Chapter 16
Ehito
ELORDE'S POV
Breathing has never been so hard after what happened. My whole body shook from crying and not eating. I float like a sightless wanderer in the sea of clouds. It felt free but it felt heavy at the same time.
It felt free to talk about the real me— something I concealed when I was with him. But at the same time, it felt burdening and sick when I closed my eyes every time I sleep.
"Ha..." I let out a heavy breath.
Napakagat ako ng labi dahil pilit kong pinagtatanggol ang sarili sa mapang-akusang puso ko. Ang isipan ko nasa tama pa naman pero ang puso ko sinisigaw ang pangalan ng lalaking 'yon.
"I want to see you, but I don't know what will happen if you see me again. Will you hurt me? O papatayin mo ako Acades? Mapapatawad mo pa kaya ako sa ginawa ko sa'yo?" Ang kausap ko sa sarili habang mugto ang mga matang nakatingin sa harapan ng salamin sa loob ng kwarto.
Hawak-hawak ko sa aking mga daliri ang kwintas na binigay sa akin ni Acades. I traced the cold metal in my fingertips. It felt odd, it felt heavy, like how heavy my heart feels right now.
Closing my eyes, a lone tear was careless to drop running down my pale cheek. Umiling ako at binuka ang mga mata. Marahas kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mata.
Matalas kong tiningnan ang sarili, "Ang tanga mo para isipin na mahal niya pa rin tayo pagkatapos ng ginawa mo. Ang tanga natin Elorde! Why are you even thinking of leaving the organization just so you could be with the man? Nabigyan ka lang ng atensiyon ay para ka ng asong nakikilimos ng tira-tira!" Fix yourself up, Elorde Sol!
Masakit sabihin ang mga salitang ito sa sarili ko pero kailangan kong gumising sa reyalidad. Mahina kong sinampal ang sarili para magkakulay naman ang pisngi, sakto lang ng kumatok ang pintuan ng kwarto na tinutuluyan ko.
"Hinahanap ka na sa baba," The voice of the head butler in the manor called me out. The mere presence of the old butler reminded me that I was back in this hellish place. God knows how much I dreaded this place!
I bit my lips and stood up. Inayos ko ang suot ko at huminga ng malalim, "No man can take me down. Not his memory, not his face, not his affection, no, nothing at all!"
Pinasadahan ko ng kamay ang mukha ko at kinagat ang namumutlang labi. I can't be a stupid person in front of my Papa or else he will lash out on me. Napapikit ako habang iniisip kung gaano kabigat ang kamay ng Papa kapag nagkakamali ako noon.
My father, Rocco, taught me how cruel love is. That it will hurt. He showed me mercy when he saw me as a child, but he never showed me affection. He is a cruel man and his past shaped him the way he is today. Malupit ang Papa sa mga mahihina, lalong-lalo na sa pag-ibig dahil para sa kaniya, kahinaan ang magmahal.
But I beg to differ. Kung noon ay hindi ako naniwala sa pag-ibig, ngayon naniniwala na ako. I found love from Acades. That man showed me the real definition of love and it's not selfish. It's giving. It's everything you could have for, especially when you grew up hungry from affection. Acades became a beacon of hope for me. He was the one who made me remembered the real me before I become who I am today. That I am a loving person before. That I genuinely cared before. That I still have a shot to love.
I believe love is feeling pain. If not, then what else? Pain will always be there. You just have to recognize it.
Walking down the staircase, I used the handrail, my right hand tracing the wooden rail, while my eyes dropped to the people watching my movement. Habang pababa ay nakikita ko ang aking ama. Rocco is seated in a sofa, hands are clasped together, the clean white clothing he usually wear demands power, while his lifeless eyes remained on nothing in particular.
Nang tuluyan ng makababa ay una kong nilapitan ang ama ko, "Papa..."
Nakasunod lang ang tingin niya sa akin hanggang sa umabot ako sa harapan niya. Yumuko ako para humalik sa kaniyang pisngi at gaya ng inaasahan ko, isang matalim na sampal ang nagpapikit sa aking mga mata. Natabingi ang mukha ko at natigilan ang lahat dahil sa ginawa ni Papa. Sa harap ng mga tauhan namin at sa harap ng mga bisita niya.
Umayos ako ng tayo at pinagsiklop ang dalawang kamay.
"What is this that I heard, Elorde Solntsenskaya? Kung hindi pa ako dumating dito ay baka tuluyan mo ng pinatay ang sarili mo? Not eating? Why?" Napayuko ako at tiningnan ang paanan namin.
"Wala lang po akong gana, papa. Kakatapos ko lang po kasi sa misyon ko." Ang sabi ko— it came almost a whisper. My mouth barely opening.
My tears were at the brim of my eyes, but I kept it controlled or else he would slap me again for crying. My father is a cruel man. But this cruel man cares for me like I'm his real son. Rocco made me experience what and how to live life.
Ang naging kabayaran lang ng pagiging anak niya ay ang maging parte ako sa ilegal na mundo na pinamamahalan niya. Dahil dito, nadungisan ang aking mga kamay at namulat ako sa reyalidad.
"Hindi kita pinalaki para maging mahina, Elorde! Tandaan mo, utang mo sa akin ang buhay mo kaya umayos ka. Isa kang Rusciana kaya huwag kang lalampa-lampa! Chin up!" Tumango ako sa sinabi niya. Humugot ako ng malalim na hininga at diritsong tumingin sa harapan ko. Binitawan ko ang nakaskilop na kamay at nilagay ito sa bawat giliran ko.
My eyes burned from pain and pain alone.
I am Elorde Solntsenskaya Rusciana, the man in waiting for my brother, Rusell Rusciana, the powerful leader of the Rusciana mafia. My name is the symbol of one of the families that hold tightly under the organization. Hindi ako nag-iisa sapagkat marami kaming anak-anakan ni Rocco, pero isa lang ang tunay niyang anak, at si Rusell iyon.
All of us are from different families who holds value to the organization. Tinatawag nila kaming man in waiting o lady in waiting sa mga babaeng anak ni Papa. Pero iba ako dahil hindi ako nagmula sa Solntsesnkaya clan dahil pinulot ako ni Papa sa Maraya. Bago ako naging Elorde Sol, nakilala ako bilang Elorde Concepcion, ang batang uhugin na pinalaki ng dalawang matanda sa baryo Ehito.
I was adopted at an early age— the youngest member of the Rusciana clan. From there I worked hard to earn the position I have. I earned the title of being a Sol. But behind that recognition, I have made numbered sins for putting bullets through my enemies' head. It was a game of survival. If I hesitated, then the enemy will put bullet through my head.
No one really knows about my real identity in the underworld. My profile is hidden from all data bases, and I work in the shadows, particularly taking time in infiltrating the enemy's lair. Iba ako tumrabaho dahil ginagamit ko ang kahinaan ng mga lalaki. When I'm done with the mission, I simply kill them like a soft angel.
Ayokong mamatay kaya naging mamatay tao ako. At habang buhay kong pinagbabayaran ang mabuhay ng marangya at hindi nagugutom. Because of Rocco, I grew up strong and armed. Siya rin ang nagturo sa akin na kamuhian ang mga kalalakihan. The way he slapped me, the force behind it, he must have heard that I hesitated to finish the mission.
Rocco's instructions were clear: to enter the enemy's base and decapitate them. Rocco made sure it. But I wasn't able to do it. Things changed, pati ang matigas kong puso— nagbago. At ito ang hinding-hindi matanggap ni Rocco. I am his replica. I should be heartless as well. I should not feel any emotion aside from pain. Rocco made sure of that. But I failed him.
"Elorde Solntsenskaya Rusciana," I heard my name kaya tumayo ako at ngumiti sa mga bisita ng Papa.
The whole mansion is lit with soft lights all around, the Pergola inside the garden was used as the center of the party. Isa na naman ito sa bagong mansion na pagmamay-ari niya.
Kaagad akong lumapit kay Papa at sa mga pili niyang bisita, "Magandang gabi po," Ang pagbigay galang ko sa dalawang matanda na kasama ni Papa. Nakikilala ko ang dalawang Senador na kausap ni Papa. They are notorious for cocaine and marijuana distribution all around the country.
"This is my youngest child, Elorde." Pinakilala ako ni Papa. Magkasingtangkad lang kami ni Papa kaya pantay lang ang aming tinginan.
Sumisigaw ng karangyaan ang buong mansion pero hindi ko maramdaman ang kasiyahan sa puso ko. I am seated at the side, eyes on my plate, with eyes pretending to be alive. The party is not over yet when I decided to retire to my bed.
"Saan ka pupunta?" Nabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita. I looked at Stella. I did not bother smiling at her.
"I need to rest," I said and walked my way to the staircase to the upper part of the mansion.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay pinikit ko ang mga mata at pinasadahan ang mukha habang nakasandal sa pintuan na pinasukan ko. Nakakapagod ang umakto sa harapan ng mga tao. Nakakapagod maging isang Rusciana. Gusto ko na lang maging ako!
"I missed you so much..." I whispered those words, not daring to mention the man's name.
Lumaki sa hirap at sa piling ng mga matatanda, bata pa lang ay napagtanto ko na pera ang mas kailangan at hindi ang pag-ibig na 'yan. Dahil sa huli, hindi mapapakain ng pag-ibig ang gutom ng tiyan. Literal ako kung mag-isip at literal rin ako kung mag desisyon.
"Wala akong oras para maging Maria Clara sa panahon ngayon, ang kailangan ko ay oras ng pahinga at pera!" Ang sinabi ko sa aking sarili noon. Ito ang naging sandigan ko. Ang sarili ko ang sandigan ko.
Ang paniniwalang wala ng mas mahalaga sa pera ang naging pamantayan ko kung paano mabuhay at magkaroon ng buhay dahil nasaksihan ko kung paano naapi, inapi, naghirap, at walang nagawa ang mga taong gaya kong walang pera. Nawala ang pakialam ko sa mundo at wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, dahil sa mundong nasilayan ko ay karahasan.
But there's a but. A thrill my body will desire. Barging in unannounced to the picture is no other than Mister yellow-eyed god, Acades Acel Zapanta, a man who enticed the supposedly unbreakable principles of my heart. He can be hot, sexy, dangerous, and playful but with his voice as his command, one thing is sure...
"Are you lost, baby boy?" Napapikit ako ng muling dumaan ang pamilyar na boses niya sa aking isipan.
The memory of him and his voice was enough to open my eyes and breathe a mouthful of air. Halos isang buwan na ang nakalipas pero parang sirang plaka ang isipan ko kakaisip sa lalaking bumihag ng puso ko.
I was once a leftover. People around me treated me like I was trash because of my living. I am not ashamed of my past, just as I'm not proud of it. It was a patchy road, but I survived. The trading of flesh and talent was exhilarating but I am who I am now because of those. Nagsimula bilang probinsiyanong nakipagsapalaran sa Manila. Sumugal sa buhay at sinuong ang pasikot-sikot ng buhay para may maipakain sa sarili at sa mga taong bumuhay sa kaniya.
I realized my worth in a painstaking way when the man I love saw my real intention. I have nothing against him. My heart still longs for the one-time chance he gave me. My body still aches for his heated attention. But alas, everything was from the past. Acades was once a chapter filled in my life, now, as I moved on with the second part of my story, I am happy to have him part as of my treasured memories.
Life introduced its ways to me in a difficult way, and I am proud to surpass it, and still going on. I am thankful for the people who gave me courage and hatred, even pain. I was hurt, that's true, but I was also loved.
Hindi ako sakim, kailanman ay hinding-hindi ako magiging sakim sa mga taong nasa paligid ko. Minahal ko si Acades at kampanti ako na minahal niya rin ako. Ang pag-ibig namin ay matatawag mong hindi normal at nakasanayan pero pinaglaban niya ako sa paraan na pareho naming alam. Hindi na ako magtatanim ng galit dahil buong buhay ko nagalit ako sa mundo.
Sapat na iyon. Husto na!
Pinili ko ang umalis, gaya ng pagpili kong sumugal sa isang Acades Zapanta, at gaya ng pagtanggap ko ng pagkatalo sa sugal na iyon ay dapat ko na siyang kalimutan. Hindi ako magsisisi na sumugal ulit sa pagmamahal niya.
It was worth it. Acades was worth the pain.
Bumuo ako ng pangarap kasama siya, bumuo kami ng pagsasamahan na hindi inaasahan. Siya ang nagligtas sa akin, at doon nagsimula ang minsang pagmamahalan na ipinakilala niya sa akin at sa buong mundo. Sapat na ang magmahalan kami sa panahong ito, siguro sa susunod kong buhay ay kami na ang magkakatuluyan.
"Maraya..." Ang bulong ko ng lumabas ako sa balkonahe ng kwarto ko. Inangat ko ang tingin sa bilog na buwan at pinikit ang mata habang inaalala ang mangmang kong sarili kasama ang tunay kong mga magulang.
"Maraya, Maraya, Maraya, Acades..."
Napayakap ako sa sariling braso nang maramdaman ang malamig na hangin na sumakop sa buong lugar. Ang mga puno ay sumasayaw dahil sa hangin, ang tipo ng hangin na walang badyang ulan kundi lamig at yakap ng taong nangungulila.
Nami-miss ko na ang yakap ni Lola Sanny, ang mga maiinit na yakap ng mga matatandang nagpalaki sa akin. Nangungulila na ako sa mga payo ng aking Lolo Ambo. Napapikit ako nang maramdaman ang pang-iinit ng aking mga mata sa ala-alang pilit kumakatok sa isipan ko.
Binaba ko ang paningin sa mga kamay ko at maingat kong pinasadahan ang kwintas na nakapulupot sa aking leeg. The cold metal reminded me of the amount of time I am standing outside.
One last breath, "Mahal na mahal kita, please let me live." Ang bulong ko ng makita ko ang pulang dot ng laser na tumama sa bandang puso ko.
It was there for almost three seconds after I whispered those words. And then it went off.
"Are you watching me? Do you want me back? If yes, then please hurry up, Acades." Ang bulong ko sa hangin.
Napangiti ako ng mapait bago tumalikod at pumasok sa loob at hinubad ang lahat ng kasuotan ko bago humiga sa malaking kama. Smiling at the pain, I let out an exhausted breath.
In my dreams, I felt Acades' hands trace my face, my exposed cheek, my nose, and my opened lips. He kissed me gently on the lips before stepping away. It felt real, but I didn't want to drown myself more. Tama na ang makita ko siya sa aking panaginip. Sapat na iyon sa akin.
-
Inside the car, a small smile displayed on my face when I saw the green landscape of the place. I opened the window and inhaled the fresh air of Maraya.
MAGDIWANG SA LUNGSOD NG MGA MARAYA.
Binasa ko sa isipan ang mga katagang makikita mo pagkapasok sa lungsod na kinalakihan ko.
"Slow down, Stella." Ang paalala ko sa kasama kaya sinunod naman niya kaagad ito at humina ang takbo ng sasakyan namin.
May kakaibang saya ang puso ko habang pinapanood ang malaking munisipyo ng Maraya. Halos mag-abot ang aking mga mata habang pinapanood ko ang mga pamilyar na lugar sa akin. Marami na rin ang nagbago sa Maraya, iyan ang masasabi ko.
It's more progressive. Nadaanan din namin ang bagong nakatayong public hospital na malapit lang sa munisipyo. Panigurado akong isa ito sa mga libreng binigay ng mga Buenavista.
"Dumiritso na po tayo sa bahay ng Lolo at Lola, Stella. Uuwi na ako."
Nandito na ako. Nakauwi na ako. Hindi na ako aalis pa muli.
Closing my eyes, I let a single tear drop from my eyes. Napahawak ako sa kwintas na nakapalibot sa aking leegan. Isang buwan na ang nagdaan simula noong umalis ako sa tabi mo. Inaamin kong ang tanga-tanga ko para umalis sa tabi ng lalaking iyon. Pero pinili ko ang mas nakakabuti sa aming dalawa. I can't choose for myself because the organization owns me.
But now...
Now, I'm free. I'm leaving everything from the past. I kneeled just so Papa would listen to me. Maybe, the determination and little affection he reserved for me made him revoke everything for me. Alam ko na sa oras na bumitaw ako sa organisasyon, wala na akong pwedeng hingan ng tulong.
Magsisimula na naman ako ulit. Pero sa ngayon ay wala na ang pagpapanggap. I hated myself for pretending but I would never hate myself for pretending to be a weakling just so fate would throw me to the arms of the man I gave my whole life to.
Maraya, nandito na ako. Tulungan mo akong makalimot sa mga nangyari sa akin. May the valley of Maraya see the broken piece of my soul, and the cares of the wind help me forget the painstaking marks that the yesterday left on my scarred skin.
Maraya, nandito na si Elorde. Ang batang uhugin na nagtitinda ng yema sa harapan ng munisipyo. Nasaan na kaya ang lalaking palagi kong kasama noon sa pagtitinda ng yema? Naalala ko si kuya Ethan noon. Siguro ay nandito pa rin siya? Ang lalaking 'yon ang nagpa-realize sa akin na hindi nga talaga ako normal dahil nagustuhan ko siya na kapwa lalaki ko rin. Kuya Ethan was my awakening.
"Hanggang dito lang ang kaya kong maibigay na tulong, Elorde." Huminto ang sasakyan sa harapan ng malaking puno katabi ng daan.
Walang reklamo kong binuksan ang pintuan at bumaba ng sasakyan. Mabilis din ang kilos ni Stella at binaba ang kagamitan ko at nilagay ang nag-iisang maleta sa tabi ko.
"Maraming salamat, Stella." Ang pasasalamat ko sa kasa-kasama ko sa loob ng organisasyon.
Tiningnan niya ako, the same indifferent looks she gives me. And she smiled, "Hanggang sa muli, Elorde." Yumuko ito sa harapan ko at tumalikod na sa akin. Sumakay sa sasakyan at pinanood kong umalis habang naiwan ako sa tabi ng daan.
I opened my brand-new phone, ang cellphone na binigay sa akin noon ni Acades. I kept it. Walang ni-isang message o missed call dito. The emptiness of the phone reminded me of my sin. Kasalanan ko. I am at fault, so I don't have the right to ask for anything from him.
Hila-hila ang maleta ay nagsimula na akong maglakad papasok sa baryo na kinalakihan ko. Ang Baryo Ehito kung saan matataas ang puno, matitibay ang mga tao, at paanan ng nagtataasang bundok ng Maraya.
"Lola..." Ang bulong ko ng makita ang bahay namin.
Nakita kong napataas ito ng tingin habang sinisipat kung sino ang tumawag sa kaniya. Bakit ko ba nakalimutan na hindi masiyadong nakakakita ang Lola dahil sa katandaan.
"Lola nandito na po ako. Ako po ito si Elorde..." Ang naiiyak kong sambit habang hawak-hawak ang maleta ko.
Nakita kong natigilan ang Lola at tinanggal ang salakot niya sa ulo. Naglakad ito palayo sa tinatanim na bulaklak sa bakuran at naglakad papunta sa daan palabas ng bahay habang ako ay naghintay lang sa kaniya.
My tears were swelling but I kept it at the brim of my eyes. My vision is clouded due to these impeding tears but I am happy. Sobrang tuwa ng puso ko habang pinapanood ang Lola.
"Ikaw ba 'yan Elorde?" Ang marinig ang boses niya ang tuluyang nagpakawala sa mga luha na pinipigilan ko. I did not realized that I craved for this day so much that I unconsciously let the tears run down my cheeks.
"Opo, nandito na po ang apo niyo." Ang parang bata kong sambit habang mahinang naglakad papunta sa kung saan siya natigilan. Lahat ng pera na pinapadala ko ay dinadaan ko lang sa pagsisinungaling.
Lola was trying to clear her eyes just to see me clearly and it broke my heart that I was not the only one who craved for their attention. Iniwan ko sila noon dahil mas pinili ko ang pera. Walang pagdadalawang-isip akong tumalikod sa kanila noon dahil alam kong mabubuhay sila kapag wala ako sa sa tabi nila. Ang ampunin ako ni Papa ang isa sa mga pinakamahirap na desisyon sa buhay ko. Pero ito ang nagbigay ginhawa sa akin.
Noon kung araw-araw kong iniisip papaano ako makatulong para lang magkapera kami at may makain, may mabili ng gamot, at para lang mabuhay. Pera man ang iniisip ko noon habang paalis sa lugar na ito, pero hindi lang pera 'yon.
Si Lola Sanny at Lolo Ambo ang nasa puso't-isipan ko. Sila lang. Oo, nahirapan ako, pero hindi masiyado dahil gumawa ako ng sariling mundo kung nasaan pinaniwala ko ang sarili na okay lang ang lahat kahit hindi naman talaga. Kaya noong umalis ng bansa ang Papa, isa sa naging kahilingan ko ay ang makapag-aral sa isang unibersidad na kung saan nandodoon si Ram, ang isa sa mga taong nakilala ko dito sa Maraya. Ginamit ko siya para makarinig ng kung anong balita sa dalawang matanda.
"Ambo! Nandito na ang apo natin! Ambo halika dali!" Lumapit si Lola at hinawakan ang nanginginig ang kamay ko.
"Ambo nasaan ka ba? Nandito na si Elorde! Umuwi na siya sa atin!" Ang mga salitang 'yan ang nagpahagulhol sa akin.
"Pasensiya po at ngayon lang ako nakauwi. I'm really sorry. Patawad po talaga, Lola. Gustong-gusto kong umuwi pero hindi pwede eh." Hinawakan ni Lola ang kamay ko at pinawi ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
"Alam namin. Naiintindihan ka namin. May trabaho ka, apo." Ang alam nila ay pumunta ako ng Manila, 'yon lang. Wala silang alam na nasangkot na ako sa ilegal na organisasyon.
Umiling-iling siya at hinagkan ako sa magkabilaang pisngi. May malalaking ngiti ang mukha ng Lola habang ginigiya niya ako sa loob ng bakuran namin at doon ko nakita ang Lolo na nagmamadaling lumapit sa amin.
"Apo namin," Kagat-labi kong nilapitan ang Lolo Ambo na natigilan habang pinapanood ako.
"Lo, sobrang na-miss ko po kayo ng sobra." Ang sabi ko. Niyakap nila akong dalawa, ang binhi ng kanilang pagmamahalan.
"Tahan na," Ang malumanay na salita ni Lolo.
"Pumasok na tayo para mapahinga mo ang iyong sarili. Alam namin na pagod ka na." Tumang ako at pumasok sa loob ng bahay.
Nakauwi na ako. Nakauwi na si Elorde Concepcion.
.
.
.
.
.
Note: Gentle babies were back on track! You want more? I'll give you more *in verbatim* chariz! Anyways, thesis is not yet finish and I still have a long way to go, and I hope you pray for the success of it. From time to time, I will visit Wattpad and find interest and inspiration with the supportive comments I am receiving.
( ๑ ˃̵ᴗ˂̵)و ♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro