Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

secured

ELORDE'S POV

Kanina pa kami naglalakad at halos lahat ng mga nakikita ko ay nagugustuhan ng mga mata ko. Oo, simpleng tao lang ako pero nangarap din naman ako na pagdating ng panahon ay makabili at maisuot ang mga mamahaling gamit. Alam kong masiyadong mataas ang pangarap ko, ngunit tinuruan ako ng mga magulang ko na walang bayad at walang limitasyon ang mangarap.

Tiningnan ko sa gilid ng mata ko si Acades na mukhang hindi nagugustuhan ang pagtanggi ko sa mga pinapakita ng mga salesclerk. Hilaw akong napapangiti sa kaniya.

Nandoon na tayo sa mamahaling presyo na 'di ko afford, pero mas nadagdagan na rin siguro ito ng kaba. Kinakabahan kasi ako sa kung papaano ang kalalabasan nitong paglabas namin.

Maimpluwensiya si Acades, nalaman ko 'yan dahil sa pangalan pa lang niya. Walang-wala ang yaman ng ibang tao sa yaman niya at sa pamilya nila. Kaya ano nalang ang sasabihin ng tao sa kaniya at sa akin dahil sa tagpong ito? Gusto kong maging makasarili at akuin si Acades hangga't abo't-kamay ko ang atensiyon niya sa ngayon pero ayaw ko rin na masabihan siya ng mga masasamang salita dahil kasama niya ang isang bakla.

"How about this, sir? This is a high-end brand, a newly released designer dress. This would look perfect on your paper white skin, sir." Paliwanag ng babaeng salesclerk.

Nahihiya akong tumingin sa babae at sa damit na bitbit niya. Ang ganda nito. Kulay pilak at kumikinang sa tama ng ilaw. Mula dito ay napatingin ako kay Acades na walang paki-alam sa ibang tao dahil tuon na tuon ang atensiyon niya sa akin.

Tila ba naghihintay siya sa pagtango ko. O sa desisyon ko. Alam kong kanina pa siya nababagot pero ano naman ang magagawa ko? Oo, siya ang magbabayad pero may hiya naman ako sa katawan!

"A-Ah, sige ho. Susubukan ko 'yan." Ang sabi ko. Hindi man lang umalis ang mapanuring tingin sa akin ni Acades.

Tumayo ako at bago pa umalis ay kinuha ko ang magazine sa glass table at inabot sa kaniya.

"Alam kong nababagot kana kaya pwede naman tayong umuwi matapos kong subukan ang damit. Sa ngayon ay magbasa ka na muna..." Pampalubag loob ko sa kaniya.

His stares wander off to my neck at sumilay ang maliit niyang ngiti bago inalis ang paningin doon at tinanggap ang magazine.

"Take your time, hon. Don't close the fitting room, I want to see you naked." Kaagad na sumabog ang mapula kong mukha dahil sa sinabi niya!

Umalis kaagad ako sa harapan habang napapahawak sa parte ng leegan ko na kanina ay tinitigan niya. Siguro may chikinini dito dahil sa nangyari kagabi. Ang babaeng salesclerk ay inabot sa akin ang damit at maingat ko naman itong tinanggap at nagpasalamat sa kaniya. Pumasok ako sa full covered glass wall na fitting room at tinanggal ang pang-itaas na damit. Sinunod ko ang sinabi ni Acades at hindi tinakpan ang fitting room.

Kinakabahan ako sa mga presyo ng mga damit na pinapasuot sa akin ng salesclerk. Mabait naman ito pero hindi ko talaga kayang bigyan siya ng masinserong ngiti dahil natatakot ako sa presyo ng mga binibili namin.

"Bagay na bagay po sa inyo, sir." Ang nakangiting sabi ng babae. Napangiti ako ng makita ko ang sarili sa salamin. Marunong naman pala siyang mag-tagalog, siguro natatakot lang kay Acades.

Hindi naman sa nagmamalaki ako pero may laban din naman ang katawan at mukha ko, at habang tintingnan ko ang sarili, totoo nga ang kasabihan nila, maganda ka- mahirap nga lang.

Natatawa kong tiningnan ang babaeng kanina pa naka assist sa akin, "Talaga ba? Tingin mo magugustuhan niya ito?"

Napakagat labi ako sa reaksiyon ng babae. Agaran siyang tumango at may malalaking ngiti na nagtaas ng dalawang kamay para mag thumbs-up.

"Walang duda naman po 'yan. Pamigurado magugustuhan kayo ng sobra pa sa sobra ni Sir Zapanta." Ang bulong niya at tiningnan ang mapanuring si Acades na nakatingin sa akin. Nakapang de-kwatro siya ng upo, ang dalawang kamay ay nasa sofa at walang hiyang hinahagod ako ng tingin.

Ang tingin ng isang hayop na handang umabante sa isang pagkain. Ganiyan ang tingin ni Acades ngayon. Dumagdag pa ang suot at porma niya. Napaka-gwapo niya sa itim na long sleeves, ang mga mangas ay naka rolyo hangang sa siko niya, habang nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang damit at pinapasilip sa lahat ang mga tinta na nakalapat sa kaniyang mga balat. Ang sa ibaba naman ay itim na trouser at mamahaling sapatos.

Tiningnan ko ulit ang sarili sa harapan ng salamin. Halos hindi ko makilala ang sarili dahil sa mamahalin na damit. Umikot ako at natatawang sinipat ang mga detalye nito. Hindi ko mabigyang salita ang detalye ng damit na suot ko ngayon ngunit napakaganda nito. Nababagay ang ganda nito sa nakakasilaw na presyo.

Lumabas ako sa fitting room at nilakad ang distansiya namin ni Acades kasama ang mga shopping bags na binili niya para sa akin. Kanina ko pa napapansin na wala masiyadong tao sa loob at labas ng establishemento, baka kagagawan ni Acades.

Inilapag niya ang binabasang magazine at mala-tigreng sinundan ang bawat galaw ko. Naglakbay ang maiinit niyang tingin sa damit ko papunta sa halos kulangin ng telang pantalon pabalik sa kumikinang na damit. Masiyado itong maganda kasama sa kumikinang na kwintas niya.

"Acades..." Tinawag ko ang atensiyon niya. Umangat ang mapanuring tingin niya sa kagat-labi kong ekspresyon.

"You look heavenly, baby." Umayos siya ng upo at inayos ang nasa gitna ng kaniyang harapan na bumubukol bago tinapik ang isang hita niya.

Kahit kailan talaga!

Nakuha ko ang gusto niyang mangyari kaya sumunod ako at naupo sa hita niya. Inilagay ko sa leegan niya ang dalawang kamay at umayos ng upo. Nakakahiya man ang posisyon ay malakas naman ang kompyansa ko na hindi niya hahayaang may makakita sa amin na nasa ganitong posisyon.

"Gusto ko ito, Acades. Maganda. Pero hindi ba't masiyado ka ng gumagastos sa akin ngayong araw?" Ngumuso ako sa kaniya at pinaglalaruan ang buhok niya sa dibdib. Dito rin naka-pokus ang mga mata ko.

Hindi ko siya matingnan dahil nahihiya talaga ako. Kanina pa kami nandidito eh tapos ang dami na niyang nabili sa akin.

"Baby, I'm rich don't worry. Bilhin ko pa lahat dito." Ang hambog!

Uminit ang pisngi ko dahil sa hagod niya sa balakang ko. Tiningnan ko ang mauugat niyang kamay na naglalandas sa loob ng pantalon ko, masiyadong malalaki ang butas nito kaya napapasok niya ang malaking kamay.

"No buts, baby boy. I still have my surprise for you." Aalma na sana ako pero pinigilan ko ang sarili.

"Ayaw kong mag-inarte Acades kaya hahayaan kita sa kung anumang gusto mo. Masaya naman ako at sana masaya ka rin." Tinawid ko ang pagitan naming dalawa at hinalikan siya sa labi.

Mas diniin pa niya ang halikan namin gamit ang kamay niya kaya ang planong ilang segundong halik ay naging minuto. Namumula ang mukha ko ng itinayo niya ako.

"Do you want something before I take you to my surprise?" Umiling ako sa kaniya. Ako naman ay nahihiyang ngumingiti sa mga babaeng staff na nakakita sa ginagawa namin kanina lang!

"Quit smiling at them, baby boy. I'm getting jealous." Natatawa ako sa maktol niyang boses.

Isa sa mga napansin ko kay Acades ay ang walang kontrol niyang bibig. Kung ano ang gusto niyang sabihin ay 'yon talaga ang lalabas sa bibig niya. Lalo na kapag nasa kama, mahalay at bastos ang bibig nito. Hindi ko naman itatanggi na lalong nag-iinit ang katawan ko sa mga tagpo.

"Para ka kasing may problema sa kanila, Acades. Wala naman silang ginawa sa'yo eh." Ang sabi ko.

"Ipinagtanggol pa," Inilapit ko ang nakakonektang kamay sa aking labi at hinalikan ang likuran niyang kamay. Hindi ako nahihiya dahil wala namang katao-tao itong mall maliban sa sales attendants.

"Bakit nga pala walang tao sa mall, Acades? Mall ba talaga 'to?" Inalis niya ang pagkakakonekta ng aming kamay at nilipat sa isang kaliwang kamay ang shopping bags. Ang kanang kamay niya ang inihawak niya sa aking beywang. Suot-suot ko pa rin ang huling damit na napili ko.

"They're all dead, baby." Seryosong-seryoso siya habang sinasabi 'yon kaya napalo ko ang tiyan niya.

Wala naman siyang reaksiyon maliban sa nakakalokong ngiti ng makitang ako ang dumaing dahil nasaktan sa pagpalo!

"Seryoso nga kasi, Acades."

"I rented the whole place for you." Sabi niya na parang baliwala lang ang sinabi.

"Bakit naman? Diba mas masaya kapag maraming tao?" Napakagat labi akong iniisip na kaya niyang rentahan ang isang mall para sa akin. Gaano ba kayaman ang taong 'to?

"That would be fun, but I want your comfort, baby. This is my first time treating someone and all I want to do is to make you feel special. Nothing less." Namumula ang mukha at nakatungo ko na lang sinabayan ang lakad niya.

"Masiyadong matatamis ang mga sinasabi mo, Acades. Baka langgamin tayo niyan ah!" Tumatawa ko siyang sinusundot sa tagiliran at tagumpay ako ng makita ang isang mapaglarong ngiti sa labi niya.

Maliban sa may magagarang pagmamay-ari si Acades, may business, at mayaman ay 'yan lang talaga ang alam ko sa kaniya. Tiningnan ko ang iba sa mga tauhan niya na dala-dala ang mga damit shopping bags. Natatawa ako dahil ang angas nila para sa ganitong trabaho. Bitbit nila ang mga shopping bags at nakasunod lang sa amin.

"I'm dead serious, baby. I guess a hint of cheesiness won't kill the fun right?" Tumango ako at hinigpitan ang kapit sa braso niya.

"Nasabi ko na ba kung gaano ka kagwapo ngayon?" Tiningala ko siya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Nakakunot at seryoso ang mukha niya pero kapag ibinababa niya ang paningin sa akin ay lumalambot ito at ang pirming labi ay may ngiti. Ang maginaw na mata ay nagiging mainit sa bawat hagod niya sa mukha ko ng tingin.

"Not quite, baby. Why? Gwapo ba ang boyfriend mo?" Natatawa akong tumango sa kaniya. Halata rin kasi sa boses niya ang halong banyaga. Ang hot at cute nga pakinggan eh.

"Pero bakit boyfriend? Hindi mo pa naman ako tinatanong ah at hindi pa kita sinasagot!" Tinutukso ko lang siya pero bigla siyang nahinto sa paglalakad kaya tiningnan ko siya na nagtatanong.

Sobrang seryoso ng mukha niya at gwapong-gwapo sa tindig niya. Ang seryoso niya pero ewan ko ba at natatawa ako sa kadahilanang huminto talaga siya dahil sa sinabi ko.

"What did you just say, baby?" Malalim ang boses niya pero nakanguso ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang libreng kamay niya at tiningala siya.

"Totoo kaya ang sinabi ko. Una, hindi mo pa ako tinatanong kung gusto mo ba akong maging boyfriend. Pangalawa, hindi rin naman kita sinagot kaya tama lang na walang label ang relasyon natin, Acades Acel Zapanta." Tinawag ko siya sa buong pangalan para mas inisin siya. Nakakatakot na nakakatawa ang mga tingin niya sa akin ngayon.

"I'm your boyfriend, baby. We already kissed and fucked, so technically I'm your boyfriend now. Wait for my proposal and I'll make you my husband, baby boy."

Napahiyaw ako ng walang pasabing kinarga niya ako na parang isang sako sa kanang balikat niya. Pinagpapalo ko ang matigas niyang likod pero isang palo lang sa puwit ko ang nagpatigil sa akin!

"Stay still or I'll fuck you her in this instance. Choose wisely, baby boy." Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya. Nakikita ko ang mga staff na nakatingin sa amin. Ang iba ay kumukuha pa ng larawan pero kinukuha ito ng mga tauhan ni Acades.

"Ibaba mo na ako, please." Ang nakanguso kong sabi. Alam kong hindi niya ako nakikita pero ramdam ko ang mga ngiti niya sa pagsusumamo ko.

"The magic word, baby?"

"Please, daddy,"

"Good boy." Isang palo ang binigay niya bago ako binaba. Nakanguso lang ako habang tinitingan siyang binunuksan ang pintuan ng sasakyan namin.

"Hope in, baby boy. I'll take you to your birthday gift." Sa buong durasyon kasi ay iniisip ko ang mga sinabi niya. Hindi ko naman sinabi na kaarawan ko ngayon pero pinaalala niya sa akin na may halaga pa rin talaga ang araw ng kapanakan ko.

Sa tanang buhay ko iniisip ko na hindi naman mahalaga ang kaarawan dahil wala namang magandang naidulot ang araw na ipinanganak ako sa mundo. Kung hindi pinaalala ni Acades ay baka hindi ko rin matandaan na ngayon pala ang kaarawan ko. Para sa akin normal lang na araw ang araw ngayon, walang espesyal pero si Acades, siya ang nagpa-espesyal sa araw na ito.

"Hindi ko alam kong papaano mo nalaman pero maraming salamat, Acades. Ikaw ang naging dahilan kung bakit espesyal ang araw ko ngayon. Maraming salamat talaga." Dahil kung hindi ka dumating ay baka kumakayod pa rin ako ngayon at kinalimutan na ang kaarawan.

Naalala ko tuloy si Ram, isa kasi siya sa mga taong gumagawa ng paraan para kahit kunti man lang ay sumaya ako sa kaarawan ko.

"I'm always down when it comes to you, baby. Tandaan mo 'yan. I will always make things for your smiles." Ang mga salita niya ay sinsero at kulang na lang ang mga katagang mahal namin ang isa't-isa para maging perpekto ang okasyon.

Naging tahimik ang byahe namin kung kaya't nakatulog ako. Nagising lang ako ng maramdaman na bumukas ang pintuan sa giliran ko. Napatingin ako sa taong nagbukas at kaagad na lumawak ang ngiti ko dahil sa gwapo at seryosong mukha ni Acades. Siya rin mismo ang nagtanggal ng seatbelt at inalalayan akong makalabas sa mamahalin niyang sasakyan. Humikab ako at nag-inat ng katawan habang nakatingin lang si Acades sa akin na parang wala ng ibabang mas mahalagang bagay sa mundo. Uminit ang pisngi ko dahil sa isipin.

"Ang sabi nga nila, mas guma-gwapo raw ang lalaking may ngiti." Tumingkayad ako at inabot ang seryosong mukha niya. Pinaghiwalay ko ang nakakunot niyang kilay at hinalikan ang labi niya pagkatapos.

Gaya ng ibang halikan namin ay pina-ilalim niya ang halikan namin gamit ang eksperto niyang mga labi at mapanuksong dila. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdidb habang naramadaman ko ang mga kamay niya sa leegan ko.

"You look heavenly, baby." Ang sabi niya muli sa mga katagang narinig ko na galing sa kaniya. Naalala ko na sinabi niya na rin sa akin 'yan kaya napangiti ako sa kilig.

"At sobrang gwapo mo, Acades." Isa pang halik ang ginawad niya bago inihawalay ang katawan namin. Hinawakan niya ang aking kamay at umalis sa pagkakaharang kung kaya't mas nakita ko ang buong lugar.

Napa-awang ang labi ko at napatakip sa bibig dahil hindi ako makapaniwala! Ang galing! May mga eroplano at may mga chopper! Ang gaganda pa nila dahil iba-iba ang kulay!

Napatingin ako sa kamay namin at punong-puno ng emosyon ang aking puso. Sa sobrang tuwa ay hindi ko mapigilan ang maluha. Ito na ba ang kabayaran sa mga paghihirap ko? Ito na ba ang bayad sa mga luha, pawis, kahihiyan, at pagsisikap ko? Dahil kalabisan man, aangkinin ko ito. Kalabisan man para sa iba pero gusto ko sana totoo ito.

"Totoo ba talaga 'to? Hindi ba ako nanaginip?" Dahil ayaw ko ng magising kung panaginip man ang lahat.

"This is real, baby. Now, quit crying and give this man your love." May ngiti ang mga labi ni Damon habang hinalik-halikan ang mga kamay ko.

Totoo nga. Totoo nga ang mga ito! Ang lalaking ito ang binigay sa akin ng panginoon. Kalabisan man pero sana sa akin na lang itong lalaking 'to.

"Akin ka na lang," Ang bulong ko at hindi napigilan ang isubsob ang mukha sa malawak at mala-bato niyang katawan.

Narinig ko ang mura niya at ang hagod niya sa aking likuran. Nanatili lang siyang tahimik habang pinapakalma ko naman ang sarili. Masiyado akong nagiging emosyonado pagdating sa mga sorpresa ni Acades sa akin.

"I asked for your kisses hon, not your tears. What would I do to erase the pain in your heart? Tangina hindi ko lubos maisip that a crying boy could hurt me." Napapangiti ako sa mga salita niya. Ewan ko ba at caliber na yata talaga ng mga gwapong lalaki ang pagiging palamura. Pero siya ang pinaka-gwapong lalaki na narinig kong nagmura.

Tiningala ko siya at ngumuso. Kapag siya ang kaharap ay para bang lumalabas ang side ng isang Elorde Sol na nakatago at naka-reserba para sa taong ito. At masaya akong siya ang kauna-unahang lalaki na nakakita at nabigyan ko ng ganitong atensiyon.

"Ang gwapo mo na sana, palamura lang hehe." Nakita ko ang pagkislap ng mga dilaw niyang mata. Tila ba mangha sa narinig. Sa lahat 'ata ng lalaki siya lang ang nakitaan ko ng ganitong kulay ng mata. Kakaiba at wala ng iba pa.

"I'm handsome baby, that's for sure." Idiniin niya ang aking katawan gamit ang dalawang kamay niya sa bawat beywang ko at ibinaba ang labi para mahalikan ako sa noo, "And you're the cutest innocent little devil I ever glanced to." Isang masuyo at mainit na halik ang ginawad ni Acades sa nakaabang kong mapupulang labi.

Humiwalay at ninakawan pa niya ulit ako ng halik bago tuluyang lumayo sa naka-awang kong labi. Gusto ko pa sana eh. Nakaka-adik ang mga halik niya.

"Gusto ko pa, daddy." Napakagat labi ako ng maramdaman ang paghigpit ng kaniyang hawak sa aking katawan.

Mainit at senswal na naglalakbay sa aking gilid.

"Eyes on me, baby boy." Batas at utos ang mga salita niya. Tiningnan ko siya.

Isang malamig na ihip ng hangin ang nagpa-alala sa akin na nasa labas pala kami. Malamyos at malamig ang simoy ng hangin. At sa maliwanag na lugar ay klarong-klaro sa aking paningin ang kayumangging balat ni Acades. Dahil sa kaniyang mga tattoo na lumalabas sa leegan at sumisilip sa dibdib ay mas lalo lang itong dumagdag sa angking kakisigan.

"Angkinin mo ako, daddy." Ang bulong ko sa kaniya at tagumpay naman ako sa nakuhang reaksiyon.

"Such a tease, baby boy. Maswerte ka dahil nasa labas tayo, not that I would mind fucking your sexy ass out here. But thinking of men watching you moan for me is a fuck-up idea. I would want you screaming beneath me, only for me, baby boy."

Tila nawalan ng lakas ang aking kalamnan dahil sa mga sinabi niya. Gaya ng nakasanayan ay hindi tipo ni Acades ang magpaligoy-ligoy, diretso ang mga salita at walang preno ang kaniyang bibig.

"Do you understand daddy, baby boy?"

"Y-Yes, daddy..." Yumuko ako at napakagat labi.

"Damn, good. Now, be a good little boy and let me show you your birthday gift. Close your eyes for me, babe. Pagkabilang kong tatlo, I want you to open your eyes." Ginamit niya ang kanang hintuturo para i-angat ang aking paningin. Ang kaliwang kamay naman ay naglabas ng isang panyo at pinaheran ang aking namamasang mata. Tumango ako at may maliit na ngiting binitawan ang pagkakahawak sa malapad niyang beywang.

Isang mainit na halik ang ginawad niya kasabay ng malamig na hangin. Umatras siya na nakatingin pa rin sa mga mata ko bago ako talikuran at naglakad sa parte ng airport na may kadiliman.

Nakikita ko naman na parang may kung anong kulay pula na ilaw na nagmumula dito. Nakatayo lang ako at napapahawak sa salawal ng magarang damit na suot-suot ko. Pinalibot ko ang tingin at wala akong makitang ibang tao maliban sa mga tauhan ni Acades na naka-uniporme sa usual nilang kasuotan. Napapansin ko rin na kahit sa kadiliman ay nakasuot pa rin ito ng mga shades kung kaya't hindi ko nakikita kung saan sila nakatingin.

Ibinalik ko ang tingin sa likuran ni Acades at nakita ko dito... May isang baril na nakalagay sa likuran niya pero 'di ko na lang ito pinansin.

Kung dadating man ang panahon ay gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin ng kaniyang totoong buhay. Masiyadong malalim ang bangin sa buhay ni Acades, pero kung bibigyan niya ako ng pagkakataon ay sana payagan niya akong bigyan ng ilaw ang madilim niyang buhay.

Oo at madilim ang buhay ko, gaya ng sa kaniya pero nararapat ba na madilim ang buhay namin habang buhay? May rason ang panginoon sa kung bakit niya kami pinagtagpo.

Ipinikit ko ang mata na may ngiti, at sa senyales niya ay malalawak pa rin ang ngiti kong sinalubong ang mga salita na nagpalubag ng aking puso.

"Baby boy, I want to show you the world. I thought of something big and grand for your birthday, but I know you want it simple and intimate. Iyan ang nakasanayan mo pero hayaan mo akong sanayin ka sa mundo ko.

I don't and I'm sure that I'm not a romantic man, damn, I'm even cursing while giving this hell speech but for you, I will give everything. Let me spoil you forever, little devil. Will you let me, 'cause hell know I won't let you go. No escaping, baby. You're mine and mine alone, so don't think of going away, you and your smiles have me smitten, I love you! There I said it!"

Binuka ko ang naluluhang mga mata at napatakip sa bibig para pigilan ang kumakawalang hikbi. Mula sa kaniya ay umilaw ang buong paligid at dito ko nakita ang isang eroplano na nakapangalan sa akin! Kulay itim ito at punong-puno ng kakinangan! Literal na nag-abot sa lupa ang bibig ko habang mahinang naglakad sa direksiyon ni Acades!

Oh, diyos ko! Totoo ba 'to? Napatingin ako kay Acades na may hawak na kumpol ng bulaklak at sa likuran naman niya ay si Morgan at Xander na bitbit ang malalaking stuff toy! Bumalik ang tingin ko kay Acades at hindi makapaniwala! Hindi labis ma-proseso ng isipan ko ang nakikita. Sinipat ko ang mukhang pribadong eroplano na may pangalan ko.

"Elorde..." Ang basa ko dito.

"A-Acades... Ano 'to? E-Eroplano talaga?" Ang hindi makapaniwalang tanong ko at naupo habang nakatakip pa rin sa bibig ang aking kamay. Hindi ako makapaniwala!

Lumapit sa'kin si Acades at tinayo ako. Dito ko siya inambaan ng yakap at naiiyak na pinalo ang matitigas niyang braso. Gusto ko mang pigilan pero hindi ko magawa dahil nag-unahang lumabas sa aking mga mata ang masasagana kong luha.

"You have me all caught up with your innocent face, baby. This birthday surprise is nothing compared to the life I'm willing to give and spoil you. Just say the word, baby. Ulol na kung ulol."

Naririnig ko ang sigawan at panunukso ng mga kaibigan ni Acades pero wala akong pakialam gaya ng walang pakialam na titig ni Acades sa akin. Ang mga mata niya ay kumikislap habang walang bahid na kapaguran niyang pinahid ang mga luha sa mata ko.

"Hindi ko naman deserve ang ganito Acades eh. Ikaw lang sapat na. Hindi ko kailangan ang magarang buhay, o ito, ang mga magagara at ma-presyong bagay dahil ang atensiyon at simpleng yakap mo sa mga panahon na kailangan kita ay sapat na. Sobra-sobra ka na, Acades. Paano na kita mababayaran niyan?"

Nanginginig ang labi ko habang sinasabi 'yon. Kahit na sa sitwasyon kong umiiyak ay 'di ko mapigilan ang mahawa sa ngiti niya.

"No matter what you'll say, I'll make you my queen, baby. Kumbinsihin mo na kahit sino pang tangina 'yan hindi na mababago ang isipan ko." Mainit at komportable ang yakap niya. Lumayo ako sa kaniya at mahina siyang tinulak. Nag-abot pa ang kilay niya dahil sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag.

"What the fuck, baby? Ayaw mo? Tangina!" Malulutong na ang mura niya pero pinigil ko siya.

Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin. Bitbit pa rin ang bulaklak. Kailanman ay hindi mawawala sa memorya ko ang gwapong-gwapo na si Acades habang nakatayo at may dalang bulaklak.

"Mahal kita..." Ito ang nagpatigil sa kaniya.

Tiningnan niya ako at unti-unting nawala ang masusungit niyang tingin. Pumalit dito ang malapad at tila proud na ngiti.

"Tangina edi tayo na!" Ang malakas at malutong niyang mura. Natatawa naman akong tumango. As if hindi pa niya ako naging boyfriend.

Naghiyawan pa ang mga tauhan niya pero mas malakas pa rin ang sa dalawa niyang kaibigan. Kinabig niya ako at hinalikan sa labi. Naramdaman ko ang matamis at masayang ngiti naming dalawa sa pagitan ng aming halikan. Binitawan niya lang ang paniguradong namamaga kong labi matapos magmura ulit. Masaya ako dahil sa kahit ganito ay opisyal pa rin niya akong tinanong kung gusto niya ba talaga ako.

"Sobrang saya ko, Acades. Sobra-sobra ang saya ko. Salamat!" Madamdamin kong sinabi 'yon habang ginigiya niya ako sa loob ng pribadong eroplano.

"I'm in heaven right now. Ang marinig na mahal mo'ko ay sapat na sa gabing 'to, baby."

Tiningnan ko siya at tiningala, "Sa gabing lang na ito? Eh papaano sa susunod? Hindi mo na ako mahal, ganun?"

"Fucking no, baby. The moment you said yes, you just gave this demon the whole control of your life. Dahil akin ka, akin ka lang. Mula ulo hanggang paa, tandaan mo akin ka lang. I will kill for you, baby. That's how fuck I am for you."

Dapat ba akong matakot? Dahil sa mga oras na ito walang ni-katiting na takot ang naramdaman ang puso ko. Bugso ng damdamin at pagmamahal para sa lalaking 'to ang naramdaman ko.

"Mahal rin kita, Acades. Handa akong talikuran ang lahat makasama ka lang."

"Better be, baby." Ang proud at taas noo niyang sabi.

-

"Target, secured..." I said through the phone, smiling for my near victory.

.

.

.

.

.

Note: Hahabol si Eludes at Havoc tomorrow po. Hindi ako sanay na walang update magabi kaya ginawa ko ito. Medyo may kahabaan pero sana nag enjoy kayo! Good night!

⋆。 ゚☾ ゚。 ⋆

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro