Chapter 14
brat
ELORDE'S POV
Kaharap ang malaking salamin ay tinitingnan ko ang sarili. Halos 'di ko makilala ang sarili ko dahil sa suot. Maingat kong nilakbay ang aking mga daliri sa bawat detalye ng damit. Mula sa aking kinakatayuan ay naririnig ko ang mahinang huni ng musika sa loob. Mahina lang ito at mapapansin mo dahil sa katahimikan ng buong paligid.
"Sagapó vasílissa mou." Kaagad kong tiningnan sa repleksiyon ang lalaking pumasok sa loob ng pribadong silid.
"Acades," Pabulong man ay alam kong narinig niya ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Mula sa aming repleksiyon ay nagdaan ang pagnanasa at humali sa dilaw niyang mga mata. Kitang-kita ko ang reaksiyon niya ng makita ako.
Nakatingin ang mga mata niyang mapanuri sa katawan ko habang naka-sentro ang mga titig ko sa kaniyang gwapong mukha- sa kung papaano umigting ang panga niya, kung papaano siya palihim na ngumiti, at sa kung paano siya nailing sa sarili at pasaring na inalis ang tingin sa akin at kalaunan ay binalik sa mukha ko. Pinasadahan niya ang buhok at tinitigan ako sa mga mata.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at hinarap siya.
"What's the problem, baby?" May nagmamalaking ngiti ang labi nya kaya nailing ako. Kung abot-kamay ko siya ay baka nakurot ko na siya. Alam kong iniisip na naman niya na bilhin ang lahat dito para lang ma-satisfy ako.
"Ang ganda nga, ma-presyo nga lang." Tiningnan ko ang sarili ulit at maingat na sinuri ang mga detalye ng damit.
Hinding-hindi mawawala sa akin ang manibago sa klase ng buhay na tinatamasa ko dahil kay Acades.
"I can pay your bills, baby." Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Alam ko naman dahil ni-isang beses ay wala akong nilalabas na pera para sa kaniya.
"Gusto ko man na tanggihan ay alam kong hindi mo pa rin susundin ang mga sinasabi ko." Nakita ko ang nagmamalaking ngiti niya dahil sa sinabi ko.
Nakuha ko na ang paraan niya kung paano ipakita na mahal niya ang isang tao. Ito ay ang pagbibigay ng regalo. Gusto ko man na baliwalain na lang ang mga ginagastos niya sa akin ay hindi ko pa rin kaya. Iniisip ko pa lang ang mga regalo niyang mga kotse, damit, alahas, hanggang sa isang pribadong eroplano ay nalulula ako!
Gaano ba kayaman 'tong lalaking 'to at parang sentimo lang ang ginagastos niya sa akin?
"Then what's the longing face for, hmm?" Ang mga kamay niya ay nasa bawat bulsa ng kaniyang suot-suot na puting suit.
Tuluyang lumapit si Acades sa akin at nilabas ang mauugat na kamay at sinakop ng maiinit niyang palad ang mukha ko. Tiningala ko siya at binigyan ng isang kontentong ngiti.
"Nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka masaya, Elorde. Ano, hindi ka na masaya sa akin?" Ang kaninang nagmamalaking ngiti ay napalitan na ng nakakatakot na awra.
Nagdilim kaagad ang paligid.
Mula sa bawat tagiliran ay iniyakap ko ang dalawang kamay sa kaniya at sinandal ang ulo ko sa dibdib ng tigre, "Ikaw lang ang lalaking minahal ko, mamahalin ko, at aalayan ko ng pag-ibig ko, Acades. Wala sa isipan ko ang bumitaw sa mga pangako natin sa isa't-isa."
Ang kalmadong musika ang tanging natirang ingay sa pagitan namin. Tanging mga tibok ng puso namin ay sapat na para ipahiwatig kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.
"Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, Elorde. Iniisip mo pa lang na iwanan ako naka-posas ka na sa kama natin. Tandaan mo 'yan." Pinakiramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tuktok ng noo ko. Tiningala ko siya at tumango. Wala akong makitang dahilan para layuan ang taong nagligtas sa buhay ko. Utang ko ang buhay ko kay Acades.
"Tell me the problem, baby boy." Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata niya ang pinpahiwatig ng aking mga tingin.
"Iniisip ko lang ang mga magulang ko, Acades." Pareho kaming nakatingin sa mga mata namin.
Nakatitig siya sa kulay chokolate kong mga mata at ako naman ay sa dilaw niyang mata. Mahirap basahin ang iniisip niya pero nararamdaman ko ang kakaibang pakiramdam sa klase ng tingin niya sa'kin: mapusok, mapagmahal, at maalaga. At may takot din.
"You want us to visit them? I'm free." Seryoso ang mga titig niya at nakakapanghina.
Ngumiti ako sa kaniya at umiling, "Sinasabi mo lang 'yan eh, alam naman natin pareho na busy kang tao. Pero naiintindihan ko naman 'yon. Sobra pa nga ang atensiyon na binibigay mo sa akin, Acades."
Ang isang kamay niya ay bumaba sa tagiliran ko, ginamit niya ito para hapitin ako ng tuluyan at hinalikan ang noo ko. Pinikit ko ang mga mata ng maramdaman ko ang mainit niyang halik sa tungki ng ilong ko.
"I hate repeating what I said, baby. Kapag sinabi kong libre ang oras ko, libre 'yon. Your happiness matters the most to me, and I'm always free for you." Isinubsob ko ang mukha sa leegan niya at niyakap siya ng mahigpit. Bakit ang swerte ko sa lalaking 'to?
"Now, how about I take you of a... say, ice cream date?" Tumango ako habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leegan niya. Tinatago ko ang kilig.
"Gusto kong kumain ng ice cream. May nakita ako kanina sa labas. Mukhang masasarap!" Kumawala ako sa yakap niya at nahihiyang tiningnan siya.
"I would never get tired of spoiling you it means seeing you happy and red." Pareho naming naramdaman ang pagkawala ng init ng aming katawan ng umatras ako sa kaniya.
Pumasok ang dalawang tao, ang babae at lalaki na nagdamit sa akin ng sinusuot ko ngayon. Muli akong humarap sa malaking salamin ng lumabas si Acades sa pribadong kwarto ng may tinatawagan sa telepono niya. Mukhang isa sa mga kapatid niya, narinig ko na sinisita niya dahil nakahubad na naman daw lahat-lahat sa isang trabaho. Siguro 'yung si Acrotis? Naalala ko siya dahil halos lahat ng magazine sa bansa ay nandodoon ang mukha niya.
Nanatili akong nakatayo sa harap ng salamin at pinakiramdaman lang ang maingat na galaw ng lalaki at babae. Sila ang nagtanggal sa mga damit ko gaya ng sila rin ang nagsuot sa akin ng mga ito. Walang nagsasalita sa aming tatlo at ang mahinang kanta lang ang nadidinig sa loob ng kwarto. Hindi ako natatakot sa kanilang dalawa dahil sa mababait nilang awra.
"Kami na po d'yan, sir." Umiling ako sa kanila ng tutulungan sana nilang isuot ang itim kong blazer na suot-suot kanina.
"Okay na po ako dito, kaya ko na po. Salamat po." Yumukod sila sa harapan ko kaya yumukod din ako ng kunti. Nakakahiya naman sa kanila lalo pa't silang dalawa lang talaga ang palaging nakikita ko dito sa shop.
Mukhang ginagawang pribado ni Acades ang buong shop kapag nandidito kami, o minsan kapag ako lang.
"Ipapadala po namin ito mamayang gabi sa mansion niyo bago ang party. Thank you for your premium trust on us." Kumaway ako at naglakad sa naka-awang na pintuan. Pagkalabas ko ay sina Aljoe kaagad ang bumungad sa akin at ang mga tauhan na nakapaligid sa bawat silid.
"Are we done?" Lumabas si Acades sa isang silid na suot na ulit ang damit nya kanina ng dumating kami dito.
"Oo, Acades." Ang sagot ko ng may ngiti. Na-e-excite ako dahil makakasama ko siya sa buong araw!
Inilabas niya ang kanang kamay sa bulsa niya at kinuha ang kamay ko. Pinagtiklop niya ang mga kamay namin at pareho kaming lumabas sa shop ng magkahawak ang kamay.
"This is not true! This is not true! Kuya, what is this? You changed because of this?" Nahinto kami sa paglalakad ng may biglang humarang sa amin. Isang balingkinitan na lalaki. Nakikilala ko siya lalong-lalo na ang magandang mukha nito. Sino ba ang hindi nakakakilala sa taong mapa-lalaki at babae ay pantasya siya?
"I told you I can't see you today, Acrotis." Hindi naman galit ang boses ni Acades. Kalmado lang ito habang tinitingnan ang nagpupuyos na lalaki sa harapan namin.
"You can't meet me- your baby brother just because you're busy with who? Siya ba?" Nahigit ko ang aking hininga ng balingan ako ng atensiyon ng kapatid ni Acades.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Inaamin ko, medyo natakot ako sa mukha niya. Halata na hindi niya ako gusto sa klase ng tingin niya sa akin. Napaatras ako at napatingin sa mga paa ko. Kaagad naman na lumingkis ang kamay ni Acades sa beywang ko pero tinanggal ko ito.
Sobra akong nahihiya ngayon.
"Acrotis..." Narinig ko ang tono ni Acades at pareho kaming natigilan ng kapatid niya. Mahina man ay narinig ko dito ang nagbabagang babala sa boses niya.
Napatingin ako sa kapatid ni Acades at nakita ko na hindi siya makapaniwala sa inaakto ni Acades. Tinanggal nito ang sunglasses sa mata at tiningnan ng masama si Acades.
"Don't get me started, I'm not even done cleaning your mess. Leave me alone, Acrotis." Napaawang ang bibig ni Acrotis sa sinabi ni Acades. Kinakabahan na ako dahil mukhang handa ng sumigaw si Acrotis sa harapan ng kapatid.
Wala man akong makitang tao maliban sa securities ni Acades at securities ni Acrotis ay nahihiya pa rin ako. Pareho silang malalaking tao at baka kumalat pa ito.
"You're seriously choosing this man over me, kuya? Ako? Like- hello, it's me. Your fucking brother! Don't get me started when you hang up on me! I don't believe you! You and kuya Eludes are both busy and I'm alone!" Wala ako sa lugar pero ngayon ko lang naiintindihan kung bakit napapahilot ng noo si Acades kapag tumatawag ang isa sa mga kapatid niya.
"Acades..." Ang tawag ko sa kaniya. Malumanay lang ang tawag ko sa pangalan niya para pigilan siya sa kung anong klaseng bagyo ang namumuo sa mukha niya.
"Baby," Ang lumabas sa bibig ni Acades. Ngumiti ako sa kaniya.
"Oh my God! Oh my Gosh! Oh, em gee! Nakita mo ba 'yon Morgan? Did you saw that Xander? He called him his baby! What on earth? The world is ending na ba?" Ang maarteng sabi ni Acrotis at nagsisigaw sa kasama niyang si Morgan at Xander. May nakakalokong ngiti ang mukha ni Morgan habang si Xander naman ay tinatanggap lang ang mga hampas at palo ni Acrotis.
Namumula ang mukha ko ng lumapit si Acrotis sa akin, "You're really pretty! I can't blame my brother for having you! Is your skin natural? Saang clinic ka? For the first time, I can finally say, that my brother is lucky to have you. Buti pinatulan mo ang babaerong ito?" Mas namula pa ang mukha ko dahil sa sinabi ni Acrotis.
Para siyang bola na tumatalbog-talbog. Kung kanina ay parang galit siya, ngayon naman ay napakasaya nito. Okay lang ba'to?
"What's your name ba? Of course, I expect you to know my name. Everybody knows me!" Napatingin ako kay Acades na hinihilot ang sentido niya. Natatawa ako sa mukha niya. Binalik niya ang kamay sa beywang ko at inilayo ako ng kunti kay Acrotis.
"H-Hello, ah o-oo naman, nakikilala kita. Ikaw si Acrotis King Zapanta, ang sikat na modelo." Ngumiti ako kay Acrotis, "Uhm, ako naman... ah, ang pangalan ko ay si Elorde Sol Concepcion, boyfriend ko ang kuya Acades mo. At swerte ako sa kaniya." Ang pakilala ko sa aking sarili.
Natawa ako ng kunti ng biglang sumigaw si Morgan at tinukso ang boss nilang may ngiti na ngayon sa labi. Sinabi ko lang na boyfriend ko siya- ganiyan na siya kasaya? Ganito ba kasimple ang nagpapasaya kay Acades?
Nagpaiwan si Acrotis sa loob ng mall matapos ko siyang makausap. Madali lang siyang kilalanin dahil madaldal siya, ibang-iba sa mga sinasabi ng media patungkol sa kaniya. Sa paglipas ng oras na nasa labas kami ay unti-unti na ring napapawi ang takot sa puso ko na baka may makakita sa amin ni Acades. Paano ba naman ako matatakot kung ganito ako hawakan ni Acades ang mga kamay namin.
Napangiti ako sa iniisip at tiningnan ang kamay namin na kaniyang pinagtiklop. Pareho kaming naglalakad habang ang mga tauhan naman niya ay nasa paligid lang. Sina Aljoe at Albee ay hindi namin kasama pero nandidito naman ang mga kaibigan ni Acades na sina Morgan at Xander. Sila rin ang nagprisintang magbitbit ng mga shopping bags na pinamili ni Acades sa akin.
"Stop looking at those two dickheads, baby or I'll think of killing them. I'm serious." Kahit nakasuot siya ng maiitim na shades ay nararamdaman ko pa rin ang pagkabugnot ng mga mata niya. Humagikhik lang ako sa sinabi niya at mas nilapit ang katawan ko sa kaniyang namumutok na braso. Tiningala ko siya at binigyan ng matamis ng ngiti.
"Natutuwa lang ako na may mga kaibigan ka na katulad nila. Hindi ka nila iniiwan kahit anong mangyari. Sila ang kasama mo noong una kitang nakita at hanggang ngayon ay nandito pa rin siya." Naalala ko si Ram sa kanila. Kahit anong mangyari ay kasama ko siya. "Gusto ko ng kumain ng ice cream, Acades." Tumango siya.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at ginamit ang ngayong libreng kamay para hapitin ang beywang ko palapit sa tagiliran niya. Nanatili ang kamay niya doon hanggang sa makapasok kami sa isang ice cream parlor. Kaagad na nagningning ang mga mata ko dahil sa iba't-ibang klaseng sorbetes na nakahain.
"Ang dami..." Ang mangha kong sabi habang kaharap ang malaking salamin na kinapalolooban ng mga sorbets. Nakakakain lang ako ng sorbetes pero 'yung nilalako lang sa daan eh. Limang peso lang nun swak na. Pero dito, iba-iba ang mga nilalagay, marami rin ang flavor.
"Choose anything you want, baby." Naramdaman ko ang paghalik ni Acades sa batok ko kaya nakiliti ako at nahiya na rin dahil sa mga matang nakatingin sa amin.
"Alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng ganito ka daming sorbetes, Acades? Tingnan mo oh, may kulay itim pa. Pwede pala 'yun?" Inosenteng tanong ko sa kaniya.
"I don't eat sweets baby, unless it's you so don't ask me about this diabetic shits." Ang supladong pagkakasabi niya.
"Ang sama mo naman sa sorbetes..." Reklamo ko at napanguso. Nagkibit-balikat lang siya at hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa beywang ko. Napatingin ako sa harapan at nakitang parang hindi komportable ang lalaking naka-uniporme. Nakatingin siya kay Acades na para bang isang pagkakamali lang nito ay makakain na siya ng isang tigre.
"Magandang umaga po," Ngumiti ako sa lalaking nasa harapan.
"Magandang umaga rin po sa inyo mga sir. Pili po kayo."
Nagtatanong lang ako kung anong klaseng sorbetes ang nasa display pero hindi ko naman talaga bibilhin. Sa huli ay sa strawberry ice cream na may cookie toppings ang napili ko.
Ang saya nga eh kasi hinayaan ako ng may-ari na maglagay ng ice cream ko. Pwede pala yun?
"Acades sige na kasi. Try lang naman eh. Sina Morgan at Xander nga eh nakasuot ng apron tas ikaw hindi." Ang kumbinsi ko sa lalaking kanina ko pa pinipilit na pasuotin ng kulay pink na apron at pink na cap.
"No," Ang matigas niyang ani at lumabas sa ice cream parlor. Hindi ko tuloy maiwasang manhinayang.
"Okay lang po 'yan, sir. Marami na rin po akong nakasalamuha na mga boyfriend na ayaw talaga nilang magsuot ng ganitong uniporme. Takot siguro silang pagtawanan." Napatingin ako sa lalaking siguro kasing edad ko lang rin.
"Hindi naman nakakatawa eh. Ang ganda nga ng pink eh." Ang bulong ko sa sarili.
Naalala kong hindi ko pa pala natapos ang ginagawa kong ice cream kaya itinuon ko na lang ang atensiyon sa paggawa nito. Siguro bibigyan ko na lang si Acades pagkalabas.
Dumaan ang ilang minuto at siguro nagmumukha na akong pato dahil sa kakanguso. Napapansin ko rin na umaalis na ang ibang kumakain, pati ang mga tauhan ni Acades ay lumalabas.
"Bakit sila nag-aalisan?" Ang kuryoso kong tanong kay Morgan na sinusubuan ng ice cream si Xander.
Nagkibit-balikat si Morgan. Nitong mga nagdaang araw na nakakasama ko sila ni Xander sa bahay, mas napalapit ako sa kanila, lalo na kay Morgan dahil sa kaniyang ingay. Lumapit si Xander sa amin at inakbayan si Morgan, binigyan ito ng makahulugang ngiti na nagpatahimik kay Morgan. Itong isa namang ito ay pansin mong sobrang seryoso, kabaliktaran ng kaibigan niya.
"Love can fuck us bad, huh?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Xander at kinuyog si Morgan papunta sa kabilang lamesa.
Narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako doon. Kaagad na nagningning ang mata at ngiti ko dahil sa nakita. Si Acades suot-suot ang parehong uniporme sa amin! Tinanggal niya na rin ang shades at blazer niyang itim at ngayon ay nakaputing long sleeves ang suot!
"Come on now baby, don't stare at me like I'm sweeter than your ass-cream." Pinamulahan ako sa sinabi niya. Lumibot siya sa likuran ko at payakap na hinalikan ang tenga at batok ko.
"Akala ko ba ayaw mo?" Ang tanong ko.
"I'll do anything for your happiness. If this will make you happy, then fuck pride- let's start making this shit."
"Ang bibig mo, Acades ah. Nasa pagkain ka kaya hinay-hinay sa mga pagmumura mo." Ang sabi ko. Itinaas niya pareho ang kamay at hinalikan ang sentido ko.
"You're the boss, babe." Ngumiti ako at binalikan ang paggawa ng sariling ice-cream.
Kung kanina ay may mga tao pa sa loob, ngayon ay kami na lang apat kasama ang may-ari ang nasa loob. Kanina pa ako tawang-tawa sa ginagawa ni Acades dahil ang cute lang tingnan na bruskong-brusko niya sa suot na kulay pink. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan siya ng larawan.
"Don't laugh at me baby boy, utang mo to sa'kin. At mamayang gabi ko kukunin ang bayad mo." Mas lalo akong pinamulahan dahil sa sinabi niya. Walang hiya talaga itong si lalaking to pagdating sa kahalayan!
"Open up for daddy, baby." Isang daliri ang pumasok sa nakaawang kong mga labi. Kaagad kong nalasahan ang matamis na sorbetes mula dito! Sinunod ko ang mga sinabi niya at napapikit dahil sa daliri niyang naglalaro sa mga labi ko.
Minulat ko ang mga mata at nakita ko ang mala-tigre niyang mga titig sa labi ko. Mabangis, uhaw, at natatakam. Kaya nagpaubaya ako. Inawang ko ang mga labi, "Halikan mo ako, daddy." Ang bulong ko.
Walang pinalipas na segundo ang lalaking umaangkin sa mga labi ko. Matamis ang mga halik namin, puro kaibahan sa mainit naming mga katawan. Ito ang epekto ni Acades sa akin. Nakakapang-init.
"Aherm! Akala ko ba ice cream? Bakit may dila?" Natulak ko dahil sa hiya si Acades ng magsalita si Morgan!
Nararamdaman ko kung paano nang-init ang tenga ko dahil sa hiya! Wala akong ibang sinisisi kundi si Acades dahil inakit niya ako!
"Shut up motherfucker!" Literal na nagsitaasan ang buhok ko sa mga kamay ng marinig ko kung paano kagalit ang boses ni Acades. Ako rin naman nabitin pero pinangunahan na ako ng hiya! Napahawak ako sa hibla ng damit niya ng makitang ang ice cream na ginagawa namin ay ngayon ay tunaw na. Naiiyak ako dahil ang mahal pa naman nito tapos 'di ko lang naman nakain. Natikman lang pero sayang pa rin!
"Acades, yung ice cream ko natunaw. Kasalanan mo'to eh. Bakit ba kasi ang hilig-hilig mo." Inirapan ko siya at nauna ng lumabas.
Umiinit ang ulo ko sa'yo Acades!
"Fuckers, purchase a franchise of this shop name it after Elorde. Fix this or else I'll kill you two!" Bago ako tuluyang lumabas ay narinig ko pa ang pinagsasabi niya.
Nakabusangot ang mukha kong naglalakad. Wala na akong paki-alam kung pinagtitinginan na ako o hinahabol na ako ng mga tauhan ni Acades basta ang gusto ko ay makakain ng matinong ice cream!
"Fuck! Babe, where on hell are you going? Elorde, bumalik ka sabi dito, damn hard headed!" Isinuot ko ang shades na binigay galing sa tauhan niya at nagpatuloy sa paglalakad. Buntot-buntot ang mga security sa akin kasama ang amo nila.
Susulitin ko na ang kalayaan bago pa ako tuluyang kainin ng tigreng nakabuntot sa akin!
.
.
.
.
.
Note: Yey malapit na tayo sa 44K reads! More! More! More! Thank you! Ulit, follow niyo ako sa Instagram para makausap ko kayo anytime hehe.
𐙚 ‧₊˚ ⋅
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro