Special Chapter: Our Happy Ending
LIFE GAVE ME another chance to live even though I had given up before. I thought my life was already over two years ago. But when I heard the sound of an engine beeping and saw white everywhere with a brief memory of me with a handsome young man, I knew that life had given me a purpose to live again and set things right.
The memories of yesterday still haunt me to this day, and I know I will never forget those memories. I was selfish at alam kong wala akong karapatan na maging malungkot para sa aking sarili nang bumalik lahat ng mga alaala ko. Mahirap man paniwalaan, pero naalala ko rin ang bawat sandaling kasama ko ang nag-iisang taong itinuring kong kakampi sa buhay.
Wala akong ideya kung paano nangyari 'yon. I just woke up one day, with mixed feelings and I don't know what to believe. It felt so real, but a dream at the same time.
Ang gulo, 'di ba? Idinaan siya sa isang panaginip at gusto kong paniwalaan na panaginip lang ang lahat. Pero sa bawat sandaling magtagpo ang tingin namin sa isa't isa, alam ko, ramdam kong totoo kung anumang nasa aking panaginip.
"Enjoying the view?"
Lumingon ako sa likuran at ngumiti nang makita ang taong laman ng aking isipan ngayon. I am really lucky to have him in my life and meeting him like we're destined in each other's arms.
Ang mga sakripisyo na kanyang ginawa para sa akin ay isa rin sa mga dahilan na nagtulak upang paniwalaan ko ang aking mga panaginip. It was him after all whom I chose to hide the truth from, not because I don't want him to find out the truth, but for me to be with him for a very long time.
Damn it, na-love at first sight ako sa kanya.
Scratch that, I mean, he's the only person whom I got attracted to ever since the very first day.
"Nasaan pala sina Jaxen? Kaninang umaga ko pa sila hindi nakikita sa bahay, a." I signaled him to sit beside me. Malaki naman 'yong higaan na kinauupuan ko na nakaharap sa malaking glass window.
"Tinutulungan si Tita sa kusina," umupo siya sa tabi ko at saka ako inakbayan na may matamis na ngiti sa labi. "May gusto ka bang kainin para mamaya? Pwede ko namang ipahabol."
Umiling ako at saka ibinalik ang tingin sa labas. "Alam mo namang hindi ako mapili sa pagkain, e."
"Alam ko."
Naramdaman ko ang kanyang mga titig, kaya sinalubong ko ang kanyang kumikislap na mga mata. How I really love everytime he will stare at me. It's like, he's telling me indirectly that I am his life, his only world, and even his whole damn universe.
Fuck, what love did to make me this crazy in love with the person beside me?
"Nasabi ko ba sa 'yo, na ikaw ang pinakamagandang nilalang na nakilala ko?" pagbasag niya sa katahimikang namumuo sa pagitan naming dalawa.
Nakangiti akong tumango sa kanyang tanong. "Araw-araw mong sinabi 'yan sa akin. Ikaw, naalala mo ba kung ano ang sagot ko sa tanong mo?"
"Na hindi ka magsasawa kahit gumunaw man ang mundo dahil ako. . ." inilapit niya ang kanyang mukha sa akin bago hinalikan ang aking noo. "Ako rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay mo. Mahal na mahal na mahal kita, Tucker!"
"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita, Jermaine!"
Ipinikit ko ang aking mga mata at ngumiti na abot sa tainga. Sabay naming pinakinggan ang tibok ng aming puso at pinakiramdaman ang walang kupas nitong pagwawala.
***
"DITO KAYO NAGKAKILALA ni Yohan? What the freaking hell? Hindi ka ba lumalabas ng bahay at hindi mo napansin si Yohan till the summer camp happened?" hindi makapaniwala kong tanong kay Jaxen.
"Bakit parang kasalanan ko pa?" tanong pabalik ni Jaxen na siyang tinawanan lang namin ni Slade. "Siya nga 'yong sa syudad lang nanatili, e. Paano mag-aabot ang landas naming dalawa? Saan napadpad ang mga utak niyo?"
"What's your first impression kay Yohan?" ngumuso si Slade sa direksyon ni Yohan bago itinuloy ang panunukso kay Jaxen na naging kamatis ang mukha.
"Masungit. . ."
"Iyon lang?" tinaasan ko ng isang kilay si Jaxen.
"Mayabang. . ."
"Tapos?" ibinalik ni Slade ang tingin kay Yohan at saka ito pinagmasdan nang mabuti.
"Marupok?"
"Bwesit ka, Jaxen. Bakit naman marupok?"
"Marupok naman talaga si Yohan," nakita ko ang pag-irap ni Jaxen at tila ba'y inaalala ang nangyari noon sa kanila. "Noong una palang tinanong na niya ang pangalan ko at hindi ba naman ako nilubayan pagkatapos. He may act as cold and a heartless person, but he's so warm inside and ready to protect those who are close to him."
Tumango ako bilang pagkumpirma sa sinabi ni Jaxen. What he said is the most accurate definition of Yohan.
Itinuro muli ni Slade si Yohan at sa pagkakataon na ito ay hindi inaasahang nakatingin sa aming direksyon ang apat. Kasama namin si Hagen, na hanggang ngayon ay wala pa ring jowa. Nakilala ko siya noong unang araw ko sa bahay ni Aling Shana, as a human, obviously.
Nakita kong may ibinulong si Nikolai sa tatlo, na siyang dahilan ng paghalakhak ni Hagen. Itinuon ko ang atensyon kay Jermaine, pero umiling lang siya bago ipinagpatuloy ang pagtayo ng tent. May kanya-kanyang buhay kaming lahat, lalo na't natanggap ako sa isang kompanya, pati na ang apat kong mga kaibigan. May isang taon pa si Slade dahil sa kinuhang kurso at dalawang taon naman kay Jaxen.
And I am thankful that they managed to plan an outing despite their busy schedules.
"So, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Slade.
Pabilog kaming umupo at hinayaan ang apoy sa gitna upang labanan ang lamig.
"We should play truth or dare, guys. What do you think?" paghamon ni Hagen.
"I am in!" halos sumigaw ako sa sobrang pagkasabik.
"Truth or dare?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Nikolai.
"Truth," knowing everyone, alam kong hindi madali ang ipapagawa nila kung dare ang pinili ko. "Simula pa naman ng laro, kaya truth muna ang pipiliin ko."
"Truth," pag-uulit ni Yohan sa sinabi ko. "It may sound rated eighteen, pero sino ang top at bottom sa inyong dalawa ni Jermaine?"
"Are you serious, Yohan?" halos batukan ni Jaxen si Yohan sa kanyang tanong.
"What? Alam kong curious din kayong lahat."
Napunta lahat ng dugo sa mukha nina Jaxen at Slade sa sobrang pamumula nito. Walang humpay ang kanilang tawanan habang nanatili akong tahimik sa tabi ni Jermaine.
Damn it, hindi ko magawang lingunin si Jermaine.
"Sagot na," napansin kong pinahiran ni Hagen ang gilid ng kanyang mga mata.
Umiling ako at naglakas loob upang tingnan si Jermaine. Ilang beses akong napalunok nang makitang nakatitig sa akin ang hinayupak at abot tainga rin ang ngiti.
Buwesit, pinagkaisahan ba naman ako.
"Switch," pabulong kong sagot at nanatili pa rin ang tingin kay Jermaine.
"Anong sabi mo, Tucker? Hindi namin narinig, e." Panunukso ni Hagen.
"Switch," sa pagkakataon na ito ay nilakasan ko ang aking boses habang nakatingin sa lahat. "Minsan si Jermaine 'yong top at minsan naman ako. Gets niyo na? Try niyo rin minsan, maliban sa walang jowa."
"Buwesit ka." Natatawang saad ni Hagen.
"Top or bottom pa." Panunukso ni Jaxen kay Yohan.
"Hagen," tawag ko sa pangalan niya. "Truth or dare?"
"Dare!"
Lumingon ako kay Jaxen at saka tumango. Walang jowa? Walang problema.
"Tawagan mo kung sinuman ang huling mong tinawagan. Kapag sinagot nila ang tawag, then ask the person out." Sabi ni Jaxen sabay hablot ng cellphone ni Hagen. "And the lucky winner is. . . I hate this snakue? Dude, sino naman 'to?"
"No freaking way!" hinablot pabalik ni Hagen ang kanyang cellphone. Itatago na sana niya ito sa bulsa nang may magsalita sa kabilang linya.
"What a sneaky move right there, Jaxen." Komento ni Slade.
"I am not doing this shit." Halos pabulong na sabi Hagen.
"Sure, you are doing this shit."
Nagpakawala ng isang malutong na buntong hininga si Hagen bago kami tiningnan lahat. Pinigilan kong hindi matawa sa naging situasyon ni Hagen. Pakiramdam ko'y hihimatayan ako sa pagpipigil ng tawa at dumagdag pa ang pag-iinit ng pisngi ko.
Naramdaman kong ipinulupot ni Jermaine ang kanyang kamay sa aking bewang. Kagat ang pang-ibaba kong labi ay tiningnan ko si Jermaine na diretsong nakatingin sa gawi ni Hagen. Sa pagkakataon na ito ay hindi lang pagtawa ang sinubukan kong pigilan kung hindi ang kilig sa ginawa ni Jermaine.
"Let's go on a date and I am not taking no as an answer. Bye!"
Nabalik ang atensyon ko kay Hagen nang ibaba niya ang tawag at saka sumigaw. Natigil ang laro nang magsimula ang interogasyon sa taong tinawagan ni Hagen. Todo ang pagtanggi ni Hagen at walang pasabing tumakbo papunta sa kanyang tent.
Naiwan kami ni Jermaine. Nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat habang nanatiling nakapulupot ang kanyang kamay sa aking bewang. Sa gitna ng katahimikan ay wala akong ibang narinig kung hindi ang tibok ng puso naming dalawa at ang agos ng ilog.
"I love spending my whole life with you, Tucker. I will do everything upang hindi ka magsawa sa akin at hindi mo ako iwanan. I know life may suck sometimes, but I want you to know that you're the best thing that happened in my life."
"Jermaine," pagtawag ko sa pangalan niya with my teary eyes.
"You told me before that you hate all the scars of your yesterday. I hate mine as well, but not after you came and let the storm calm down. You'll never be you when you don't have all those painful scars, Tucker. The best thing we can do is to accept and embrace the past, and to never let the past hinders the present."
Umupo ako nang maayos at saka itinuon ang pansin kay Jermaine. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusang tumulo nang makita ang hawak ni Jermaine sa kabilang kamay. Tumayo si Jermaine sa pagkaupo at gano'n din ang ginawa ko. Ang tahimik na paligid ay biglang umingay nang magsilabasan ang mga kaibigan namin na may dalang banner at torotot.
Nang ibalik ko ang pansin kay Jermaine ay hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Nakaluhod ang isa niyang paa habang hawak ang isang maliit na kulay bughaw na kahon.
"Is this for real?"
Tumango si Jermaine sa tanong ko. "I know it looks so cliché to have our friends hold a banner with 'will you marry me' written on it. But I am willing to do all these cliché things with you. Will you be the man whom I'll grow old with, Tucker?"
Hinawakan ko ang pisngi ni Jermaine at ginaya ang kanyang posisyon. "I don't know if I deserve you, but I don't care anymore. This time, sariling kaligayan ko naman ang iisipin ko, and you're my happiness. Of course. . . YES!"
"YES?"
"YES!"
At saksi ang mga kaibigan namin kung paano nagsimula ang love story naming dalawa ni Jermaine. It may not be romantically perfect, but it's already perfect in its own mysterious and parang-hindi-normal way.
We kissed under the moonlight as we both exchanged our 'I love you's' to each other. My life didn't work how I planned it to be years ago, but I am grateful because something spectacular happened. . . Jermaine and I happened.
And this is our love story, which started with a ghost who fell in love with a handsome college student.
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro