Chapter 15
demand
ELORDE'S POV
Puno ng kislapan nang kamera ang buong lugar. Ito ang klase ng pangyayari an makikita mo lang sa mga palabas. Na kung saan mayayaman ang nakakadalo. Mga taong kayang lumustay ng kanilang mga pera ng hindi kinakabahan o nagdadalawang-isip. At ang kasama kong lalaki sa tabi ko ay isa sa mga taong 'yon. Tiningnan ko siya at sobra ang paghanga ko sa angking gwapo ng taong 'to. Ang klase ng mukha na mapapaluhod ka at mapapasamba.
Ang lalaking nasa sa kaniya na ang lahat. Ang lalaking pumili sa isang probinisyanong katulad ko. Si Acades na tinitibok ng puso ko.
Nasa sasakyan pa lang ako ay nakikita ko na kung gaano ka-importante ang gabing ito para sa taong katulad ni Acades. Sinipat ko ang labas at puno ito ng mga tao. Lulan kami ngayon ng isa sa magarang sasakyan ni Acades.
"Acades..." Ang sabi ko at napahawak sa damit na suot-suot niya. Tiningnan niya ako sa mata.
Bibitawan ko na sana ang mangas ng damit niya at baka masira pero sinakop ng malalaking kamay niya ang sa akin.
"It's normal to get nervous. You are important to me, and they will give you equal rescpect." Mula sa pagkaka-upo sa driver seat ay nilapit niya ang sarili sa akin at inangkin ang mapupula kong labi. Nagpapasalamat ako sa halik at mga salita niya dahil naibsan ng kunti ang kaba sa puso ko.
"Hindi dinidikta ang respeto Acades, nakukuha 'yon gamit din ang respeto." Ang bulong ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagtaas ng isa sa mga kilay niya at ang mahinang pagtawa niya. Pinilig ko ang ulo dahil naguguluhan ako sa nakuhang reaksiyon pero binalik niya sa akin ang mga tingin bago hinalikan ang sentido ko.
"You are the greatest possession I have, and I'm obsessed with your kind soul." Ang bulong niya malapit sa labi ko bago ulit sakupin ng sa kaniya ang akin. Napahawak ako sa mga balikat niya at mas nilapit ang sarili ko sa kaniya.
"Acades, baka may makakita sa atin." Ang bulong ko dahil nararamdaman ko ang pag gapang ng mga mapangahas niyang kamay sa loob ng suot ko!
"Damn," Ang mura niya. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil mukha siyang batang inagawan ng candy. Bago siya makabalik sa pagkaka-upo ay inayos ko muna ang bibig niyang may laway pa mula sa halikan namin.
"Acades!" Ang suway ko sa kaniya ng pabirong kinagat niya ang isa sa mga daliri ko.
"Yes, baby?" Inirapan ko siya at bumalik sa pagkaka-upo ng maramdaman ko ang pag-usad ng sasakyan.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng hotel. Hinawakan ni Acades ang hita ko at binigyan ako ng maingat na halik bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Tumagal pa ang titig niya sa nakaawang kong mga labi bago lumabas. Humugot ako ng hininga lalo pa ng makita ko kung paano nagkagulo ang mga taong may hawak ng kamera dahil sa paglabas ni Acades sa sasakyan.
Matagal na niyang sinabi sa akin na ipapakilala niya ako, sa akin lang talaga ang problema dahil hindi ko kaya. Pero iba na ngayon. Dahil ang lalaking katulad ni Acades ay dapat ipinagmamalaki gaya ng pagmamalaki niya sa akin. Napag-usapan na namin ni Acades ito, at pareho kaming walang paki-alam sa mga sasabihin ng iba pagdating sa relasyon namin. Hindi ko kaya ang mawala siya at gaya rin sa kaniya. Alam kong mas matimbang ang pagmamahalan naming dalawa.
Tila bumagal ang oras ng buksan ni Acades ang pintuan ng sasakyan. Wala akong marinig kahit anong boses at tila nagliwanag ang buong lugar dahil sa kislap ng kamara. Gaya ng lalaking pinangarap ng lahat, gentleman na inilahad ni Acades ang kamay para suportahan akong makalabas sa sasakyan.
Nasentro ang mga tingin ko sa ngiti ni Acades. Ang tipong ngiti na hindi nagmamayabang, at mas lalong hindi napipilitan. Ang mga ngiti niya ay ang mga ngiti na sumasalubong sa akin pagka-gising. Ang ngiting nagpapahiwatig ng pagmamahal.
"Ang ganda mo," Ang sabi ni Acades. Walang alinlangan siyang yumukod at hinalikan ang likuran ng kamay ko. Nagkagulo ang mga tao dahil sa ginawa niya.
Ang puso ko ay lumulundag at tila ba ang tiyan ko ay may libo-libong paruparo na nagisiliparan, "Acades, maraming tao ang nanonood," Ang paalala ko sa kaniya.
Umayos siya ng tayo at ipinamulsa ang kaliwang kamay habang ang isang kamay ay parang pugitang lumingkis sa aking tagiliran. Hinapit niya ako palapit at kahit namumula ang mukha ay sinandal ko ang pisngi sa dibdib niya para mabalanse ang nanginginig kong tuhod. Hinalikan niya ang sentido ko matapos ibulong sa tenga ko ang mga katagang nagpa-init ng puso ko.
"Let's go inside. People are getting jealous, baby." Mahina akong natawa sa biro niya at inangat ang tingin sa kaniyang lebel. Seryoso ang mukha niya pero may ngiti sa mga mata niya habang nakatitig sa mukha kong kamatis na sa pula.
Iginiya niya ako sa red carpet na nakalatag sa daanan. Mula dito ay humarap kami sa mga taong walang tigil ang sigaw ng mga katanungan. Hindi ako komportable pero ngumingiti ako. Ang isang kamay ni Acades ay nakapaloob sa kaniyang bulsa habang ang isa ay nakahawak sa tagiliran ko. Ang tipo nang hawak na ayaw agawan. Sino ba naman ang aagaw?
"Mr. Zapanta, pwede mo bang ipakilala sa amin kung sino ang kasama mo ngayon?" Nanibabaw ang tanong ng isang lalaki.
Napatingala ako sa seryoso at masungit na mukha ni Damon, "He's the most beautiful person I ever laid my eyes on, and I'm proud to have him by my side. He's my man, Elorde." Sinundan ito ng halik sa sentido kaya mas lalong nagkagulo ang mga tao!
"Parang masusuka ako sa kaba." Ang sabi ko sabay ngiwi. Alam kong pinangako ko sa sarili na magiging matapang ako pero parang 'di ko kaya. Nakakatakot ang ganoon. Nakakapanibago sa damdamin!
"I'm proud of you, baby." Kahit pa mali-mali ang sistema ko naibsan naman ito dahil sa mga salita niya.
Tumigil kami sa paglalakad at hinalikan ako sa labi. Gulat man ay napapikit na rin ako sa sensasyon na dulot ng kaniyang halik. Sinakop ng maliliit kong mga kamay ang ibaba ng labi niya na bagong ahit. Nakikiliti ako dahil dito kaya napapangiti ako.
"Bakit ka ba halik ng halik ha?" Ang natatawa kong tanong. Dinaan ko na lang sa tawa ang kilig ko.
"Nakaka-adik ang mga halik mo, baby." Piningot ko ang ilong niya na ikinakunot ng mga malalago niyang kilay.
"Kahit na, Acades. Kailangan mo pa rin kontrolin ang sarili mo sa kakahalik sa akin at baka may bata pang makakita sa atin. Mahirap na." Ang paalala ko sa kaniya.
Pinanood niya ako habang may aliw sa mga mata niya. Pinagtiklop niya ang aming mga kamay at nagpatuloy sa paglalakad, "You're the boss, baby."
Narating namin ang isang bulwagan at pumasok doon. Marami akong nakikitang panauhin, at gaya ng suot namin ay nasa kulay puti ay itim lang ang mga ito. Kahit saan ako lumingon ay puro mamahalin at nakakalula ang nasisilayan ng mga mata ko. Para akong nasa isang palasyo at ako ang reyna kasama ang hari dahil sa mainit pero may respetong titig na nakukuha namin sa bawat panauhin. May mahinang musika na tumutugtog mula sa harapan. Mahina ito malamyos, at masasabi kong saktong-sakto para sa ganitong okasyon.
"Atlas, dumating rin ang mailap ni si Acades Zapanta!" Napatingin ako sa taong lumapit sa akin.
May kasama itong lalaki na nakahawak sa kamay niya. Sila siguro ang bagong kasal na Ayala at Zobel.
"Don't waste your time with me, Paulo." Akala ko mawawala ang ngiti ng lalaki dahil sa sinabi ni Acades pero natawa pa ito kaya nakuha ang atensiyon ng ibang tao.
"Wala ka pa ring modo, Acades. Kaya mas gusto kita keysa sa kambal mo dahil sa ugali mong 'yan! Your brother is a pain when it comes to business rivalry!" Walang emosyon ang mga mata ni Acades na nakatingin dito pero nararamdaman ko ang mahinang paghagod ni Acades sa beywang ko.
Tiningnan ito ng lalaking Ayala, "Magandang gabi po sa inyo at congratulations sa kasal niyo." Ang bati ko sa kanila. Ngumiti ang kasama niya, pareho silang ngumiti pero nauna kong napansin ang ngiti ng asawa niya dahil sa angking ganda nito.
"Indeed, you're finally introducing someone," Nagsalita ang katabing anghel sa gilid ng lalaking Ayala, "You can call me Cloud Zobel, it's a pleasure to finally meet the rumored man of Acades." Pinamulahan ako sa sinabi ni Cloud.
"Ah nandito na ang mga magulang at kapatid mo. Pupuntahan ko muna sila." Naiwan kami ni Acades sa aming kinatatayuan nang umalis ang mag-asawa at pinuntahan ang bagong dating na bisita.
Ang pamilya ni Acades! Naunang pumasok sa malaking bulwagan ang tatlong kapatid ni Acades- ang bago ko lang nakilala na si Acrotis ay kumakaway sa mga bumabati sa kaniya habang ang isang kamay ay nakalingkis sa mga braso ng lalaking kaparehong-kapareho sa mukha ni Acades. Ang isa pa nitong kapatid ay seryoso ang mukha na inaalalayan ng kakambal ni Acades.
"Nandito ang pamilya mo, wala ka bang plano na lapitan sila, Acades?" Ang sabi ko kay Acades ng maupo na kami. May kalayuan ito sa kung saan naka-upo ang pamilya ni Acades. Napansin ko na dumating na rin ang mag-asawang Zapanta- ang ama at ina ni Acades.
"Ang ganda ng mama mo, Acades." Ang sabi ko. Tiningnan ni Acades ang ina niya at tumango ito.
Habang pinapanood ko itong maupo ay nakita ko ang ama nila ni Acades. Unang tingin pa lang ay alam ko na kung nasaan nagmana si Acades at ang kambal niya at sa ama nila iyon. Ang panganay na kapatid nila ay halo sa ganda at gwapo ng mama at papa nila. Habang si Acrotis naman ay parang hinulma sa mama nila.
"My mom is a carrier. They're known for being ethereally pretty. That's why my dad's quite obsess with him." May ngiti sa mga labi ni Acades habang pareho naming tiningnan ang ama at ina niya.
Carrier... ang isang lalaki na may espesiyal na kakayahang magkaanak.
Nagsimula na ang bidding kaya pinapanood ko lang kung papaano gawin ang mga bagay-bagay. Sa unang bahagi pa lang ay naramdaman ko kaagad ang mainit na pakikipagtaasan ng dalawang tao.
"Five Hundred Million Pesos," Itinaas ng kambal ni Acades ang numero niya kaya nanlaki ang mata ko sa sinabi nito!
Gaano ba kayaman ang pamilya nila para gastusin ang liman daang milyon para sa isang kabayo? Nahihiwagaan akong napatingin kay Acades. Casual lang itong nakaupo habang ang isang kamay ay nasa likuran ng upuan ko. Swabe pa nitong tinaas-baba ang kilay- inaakit na naman ako!
"Ang mahal naman ng kabayo, Acades!" Ang pigil hininga kong sumbong sa kaniya.
"My brother is stupid to scare his boy, unlike me, I know how to take good care of mine." May binulong si Acades pero hindi ko masiyadong narinig dahil sobra pa rin akong nagulat sa halaga ng isang kabayo!
"Ano you, Acades?" Ang tanong ko.
"Nothing baby, why don't you raise your number, hmm?" Kinindatan ako ni Acades kaya napanguso akong hinawakan ang pabilog na numerong nasa lamesa namin.
"You are rich baby, try it." Gusto kong matawa sa sinabi ni Acades pero umiling lang ako sa sinabi niya.
May isang item na naman na nilabas, isa itong lumulutang na kama kaya pabiro kong tinaas ang numero, "Two hundred fifty million."
Natatawa kong binalingan ng tingin dahil nanalo ako! At hindi man lang ako kinabahan na gumastos ako ng ganoon kalaking halaga! Tiningnan ko si Acades na nakangiti lang akong pinapanood- proud dahil sa nagawa ko.
Binaba ko ang tingin sa mga labi niya at dahan-dahang nilapit ang mga labi namin. Hinalikan ko siya ng kusa at mula sa halikan namin ay 'di ko mapigilan ang maiyak sa saya.
"Sobra pa sa sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon, Acades. Hindi masukat ang saya ko dahil pinaranas mo sa akin ang ganitong klaseng buhay. Kung hindi mo ako pinulot sa lansangan pakiramdam ko ay baka namatay na ako sa gutom. Gusto kong malaman mo na kahit ano man ang mangyari ay sana panghawakan mo ang mga salita ko. Mahal kita, Acades."
Hindi ko siya pinagsalita pa at tumayo. Nagpaalam akong gagamit ng banyo at habang tinatahak ko ang daan patungo doon ay 'di ko mapigilan ang maiyak.
Nang makapasok ako sa loob ng banyo ay kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko at sinagot ang taong kanina pa tumatawag sa akin.
Pumasok ako sa isang cubicle, "Stella..." Ang sagot ko sa kaniya.
"They're ready to pull you out. They want you out of this mission, Elorde. You already did your part, and we already have all the information we need to bring the Zapantas down in case they turn their back on the organization." Iyon lang at naputol kaagad ang tawag.
Nanghihina akong napaluhod sa sahig ng banyo at pinigilan ang mga hikbi na nagpupumilit kumawala sa bibig ko. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone at marahas kong hinahagod ang puso ko. Hindi parte sa misyon ko ang umiyak dahil kailanman ay wala akong karapatang umiyak. Kusang loob akong pumasok kaya magkukusa akong lalabas ng walang inarte.
Inalala ko ang pagtataksil ko kay Acades, simula sa mga gabi na tulog siya o wala siya- pinapakialaman ko ang mga dokumento niya- lahat-lahat na pwedeng magamit laban sa kaniya. Si Acades ang taong kayang-kaya kong paikutin gaya ng pagpa-ikot ko sa mga lalaking isa-isang kong tinumba. Hindi ako isang anghel sa simula pa lang dahil isa akong demonyo sa katauhan ng isang anghel at isa si Acades sa napaniwala ko.
Tumayo ako at pinunasan ang mukha ng marinig ko ang boses sa loob ng banyo na kinatigil ko.
"Sumusobra ka na ah!" How could I forget that voice. I grow up with the person who owned that voice- Cervius Havoc Buenavista.
"Tell me, did I upset you over a horse?" Medyo napaatras ako ddahil sa pamilyar na boses. Parehong-pareho sa boses ni Acades pero iba ito. Kaya ba ganito na lang kung makipaghabulan si Eludes kay Havoc dahil may gusto ito sa kababata ko?
Mapait akong napangiti sa reyalisasyon. Cervius is someone you don't want to mess with. Iba ang ugali nito kumpara sa ibang Buenavista. Ang ugali nito ay katulad ng ina niya noong una itong dumating sa Maraya. Basi sa naririnig ko ay alam kong tama nga ako. Dumaan ang ilang minuto bago bumukas ang pintuan. Narinig ko ang boses ni Acrotis kausap ang kapatid, tinatanong kung bakit ito nasa loob kasama si Havoc.
Lumabas ako sa cubicle at tiningnan ang nilabasan na pintuan. Tumingin din ako sa malaking salamin bago pumikit at ngumiti sa sarili.
"Kapag ba libre ka na, pwede mo na ba akong samahan kina Lola at Lolo sa probinsiya, Acades?" Gusto kong ipakilala siya sa mga taong kinikilala kong pamilya.
Napatingin si Acades sa akin, nagtataka kung bakit bigla kong binuksan ang usapan, "I told you, baby. I can always take you there, I'm always free for you." Kinuha ni Acades ang isang kamay ko at hinawakan ito.
"Gusto ko lang ipakilala ka bilang isa sa taong importante sa buhay ko. Paniguradong masisiyahan ang Lolo at Lola kapag nakilala ka nila. Palagi pa naman nilang sinasabi sa akin na maghanap ako ng taong mahal na mahal ako." Ang sabi ko at napayuko. Pinipigilan ko ang sarili na maiyak.
"That's right, I love you no matter what." Medyo nakampanti ako sa sinabi niya.
"Mahal na mahal din kita, Acades." Hinalikan ko ang kamao niya at tuluyan ng lumandas ang mapangahas kong luha. "Kaya sana pagdating ng panahon ay mapatawad mo ako." 'Di ko kaya ang saktan siya mapapisikal man o emosyonal dahil mahal ko si Acades.
"Hey, what's happening? Bakit ka umiiyak, baby?" Umiling-iling ako at tiningnan ang dinadaanan namin sa labas.
Isa,
Dalawa,
Tatlo...
Magkasunod na putok ng baril ang namutawi sa bakanteng daan. Kaagad na gumeywang ang sasakyan namin at huminto. Napatakip ako ng bibig ng maramdaman ang katawan ni Acades- pino-protektahan ang akin.
Bakit ka ba ganito, Acades? Sunod-sunod na luha ang kumawala sa mukha ko habang pinanood kong dali-daling nilabas ni Acades ang isang baril mula sa giliran niya.
"Don't go out. I will check what happened." Bago siya maka-alis ay hinawakan ko siya sa kamay. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Don't be scared, I'll be back, baby. Trust on me." Gusto kong sabihin na huwag siyang umalis. Na dito lang siya dahil kapag umalis siya, wala na siyang babalikan pa.
"Acades..." Ang bulong ko sa pangalan niya.
Niyakap ko siya bago ko siya binitawan at isang seryosong tingin ang binigay niya sa akin bago lumabas ng sasakyan. Napasandal ako sa upuan at tiningnan mula sa sidemirror ang bumalibag na sasakyan nila ni Aljoe at Albee. Tinitingnan ito ni Acades kasama ang mga tauhan niya.
Napayuko akong kinuha ang isang bagay na palaging nasa akin. Nilabas ko sa dashboard ng sasakyan ang baril na binigay ni Stella para gamitin ko kay Acades.
Kinuha ko ito at lumabas ng sasakyan, "Fuck, I told you to don't step out of the car, baby!" Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Acades ng makita akong nakatayo sa gitna ng daan.
Akma siyang lalapit pero nagsalita ako, "Huwag kang lumapit sa akin, Acades." Matibay ang boses ko at tiningnan siya ng seryoso. Pati si Morgan at Xander na kasama niya ngayon ay naguguluhan sa sinabi ko.
Hindi nakinig si Acades at kunot-noong humakbang palapit sa akin, "I said stop where you are and don't step any closer to me!" Kumawala ang mga salitang 'yon kaya nakita kong natigilan silang lahat.
Pero hindi dahil sa sinabi ko, kundi sa nakatutok na baril na hawak-hawak ko. I aimed the gun to Acades. Nakita kong tinutok ni Morgan at Xander ang hawak nilang baril sa akin.
"Baby..." I heard him plead and it tore me apart.
"Tapos na akong magpanggap, Acades. I'm done with playing as the good boy. I can't be when I'm not! I am not the kind Elorde Concepcion you think I am, and I will never be. You and your men are stupid to let me in. You let your enemy inside your home, Eludes. You bedded with your enemy!" Ang sigaw ko sa kaniya.
Lumabas ang mga tauhan ko at pinalibutan ang mga tauhan ni Acades. I showed him a smile- not a genuine one. But a smile that showed my real identity.
Nang makita kong dumating na ang sasakyan na nakahanda para sa akin ay umatras ako at binaba ang hawak kong baril. Bago pumasok sa loob ng sasakyan ay binalingan ko ng tingin si Acades na nakatayo lang at pinapanood ako. Hindi ko maipaliwanag ang klaseng tingin na binibigay niya sa akin.
Ang tingin ng isang tao na parang inagawan ng isang bagay na walang katumbas. I see pain, hate, love, and mercy in those eyes right now.
"Get in, Rocco is already waiting for you. Let's take you home." Napatingin ako sa lalaking nagsalita mula sa loob ng sasakyan.
The man casually sat inside, with his eyes pinned on me, "I understand, kuya."
One last glance and the car closed, and it moved directly leaving our broken path, "Please don't touch him, kuya. I will do anyhting, huwag mo lang siya pakialaman. I did what you asked, it's your time to do me a favor." Namumula ang mata kong binalingan ang kapatid kong kampanti lang na nakaupo katabi ko.
"You're in no position to demand, baby brother." My older brother, Rusell Rusciana said.
End of Part 1.
.
.
.
.
.
Note: Ang mga susunod na kabanata ay Rated SPG, striktong patnubay at gabay ng magulang ang... CHAROT! Kahit pa sa part 1 ay puro SPG naman. I'll see you sa part 2!
°˖✧◝(⁰▿⁰)◜✧˖°
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro