Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Everything Goes On

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Aling Shana, tumakbo ako pabalik sa aking silid. Hinanap ko si Alexis sa paligid, ngunit hindi ko siya makita. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan, pero kahit si Tucker, wala ring ideya kung saan siya nagpunta.

"Bakit hindi ko siya makita?" tanong ko sa aking sarili.

Naglaho na ba siya? Kinuha na ba siya ng liwanag? Hindi ko alam.

Lumabas ulit ako ng silid at sakto, nakita ko si Alexis. Nakatayo siya malapit sa hagdanan, nakatingin sa akin ng diretso. Matapos ang ilang minuto ng aming pagtitigan, nakita ng aking mga mata kung paano pira-piraso ang katawan ni Alexis. Hindi niya ito pinansin hanggang sa tuluyan siyang maglaho, at tanging itim na usok na lang ang naiwan sa kanyang lugar—she's gone.

Katulad ng nangyari kay Azuela, pero ibang-iba ang aura.

"Jermaine?"

Nang tuluyang maglaho ang itim na usok, ang mukha ni Lysa na ang nakita ko. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata, para bang nagsusumamo. Nakatayo sa kanyang likuran sina Yohan at Nikolai na hindi alam kung ano ang gagawin.

"Anong ginagawa mo rito?" diretso kong tanong sa kanya.

"Mag-usap tayo, please?"

Gusto ko sanang tumalikod at pumasok ng silid. Wala na kaming dapat pag-usapan. Nangyari na ang nangyari—iniwan niya ako nang walang pasabi, at ngayon babalik siya na parang walang nangyari. No breakups, nothing at all.

"Wala tayong dapat pag-usapan," sagot ko, tinitigan ko ang mga kaibigan ko na nagtuturuan sa likuran ni Lysa.

"Alam mong may dapat tayong pag-usapan, Jermaine. Nandito ako upang ipaliwanag ang nangyari noon. Kahit ten minutes lang, pakinggan mo muna ako, please?"

"May dapat pag-usapan o wala, ayaw kong makipag-usap sa 'yo. Kung anumang dahilan mo para iwanan ako noon, wala na akong pakialam."

"Jermaine naman e."

Umiling ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi. "Hindi mo nagawang sabihin sa akin noon na aalis ka ng bansa. Bigla mo akong iniwan, at kung hindi ako sinabihan nina Yohan at Nikolai, hindi ko malalaman na aalis ka pala. Ngayong payapa na ang buhay ko, papasok ka bigla at magdudulot ng gulo? Para saan pa't pakinggan kita, kung nangyari na ang paglisan mo, Lysa?"

Wala akong narinig na sagot. Ang tanging tunog na narinig ko ay ang paghikbi niya bago ako naglakas-loob na pumasok ng silid. Naabutan ko si Tucker na nakaupo sa aking higaan. Malayo ang kanyang tingin, malalim ang iniisip. Humiga ako sa kanyang tabi at pinagmasdan ang kisame.

Simula ngayon, wala nang multong bubungad sa akin tuwing gigising ako sa umaga. Kahit nag-iba ang takbo ng kwento ni Alexis, hindi ko maipagkakaila na naging kaibigan ko siya. Nandiyan siya nung wala akong masasabihan ng problema. Nandiyan siya nung nagpupuyat ako sa mga gawain.

Ngayon ko lang napagtanto na may isang multo na palaging nandiyan para sa akin, kahit na ang araw ko'y sira na sa umaga pa lang. Hindi ko akalain na kambal pala siya ng multong nasa sala. Sa pagkakataong ito, nasagot ang matagal ko nang mga katanungan—bakit sabog ang kanyang ulo, bakit nakakatakot ang hitsura niya, at bakit bali-bali ang kanyang katawan.

Nakakaawa pala ang naging takbo ng buhay nila, lalo na si Aling Shana na nawalan ng dalawang anak. Buhay nga naman—sobrang komplikado. Dumagdag pa si Lysa ngayong bumalik siya.

"So, ano na ang mangyayari ngayon? Narinig ko ang tungkol kay Alexis at nakita ko rin siyang naglaho. Kapag nalaman ko kung paano ako namatay, maglalaho rin ba ako katulad niya?"

Lumingon ako kay Tucker at tumango. "Kung tama ang hinala natin na nandito ka dahil hindi mo alam kung paano ka namatay, katulad kay Alexis, oo, maglalaho ka rin na parang bula."

"At hindi na mo na ako makikita?" puno ng kalungkutan ang kanyang boses.

"At hindi na kita makikita." Umiwas ako ng tingin at umayos sa pagkakahiga.

"Sino pala si Lysa?"

Umiling ako bilang sagot, ipinahiwatig kong ayaw ko nang pag-usapan siya. Ang daming nangyari sa araw na ito, hindi ko yata kakayanin kung may mangyaring kakaiba pagkatapos nito.

"Paano ka pala nakauwi?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko ang nangyari sa campus kaya sinundan kita pauwi kanina. Sa sobrang lungkot mo, hindi mo napansin ang presensya ko. Sa buong hapon, binantayan lang kita," pagmamaktol niya, pagkatapos ay humiga sa aking tabi.

"May gagawin nga pala tayo bukas."

"Ano naman ang gagawin natin?"

Kinindatan ko si Tucker bago ipinikit ang aking mga mata. "Basta. Malalaman mo rin iyon bukas."

"Okay," rinig kong sabi ni Tucker habang ako'y tinatablan na ng antok. "Sweet dreams, Jermaine."

"Hmm..."

ཐི❤︎ཋྀ

"Ang bagal mong maghanap ng planggana, e."

"Atat na atat," reklamo ko kay Tucker, na halatang nasasabik sa gagawin namin.

"Hindi ba halata? Magpasalamat ka kay manong Google kapag gumana itong kalokohan mo," abot-tainga ang ngiti ni Tucker habang abala ako sa paghahanap ng stainless na planggana sa buong bahay. Kulang na lang pati sa kapit-bahay.

"Magpapasalamat talaga ako kapag hindi nasayang itong pinamili ko para sa 'yo," sagot ko.

Kinuha ko ang planggana sa tabi ng washing machine. Pagkatapos kong makahanap ng posporo, tumakbo ako pabalik sa silid. Inilagay ko sa planggana ang isang white loose shirt at black pants. Tiningnan ko si Tucker na nakatayo sa aking harapan habang itinuturo ang puting sapatos na nakalimutan kong ilagay. Umiling ako bago kinuha ang sapatos at inilagay ito sa planggana bago sinindihan gamit ang posporo.

Nakatitig lang ako sa mga gamit na unti-unting nilalamon ng apoy. Ilang minuto ang lumipas, naging abo ang lahat at para akong maiiyak sa aking nakikita. Sino bang hindi malulungkot kung libo-libo mong pera ang naging abo?

Tumingala ako upang tingnan si Tucker. May ngiti sa kanyang labi habang pinagmasdan ang sarili sa harap ng pahabang salamin. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang mapagtantong gumana ang sinabi ni manong Google. Kasalukuyang suot ni Tucker ang mga sinunog kong gamit, pati na ang kuwintas na palihim kong binili para sa kanya.

Isang kuwintas na may infinity sign pendant at sinundan ng pangalan niya—Tucker.

"Nagustuhan mo?" tanong ko sa kanya.

Hawak ang kuwintas na binili ko, lumingon siya sa aking gawi. Ipinakita ko sa kanya ang kaparehong kuwintas, na sinundan din ng pangalan ko. Sa totoo lang, wala akong ideya kung bakit ko ito ginawa.

Sa tuwing nasa tabi ko si Tucker, masaya ako, parang kumpleto na ang araw ko.

"Ang sweet mo naman, Jermaine. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," lumapit siya sa akin bago ako niyakap. Kahit hindi namin nahahawakan ang isa't isa, niyakap ko rin siya pabalik at inisip na nasa bisig namin ang bawat isa.

"Sasama ka ba sa akin ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Handa ka bang makita muli si Lysa?" tanong niya pabalik sa akin.

Isang kibit-balikat ang sinagot ko. Kinuha ko ang aking bag at lumabas ng silid. Nakita ko sina Yohan at Nikolai na naghihintay sa hagdanan. Nakapagtataka at wala ang tatlong multo sa paligid.

Saan kaya nagsusuot ang mga iyon? Ay, bahala na nga silang tatlo.

"Galit ka pa ba sa amin?" tanong ni Nikolai nang makalabas kami ng bahay.

"Spell galit, please."

"G-A-L-I-T?"

"Letter T," sambit ko at saka ako ngumiti. "Tampo lang, pero alam niyo naman na mahal na mahal ko kayong dalawa. Kagabi pa nawala ang tampo ko sa inyo ni Yohan, 'no."

Hinampas ni Yohan si Nikolai bago tumawa. "Hindi ko akalain na gagawin mo ang sinabi ni Jermaine."

"I'm a genius, unlike you, Yohan. I can spell every word."

"Really? Spell pseudopseudohypoparathyroidism if you're a genius," paghamon sa kanya ni Yohan.

"Mamaya na," pagsuko ni Nikolai at naunang maglakad kasama si Yohan.

"Does it even exist?" bulong ko sa sarili ko. Nakita kong naglalakad sa tabi ko si Tucker habang itinuturo ang cellphone na nasa aking bulsa.

"Tanungin mo si Manong Google," sabi niya.

"Siya na naman? Palagi tayong umaasa kay Manong Google. Mahiya naman tayo sa kanya." sagot ko sa kanya.

"Sino kausap mo, Jermaine? You're calling Google as Manong, really?" tanong ni Yohan. Hindi ko napansin na nasa tabi ko siya naglalakad.

Ginulo ko ang isang oras kong inayos na buhok at saka ngumiti. "Research paper, kay manong Google ako maghahanap ng mga sources. May libro naman akong nahanap, but I'm not in the mood to read a whole damn book."

Agad kaming naghiwalay ng landas nang marating ang paaralan. Five minutes na lang ay magsisimula na ang unang klase ni Yohan, habang si Nikolai naman ay may tatapusing project. Naiwan akong nakatunganga sa canteen—kasama si Tucker na ipinagdiwang ang bago niyang damit.

Tahimik akong kumakain at binabantayan si Tucker at the same time.

"Jermaine," tumingala ako upang tingnan kung sino ang nasa aking harapan. "Your name is Jermaine, right?"

Damn it, totoo ba 'tong nasa harapan ko? Ang taong matagal nang hinahanap ni Nikolai ay nakatayo sa aking harapan, pero hindi siya nag-iisa. Para akong nasa isang panaginip. Hindi ko alam kung mananatili ba ako, o gumising na lang.

"Sa iba na lang tayo umupo," sabi ni Lysa na hindi makatingin sa akin ng maayos.

"Alam kong hindi dapat ako manghimasok sa problema niyo," panimula ni Jane. "At alam ko rin na hindi tama ang ginawa ng kaibigan ko. Ang akin lang ay bigyan mo siya ng pagkakataon na magpaliwanag, kahit hindi mo na siya pansinin pagkatapos."

"Uh, siya pala ang tinutukoy mo?" rinig kong bulong ni Joey.

"Hindi yata tayo kailangan dito, 'no? Umalis muna tayo," sabi ni Cheeska, na patagong hinihila palayo ang kanyang mga kaibigan.

Great! Kahit isa sa mga kaibigan ni Lysa ay wala akong kilala. Malalaman ko bigla na kaibigan niya pala si Slade. Naintindihan ko na lahat, lalo na ang mga litratong ibinigay sa akin ni Jaxen. Bakit ngayon ko lang ito napagtanto? Buwisit, nakakaloka na itong nangyayari sa buhay ko.

Naiwan kaming dalawa ni Lysa. Nakatingin ako sa kanya habang panay ang kanyang pag-iwas. Sa totoo lang, hindi ko naisip na babalik siya ng bansa kaya hindi ako nakapaghanda sa araw na 'to.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya. Laking pasasalamat ko at hindi ako nabulol lalo na't kinakabahan ako sa sitwasyon ko ngayon.

"Makikinig ka na ba?" tanong niya pabalik sa akin. "Pwede naman akong umalis. Naintindihan kita kung ayaw mo akong makausap, o makinig sa paliwanag ko. Gusto ko lang malaman mo na pinagsisihan ko lahat—at mahal na mahal pa rin kita, Jermaine."

Sa pagkakataong 'to, tiningnan ko siya sa mata. Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang lumitaw si Tucker sa likuran ni Lysa. Kunot ang kanyang noo habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa babaeng kaharap ko ngayon.

Bakit ang wrong timing ng multong 'to?

"Malapit na palang magsimula ang klase ko," sabi ko sa kanya at saka sinukbit ang aking magaan na bag. "Puntahan mo ako sa tambayan natin mamayang gabi. Pangako ko sa 'yo, makikinig ako sa paliwanag mo mamaya."

"Really? Thank you so much, Jermaine!"

Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon bago umalis ng canteen. Mag-iisip sana ako kung paano siya iwasan sa buong araw nang mapagtanto kong blockmates pala kaming dalawa. Naku, ito na yata ang pinakamalas na pangyayari sa buong buhay ko. Noong nagkakilala kami ni Jane, naintindihan ko kung bakit gano'n ang naging reaksyon niya nang marinig ang pangalan ko.

Hindi panget ang pangalan ko, sadyang may alam siya tungkol sa amin ni Lysa.

Fuck my life.

Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro