliguan ko rin ang tatlo.

Para kaming baliw na nagsisigawan dahil pinagtutulungan nila ako. Inaagaw ni Itim ang tabo ko, si Puti naman ay nginangatngat ang aking tsinelas, habang ang isa ay inaagaw sa akin ang lalagyan ng tubig.

Nang matapos ko silang paliguan ay halos alas diyes na ng umaga. Hindi naman sila ganito kay Lolo at Lola kapag sila ang naglinis at nagpaligo sa kanila! Nagmukha akong kinawawa dahil sa histsura ko.

Bitbit pabalik ang tasa ng kape na hindi ko na naubos ay pumasok ako sa kusina, "Oh anong nangyari sa'yo?" Ang nahihiwagaang tanong ni Lolo na nakaupo ngayon sa harap ng mesa, tinutulungan si Lola na hiwain ang mga gulay.

"Ang sasama ng ugali ng mga baboy, pinagtulungan nila ako eh." Ang sumbong ko kaya parehong natawa si Lolo at Lola.

"Sige maligo ka na muna at ng makakain ka na ng umagahan. Nalipasan ka na ng gutom niyan." Ang sabi ni Lolo. Tumango ako sa kaniya at pumasok sa loob ng kwarto ko para kunin ang tuwalya.

Habang nasa loob ng kwarto ay naisip ko ang Lolo at ang luma niyang radio. I made a mental note that I would buy them a TV for them to enjoy and see the news. Mukhang marami akong bibilhin sa lungsod at mahihirapan akong dalhin ito pauwi. Kung meron lang sana akong sasakyan. May pera naman ako pero hindi ko kayang gastusin ito ng basta-basta lang dahil wala na akong trabaho.

"Lo, doon na ako sa batis malapit sa talon dito maliligo. Maglalaba na rin ako ng mga damit ko." Napatingin si Lolo at Lola sa akin.

"Mag-ingat ka dun, apo. Malapit lang din naman 'yon sa daan pero malayo pa rin ito sa atin." Tumango ako sa sinabi ni Lola.

Bitbit ang isang palanggana ay dala-dala ko ang mga kinakailangan ko. Essentials when I take a bath and some sachets of fabric conditioners with the used clothes.

Totoo nga ang sabi ni Lolo dahil habang tinatahak ko ang daan pababa sa batis ay napadaan muna ako sa isang sementadong daan papasok sa Baryo Luningning. Kapag papasok ka sa Maraya mula sa siyudad ay una mong madadaanan ang dalawang Baryo ng Mahira at Lika. Dito sa dalawa ay makikita mo ang sentro ng Maraya kasama na rin ang munisipyo namin. Kasunod dito ay ang Luningning kung nasaan halos lahat ng makikita mo ay taniman ng mga Buenavista. Kasama na rin dito ang BFTC na nagsisilbing malalaking tore ng Maraya. Kasunod nito ay ang Baryo namin, ang Ehito. Habang sa matataas na kabundukan ay nandodoon ang Baryo Luwal.

Kunting paglalakad pa ay nakita ko na ang batis at mula sa kinakatayuan ko ay maririnig mo na ang agos ng talon na nagbibigay tubig sa batis.

"Na-miss ko 'to," Ang bulong ko at naglakad na palapit sa batis. Nilagay ko ang palanggana ko sa malaking bato at hinarap ang agos ng tubig sa aking paanan.

Napakalamig ng tubig. Wala kang maririnig maliban sa huni ng mga ibon at ang kaluskus ng dahon.

Tiningnan ko ang tahimik na paligid. Malalaking puno ang nakapalibot sa akin ngayon, habang may malalaking bato sa batis, pero may mga malaking hawan kung saan medyo may kalaliman ang tubig at pwedeng lumangoy.

Ang tubig ng talon ay nanggaling sa ibabaw ng kabundukan ng Luwal, habang ang talon naman ay konektado sa Luningning at ang daloy ng mga tubig ay para sa Ehito at mga kalapit na baryo.

"Wala naman sigurong masama kung maligo muna ako." Ang sabi ko at lumapit sa isang malaking bato. Tinanggal ko ang aking tsinelas.

"Huhubarin ko na lang ang damit ko para masali ko sa lalabhan. No one will see me here." Ang sabi ko sa sarili. Inuna kong hinubad ang aking pang-itaas na damit at sinunod ang pajama ko.

Wearing only my white underwear, I hold myself and slowly dip myself into the spring water. I closed my eyes and let the peace engulf me. The water was cold, but my beating heart provided me comfort and heat.

Umahon ako sa tubig at tiningnan ang namumutla kong balat. Para akong isang puting engkantada dahil sa tumatamang araw sa aking balat. The water glistened with every move I made. My fair skin looked ethereal, and I am proud of it.

Napahawak ako sa leegan ko, the soft metal hugs my neck in comfort. Manipis lang ito pero kung hahawakan mo ay malalaman mo na hugis ahas ito na ang ulo ay may malaking diyamante. Acades gave it to me and ever since I never removed it.

"Acades... kailangan kita." Ang bulong ko.

Kagat-labi kong pinikit ang mga mata at tumihaya paharap sa nagraragasang tubig. The water was soft and gentle, and it reminds me of the kisses Acades shared with my innocent lips and virgin skin.

"Uhmm..." Inalala ko kung paano humalik si Acades sa balat ko. The way his lips would latch on my crevice and leaves his domineering mark.

"Acades... ang sarap..." Lumabas ang malandi kong ungol habang dinadamdam ko ang haplos ng tubig sa aking balat.

The water felt like it was dancing with my body, touching me with the cold fierce memory I have with the man who fucked me.

"Ahhhh..." Nilandas ko ang aking mga daliri pababa sa aking mga utong. With my eyes closed, and my back leaning to the huge stone behind, I played with my nipples.

"Ang sarap, Acades, ahhh..." Halos maiyak ako sa sarap habang binababa ko ang aking kaliwang kamay sa aking underwear.

Touching myself feels illegal and just the thought of Acades getting mad for touching me without his permission gives me sanity over my flushed self! Binitawan ko ang aking sarili.

Napatakip ako ng mukha dahil sa kahalayan na pinagagawa ko sa aking sarili. God, how dirty of me! Napasabunot ako ng sariling buhok at bumuga ng hangin. Iniling-iling ko ang ulo at binitawan ang kagat-kagat na labi.

I reached for my phone in the basin and decided to randomly play a song. The familiar song played through the background while I dip myself with the water. I danced softly with the song and singing with it.

"Elorde...?" Bigla akong napatakip sa aking katawan ng may biglang nagsalita sa bandang likuran ko. Kaagad akong lumusong sa tubig at tumago sa isang malaking bato.

"S-Sino 'yan? Huwag kang lalapit, please!" Ang sabi ko.

Kinakabahan kong sinipat ang aking mga damit pero masiyadong malayo sa akin ang palanggana! Nalintikan na talaga! Bakit ba kasi ang kampanti ko?

"Oo naman. Nakahubad ka siguro kaya ayaw mong lumabas haha!" Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses na 'yon.

Pamilyar ang boses niya. Hawak-hawak ang bato ay sinilip ko kung sino ang lalaking nagsalita. Mukhang wala naman siyang plano na gawan akong ng kasamaan pero hindi pwedeng maging kampanti.

"Nandito lang ako malapit sa palanggana mo. Don't worry hindi ako lalapit sa'yo kung 'yan ang kinakatakot mo." Inaamin ko medyo naibsan ang takot ko sa sinabi niya.

"What are you doing here? Pinapanood mo ba ako? Bastos ka!" Ang sigaw ko.

"Huh? Bakit ako ang naging bastos? Grabe ka naman sa akin. Napadaan lang ako dito no. At tsaka lumabas ka kasi d'yan para makilala mo kung sino ako." Mahina pa siyang natawa. Nilabas ko ang aking ulo at tiningnan ang lalaking nakatayo malapit sa palanggana ko.

"Hindi kita kilala! Umalis ka na!" Ang sabi ko.

"Paano kung ayaw ko?" Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniyang mukha na halatang pinagloloko lang ako.

"A-Ano? Manyak ka lang talaga! The authorities will hear about this! Tulong may manyak po dito! Tulong!" Nakita ko na nagulat siya dahil sa sigaw ko.

"Teka lang naman! Hey, stop shouting, will you?" He said and turned around while raising both his hands in the air.

"See? I mean no harm. At tsaka tinatanong nga kita kung ikaw ba 'yong kakilala ko noon. Mukhang hindi naman dahil ang iba ng pananalita niyo."

"Stay where you are, and don't you dare turn around or I will kill you if you do!" Lumangoy ako palapit sa palanggana ko. Kaagad kong sinuot ang mga damit ko at nilabas ang isang hunting knife at tinutok ito sa likuran ng lalaking pasipol-sipol lang habang hinahantay akong matapos.

"What do you mean? Kilala mo ako? You called me by my name, Elorde." I tapped his shoulder with the knife.

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa kutsilyo na hawak ko, "Ano 'yan? Plano mo ba akong patayin?" Ang sabi niya.

I looked him up and down, he was wearing an orange construction jacket with a white helmet on his head.

"You're an engineer. What is an engineer doing here? And stop changing the topic. Answer me!" Ang bulyaw ko.

Nakataas pa rin ang mga kamay niya, "Nandito ako dahil may kailangan kong tingnan sa waterfalls, and yes, I'm an engineer. Also, I thought you were Elorde, one of my acquaintances back when I was a teenager."

Binaba ko ang hawak ko. I believe him.

"May construction kasi dito. May pinapatayo ang mga Buenavista na temple para sa kaniyang asawa. Sana all!"

"Kuya Ethan?" Ang tanong ko ng mapagtanto na kamukha niya si kuya Ethan!

"So, ikaw nga 'yan Elorde? Wow ang ganda mo na! Hindi na kita halos makilala pero nakilala pa rin kita siyempre. Natikman mo ba naman ang yema ko noon." Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.

God, how could I possibly forget this annoying boy? It's Ethan, the subject of my awakening. Dahil sa kaniya na realize ko na bading ako!

"Single ka pa ba? Pwede manligaw?" Ang biglaang sabi ni Ethan at may malaking ngiti sa mukha.

Napamaang ako sa sinabi niya. Seryoso ba 'tong lalaking 'to?

.

.

.

.

.

Note: Natutuwa talaga ako kapag may nagco-comment sa story na'to. It gives me validation to continue. Maraming salamat sa mga consistent commenters ko d'yan! Long live HAHAHAHA!

︶꒦꒷♡꒷꒦︶

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro