Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: You Never Cry Alone

"About our deal," sabi ni Jaxen habang iniaabot sa akin ang isang sobre na agad ko namang tinanggap. "Nakuha ko ang mga impormasyon na 'yan sa tulong ng isang bagong estudyante. Akalain mo, nakatira pala sa isang mansyon si Slade? Grabe, sobrang yaman pala ng taong pakakasalan ni Nikolai."

Binuksan ko ang sobre at sinilip ang mga larawan sa loob. Suot ni Slade ang uniporme niya kasama ang dalawang babaeng kaibigan. Sa huling litrato, makikita ang lima silang magkaka-akbay na nakatalikod sa camera habang nakatingin sa isang magarang mansyon—at si Slade lang ang nag-iisang lalaki sa grupo.

"Kilala mo ba ang mga kasama ni Slade sa litrato?" tanong ko kay Jaxen.

"Sina Cheska at Joey lang ang alam ko. Mukhang wala yata sa bansa ang dalawa."

"Joey? You mean, 'yung nursing student na nanalo sa popularity award last year?"

"The one and only," sabi niya habang ipinapakita ang litrato nina Slade at Joey. "Kapatid ni Slade si Joey, halata naman sa mukha. Ang ganda ng lahi nila, 'no?"

"Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa mga litrato. "Ano ang program niya, by the way? Hindi ko siya nakikita sa campus. Si Nikolai nga, na may pagka-detective, hinahanap pa rin siya hanggang ngayon."

"Mechanical engineering."

Muli kong sinuri ang mga litrato. Hindi ako makapaniwala na sobrang lapit lang pala ng taong hinahanap namin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jaxen, pumasok ako sa una kong klase. Laking pasasalamat ko na naunahan ko ang professor namin ngayong umaga; kung nahuli ako, baka hindi ako papasukin—at hindi bagay sa akin ang mahuli.

"Jermaine..."

"May kailangan ka? How did you get in here?" Gulat kong tanong kay Tucker, na ngayon ay nakaupo sa upuan sa likuran ko. Kumaway pa siya at ngumiti nang may kalokohan. Kung pwede ko lang patayin ang multong 'to!

"Sinundan kita kanina, kaso nakakita ako ng aso kaya naligaw ako. Bigla namang sumulpot si Jeanne at itinuro kung nasaan ka," paliwanag niya, parang batang nagpapaliwanag sa magulang.

"Jeanne? At sino naman 'yan?"

"Ang batang multo na palaging nakasunod sa 'yo. Hindi mo ba alam pangalan niya?"

"Bakit ka nandito? Sinabi ko sa 'yo na sa bahay ka lang manatili!" Tumingin ako sa harapan at laking gulat nang makita ang buong klase na nakatingin sa akin. "Anong tinitingnan niyo? Kinakabisado ko lang 'yung mga linya ko para sa play."

Agad nag-iwas ng tingin ang mga kaklase ko, pero narinig ko ang nakakasawang bulungan nila. Sinamaan ko ng tingin si Tucker, na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at nakapamewang.

Buwisit, pahamak talaga ang multong 'to.

"Mamaya ka sa akin," I mouthed.

"Sure, babe. Maghihintay ako hanggang sa makauwi tayong dalawa." tugon niya at nagbigay pa ng isang flying kiss bago maglaho.

Bakit pakiramdam ko ay may bantay-batang multo akong kasama ngayong araw? Malawak ang Elton University, at kung maligaw na naman siya, saan ko pa siya hahanapin?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang nakapasok na pala ang professor namin. May kasama siyang estudyante, at kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga kasali sa University tour kahapon—pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin si Tucker. Siya talaga ang may kasalanan kung bumagsak ako sa quiz ngayon.

"Good morning! My name is Jane Monteverde, and I hope we can get along this semester," malugod na bati niya sa klase.

"She's a late enrollee, but I hope you could get along."

Sinimulan ng professor ang talakayan ng araw. Sulyap ako nang sulyap kay Jane, na umupo sa bakanteng upuan sa likuran ko. Nagtama ang mga mata namin, pero agad akong umiwas sa hindi malamang dahilan.

"Hey!"

Lumingon ako kahit alam kong delikado akong mahuli na hindi nakikinig sa klase. Nakatingin si Jane sa akin, hawak ang isang libro. Nilingon ko ang sarili kong libro para sa asignaturang ito, at doon ko napansing pareho lang kami ng dala.

Tanga ka talaga, Jermaine Samonte.

"Bakit?" hindi ko sinasadyang mataasan siya ng boses. Hindi ako sanay makipag-usap sa hindi ko kilala, lalo na kung babae.

"Ito ba ang libro niyo? Hindi ako sigurado kung tama ang binili ni Lysa."

Tumango ako bilang sagot. Lysa? Sana naman hindi siya ang iniisip ko, o baka hindi ko lang matanggap ang nangyari sa amin dati. Pero wala namang mawawala kung magtatanong ako, hindi ba?

"Sinong Lysa ang tinutukoy mo?"

"Kaibigan ko," sagot niya. "Kaklase din natin, pero bukas pa siya papasok."

Ngumiti ako at saka umayos ng upo. Itatanong ko na ba ang apelyido ni Lysa? Ano ba itong ginagawa ko?

Sa gitna ng talakayan, walang sabi-sabing sumulpot si Tucker sa harapan ko. Nakangiti siya sa akin, abot-tainga, at alam kong may kalokohang naiisip. Pumunta siya sa tabi ng professor at ginaya ang bawat galaw nito habang nagpapaliwanag. Pigil na pigil akong hindi matawa, kinagat ko na lang ang labi ko at itinakip ang makapal kong libro sa mukha.

Lintek na multo, talaga namang pahamak.

"Okay, class dismissed!"

Masayang nag-alisan ang mga kaklase ko sa silid. Naiwan akong nakatitig kay Tucker, na nakatayo pa rin sa harapan, mapang-akit na nakatitig sa akin. Gusto ko na sanang i-middle finger siya nang biglang magsalita si Jane sa likuran.

Buwisit, hindi pala ako nag-iisa.

"May kasabay ka bang kumain? Nasa ibang faculty ang mga kaibigan ko, at hindi ko alam kung bakante sila ngayon."

"Sumabay ka sa akin," sabi ko, at nauna nang lumabas ng silid.

Maagang aalis si Yohan ngayon, at mamaya pang gabi ang uwi ni Nikolai. Ako naman, mamayang hapon pa ang huling klase.

Tahimik na sumunod si Jane sa akin sa pagbili ng pagkain at paghahanap ng mauupuan. Umiwas lang ako ng tingin kay Tucker, na para bang aso na naghahanap ng amo.

Uh, ako pala ang amo niya—sa ngayon.

"Hindi mo ba talaga ako titingnan?" tanong niya at saka tumayo sa likuran ni Jane.

Ininom ko ang orange juice ko bago umiling bilang tugon sa tanong niya. Palipat-lipat siya ng puwesto hanggang sa nauwi siya sa lamesa sa harap ko. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong juice sa nakikita ko ngayon.

Kung gawin ko kayang sunny side up ang itlog niya? Ang saya siguro ng planong 'yan.

"Okay ka lang?" tanong ni Jane sa akin.

Umubo ako nang peke at sumenyas kay Tucker na umalis sa lamesa. Bastos na multo, kay sarap batukan. Natatawang umalis si Tucker sa harapan ko bago umupo sa tabi ko.

"May kanin lang sa lalamunan ko," palusot ko.

"Oo nga pala, hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Jermaine, Jermaine Samonte."

Naglahong bigla ang matamis niyang ngiti at kitang-kita ko ang pagkabilog ng mga mata niya. Gusto kong matawa nang paulit-ulit niyang binanggit ang pangalan ko na parang pamilyar ito sa kanya.

Uh, maganda naman ang pangalan ko, 'di ba? Kasing ganda ko ang ibinigay na pangalan ng mga magulang ko.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya nang hindi siya sumagot.

"Mayroon," sabat ni Tucker, mukhang napipikon sa hindi ko pagpansin sa kanya. "Sobrang ganda ng pangalan mo, pero pangit naman ang may-ari."

"Papatayin kita," I mouthed at him.

"For your information, isang taon na akong patay," sagot niya sabay labas ng dila sa akin.

Ibinalik ko ang pansin ko kay Jane na hanggang ngayon ay nakatitig lang sa akin. Mukhang may isyu nga siya sa pangalan ko.

ཐི❤︎ཋྀ

Nakasunod ako kay Tucker na hindi magsawa-sawang tingnan ang bawat estudyanteng nadadaanan namin. Hindi ko alam kung namamangha siya o sadyang mausisa lang talaga ang alaga kong multo.

Nagsuot ako ng earphones na konektado sa hawak kong cellphone.

"Tucker," tawag ko sa kanya.

"Brave enough to talk now, e?" natatawa niyang sabi. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko at ngumiti.

"I'm not dumb, like you. May gusto ka bang puntahan?"

Nag-isip kunwari si Tucker, maliliit ang hakbang hanggang makarating kami sa malaking plaza na malapit lang sa Elton University. Maraming nagtitinda sa gilid at kasalukuyang palubog na ang araw.

Takbo siya nang takbo sa malawak na plaza, parang batang ngayon lang nakalaya.

"Bibili muna ako ng pagkain," sabi ko sa kanya.

Sumama sa akin si Tucker sa pagbili ng pagkain. Puro siya ang pumili ng mga bibilhin. Bumalik kami sa puwesto namin at inihanda ko ang mga binili namin. Umupo siya sa harap ko, handang sunggaban ang pagkain—at hindi ko tinutukoy ang sarili ko, to be honest.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-Google. Kawawa naman ang alaga kong multo kung hindi niya makakain ang mga gusto niya.

"A guide to dead and ancestral worship, altars, offerings, and ritual? Really, naniniwala ka sa ganyan, Jermaine?" sabi ni Tucker na biglang lumitaw sa likod ko.

"Dito ka lang."

Bumalik ako sa Elton University at dumiretso sa convent. Mabuti na lang at may nabibiling insenso roon. Pagbalik ko sa plaza, naabutan ko si Tucker na pilit iniaabot ang pagkain sa harapan niya. Tumigil ako at pinagmasdan siya sa malayo, saka ko siya kinunan ng litrato.

Tinitigan ko ang larawan bago siya idinrowing. Kahit sa litrato lang, alam kong kasama ko siya at totoo siya—kahit sa paningin ko lang.

Iyon naman ang importante, 'di ba?

"Tucker," sinindihan ko ang insenso at inilagay sa tabi ng pagkain. Ipinikit ko ang mga mata at taimtim na nanalangin.

"Sobrang talino nitong si manong Google," natatawa niyang sabi, sabay thumbs up sa akin.

"Ako ang nakaisip nito, kaya ako ang matalino," kontra ko.

"Pero si manong Google ang may sagot, hindi ikaw, Jermaine."

"Ayaw mo bang pakainin kita?"

"Too late," sabi niya sabay subo ng isaw. Napatingin ako sa harapan niya, at laking gulat ko na may mga pagkain din roon na parang 'yung mga binili ko.

"Gumana siya?" hindi ako makapaniwala. "Ano pa kaya ang pwede kong gawin? Ano sa tingin mo, Tucker?"

"Kaya mo ang lahat," sagot niya, may malawak na ngiti. "Pero hindi mo ako mahahawakan, kahit anong mangyari. Tandaan mo 'yan, okay?"

Sinamaan ko siya ng tingin sabay subo ng fishball na isinawsaw sa maanghang na sawsawan. Ang gago talaga nitong si Tucker—pasalamat siya at malakas siya sa akin.

Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro