Chapter 13
kill
ELORDE'S POV
Naglalakad ako palabas sa school gate kasama si Ram dahil kakatapos lang ng aming klase. Hindi naman masiyadong dis-oras na ng hapon pero medyo may pagka-dilim na rin ang langit. Hindi naman ako sinita nina Albee, nakatayo lang talaga sila sa labas ng library habang may inaaral ako doon na isang libro.
"Kabog ka talaga, Kit. Tingnan mo oh, pinagtitinginan tayo dahil sa PBG mo." Sabi ni Ram at ngumuso sa dalawang lalaki na nasa unahan namin. Nagpapasalamat naman ako sa espasyo na binigay nila sa akin para makapag pokus sa ginagawang school activity.
Umiling lang ako sa kaniya at hinigpitan ang kapit sa strap ng bag. Naalala ko tuloy na si Acades ang susundo sa akin ngayon— posible kaya na inaantay niya pa rin ako kahit na natagalan ako? Hindi naman siguro.
Gamit ang isang kamay ay inilapit ko sa aking labi ang mamahaling kape na nilibre ni Ram sa akin.
"Huwag mo na ngang ipamukha sa akin, sa tingin pa lang ng ibang tao ay parang ang laki ng kasalanan ko." Napanguso ako sa sinabi lalo pa't nalasahan ko ang mapait na kape. Kasing-pait ng mga tinginan ng ibang naglalakad na estudyante. Alam kong nanibago lang sila sa akin, 'di nga nila ako napapansin noon kaya naiintindihan ko ang pagtataka sa mga mata nila.
Dahil dumidilim na ay kakikitaan na wala na masiyadong estudyante maliban sa mga maintenance na labas-pasok sa loob.
"Asus huwag mo yang isipin at ang isipin mo ay kung papaano mo ipapakilala ang lalaking nakabihag ng mailap kong kaibigan. Aba't kung inaakala mong I forgot, no sissy, I didn't!" Ang maarteng sabi ni Ram at nag hairflip. Natawa na lang din ako.
"Padilim na Ram, may susundo ba sa'yo?" Ang pag-iiba ko ng usapan. Dapat kasi nauna na siyang umuwi, ako lang naman talaga ang may kailangan e-catch-up pero sinamahan niya pa rin ako at tinulungan sa ibang written activities ko.
Napatingin siya mula sa binabasang kung ano sa cellphone. Malakas ang ilaw nito kaya tama lang para mailawan ang mukha niya. Nakahawak naman siya sa braso ko, naka-angkla, kung iyan ang tamang salita kaya kampante siya sa paglalakad. Buti na lang at bitbit nina Albee ang ibang gamit ko.
"Yes, my friend dear! Nag message na ang driver ko, siya raw ang kukuha sa'kin dito dahil malapit lang siya. Gaga siya eh dapat lang talaga kasi trabaho niya 'yon." Itinaas niya ang tingin at pinaslak ang cellphone sa handbag niya. Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Oo nga naman, bakit parang utang niya pa na sunduin ang amo niya?
Tumigil lang kami sa paglalakad ng marating namin ang exit gate ng university. Mula dito ay nakikita ko na ang sasakyan na palaging ginagamit namin nina Aljoe at Albee. Tinuro ko ang sasakyan namin kay Ram pero sinabi ko pa rin sa kaniya na hihintayin muna namin ang kapatid niya bago kami umalis lalo pa't gabi na.
"So keylan mo ako personal na ipapakilala kay Mr. Acades Zapanta?" Akala ko ay nalimutan na niya ang diskusiyon pero mukhang hindi. Tiningnan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Palaging may ginagawa yon Ram eh, hindi nga rin yon sa bahay tumatambay kapag may pasok ako, marami yong ginagawa kaya hindi ko talaga alam kung keylan siya ipapakilala sa'yo. Mukhang wala naman siyang problema kung ipakilala kita dahil alam niya na ikaw lang pinagkakatiwalaan ko." Hindi ako nagsisinungaling.
Maliban na lang kung nasa bahay lang ako, umuuwi talaga si Acades at nagbibigay ng oras para sa akin pero kung may pasok ako ay nasa trabaho siya tutok.
"Kung ako, okay lang na hindi mo siya ipakilala sa akin sa ngayon, pero Lord mafren, sana naman ay huwag mong itago sa mga magulang mo ito ah. They deserve to know what's happening with your life here. Maliban sa akin, sina Lolo at Lola na lang ang pamilya mo." Napa-isip ako sa mga sinabi niya. Dapat ko na ba talagang sabihin? Alam kong maiintindihan nila ako Lolo at Lola pero natatakot pa rin ako. Baka kasi kung keylan ko pa sabihin ay biglaan nalang magbago ang lahat. Natatakot akong baka magising ako sa isang panaginip.
"Alam na nila, Ram, pero 'di ko pa nasasabi kung sino." Nilingkis ko ang kamay ko sa kaniya at pareho kaming natahimik.
"Don't pressure yourself too much, Lord. Hindi man nila alam kung anong klaseng sakripisyo ang ginagawa mo— ako alam ko— at sasabihin ko na'to, ikaw ang pinakamatapang na taong nakilala ko. At super deserve mo ang mga nangyayari sa'yo. Kaya huwag kang matakot magsabi sa akin kung may problema ka dahil handa akong protektahan ka sa kahit anong paraan na kaya ko." Sa tahimik na gabi ay isang butil ng luha ang pumatak sa mata ko.
Napaisip ako sa kung paano hindi naging patas ang mundo sa akin pero bumabawi pa rin ito ng bigyan ako ng isang mabuting kaibigan at mapagmahal na pamilya. Ang swerte-swerte ko sa kaibigan at pamilya. Hindi man layaw sa kayamanan ay mayaman naman sa pagmamahalan.
May dumating pa na bonus, si Acades.
"Maraming salamat...." Malalim ang hininga kong binuga at nilabas ang mga katagang yan bago siya pumasok sa sasakyan na nakaparada sa harapan namin.
Tiningnan ako ni Ram at kinawayan at ginawa ko rin yon sa kaniya at isang tipid na ngiti sa kaniyang driver.
"Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi kita nakilala." Ang bulong ko sa hangin habang pinanood kong umalis ang sasakyan ni Ram.
Huminga ako ng malalim ng isang kamay na may panyo ang nakita ko. Npatingin ako kung kanino galiong ito at kay Aljoe pala. Inabot ko ito at pinunasan ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Hindi naman ako iyakin ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili.
"Ayusin mo sarili mo, baka barilin kami ni boss Aksel pag nakita kang umiiyak." Ang seryosong saad ng katabi ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya dahil sa kabaitan niyang tinatago.
Madaling lumipas ang mga araw. Pero ngayon iba na dahil may nakasanayan na ako. Hindi katulad ng dati ay may Acades na akong palaging hahalikan ako sa umaga, kasama kumain, hinahatid at sinusundo pagkatapos ng klase. Buwan na rin ang lumipas simula ng naging opisyal ang relasyon namin. Akalain mo 'yon? Tama nga talaga ang mga sinabi nila na madali lang ang oras kapag kasama natin ang mga mahal natin. Kapag kasama ko si Acades, walang araw na nasasayang.
Normal man o hindi sa tingin ng ibang may ka-relasyon pero wala pang away ang nangyayari sa amin ni Acades, may tampuhan, pero ako lang naman ang nagtatampo. Kasi kapag si Acades ang magtampo, kunting halik at pagpapakalma lang niyan sa kama ay okay na kami ulit.
Naalala ko tuloy ng minsang umuwi si Acades na lasing. Nagtampo ako sa kaniya nun dahil hindi gaya ng nakasanayan ay sa ibang kwarto siya natulog. Pagka-umagahan ay walang pasok at siya pa ang may ganang magalit sa akin dahil hindi niya raw ako naabutan sa kama pagka-gising.
"Baby boy, fuck! Where did you sleep? Bakit wala ka sa tabi ko buong gabi?" Kunot noo niyang salubong sa akin sa kusina.
'Yung damit niya ay 'yon pa rin na sinuot niya kagabi bago siya lumabas kasama ang mga kaibigan. Wala akong maisagot sa kaniya dahil una, mali siya ng iniisip. Pangalawa, nagtatampo ako sa kaniya! Gaano ba siya kalasing at 'di man lang niya napansin na sa katabing room siya pumasok? At bakit ba siya lasing na lasing?
"Tangina, baby! Kausapin mo nga ako." Galit na talaga siya. Tiningnan ko siya at inirapan. Napa-awang ang labi niya dahil sa hindi inaasahang irap na nakuha sa akin.
"Damn, baby boy, don't roll your eyes on me." Nagbabala ang boses niya pero hindi ko pa rin ito pinansin. 'Yung boses niya pakiramdam ko ay nagbabanta pero may namumuong kaba doon. Kilala ko si Acades.
Nagluluto ako ng mainit na sabaw para sa kaniyang hangover ng pumasok siya sa kusina. Akala ko hindi siya magigising kaya plano kong dalhin ito sa kwarto ni tinulugan niya. Nilabas ko ang soup at ang pares ng gamot at tubig. Lumapit ako sa kaniya at giniya siyang maupo.
"Maupo ka, Acades." Sabi ko.
Tiningnan niya ako. Ngayon ay pahupa na ang galit sa mga mata. Na-realize 'ata niya sa boses ko na seryoso ako. Para siyang maamong tigre sumunod sa pagkaka-upo. Walang hiya niyang tinanggal ang mga damit at iniwan lang ang itim na brief underwear. Namula ang mukha ko dahil nakita ko ang malaking bukol ng harapan niya. Pinili ko na lang ang bilawalain ang nasa isipan ko.
Bitbit ang mga damit niyang tinapon niya lang sa kung saan ay naglakad ako palabas ng kusina pero naigik ako ng malalaking kamay ang yumapos sa akin mula sa likuran!
Sa init at sa laking bulas pa lang, alam kong isang tao lang ang may kakayahang hapitin ako ng ganito kalapit sa katawan niya.
"I'm sorry. Please talk to me nicely, baby." Tiningnan ko ang nakanguso niyang labi. Nakapikit ang mga mata niya at isinubsob ang mukha sa leegan ko.
"Kumain ka muna pagkatapos uminom ka ng lemon juice para sa hangover mo. Dadalhin ko lang 'to sa laundry." Ang sabi ko.
Hindi niya pa rin ako binibitawan, "Hindi ako tumabi sa'yo dahil sa ibang kwarto ka nakatulog, Acades. Nagtatampo ako dahil pinag-alala mo ako, wala ka man lang text na madaling araw ka na pa lang uuwi at lasing na lasing pa." Nakikiliti ako sa bigote niyang tumutusok sa ibabang mukha ko at sa leegan ko.
"Napasarap ang inuman namin, baby. It's my fault for worrying you. I'm sorry I got drunk, 'di ko namalayan sa guest room ako nakatulog. My fault, baby. Please forgive me hmm?" Lumingkis ang mga kamay niya sa loob ng malaking tee shirt ko at tinaas-baba ito sa aking tiyan.
"Acades..." Hindi pa siya nakakain at masakit pa ang ulo niya pero heto gabakal na naman ang pagkalalaki niya. Naramdaman ko ito lalo pa't pasadya niya itong binubundol sa pang-upo ko.
"Can I have my breakfast now, baby?" Tumango ako.
"Nasa lamesa, Acades." Ang sabi ko at napapikit ng maramdaman ang mga maiinit na halik niya sa leegan ko. Mahapdi dahil kinagat-kagat niya ang parteng 'yon sa leeg ko.
"I'm talking about something more for my breakfast, baby boy." 'Yon lang at naramdaman ko ang sariling tumama ang katawan sa ibabaw ng kama niya. Pero ngayon ay sa tamang kwarto na!
Umiling ako sa memoryang 'yon. Marami kaming ganap sa buhay ni Acades. Nagiging busy na siya sa trabaho dahil minsan ay ginagabi na siya sa pag-uwi kaya si Aljoe at Albee lang ang nakakasama ko. Kung 'di ang dalawa ay kasama ko naman sina Xander at Morgan.
Naalala ko 'yong araw na pinag-shopping ako ni Acades. Habang sakay sa sasakyan na pinadala ng Solaire ay naisipan kong tawagan sina Lolo Ambo sa probinsiya para kamustahin. Hangga't maari ay dapat may pera na ako sa sahod galing sa bagong trabaho dahil naalala kong panghuling pera na lang ang naipadala ko sa dalawang matatanda.
"Hello apo ko?" Kaagad akong napangiti sa malambing na boses ng Lola Sanny.
"Lola, ako nga." Kahit na may ngiti ay hindi ko mapigilan ang manghina dahil sa boses niya.
"Heto mapayapa pa rin. Sa katunayan niyan apo ay nasa labas kami ng bahay ngayon ng Lolo Ambo mo, nagpapalamig sa ilalim ng puno ng manga." Iniwasan ko ang mapahikbi dahil sa lambing ng Lola.
Kung may kahinaan man ako, ito ay ang dalawang kinikilala ko bilang magulang. Pinaka-ayaw ko sa lahat ang makitang nasasaktan o nahihirapan sila. Okay lang na ako ang masaktan, 'wag lang sila dahil hindi ko kakayanin.
"Maganda po 'yan, La. Iyong gamot niyo po ba ay sapat pa rin sa inyo? Baka naman tinitipid niyo ang sarili d'yan ah." Napatingin ako sa labas ng dinadaanan ng sasakyan.
"Apo okay lang kami ng Lolo mo. Marami pa kaming gamot at gaya ng paulit-ulit mong paalala ay hindi namin ito kinakalimutan inumin. Ikaw ba ay okay lang?" Tumulo ng tuluyan ang luha ko. Dahil alam kong ang lahat ng tinatamasa ko ngayon ay utang na loob ko sa pagmamahal ng lalaking handang ibigay sa akin ang mga bagay na kailanman hindi ko ninais o inasam sa buong buhay ko.
"Lolo, Lola, may nakilala po ako dito..." Mahinhin at kalmado ang boses ko. Pumiyok pa ito.
Huminga ako ng malalim dahil ayaw kong mag-alala sila sa tono ng boses ko, "Mabait po siya, La at Lo. Siya ang taong pinakamabait na nakilala ko dito sa siyudad." Para akong batang nagsusumbong sa mga magulang.
"Iyan ba ay nobyo mo, Elorde?" Si Lolo Ambo ang nagtanong.
Wala akong sinabing lalaki pero nakuha kaagad niya— nila ni Lola. Walang kaba sa puso ko, dahil simula't-sapol silang dalawa ang nagturo sa akin sa pagmamahal. Ang pagmamahal na hindi kinakaila ang kasarian. Tinuro nila sa akin ang pag-ibig na tunay at hindi nakakasakit ng damdamin.
"Opo," Tumango ako kahit na hindi nila ito nakikita.
Tumahik ang kabilang linya bago magsalita si Lolo Ambo, "Masaya kami sa iyo ng Lola mo, apo. Hindi ka namin pipigilan dahil wala kaming karapatan. Ang amin lang ay ang magbigay ng payo. Ingatan mo palagi ang puso mo apo dahil kapag 'yan nasaktan, mahirap 'yang pahilumin." Kalmado at nangangaral ang tono ng boses ni Lolo. Pinahiran ko ang kumawalang luha sa mata ko.
Tumango-tango ako sa sinabi niya. Wala man akong magulang, binigyan naman ako ng panginoon ng mga taong lubos pa sa anak ako kung ituring.
"Salamat po." Iyon lang at natapos na ang tawag. Umiinit ang mga mata ko habang inaalala ang walang pag-aalinlangan na pagtanggap nila sa akin.
Minsan habang natutulog ako, napapansin ko na may sinasabi o may binubulong si Acades sa aking tenga. Ibang lenggwahe kaya hindi ko na rin lang pinapansin. Sinasabi kasi niya sa akin sa paraan na nagsusumamo o may paglalambing. Iniisip ko na lang na baka iyon ang paraan niya para sabihin ang hindi masabi. Habang nakahiga kasama siya sa kama, hindi ko mapigilan ang makuryoso sa mga paulit-ulit na sinasabi niya sa akin. Nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha habang ang mga kamay ay may seguridad na nakalingkis sa aking katawan. Ang kanang braso niya ang ginagawa kong unan kung kaya't nakayakap ako sa brusko niyang pangangatawan.
Nakakalaway ang katawan ng isang Acades Zapanta. Nakita ko na ang samo't-saring larawan niya sa internet at kahit masungit o mukhang galit siya sa mga nakuhang larawan ng mga artikulo na nabasa ko ay hindi mo maikakaila na isa nga siya sa pinakatanyag na lalaki sa buong bansa. Mayaman, ma-impluwensiya, gwapo, at halos nasa sa kaniya na ang lahat.
"Mahal na mahal kita, Acades." Ang mahina kong bulong. Alam kong tulog na siya kaya kampante ako.
Mahina siyang gumalaw kaya pinikit ko kaagad ang mga mata ko. Mas humigpit ang yakap niya sa akin, isnubsob ang mukha sa leegan ko. Nakakakiliti ang balbas saradong mukha niya pero hindi ito mawawaglit ang init ng kaniyang hubad-barong katawan.
"Sagapó vasílissa mou..." Iyan ang paulit-ulit na binubulong niya sa akin. Ang boses kasabay ang init ng kaniyang katawan ang dumuduyan sa akin sa mahimbing na tulog.
Ano kaya ang ibig sabihin ng kaniyang mga sinabi? Ang katanungan na 'yan ang umukit sa aking isipan.
-
I got off the bed and held the phone in my hand. Unread messages flood in it, but I did not pay attention to any of it. I made sure that I made no noise while walking towards the balcony of the room, wearing only my satin night outfit, I inhaled the sting of the morning mist.
It has been a month and I know they're itching for me to do it. To finish what I started and finally put an end to my act.
"They're already here in the country. Their side is moving already. You better make sure that you do your part well. We need the information before we finish him." I heard the woman's voice from the other line.
I remained tightlipped and did not reply. I listened to the plan, only to be reminded of the forming guilt in my cold heart.
"I'm getting there. Tell them to wait for me and don't make any contact with the target. This is my mission, and I should get to finish what I started." I spoke in a monotone.
Standing, my mind went free as I watched the blinking stars in the heavens. No matter the distance, they still shine to the naked eye. They remain important to this world. Some may wish for good health, but I wish for the other way around.
I wish that these stars remove the growing guilt in my heart. The freedom to feel is an illegal topic to me. I could not feel it. I should not feel. After all, this is only an act.
Walking barefoot, I went inside the room and watched the sleeping beast on the mattress. Calm and beauty laced on his face. What would I do to stop myself from feeling this way? He is an enemy. I walked closer to him and watched his build— every tattoo and ink in his body represents something.
"Sagapó vasílissa mou..." He whispered in his sleep. I acted dumb and innocent to you, but I know well the meaning of the phrase.
"Sagapó vasílissa mou..." I whispered the words, I love you.
I walked back and stepped away from his sleeping body. Seeing him defenseless made me question my real intention. If to get him and kill him was the mission— I could've done it the first night I saw him. But I need more of you, Acades. I want information from you.
.
.
.
.
.
Note: Naka-set na po ako ng estimated chapters para sa story na'to. 'Yun lang at huwag kalimutan ang follow, vote, at comment ko! Follow niyo rin ako sa Instagram at followback ko rin kayo hehe!
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro