Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

tattoo

ELORDE'S POV

Napatingin ako sa katabi ko. Pangiti-ngiti ako habang binabalingan ng tingin si Acades sa tabi. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan habang tinatahak namin ang university. Sa isiping university ay parang kinakabahan na ako, mahigit kumulang isang lingo rin akong hindi nakapasok magmula nung gabi na dinala ako ni Acades sa bahay niyang may kalayuan sa siyudad.

"Damon, doon na lang ako sa may malapit na remittance sa school ha." Paalala ko sa kaniya.

Masaya ako ngayon dahil kakatawag lang ng Lolo at Lola sa akin. Medyo naawa nga ako sa dalawang matatanda dahil humihiling sila na bumisita ako sa probinsiya pero hindi ko lubos maisakatuparan at mas lalong hindi ko mahindian. May pera pa naman ako kaya magpapadala ako sa kanila.

"And why is that? Kinakahiya mo ba ako, Elorde?" Madilim ang tingin niya akong binabalingan. Nagmamaneho siya pero patingin-tingin siya sa gawi ko.

"H-ha? Acades naman, bakit mo naman maiisip 'yan? Remittance kasi 'yon. Magpapadala ako kina Lolo eh." Inabot ko ang libreng kamay niya at hinawakan ito.

"Better be, baby." Napangiti ko siyang tiningnan ng marinig ko siyang tinawag ang palayaw niya sa'kin. Kahit anong itawag niya sa akin, basta sa kaniya galing, nakakakilig talaga.

"Do you need money?" Umismid ako sa kaniya na kinatawa niya.

"Sugar daddy ang ganap mo." Tukso ko sa kaniya.

"I bought you a jet for your birthday, baby. Call it whatever you want, but I'm still spoiling you." Kinuha niya ang kamay ko na malapit sa kaniya at hinalikan ito habang ang mga mata ay naka-sentro pa rin sa dinadaanan namin. Kapag nahinto ang sasakyan ay tinitingnan niya ako at binibigyan ng maangas na ngiti. Namumula ang pisngi ko sa mga sinasabi at ginagawa niya.

"May pera kaya ako at tsaka diba maghahanap ako ng bagong trabaho maya-maya? Si Ram na lang isasama ko, Acades." Palagi niyang tinatanim sa isipan ko na hindi ako mangagamit at pareho kaming nasisiyahan sa relasyon namin.

"Hmm..." Hindi siya tumango, hindi rin niya ako binalingan ng tingin. Iyon lang ang sagot niya. Masiyadong matipirin sa mga salita talaga ang lalaking 'to kapag ito ang binubuksan kong usapan.

"Hindi ko pinipilit na intindihin ang nakaraan ko Acades. Alam kong kahit labag sa kalooban mo ay pumayag ka lang na maghanap ng trabaho. Sana maintindihan mo rin na ang pagsasayaw at p-paghuhubad ang bumuhay sa akin at sa mga taong mahalaga sa akin. Alam ko na mayaman ka, pero 'di ako sanay na umako ng pera na hindi ko pinaghirapan, Acades."

Bumaba ako ng sasakyan sa harapan ng isang remittance outlet. Si Acades ay seryoso lang akong tinitingan ng tuluyan na akong nakababa sa sasakyan niya. Nasa gitna kami ng siyudad pero nakakaagaw pa rin ng atensiyon ang tindig ni Acades ng bumaba siya.

Tiningala ko siya at binigyan ng malapad na ngiti. Hindi pa gaano kataas ang tirik ng araw pero mainit na ang ulo nitong kasama ko. "Walang masama sa pagngiti, Acades." Ang paalala ko sa kaniya. Inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"They're not you, why bother smiling? My smiles are reserved only for you, baby." Tipid man ang pagkakasabi nito ay hindi pa rin nawala ang reaksiyon ng mga malalanding palaka sa tiyan ko!

Kinuha ko ang mga kamay niya at inayos ang manggas ng damit niya. Nakasuot siya ngayon ng mamahaling terno ng damit na kadalasang ginagamit sa opisina.

'Di niya nabanggit kung saan siya pupunta at wala akong plano na pakialaman ang oras niya.

"Pupunta ako sa isa sa opisina ko malapit dito sa siyudad, I will have there checked before my next destination. Ako ang susundo sa'yo mamaya, baby." Kagat-labi akong tumango sa mga salita niya. Batas ang mga salita ni Acades sa relasyon namin.

"Oo na po..."

Namumula ang mukha ko ng walang pagdadalawang-isip na dumukwang siya sa mga labi ko at hinalikan ito ng marubdob.

"Good boy." Pinunasan niya ang namamasang labi ko gamit ang hinlalaking daliri.

Sumenyas siya sa dalawang tao na nasa 'di kalayuan namin. Sila 'yung pinasunod ni Acades kanina. Lulan sila ng isang itim na van.

"Those men, mga tauhan ko sila. They will monitor every move you make, every place you go, at sino ang mga kasama mo. Tandaan mo, Elorde, walang makakatakas sa akin." Sobrang serysoso niya habang sinasabi iyon. Medyo na-intimida ako kapag ganito si Acades sa akin. Nararamdaman ko ang pagiging ma-kontrolin niya, isang bagay na hindi ko nakasanayan.

Alam ko, may karapatan akong magreklamo, pero ewan ko ba at mas napapamahal ako sa kaniya kapag ganito siya. Nasabi niya sa akin na ganito siya at naiintindihan ko ito.

Nngumiti ako at tumango, "Alam ko at mahal na mahal din kita, Acades. Wala akong plano na takasan ka."

Natatakot ako minsan kay Acades, hindi dahil sa kaya niya akong ibalibag kung nanaisin niya—  hindi— dahil natatakot ako sa kung ano ang kaya niyang gawin sa kapangyarihan niya. Alam kong mayaman siya, galing sa ma-impluwensiyang pamilya pero wala pa siyang nakukwento na kahit ano sa akin patungkol sa mga ganiyan. Ang tanging alam ko lang ay hindi dapat binabangga ang isang Zapanta dahil napaka-delikado nilang tao.

"I love you too. Enjoy your day, baby." Hinalikan niya ang sentido ko.

"Ikaw din at palaging mag-iingat sa trabaho." Paalala ko sa kaniya.

Pinanood ko siyang pumasok sa sasakyan. Umatras ako ng kunti mula dito at tuluyan na siyang umalis. Habang tinatanaw ang sobrang busy na dinaanan niya may isiping pumasok sa kokote ko— napakagalante ng boyfriend ko. Mula sa mga regalo at pagmamahal, galanteng-galante ito!

Lumapit sa akin ang isa sa dalawang tauhan na sinasabi ni Acades. Kung patakutan lang ng awra ay panalo na ang katabi ko. Kita ko kung paano umiwas ang mga tao sa direksiyon namin. Siguro naiintimida sa bulto nitong kasama ko. Kasunod niya ay ang pagparada ng isang sasakyan sa harapan ko. Nabasa ko ang nasa harapan ng sasakyan— Land Cruiser.

Lumabas dito ang isang lalaki na kalbo rin kagaya ng nauna. Nakasuot sila ng ternong damit na halos itim, may parang mikropono sa tenga at leegan at nakasuot ng necktie na itim ulit. Parang 'yong nakikita ko sa mga palabas ba! Ang galing— nakakamangha!

Para tuloy akong isang importanteng tao!

"Hello po, kumusta?" Tiningnan ako ng isa sa kanila. Hindi ako pinansin ng isa at mukhang napaka-suplado.

"Magandang umaga ho, sir. Ako si Aljoe at siya naman si Albee, kami ang magbabantay sa inyo sa kapahamakan." Seryoso pero nakayanan ko ang intimidasyon sa mga salita ni Aljoe.

"Kapahamakan?" Wala sa sariling nasabi ko. Tiningnan ako ni Albee ng napaka-seryoso.

"Bata, unang beses ka pa lang naming nakita alam namin na mapapahamak ka. Kaya huwag maraming tanong, sige na." Ano ang ibig sabihin niya dun?

Giniya ni Aljoe ang kamay niya, inuudyok akong mauna sa pila ng remittance. Wala namang masiyadong tao kaya kaagad din akong nakapadala ng pera kina Lolo Ambo.

Halata sa mga tingin ng mga accountant ang pagka-kuryoso dahil sa dalawang lalaking kasama ko. Wala naman akong magagawa kaya pinagbuti ko na lang na mag-antay hanggang matapos ito. Binuksan ako ng pinto ni Aljoe at pinapasok sa loob. Si Albee ang nagmamaneho habang sa front seat ay si Aljoe. Pareho silang tahimik at ako naman ay nakaupo lang sa likuran bitbit ang maliit kong school bag na binili ni Acades para sa akin.

Binaling ko ang tingin sa bintana, may isang patak ng ulan ang tumama hanggang sa nasundan pa ito at tuluyan ng umulan. Napatingin ako sa relo na bigay ni Acades at sakto lang naman ang oras para sa first subject ko. Hindi pa ako masiyadong late. Nasa huling semester na rin naman ako kaya ang kinakaabalahan ko ay ang graduation requirements ko. Makakapagtapos ako kahit sa labis na kahirapan ay nakakataba ng puso.

'Nandito na tayo sir," Humina ang takbo ng sasakyan kaya nabaling ang atensiyon ko sa gate ng paaralan na pinasukan namin. Dito ko naalala na hindi pala dapat ako nakasakay ng sasakyan!

Mahirap ako! Hindi nakadi-kotse!

Lagot na, paano kung makita ako ni Ram nito? Ano na lang ang sasabihin ko? Na natuhog ko ang isang Zapanta kaya instant de-kotse?

"Uhm, A-Aljoe, pwede bang sa labas na lang ng school ako bumaba?" Nag-aalala talaga ako sa mga sasabihin ng tao kapag nakita nila ako.

"Ang utos ni boss Acel ay sa loob ng university ka bababa, papasok ka sa silid at lalabas kapag oras na. Walang sinabing sa labas ka bumaba, sir." Kulang na lang murahin ako ni Aljoe at masasabi kong galit na siya sa akin. Nanunubig ang mga mata ko.

"Huwag po kayong mabahala sir dahil walang magtatangka sa'yo kapag kasama mo kami." Dahil malayo pa lang takot na sila sa inyo.

Kahit umuulan ay lumabas si Albee sa sasakyan at binuksan ang pintuan na nasa tabi ko. Bitbit ang isang itim na payong na naka-sentro sa uluhan ko at kahit na nababasa siya ay wala siyang reklamo dito!

Kaagad akong lumabas at nagsilong sa payong. Akala ko sisilong rin siya pero hindi! Basang-basa na siya sa ulan! Ganito ba talaga ang trabaho nila? Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Aljoe na po-protektahan nila ako sa kapahamakan.

Suot ang uniporme sa university ay naglakad na ako pasulong sa ulan at papunta sa building kung nasaan ang unang klase ko ngayon. Kung saan galing ang uniform ko, iyan din ang tanong ko kay Acades. Mabuti naman at hindi gaanong atensiyon ang nakuha ko sa kapwa estudyante, dahil na rin siguro at normal na sa kanila ang makakita ng mga mayayaman. Ang kaibahan nga lang sa akin ay ang tanging mayaman sa akin ay ang boyfriend ko.

"What. Seryoso? I can't believe na nag-absent ka lang dahil sa nagpa-sugar baby ka sa isang Zapanta! Bitch, inggit ako!" Nandito kami sa canteen at kasama ko ang nag-iisa kong kaibigan, si Ram.

Sinubukan ko siyang pakalmahin pero mukhang ganiyan yata ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag nalaman nila kung sino ang boyfriend ko ngayon.

"Ram, sabi ko naman sa'yo hindi ako nagpaka-sugar-baby at isa pa ayaw ko kayang mag-absent. Alam mo naman 'yan." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain na nilibre niya sa akin.

Wala namang nagbago sa amin, nanglibre pa nga siya na tila wala lang sa kaniya ang mga rebelasyon ko. Buhat na lang sa sigaw niya kanina!

"Lord, mafren! Are you hearing yourself? Libo-libong sangkababaehan at nag-aalala-babae ang gusto kang kuyugin kapag nalaman nilang isang Acades Zapanta ang nasungkit mo! Girl, nasa sa'yo na ang korona! Tinalo mo pa ang birheng sumalangit!"

Aliw na aliw ako habang nakikinig sa kaniya, "Ganiyan ba talaga ka big deal ang masangkot sa pangalan ni Acades?"

Alam kong malaki ang pangalang niya pero hindi ko naman aakalain na ganito pala kalaki ang impluwensiya niya.

"Lord, minsan talaga shunga ka. Here, I will search him in the internet ha and let's see if hindi ka matulala sa net worth, profile description at lahi niya!" Nahihiya talaga ako sa bunganga nitong kaibigan ko.

Mula sa 'di kalayuan ay napatingin ako sa dalawang lalaki na kasa-kasama ko— PBG, 'yan daw ang term, pinakunti sa Personal Bodyguard. Si Ram ang nagsabi niyan. Naniwala naman ako dahil may PBG rin siya kapag nauwi sa probinsiya namin.

Pinanood ko siyang nagtipa sa kaniyang portable pad. At lumabas ang magkakasunod na artikulo na nakasentrto sa pangalan ni Acades. Hindi na ako nagulat dito pero ang ikinagulat ko ay ang makita ang isang larawan dito.

Pareho kaming nagkatinginan ni Megan ng makita ito.

"Ay hala, kabog..." Ang sabi ni Megan.

"Baka naman iba ang tinuturing niyan, imposible naman 'ata ang sinasabi niyan, Megs eh." Nanlalamig kong binasa ang artikulo. Nagpaalam ako kay Megs na ako mag i-scroll at hinayaan naman niya ako.

Sa dinami-dami ng sikreto na pwedeng itago ni Acades, akala ko 'iyong pagiging delikado na niya ang pinaka-nakakagulat, hindi pa pala. Namumuo ang butil ng pawis sa noo ko habang binabasa ang artikulo ng pamilya niya.

May anim na tao sa larawan ng isang magazine cover. Prominente at maganda ang dalawang tao na nakaupo, ang sabi ay ito ang ama at ina niya, Lance at Ace. May artikulo rin na kasama dito na nagsasabi bilang isa sa pinakamahal na engagement sa buong mundo. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang dalawa sa mga lalaking nakatayo malapit kay Acades. Ang isa ay nakikita ko sa mga pelikula, habang ang isa ay isang sikat na model. Nakita ko ang hubad nitong katawan sa isang poster sa loob ng opisina ni Boss Lala eh.

Habang ang dalawang lalaki na katabi nila ay parehong seryoso ang mukha— hindi lang seryoso kundi magkapareho ang mukha nila. Wala akong kahirap-hirap na alamin kung kanino sa dalawa si Acades dahil siya lang sa pamilya nila ang dilaw ang mata habang ang kakambal niya ay kulay asul ang mga mata.

Nilapit ko ang mga daliri para mas palakihin pa ang imahe nilang dalawa at napasinghap ako sa detalye na kanilang pagkakapareho.

"Alam mo ba na 'yang kakambal ni Acades ay napakababaero. Halos lahat ng mga naging babae ay umiiyak sa kaniya. Can't blame them, like— bulag na 'ata ang hindi makakapansin sa kaniya." Wala sa kakambal ni Acades ang atensiyon ko, nasa kay Acades ito.

"Bakit pareho silang dalawa, Ram? Ibang-iba sa mga magkakambal na nakilala ko. Si Acades, nakikilala ko, pero ang pagkakapareho sa lahat ng detalye sa mukha at katawan ay parehong-pareho." Ang sabi ko kay Ram kaya siniksik niya rin ang mukha at mukha kaming tanga na nakatingin sa tab niya.

"Oo nga no? Napansin ko rin 'yan pero ngayon ko lang talaga nakita na pati tattoo ay magkapareho sila." Siguro ganiyan lang sila na magkapatid?

Paano kung magsuot sila ng pantakip sa mata? Paniguradong hindi makikilala ng iba kung sino sa kanila ang kaharap mo.

"Mailap sa media 'yang asukal de papa mo. Lumalabas lang 'yan kapag kasama ang pamilya niya. Ang sabi-sabi ay dahil daw tagalinis ito ng kalat ng kanilang pamilya." Napatingin ako kay Ram. Binigyan niya ako ng awkward na ngiti.

"Pero hindi 'yan confirmed ha. Narinig ko lang na parang doppelganger ang isa sa kanila. Kaya raw hindi sila nagsasabay para ma-secure ang isa sa kanila. Kita naman kasi na walang interest ang dalawa nilang kapatid sa kanilang negosyo kaya ingat na ingat ang pamilya nila pagdating sa safety. Alam mo Lord, mayaman kami pero hindi ganiyan kayaman nila. Fact, shareholder ng paaralan ang pamilya nila." Naiintindihan ko si Ram. At alam ko na may tama sa mga sinasabi ni Ram. Sigurado akong delikado ang trabaho ni Acades kasi nakita ko na siyang pumatay.

Totoo ba na isa kang anino sa kapatid mo, Acades? Bakit? Ginusto mo ba o napilitan ka lang? Ang daming tanong sa aking isipan.

"Pinakita ni Acades sa akin kung gaano siya kayaman, Ram. Mismong mata ko..." Ang bulong ko.

"Oh em gee! Tell me! Paano? Sige na, Lord! Sabihin mo na!" Niyugyog ni Ram ang mga balikat ko kaya pareho kaming natawa. Naputol lang ang kulitan namin dahil biglang pinagitna ni Aljoe ang kamay niya sa pagitan namin ni Ram.

"Huwag masiyadong malakas at baka mapano ka, sir." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Aljoe! Ano bang klaseng seguridad ang sinabi ni Acades para ganito na lang umasta si Aljoe.

"O-Okay lang kami," Ang sabi ko. Bumalik sa kinakatayuan niya si Aljoe at matiim na nakatingin sa direkisyon ko.

"Pasensiya ka na Ram ah, 'di ko naman gusto 'yon." Ang nahihiya kong sabi kay Ram. Tumawa lang siya at pinalo ako ng mahina. "Tungkol sa ano... paano ko ba sasabihin na hindi shocking ang balita... uhm, diba birthday ko last week? Kaya binigyan ako ni Acades ng regalo." Ang simula ko.

Nag-abang naman si Ram sa sasabihin ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binigay sa kaniya para tingnan niya ang photos doon. Nagulat ako ng mabitawan ni Ram ito at nakatulalang tiningnan ako.

"Seryoso?!" Tumango ako.

"Oh em gee! Napakayaman nga! Isang private jet? With your name on it! What the fudge!" Nahihiya akong tumango sa kaniya.

May kataasan na ang tirik ng araw, maraming mga taong nagmamadali sa mainit na daan, at rinig ko ang nagmamadaling busina ng mga sasakyan sa daan. Gayunpaman ay malawak ang ngiti ng aking mga labi habang hawak-hawak ang isang tangkay ng bulaklak na pinabili ko kay Albee kanina. Naka-upo ako sa loob ng sasakyan habang may masayang sinasabayan ang kanta na pinapatugtog ko sa isang application.

Sumasabay ako sa kanta at nakikinig lang si Acades sa akin. Panaka naka akong tinitingnan ni Acades at tumatango sa mga kinakanta ko. Napapansin ko na kapag magkasabay kami ni Acades ay siya ang nagmamaneho ng sasakyan niya.

"'Cause I may be bad, but I'm perfectly good at it. Sticks and stones may break my bones, but chains and whips excite me... Come on!" Ang pagsabay ko. Hinawak ni Acades sa bibig niya ang kaniyang libreng kamay at maangas na pinasadahan ito. Alam kong nakuha niya kaagad ang ibig sabihin ng kanta.

Pumikit ako ng maramdaman ang magaspang na kamay ni Acades sa hita ko. Binuksan ko ang mga mata.

Hawak ni Acades ang isang hita ko habang seryoso lang ang mukha niyang nagmamaneho sa sasakyan.

"Mahirap ba ang trabaho mo, Acades?" Tanong ko sa kaniya. Nakatingin ako sa kaniya ng binalingan niya ako ng nakataas ang kilay. Hindi masamang tingin pero parang nagtatanong.

"Which one, baby?" Ah, nalimutan kong marami pala itong trabaho si Acades.

"Sa lahat-lahat? Marami ka naman kasing ginagawa eh." Napanguso ako habang inaalala lahat ng mga papeles na nakikita ko sa opisina ng bahay niya.

"I work a lot, that's for sure. Most of the business, I inherited. There are personal investments for our future, but some are nah. I can't even name all the properties I'm handling." Pinaparamdam niya na nakikinig pa rin siya sa mga kwento at katanungan ko.

"Pati ba ang 'yong mga trabaho mo sa gabi?" Wala akong alam sa ilegal na trabaho nila ng mga kaibigan niya pero nakikita ko kasi si Acades sa gabi. Umaalis siya sa kama namin at bumababa para makipag-usap sa mga tauhan niya.

Mabuti man o hindi, ang alam ko ay mahigpit na pinag-uutos ni Acades na wala dapat akong makita na kung-ano sa ilegal niyang ginagawa tulad ng nakita ko dati.

"You meant the organization, baby?" Tumango ako sa mga mapanuri niyang mata. Ramdam ko na ayaw na ayaw niyang pinaguusapan ang ganitong bagay.

"Like any other wealthy family, mine is part of an organization. The only thing that makes me different from them is my power. I hold much more power than them."

Kapangyarihan? Para saan? Napatingin ako sa tangkay ng bulaklak na pinasadya ko pa na ipabili para sa pagbisita ko kay Madam Lala. Napa-isip tuloy ako kung gaano ka delikado ang trabaho ni Acades.

"Delikado b-ba?" Mahina ang boses kong tanong. Alam ko. Alam ko kung gaano ka delikado ang trabaho niya pero ewan at gusto kong marinig mula sa kaniya. May karapatan naman akong magtanong.

Napatungo ako at pinaglaruan sa isang kamay ang isang bulaklak ng maramdaman ko ang paghina ng takbo ng sasakyan. Tuluyan itong huminto sa gilid ng daan kaya napatingin ako kay Acades. Bakit kami huminto?

Nakatingin ng diretso sa mga mata ko si Acades. Ang dalawang kamay niya ay nakasandal sa manibela ng sasakyan. May galit, takot, at nanghihina ang mga titig niya. 'Di ko tuloy maiwasan ang kabahan at mapa-atras ng kunti. Ngunit walang segundo ang pinalipas ng nakayukom na kamao ni Acades. Sinakop nito ang aking mukha at may ingat na itinaas ang tingin ko sa mga mata niya.

"You're safe, Elorde. Kung 'yan ang ikinakatakot mo, huwag kang matakot. I will always keep you safe. No matter what. You come first." Nanghihina ako sa mga titig niya.

Siya ang aking hininga, at siya ang aking buhay. Mula sa oras na nagkakilala kami, siya ang naging sandigan ko. Siya ang naging buhay ko.

Nilapit niya ang mga labi namin at marubdob na hinalikan ang naka-awang kong mga labi. Handa ako sa mga halik niya kaya mas diniinan ko ang mga ito at itinaas ang mga kamay sa mukha niyang may patubong maliliit na buhok na nagpapakiliti sa palad ko. Hindi lang puro salita si Acades, totoo ang mga ito. Ang mga mata at titigan niya ay sapat na para malaman ko kung gaano ka-totoo ang mga ito.

"Open your mouth, baby boy." Mabilis lang ang pagitan ng mga salita niya at muling kinagat ang pang-ibaba kong labi. Dahil sa kiliti at hapdi ng mga halik niya ay umawang ang mga labi ko ng walang kusang loob.

Ang mga kamay ni Acades ay nasa bawat pagitan ng mga ulo ko, binaba niya ang isa at sinakop ang beywang ko. Hinigit niya ako palapit sa kaniya. Mula sa aking ibaba ay mas lalo akong nilipad ng aking inhibisyon ng maramdaman ang kiliti ng mga bigote niya. Ang mga dila niya ay nakikipagsandatahan sa akin pero kalaunan ay hinayaan ko na siyang sakupin ang akin.

"Ang sarap mo," Ang sabi niya habang hinihimas ng isang kamay niya ang namamaga at naka-awang kong mapupulang labi.

May ngiti sa mga labi niya habang ako ay maluha-luhang naka-angat ang tingin sa kaniya. Ang mga halik niya ay mapang angkin kung kaya't nahirapan akong huminga. Isa pang halik sa aking labi at bumalik na siya sa pagkakaupo at umabante na ulit ang sasakyan patungo sa Moonlight Club na pagmamay-ari ni Boss Lala.

Madalian lang din naman ang bisita namin kay Boss Lala, ganun pa rin, muntik pa nga siyang maiyak habang hinihimas ang likuran ko kanina sa yakapan namin. Hindi ko man maamin ay todo ang respeto ko kay Boss Lala kahit ganoon ang kaniyang negosyo dahil sa negosyong 'yon ay nabigyan ako ng trabaho para may mapakain sa kumukulo kong tiyan. Siya ang nagturo sa akin sa pasikot-sikot dito sa siyudad.

Sobra pa sa sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. Wala ng sorpresa sa mukha ko ng malaman na kilala ni Boss Lala si Acades, ang rinig ko mula kina Aljoe ay isa si Boss Lala sa mga negosyante na kumukuha ng suporta sa organinsasyon ni Acades.

"I will have someone to fetch you later on, babe. You go shopping and pamper yourself first, later I will take you on a date." Huminto ang sasakyan ni Acades at awtomatikong naging alerto ang mga tauhan niya sa loob at labas ng bahay.

Tumingin ako sa kaniya, gusto ko siyang tanungin kung saan siya pupunta. Nagdadalawang-isip pa ako pero alam kong sa ekspresyon pa lang niyang nag-uudyok ay gusto niyang ilabas ko ang nasa isipan ko. Matamis at mahinhin akong pinamulahan ng pisngi, dumukwang ako sa kaniyang kandungan at pinatakan ng halik ang labi niya. Lumayo ako ng kunti at nakitang mukhang nagulat siya pero madalian lang itong napalitan ng kumpyansang ngiti.

"Saan ka pala pupunta, Acades?" Magkalapit pa rin ang mukha naming dalawa.

Lumingkis ang mga kamay niya sa beywang ko at nanatili lang ito doon, "I need to do something illegal, it's bad for you, so, you stay here. Pero parang gusto ko na lang dito, I want this." Pinisil niya ang kaliwang utong ko kaya napapikit ako sa sakit at sarap!

Umawang ang labi ko ng maramdaman ang mga halik niya sa leegan ko.

"Ouhmm..."

Kumuyom ang kamay ko sa suot niyang itim na dress shirt at dito kumuha ng lakas ng maramdaman kong lumipat pababa at pataas ang mga halik niya, nag-iiwan ito ng kirot pero mas nangingibabaw ang kiliti. Parang may mga paro-paro ang tiyan ko dahil sa hiya at kilig ng halikan niya ang mga labi ko. Hindi gaya ng nauna ay mas malumanay at may pag-iingat niyang kinagat-kagat ang labi ko.

"I love you, so damn much. Your kisses turn me on really bad, and I can't control myself when I'm with you." Sobrang namamangha ako sa dilaw niyang mga mata. Para kasi itong nagkukulay ginto kapag nagsasalita siya ng mga salitang nagpapasikip ng dibdib at nagpapatibok ng puso ko ng sobra! Tumango ako sa kaniya habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi minolestiya ng sakaniya.

"Sabihin mo, baby. Akin ka lang. Tell me you love me." Hindi ito utos. Dahil ang mga mata niya ay nagsusumamo. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko ang ganito— may isang lalaking magsusumamo na marinig kung gaano ko siya ka mahal.

"Mahal kita, Acades. Sa'yong-sa'yo lang ang puso ko." At alam kong iingatan mo ito.

Hinalikan ko siya ulit bago lumabas ng sasakyan. Ayaw na raw niyang bumaba kaya hinintay ko na lang siyang umalis. Umikot ako sa gilid niya at binaba niya ang salamin.

"Don't forget what I said, pamper yourself. I will pamper you later. I love you." Iyon lang at pinaharurot niya paikot sa malaking fountain ang sasakyan at lumabas na ito kasunod ang tatlong sasakyan ng PBG niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan ng natakpan ng pasaradong gate. Malapad pa rin ang mga ngiti ko ng pumasok ako sa loob ng bahay niya. Palaging sinasabi ni Acades na kung ano ang sa kaniya ay ituring kong akin pero hindi ko kaya. Kung iisipin ko na akin itong bahay niya ay 'di ko talaga maatim. Masiyadong matayog na ang pangarapin ang ganitong pamumuhay, dahil kontento na ako sa atensiyon niya.

Pumasok ako sa loob ng kusina at hinanap si Nat Eda. Si Nay Eda kasi ang nagbigay ng suhestiyon sa akin na may kakilala raw siyang may coffee shop at sabi niya sa akin na maganda doon magtrabaho.

"Oh, bata ka, may lagnat ka ba at namumula iyang pisngi mo?" Lumabas si Nanay Eda mula sa pantry area. May bitbit itong lemon juice.

Umiling ako, "Hindi naman po, Nay Eda. Mainit lang po sa labas. Pinuntahan po kasi namin ni Acades kanina 'yong dating boss ko sa club para personal na pasalamatan."

"Ay magandang balita nga 'iyan, anak. Alam mo, nahabag talaga ako ng sinabi sa akin nitong si Aksel na ganoon pala ang trabaho mo dati. Hindi ko lubos maisip ang isang anghel sa ganoong trabaho." Lumapit sa akin si Nay Eda at marahang hinaplos ang aking pisngi. Ngumiti ako sa kaniya dahil mukhang nag-aalala talaga siya sa dating trabaho. Hindi ko kinakahiya na ganoong klase ng trabaho ang bumuhay sa akin at sa mga kinikilala kong magulang.

"O siya at maupo ka d'yan dahil ipapatikim ko itong lemon juice na ginawa ko. Maganda ito sa mainit na panahon." Giniya ako ni Nay Eda sa isang upuan sa harap ng kitchen island. Nasa harapan ko siya at nilagyan ang isang baso ng malamig na inumin.

Nag-uusap lang kami ni Nay Eda sa mga bagay-bagay ng sumagi sa isipan ko ang pamilya ni Acades. Kinikimkim ko lang ito sa isipan ko pero gustong-gusto ko talagang tanungin si Acades ukol dito.

"Ah n-nay, pwede po bang magtanong?" Uminom ako ng kunti sa inumin bago tiningnan si Namay Eda na may malaki pa rin ang ngiti sa mukha. Kahit saang angulo ay ang ganda at bait talaga ni Nanay. Kaya siguro kampanti ako kapag nasa bahay ni Acades.

Dahil hindi na ako nag-iisa.

"Bakit anak? Papaturo ka sa paggawa nitong lemon juice? Madali lang 'to!" Mahina kaming natawa sa sinabi niya. Alam na alam na niya talaga ang mga gusto kong gawin pero ngayon hindi lang lemon juice ang gusto kong matutunan.

"Napansin ko kasi na walang kasamang pamilya si Acades? N-nasaan po pala sila Nay?" Nalibot ko na ang buong bahay ni Acades pero wala akong nakitang kahit anong larawan maliban na lang sa malaking painting ng mukha ko sa kwarto ni Acades.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ng marinig ang tikhim ni Nay Eda. Sa ekspresyon pa lang niya ay alam kong hindi niya ito masasagot.

"Kit anak, alam ko na may mga bagay na hindi mo pa alam tungkol sa nobyo mo. Masiyadong masikreto si Aksel. Oo, alam ko ang tungkol sa pamilya niya pero wala ako sa lugar na magsalita ukol dito. Gusto kong si Aksel na mismo ang magsabi sa'yo ng mahahalagang detalye ng buhay niya dahil alam kong dadating ang araw na magiging parte ka rin dito at isa ako sa mga taong masisiyahan sa balitang 'yan." Ngumiti si Nay Eda sa akin at pinagtiklop ang aming mga kamay sa isang kuyom.

"Magtiwala ka lang sa alaga kong 'yon ha." Tumango ako.

"May tiwala po ako sa kaniya, nay. Mahal ko si Acades kaya magtitiwala ako." Umikot si nanay Eda at mahigpit akong niyakap.

"Malaking pasasalamat ko sa panginoon dahil isa kang anghel sa buhay ni Aksel. Dahil sa'yo ngumingiti na ang inalagaan ko ng ilang dekada. Malaking bagay 'yan para sa akin." Naluha ako sa mga sinabi ni Nay Eda. Gusto ko tuloy magkaroon pa ng malalim na parte sa buhay ni Acades para makita at malaman ko mismo ang Acades na minsan lang niyang ipakita sa akin.

Nagkwentuhan kami ni nanay Eda habang tinuturuan niya ako sa paggawa ng lemonade. Pumasok ang isa sa mga naka-unipormeng tauhan at binalitang nandito na ang sasakyan ko para sa sinasabi ni Acades kanina. Sumama ako sa tauhan at pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay kaagad akong tinabihan nila Aljoe at Albee. Para tuloy akong importanteng tao nito, lalo na sa nakita kong limang itim na sasakyan na pianapagitnaan ang isang puting limousine.

"Akala ko ba shopping lang?" Ang tanong ko sa sarili.

Naramdaman ko ang vibration ng hawak kong cellphone at nakita ko ang pangalang ni Acades dito. Maliban kina Lolo Ambo, Lola Sanny, at nanay Eda ay siya lang ang nasa phone contacts ko.

From: Daddy Acades

Enjoy your day, baby. Get anything you want. I love you.

To: Daddy Acades

Mahal din kita, hon. Mag-ingat palagi, at tsaka marami na akong gamit dito kaya magtitingin lang ako.

Palaging may regalo sa akin si Acades lalo na kapag natatagalan siya sa trabaho kaya sinasanay ko na ang sarili ko sa ganito. Napatingin ako sa nakahilerang sasakyan at sa taong lumabas sa puting limousine. Yumuko ito sa harapan ko.

"Good afternoon, Sir Elorde. The Solaire Hotel and Casino Manila is glad to serve you for the day per request of Mr. Zapanta. I am Renato, your driver for today, please get in." Magalang ang boses niya at binuksan ang sasakyan.

Mahirap ako pero 'di ako mangmang sa kung ano ang ibig sabihin kapag Solaire ang pinag-uusapan. Mga bigatin lang ang nakakapasok d'yan dahil sa maraming rason at nangununa na ang malalaking presyo ng mga paninda dito. Inabot ng isang kasambahay ang itim na handbag ko at tuluyan ng pumasok. Sinuot ko ang Lexington shades at huminga ng malalim.

.

.

.

.

.

Note: Follow niyo ako sa Instagram guys! May naka-follow na sa akin dun na mga readers at nakikipag-usap ako sa kanila. Ang cute ng mga requests sa updates haha! My username is writelike.jesooon on Instagram.

٩ ˘ ³˘۶

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro