Chapter 1
hard
ELORDE'S POV
Palagi nalang ganito. Kailan ba matatapos ang sakit at pighati sa mga puso ng mga tao? Naitatanong ko sa aking sarili kapag ginagawa ito, ano ba ang meron ng iba para sila ay mas maging malaya? Kamahal-mahal? At maswerte sa buhay?
Swerte. Mula pagkabata ko, ang sarili na 'ata ang pinakamalas na nakilala ko.
Lumaki na walang kapiling na magulang maliban sa mga matatanda, pumuntang Maynila para mag-aral pero sa kasamaang palad ay dinaganan ng malaking kamalasan. Ang maghirap ng todo.
Kayo ba? Minsan niyo na ba naitanong ang mga ganitong bagay sa mga sarili niyo? Yung iiyak ka kasi hindi mo makuha ang bagay na gusto mo?
Ang mga kaedad ko ngayon ay masasaya sa mga buhay nila, may problema, oo naman. Pero hindi rin katindi ng sa'kin. Siguro iiyak sila dahil hindi nabilhan ng cellphone o yung mga mamahalin at sikat na mga bagay ngayon. Pero ako ay iiyak dahil hindi mabilhan ng gamot ang Lolo at Lola. Ang mature na kung mag-isip. Nasanay na rin. Nasanay na ako.
Nagreklamo ba ako? Siguro ay hindi mo na mabibilang ang mga araw, oras at pagkakataon na umiyak ako ng palihim habang kinamumuhian ang panginoon na meron ang iba. Pero nakuha ko ang punto ng buhay na sa halip na magreklamo ay maghanap nalang ng trabaho, pera, at mag purisgi ng mabuti. Dahil sa huli, ikaw at sarili mo ang tanging aasahan mo.
Sabi nila napakabuti ng panginoon pero bakit may naghihirap? Bakit kailangang magdusa habang ang iba ay nagpapakasasa sa kayamanan nila? Bakit ganon? Bakit ganito ang mundo?
Sa tanang buhay ko hindi ko naranasan ang maging isang taong malaya; ang maging masaya kasama ang mga kapwa tao. Dahil halos ng mga tingin ng tao sa akin ay nakakadiri at walang mararating.
Ganito ba ang isang taong dapat magpasalamat sa panginoon? Ang ibang tao ngayon ay mahimbing ng natutulog pero ako nakalambitin at nagpapakahirap para mabuhay ang sarili at ang mga taong naka-asa sa akin.
Bumalik ako sa tunay na mundo ng madapian ako ng kamay ng isang nakakadiring lalaki. Hindi ko man gustuhin ay wala akong nagawa pero kimkimin ang galit at ipagpatuloy ang pagsasayaw.
Sa gitna ng entablado, isang tao ang nakalambitin at nagsasayaw na kulang na lang ay maghubad ng buong damit.
Pinagsisigawan at hinihipuan, kinuktya ng mga lasinggo, at tinatapunan ng mga pera. Walang magawa ang taong ito bagkus ay lunukin ang sakit ng buhay, sa isipan niya ay wala namang magbabago, nasanay na siya.
At ang taong 'yon ay ako...
"Ganiyan nga! Sige pa, giling! Tangina ang sarap mo!" Pinikit ko ang mga mata ko para hindi makita ang mga taong nanonood sa bawat galaw ko.
"Pare ang seksi! Pwede ng gawing kabit! Ang sarap i-kama eh!" Hayop sa hayop, kailangan nilang magpasasa sa kung ano ang kailangan nila, at ang makita ako na magsayaw sa entablado ang nagpapa-init ng kalamnan nila.
"Wohoooo tanginang kinis ng katawan 'yan!" Lumiyad ako at pinakita ng husto ang paggiling ko sa dance pole na nasa gitna.
Mapupula ang mga labi, nakaka-akit ang mga mata, at malambot na kamay ang hinahagod sa sarili. Ni-hindi ko maramdaman ang hiya sa katawan ko kahit sa kakarampot na damit.
Walang lugar ang hiya sa trabaho ko, libre lang ang magsisigaw sa galit pero ang mahiya ay parang nahihiya ka na rin sa pera.
Sayaw sa makamundong pagnanasa ng mga tao habang kumikinang ang lugar, pero ang kinang na ito ay wala sa kinang ng mga niluha ko.
"Ganiyan nga, giling pa! Sige pa! Tanginang pang-upo na 'yan ang sarap dilaan!" Nakakatindig balahibong musika, pero hindi dahil sa saya kundi dahil sa mga pagnanasa ng iba. Sigawan ng mga kalalakihan, pero hindi dahil sa saya ngunit sila ay kulong sa makamundong pagnanasa.
Sino-sino nga ba ang mga lalaking gusto na akong maikama? Politiko, mga pulis, may asawa, mga binatilyo at iba pa. Pare-pareho lang sila! Halang sa bituka at laman ng pagnanasa! Pero tingnan mo sila, ang mga taong ito ay ma-pera, maginhawa ang buhay, pero bakit ganiyan sila umasta samantalang ako na sana ay mabuti ay walang magawa kung hindi ang magpakasasa sa kanilang nakakadiring papuri?
Nasaan ang hustisya? 'Asaan ang equality na sinasabi nila?
Tinapos ko ang sayaw ko at kaagad na siniguradong maipitan sa manipis na telang nakatabon sa ibabaan ko ang mga perang inipit ng mga lalaking yun. Nakakababa man ng puri ay pinulot ko ang mga pera na nasa sahig. Nagtatakbo akong pumunta sa dressing room at nagsuot ng jacket.
Hindi ka na nasanay pa Elorde. Napatingin ako sa sarili sa salamin, ito ang mukha at katauhan ng isang binatang bakla na desperada sa tingin ng iba.
"Tiba-tiba ka na naman ngayong gabi, Lord ah. Nandiyan ang usual mong tagahanga eh." Binalingan ko ang babaeng kakapasok lang sa mabahong dressing room na'to.
Hindi ko na lang siya pinansin bagkus ay kinuha ko ang damit na suot-suot ko kanina papunta dito at naglakad papunta sa iisang banyo at palikuran sa dressing room.
"Magbibihis ka na? Rinig ko ang usapan nila Boss Lala at sa anak ng Gobernador na yun ah, interesado 'ata sayo." Pinagpatuloy ko ang pagbihis at hindi binalingan ang mga sinabi niya. Palagi namang ganiyan. Sanay na ako.
Maraming lalaki ang naghahabol sa akin lalo na't nakita nila akong magsasayaw sa pisteng entabladong yun pero ni isa sa kanila ay wala akong pinatulan. Maraming mapilit pero dahil na rin sa back-up ni Boss Lala ay hindi nila ako nabo-book.
Di mo alam 'yan? 'Booking' ang code ng mga tao dito kapag may nagkagusto sa kanila na mga lalaking halang at gustong mapaligaya kapalit ng pera. Sabi ng mga nakasama ko ay may malaki ang bigay may kinukulang naman minsan at nananakit pa pero walang magawa eh. Si Boss Lala ang unang hahawak ng perang bayad, hatian at swerte nalang kung may nakukuha silang malaking tip.
"May booking ka ngayon?" Ang tanong ko matapos lumabas sa palikuran at sinirado ang pintuang 50/50 na ang buhay.
Ang babaeng kanina lang pumasok ay si Stella.
"May kano akong nakita kanina na panay ang tingin sa'kin, kunting akit dun at tiba-tiba ulit ako maya-maya lang." Sabi niya. Hindi ako tumango, hindi na rin ako nagsalita.
Si Stella ay hindi mo yan makikitang magsasayaw dahil isa siya sa mga babae ni Boss Lala at pambato sa booking-an. Malakas kasi ang hakot lalo na sa mga foreigner na customer.
Sa simula't-sapol pa lang ay hindi ako payag na masaksihan mismo ng mga mata ko ang ganitong klaseng trabaho kaya kahit anong anggulo ay hindi ako sang-ayon.
Sa ganitong klaseng trabaho ko nasaksihan na walang lugar sa mundo ang kamuwangan. Hindi masasagot ng kamuwangan ang kalam ng sikmura.
Humarap ako sa basag na salamin at tiningnan ang mukha. Mapupula ang mga labi, pero natural na sa akin ang mapula ang labi. Makinis din ang balat ko at mukha akong babae, pero lalaki pa rin ang ekspresyon ko. Narinig ko ang salitang androgenous kay boss Lala, ganiyan ang description niya sa akin kapag may magtanong na customer.
Kinagat ko ang labi at tinampal-tampal ang mukha para magkakulay ito. Ilang tampal pa ay nakita ko ang munting pamumula sa aking pisngi. Kinuyom ang mga kamao at tumitig sa sariling repleksiyon.
"Ito ang tatandaan mo, hindi porke't ginagawa ay payag na ako, napilitan lang ako dahil alam kong mas madali akong makakapera dito." Ang bulong ko sa sarili. Isang paalala na makakalabas din ako sa paghihirap na ito.
Gagawa ako ng paraan. Hindi ako papayag nag anito na lang palagi ang buhay ko. Kukupas ang ganda ko, ang galing ko sa pag-giling, at mawawala ang lahat sa akin. Makakalabas din ako dito.
Sa ngayon ay lulunukin ko muna ang kung anong meron ako ngayon. Kunting tiis kasama ang tiyaga. Para-paraan lang yan para mabuhay ka sa mundo. Kung hindi ka mabubuhay, paano na lang ang mga taong umaasa sa'yo? Ang mga taong ikaw na lang ang pag-asa.
Minsan sa mundo ay wala ka talagang pagpipilian, kailangan mong mabuhay at kumayod dahil walang ibang paraan. Wala na tayo sa panahon ng mga Kastila na dapat isa kang Maria Clara, ngayon kung ano ang kakayanin mo, gawin mo.
"Magpapaalam lang ako kay Boss Lala. Kailangan ko ng lumakad pauwi." Ang paalam ko kay Stella.
Makahulugan ang tingin na binigay sa akin ni Stella bago tumango. Inabot niya sa akin ang isang bagay at walang alinlangan ko itong tinanggap mula sa kamay niya.
"Mag-iingat ka sa paglalakad pauwi, tawagan mo lang kami kapag may problema, Lord."
Sabay naman kaming lumabas sa dressing room, ako ay papunta sa opisina ni Boss Lala at si Stella ay sa isang table na may kano. Kinindatan pa ako nito pero 'di ko na binigyan ng pansin.
Nasa harapan ko ang may kalumaan kung bag na naglalaman ng mga damit at kailanganin para sa club sabay madaling maglakad sa giliran at madilim na parteng bahagi ng club papunta sa destinasyon.
Sa loob ng palikuran kanina ay binilang ko ang pera na nakuha ko at aabot rin ito ng tatlong libo. Sapat na para sa maintenance ng dalawang matatanda pero alam ko sa sarili na hindi ito pasasapat sa isang linggo ko. Tiisan na naman.
Nang marating ko ang opisina ni Boss Lala o Madam Lala ay kumatok ako at sinigaw ang pangalan ko para maka-agaw ng atensiyon dahil na rin sa naglalakasang kanta ng pumalit sa akin sa entablado.
Nang marinig ko ang pahintulot mula sa loob ay pinihit ko ang siradura ng pintuan at kaagad namang sinarado ito matapos akong makapasok. Hindi gaya ng dressing room, malinis itong opisina ni Boss Lala, may TV, isang kama, lamesa niya, at may mga palamuting larawan ng mga lalaking nakahubad.
"Magpapaalam na po sana ako sa'yo, Boss Lala." Ang punto-debista kong sabi sa kaniya at doon ko lang napansin ang lalaki na naka-upo sa may pangbisitang upuan paharap kay Boss Lala, pero ngayon ay nasa akin na ang atensiyon niya.
Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa regular na kostumer dito. Walang nakaka-alam sa pangalan niya pero ang alam ko ay palagi siya dito.
"Oh, Elorde ikaw pala yan. Mag-ingat sa daan pauwi lalo pa't may mga lasing sa daan. Bago ko malimutan, ito pala ang sweldo mo sa linggong 'to. Dapat present ka sa Miyerkules!" Ang paalala niya. Tinanggap ko kaagad ang pera at pinasok sa bag.
Mahal ang mga ngiti ko kaya hindi ako masiyadong palangiti. Wala namang rason para ngumite dahil hindi rin naman ako masaya. Pero kung may magbabayad ay bakit hindi? Pera na 'yan, bago mawala ay kunin mo na, baka maging bato pa 'yan.
Malaki ang tiwala ko kay Boss Lala na hindi niya ako ipagkalulo kahit na malaki pa ang perang 'yon lalo't ayaw niya akong umalis. Kahit pa nakakadiri ang trabaho, marami ang pumupunta ditong kalalakihan na nagbabakasakaling masilaw nila ako sa pera kapalit ang isang gabi.
"Sige po, Boss Lala. Mauuna na ako." Hindi ko na binalingan ng pansin ang lalaki bagkus ay naglakad na paalis sa opisina niya. Kita ko ang pagsipat ng dalawang escort ng lalaki nang makalabas ako. Di ko na lang sila pinansin.
Itinabon ko ang bonnet sa ulo ko at pinasok ang dalawang kamay sa hoodie, sabay lakad palabas. Sinaludohan pa ako ni Kanor, ang bouncer sa labasan.
Kahit dis-oras ng gabi ay may mga tao pa rin sa daan pero kadalasan ay lasing.
May makikita kang pagala-gala at may walang paki-alam sa mundo na natutulog sa mismong sahig o daan. May makikita ka ring nagkakantutan sa giliran pero pikit lang at huwag ka na lang bumaling. Normal na yan sa ganitong lugar.
The Moonlight ang pangalan ng club na pinagtatrabahuan ko at gaya ng sabi ay si Boss Lala o Madam Lala ang nagmamay-ari nito. Siya rin mismo ang naghire sa akin at nag-training sumayaw.
"Maganda ka ah! Anong pangalan mo? Gusto mo bang magtrabaho sa akin?" Napapikit ako at napasinghot sa lamig ng maalala ko ang unang tagpo namin ni Boss Lala sa tiyanggian.
May edad na bakla si Boss Lala, iyon lang ang alam ko, may naririnig akong usapan ng iba patungkol sa buhay niya pero wala akong paki-alam doon.
May sarili akong buhay kaya bakit ako mangingialam sa buhay ng may buhay?
Linggohan ang nakukuha kong sweldo sa kaniya na limang libo, sa linggo na 'yon ay sa gabi ng Miyerkules, Biyernes at Sabado ako nagsasayaw. Tatlong gabi sa isang linggo.
Sa umaga ay nag-aaral ako sa kolehiyo sa huling taon ko sa isang paaralan malapit sa apartment ko. Tatlong araw lang din naman ako may klase, umaga hanggang gabi ng alas siyete ang klase ko sa araw ng Lunes, Martes at Huwebes.
Linggo ako nakakapahinga pero suma-sideline rin ako paminsan-minsan bilang substitute sa pagwe-waiter at tagahugas sa mga restaurant at karenderya. Kung may magpapalaba ay pinapatos ko rin para dagdag kita.
Wala na akong pamilya maliban sa Lolo at Lola na nasa probinsiya ng Maraya. Sila nalang ang natitira sa akin kaya mahalaga sila sa buhay ko lalo pa't wala man lang tumulong at nagpakain sa akin noon maliban sa kanila. Iniwan ako ng mga magulang ko at gaya ng dati, wala na akong paki-alam kung sino at nasaan sila.
Linggohan din ako nagpapadala kina Lolo at Lola para sa mga gamot nila at sa mga bilihin nila doon.
Sinipat ko ang orasan sa lumang cellphone at tama lang ang oras sa kadalasan kung uwian galing sa club. Ala-una na ng umaga sa araw na Linggo kaya kailangan ko ulit magising ng umaga mamaya para magpadala ng pera.
Mag-aaral pa ako para sa mga aralin ko. Social Studies ang kinuha ko dahil 'yon lang ang tingin ko ay mas hindi ako mahihirapan. Basta ba lang ay makakuha ako ng diploma ay okay na okay na ako dun. Diploma at diskarte ang kailangan sa buhay. Mahirap pero kakayanin. Kahit wala ng ang medalya, hindi ko na kailangan ng mga medalya, ang kailangan ko ay pera.
Distansiya lang ang lalakarin para mapuntahan ko ang apartment na tintuluyan ko. Hindi kalakihan at tama lang sa akin. Wala naman akong kasama kaya solo ko ito, idagdag mo pa na may koneksiyon si Boss Lala sa may-ari kaya madali lang sa akin na makabayad at maka-utang kung sakaling magkulang sa pera. Kung titingnan ay parang abandonadong gusali ang building ng apartment dahil sa kalumaan nito pero okay pa rin naman. Kesyo nga lang ay marami akong naririnig na kwentong katakutan dito. Ayaw ko na lang pagtuunan ng pansin dahil tatakutin ko lang rin ang sarili.
"Magandang umaga, iho. Mag-ingat ka sa itaas." Ang bungad sa akin sa gwardiya ng gusali. Isang tango ang sagot ko sa kaniya.
Tinahak ko ang hagdanan matapos isarado ang gate sa labasan. Nasa ikalawang bahagi pa ng gusali ang pwesto ko kaya lalakarin pa talaga.
Ang mga nadadaanan kong ibang apartment ay pagmamay-ari o may tumutuloy din na pamilya at mga 'strip dancer' 'show girl' at iba pang pangalan ng mga tao sa amin.
Nakakatawa lang na kung ang ibang tao ay kudos sa panglalait sa katulad kong show boy eh porke ang mga katulad daw namin ay makasalanan at nagiging dahilan ng pagkasira ng ibang pamilya.
Tinanong ko ba ang opinion nila? Hindi namin kasalanan na uhaw sa kati at makamundong pagnanasa ang mga asawa o boyfriend nila. Kung kuntento na sila sa kani-kanilang buhay ay hindi mo na dapat sila makikitaan ng presensiya sa club na 'yon.
Hindi ko ro-romansahin ang ganitong trabaho dahil ako mismo ay magsasabing hindi ito maganda, pero sana naman ay hindi madidiktahan ang buhay namin dahil lang sa trabaho at gawain. Ang iba ay may malalim na rason kung bakit nila ginagawa ito.
Nilakad ko ang pasilyo at wala akong naririnig na tunog kundi ang bagsak lang ng nalumaan kong sapatos.
Total isang pasilyo lang ang lalakarin galing sa hagdanan pagtungtong ay kaagad ko rin na narating ang pintuan ko, may numero ito. Nang makaharap ko na ang pintuan ay nasipat ko sa harapan dito ang bill ng apartment at dito ko naalala na kabuwanan na rin pala para sa bayarin ng apartment.
Ito ang nagpakumbinse sa akin na dapat nga akong maghanap ng sideline sa araw na ito.
"Mukhang bugbog na naman ako sa trabaho nito..." Ang bulong ko sa sarili at kinuha ang slip at note ng may ari na si Mr. Chan.
Gamit ang susi ay binuksan ko ang pintuan at pinihit ito pabukas.
"Tangina!" Bago ako makapasok ay may narinig akong isang impit na sigaw mula sa kabilang kwarto.
Nasundan rin ito ng isang bagay na nabasag. Galit na daing at halinghing ng tao na nasa loob ng kwarto ang naririnig ko.
Nakakunot ang kilay ko na pumasok sa loob at binuksan ang ilaw ng kwarto.
Bumabagabag sa isipan ko ang narinig pero nakuha ang buo kong pansin sa kumakalam na tiyan ko dahil wala pa akong kain kanina pa, pero kailangan na munang magtiis.
Naligo ako at pumunta na sa kwarto ko na may kaliitan pero okay lang. Nagbihis ako ng kung anong komportableng damit at pinatay na ang ilaw. Matutulog na sana ako at handa ng ipikit ang mata ng marinig ko ang isang iyak mula sa kung saan. Palaban ako sa kung sinong tao pero takot ako sa multo!
Nakapatay na ang ilaw sa kwarto kaya wala akong mahagilap. Kasabay nito ay nawala rin ang iyak. Ewan ko ba pero nahihinuha ko na parang sa kabilang kwarto ito. Ang apartment room na hindi ko kilala ang may-ari.
"Parang awa n-niyo na. Kailangan ko lang t-talaga ng pera para sa pamilya ko." Ang impit na iyak ng isang lalaki at muli itong napasigaw dahil sa kung ano.
Para siyang sinasaktan. Parang binubugbog? Pero bakit ang tahimik ng paligid kung binubugbog ito?
Multo?
At dahil isa akong likas na tao na may prinsipyo. Dahan-dahan kong tumakbo papunta sa labas at tinahak ang katabing pintuan.
"Patayin mo na 'yan. I don't have time for this shít, Xander." Narinig ko ang isang boses at parang nawawalan na ito ng pasensiya. Nawalan yata ng dugo ang mukha ko dahil sa narinig!
P-patayin? May papatayin na tao? Sino? Hala anong gagawin ko? Ngayon sigurado na akong hindi ito multo, at sigurado rin ako na ito 'yung narinig ko sa kabilang kwarto bago ako pumasok.
Medyo naka-awang ang pintuan at wala kang maririnig na kung ano pagkatapos ng salita kanina. Para bang hinintay talaga nila na ganitong oras na gawin ang krimen dahil wala ng sinuman ang makiki-alam at makakakita.
"P-parang awa niyo na boss. May anak pa po ako. Hindi na po mauulit. Pinagsisihan ko na po ang pagnakaw ng impormasyon. Parang awa niyo na po. Huwag niyo akong p-patayin."
Nilukob ng sobrang takot ang puso ko. Kailanman ay wala pa akong nasaksihan na ganito. Nakakatakot, kahit hindi ko pa nakikita.
Lumapit ako sa naka-awang na pituan at mahina itong tinulak. Walang tonog ko itong ginawa at nagtagumpay naman ako.
Kung may mangyari man sa katangahan kong ito, wala akong ibang masisisi kundi ang sarili mismo. Pwede pa akong umalis at magpangap na walang nangyayari pero iniisip ko pa lang na may mamamatay ay 'di 'ata kaya ng konsensiya ko.
"Acel, paano ang pamilya nito?" Nanlalaki ang mata kung tumingin sa tatlong lalaki na nakatalikod sa akin. Ang dalawa ay may hawak na baril at nakatutok ito sa lalaking halos mabulag na dahil sa pasa sa mukha.
Ang isa sa kanila ay prente lang na nakatingin sa mga ito pero nakikita kong may baril rin sa likuran nito na nakapaloob sa loob ng pantalon.
"I don't kill innocent people,"
Dahil madilim at ilaw lang din sa poste sa labas ang tanging nagsisilbing liwanag ay wala akong masipat na kung ano sa lalaking nagngangalan na Acel. Pero may tattoo siya. Isang ahas na tattoo sa may leegan pababa sa damit nito.
"Ang p-pamilya ko. Parang awa niyo na huwag niyo silang saktan. Patayin niyo ako, huwag lang sila. Parang awa niyo na!" Naiiyak ako sa lalaki.
'Di ko siya kilala pero nakikita ko siya dito na lumabas sa apartment. Misteryoso siya kong gumalaw.
"Tinraydor mo ang organisasyon. Dapat lang sayo ang mamatay." Inupakan ng isang lalaki ang bungo nito gamit ang likuran ng baril.
Napapikit ako dahil ramdam ko ang sakit sa hamabalos na ginawa ng lalaki. Hindi ko alam kong ano ang nagawa ng lalaki pero dapat ba talagang patayin ang isang tao dahil lang sa impormasyon?
Anong klaseng impormasyon ba kasi 'yan?
Tinutok ng dalawang lalaki ang baril dito kaya napaatras ako sa siwang ng pinto. Tatakbo na sana ako para humingi ng tulong ng walang pag-iisip na pinagbabaril nila ang lalaki pero walang tunog ito!
Walang tunog maliban sa singhap ko.
Parang isang tigre ang tingin ng lalaking prente lang sana ang porma kanina pero ngayon ay diretso na ang tingin sa kinatatayuan ko.
Kaagad kong tinakpan ang bibig at dali-daling tumakbo papalayo doon lalo pa't humarap ang dalawang lalaking may baril. Nakita ko pa na pinigilan ng may tattoo ang dalawa bago ito maglakad sa kinatatayuan ko kanina habang hinugot ang baril sa likuran.
"Iligpit niyo 'yan. May ililigpit lang ako." Ang sabi ng nagngangalang Acel. Parang isang drum ng tubig ang binuhos sa katawan ko ng marinig ko ang baritonong boses niya.
Nagtatakbo kong pinasok ang kwarto at ni-lock ang pintuan. Alam kong nakita niya ako. Pero ako ay 'di ko namukhaan ang lalaki dahil sa walang ilaw. Ngunit ang mata niya! Para itong sa isang tigre dahil nag-iilaw ito na parang dilaw. Nakakatakot!
Umatras ako hanggang sa nasa pintuan na ako ng kwarto. Para akong bata na nakakita ng multo habang inaabangan ang susunod na mangyayari.
*Knock* *Knock* *Knock* Tatlong katok ang bumati sa napakatahimik kong apartment. Naupo ako sa sahig habang 'di namamalayan na lumuluha na pala sa takot.
Mamatay na ba ako? Ang pangit naman kung mamatay akong virgin! Ah! Gago ka ba, Elorde? Kita nang seryoso ang sitwasyon pero may gana ka pang mag-isip na kung ano!
Ang mga anino ng lalaki ay nakikita ko at wala yata itong plano umalis sa harapan ng pintuan ko. Nakita niya ako at nakita ko ang krimen. Ililigpit niya raw ako!
Kapit na kapit ang kamao ko na nakayukom sa mga hita at umiiyak na walang tunog. Wala akong ibang maisip kundi ang Lolo at Lola na wala ng maiinom na gamot kapag namatay ako. Paano na lang sila? Paano nila matatangap na wala na ako?
*Knock* *Knock* *Knock* Pati ang tunog ng pagkatok ay kapareho ng ritmo ng tibok ng aking puso!
"S-sino y-yan? Walang tao dito!" Ang takot at wala sa pag-iisip kong sagot!
Narinig ko na parang natigilan ang lalaki kanina at mahinang natawa. Ang tawa niya ay hindi nangungutya o kung anuman na dapat kung katakutan. Ibang klase ang tawa niya. Para bang mangha siya sa sagot ko. Ano ba ang sinagot ko?
Para na akong maiihi sa takot kaya wala na talaga ako sa tamang pag-iisip! Ang isip ko ay naging blanko dahil sa labis na takot. Ngayon lang ako nakakita na pinatay, duguan, at pinagbabaril sa harapan ko. 'Di niya ako masisisi!
"Acel, tapos na. Tinawagan ko na rin ang mga tauhan ko na linisin ang kwarto." Ang rinig ko mula sa labas.
Kung 'di ako nagkakamali ay siya rin ang sumapak sa lalaki kanina na ngayon ay wala ng buhay at 'niligpit' nila.
"Acel, may problema ba?" May isang boses rin na nagtanong.
Ito na ba? Ang parte na kung saan sapilitan nilang buksan ang pintuan ko at pagbabarilin rin katulad ng ginawa nila sa lalaki kanina na niligpit nila?
Ang pangit at malas ng kapalaran ko! Paatras akong naupo sa sahig patungo sa paanan ng kama at nangingiyak na niyakap ang sarili.
"Akala ko ba may ililigpit ka?" Muli na namang tanong ng isa.
Nakayuko lang ako at patuloy na umiiyak. Heto na naman ako. Mahina at nangingiyak. Pati ba naman sa huling sandali ko ay luha pa rin ang huli kong iiwan?
"No. I mistakenly followed a cat. A cute one. Let's go. Bago pa may makakita sa atin dito." Ano raw?
Dali-dali kong tinaas ang ulo sa kakayuko at sinipat ang pinaka-pintuan at wala na ang anino dito. Wala na sila. Ganun na lang 'yun? Bakit hindi niya ako pinapatay?
-
Tumayo ako at inayos ang tayo bago kinuha ang bagay ni binigay ni Stella sa akin. Inayos ko ang pagkakahawak nito bago naglakad papunta sa pintuan. Itinaas ko ang bagay na hawak-hawak bago padarang na binuksan ang pintuan.
Sinipat ko ang pasilyo at ng masiguradong wala na ang mga taong 'yon ay binaba ko ang hawak-hawak na bagay.
I missed holding the familiar tool in my hand. Using my free hand, I dialed the familiar number in my phone, "Target locked."
.
.
.
.
.
Note: You might see familiar details of this story, but I made some alterations in order to suit the outlined plot. Also, as you go on in the story, some of the names will appear unfamiliar to you. In order to understand other details, you must read my other stories. For example, Devil's Luscious Temptation is the story of Acades' parents. Other details from my other stories will occasionally set in.
You can read my stories in this manner of order:
1. Devil's Luscious Temptation (Lance Zapanta & Ace Villamayor)
2. Romancing Dominance (Jakob Buenavista & Ishie Sandoval)
3. Affection of Betrayal (Rusell Buenaventura & Cymon Montero)
4. Eloping Our Chances (Rusell Rusciana & Cymon Xaverio)
5. Avoiding the Devil's Desire (on-going: Eludes Zapanta & Havoc Buenavista)
6. Heel, Scars to Your Soul (on-going: Achilles Sanchez & Jaxxon Aquino)
7. Eliciting the Demon's Arousal (on-going: Acades Zapanta & Elorde Concepcion
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro