Chapter 24: Permission to Forget
Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri at panay ang tingin sa kabuuan ng mansyon. Gumising ako at wala si Tucker sa aking tabi, pero nag-iwan siya ng mensahe na hinahanap siya sa mansyon. Sapat na para sa akin ang mensahe ni Tucker upang malaman kong hindi panaginip ang nangyari kagabi.
Ginawang unan ni Tucker ang kamay ko habang nakaharap siya sa akin. Ipinulupot ko ang kabila kong kamay sa kanyang bewang. Nakatitig lamang ako sa maamo niyang mukha at hindi makapaniwalang nahahawakan ko siya, kayakap sa pagtulog, at nasasabihan ng "gusto ko siya" nang walang pangamba at takot sa aking puso.
Wala akong alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Nang magdilat ako ng mga mata at mabasa ang iniwang mensahe ni Tucker, alam ko na may ibang bagay na magpapa-kumpleto sa araw ko—si Tucker lang sapat na.
"Anong gusto mo, iho?" tanong ng kasambahay.
"Kahit tubig na lang po."
Walang mapaglalagyan ang kaba ko habang hinihintay na bumaba ang uncle ni Tucker. Agad kong tiningnan ang aking cellphone nang tumunog ito. Mapupunit yata ang labi ko sa sobrang lawak ng aking pagngiti.
Punyeta, para akong high school student na nakipag-usap sa kanyang long-time crush.
From: Tucker
You look good today, sinong ka-date mo? Ang suwerte naman.
Natuon ang tingin ko sa ikalawang palapag. Nakita kong nakatayo si Tucker malapit sa hagdanan habang nakatingin sa aking direksyon.
Magre-reply na sana ako nang makatanggap ng maraming mensahe galing sa barkada. Bumilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang nakalimutan ko kagabi. Damn it, there's no way I'll be paying a million pesos to them.
From: Hagen
Paki-handa ang isang milyon. Marami kaming babayaran sa bahay ni Slade. LOL!
From: Nikolai
Nawala na ang hangover ko, pero hindi pa rin kita nakikita sa bahay ni Slade. Nadukot ka ba on the way? Nasaan ka na, Jermaine?
From: Slade
Happy birthday to me, bitches, lmao. Tinext ako kagabi ni Tucker, kaya hindi mo kailangan bumayad ng isang milyon. Pero pumunta kayo sa bahay ko ngayong araw. Mwah~
"Loko kayo," bulong ko bago pinatay ang cellphone.
"Mr. Samonte. . ."
Mabilis akong tumayo nang marinig ang aking pangalan. Puno ng kaba at takot ang mukha ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Mr. Monteverde.
"G-ood morning, Sir!" Halata rin sa aking boses ang pangamba sa araw na 'to.
Fuck, hindi ito ang inaasahan kong mangyayari.
Kailan pa nauutal ang isang Jermaine Samonte? Ngayon lang.
"You're way too formal, just call me Uncle and I'll be happy about it." Walang bahid ng galit sa kanyang boses, kaya mas lalo akong kinabahan para sa sarili ko.
"P-po?"
Ngiti at kindat lamang ang isinagot niya sa akin. Umupo siya katapat ko, at eksaktong dumating ang tubig na may kasamang meryenda—sana pala orange juice na lang ang hiningi ko.
Magsasalita na sana ako nang maagaw ang aking atensyon kay Tucker. Parang slow motion nang bumaba siya ng hagdanan at ang isang kamay niya ay nakasuporta sa hawakan nito. Nakatitig lamang kami sa isa't isa hanggang sa marinig ko ang pekeng pag-ubo ng taong katapat ko.
"What is your business here with me, Mr. Samonte?"
"Jermaine na lang po," itinuon ko muli ang atensyon kay Mr. Monteverde. "Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, pero gusto ko pa ring humingi ng paumanhin sa 'yo. Sinabihan ako ni Tucker kung paano niyo siya inalagaan at tinuring na parang anak, kaya nagi-guilty ako sa sinabi ko noon. At pasensya na rin kung humantong sa pagkamatay ni Jane—"
"Stop right there."
Kagat ang pang-ibaba kong labi, masuyo kong hinintay ang kasunod niyang mga salita. Palipat-lipat ang tingin ko kay Tucker at kay Tito niya nang tumabi si Tucker sa akin na may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi.
Parang may nasisiyahan sa nangyayari ngayong araw, ah.
"May nasabi po ba akong mali?"
"Ako ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay ang anak ko," inilipat niya ang tingin kay Tucker. "At ako rin ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay si Tucker noon. I should be the one saying sorry, not you."
"May kinalaman ba ito sa eksperimento niyo?"
"It was supposed to be the second trial and error after many years of perfecting my experiment. I was devastated nang malaman kong nawawala ang medisina and Tucker," nanatili ang kanyang tingin kay Tucker na nagsimulang humikbi sa tabi ko. "Tucker injected himself and the papers he signed?"
"What about it? Anong ibig niyong sabihin?"
"That paper was a consent letter and intended for my employee. Tucker signed the papers and he told me that we'd be better off without him in our life, which isn't true."
Hindi ako makapaniwalang lumingon kay Tucker. Nanginginig ang labi ko habang nag-iisip ng tamang salita na magpapahayag kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Why did he lie to me?
Ang tanong, may karapatan ba akong magalit sa kanya?
Hindi siya ang Tucker na nakasama ko ilang buwan para alamin ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkamatay—kahit sa umpisa palang ay alam na niya lahat. Gusto kong tanungin si Tucker kung ano ba talaga ang totoo, kung sino ba ang nagsasabi ng katotohanan. Akala ko tapos na... hindi ko inakala na ito pala ang magiging simula ng lahat.
Kalma ka lang, Jermaine.
Tandaan mong nangako ka kay Tucker na handa kang maghintay. At hindi siya ang multong Tucker, kaya walang kaalam-alam ang Tucker na kaharap ko ngayon sa nangyari noon.
"Why was Tucker inside the truck?" Hindi mawala ang tingin ko kay Tucker. God knows how I want to wipe his tears away.
"When Jane left to catch her flight, I searched the whole mansion for the medicine. There's none, and it was the only medicine at that time. When I came back, he was already gone—"
"I ran away," halos pabulong na sabi ni Tucker. "I told the driver that I needed to run away from someone, but I was just buying my time for the drug to paralyze my body. I am the cause of the accident that day."
"Tucker..."
"He was planning to take me to the police station, but I refused and insisted to go somewhere else. The driver didn't believe me though, so I had to take over the wheel and guess what happened afterward—I was choking to death and the driver panicked."
"Then why were you helping me then?" Ibinaling ko ang tingin kay Mr. Monteverde. "Alam kong mahirap paniwalaan, pero nakita ko ang nangyari. Tinulungan mo akong makalabas ng sasakyan habang si Tucker, na nasa truck, ay nasa bingit ng kamatayan."
"That was you," komento niya, halata ang pagkagulat. "Tungkol kay Tucker, I was searching for him, and the traffic happened. Aalis na sana ako pagkatapos tingnan ang sanhi ng traffic, kaso nakita kong may leaking sa sinasakyan mo and there's no way na magpapanggap akong walang nakita—but ikaw lang ang kaya kong ilabas."
Tumango ako habang inaalala ang nangyari noon.
Oo nga naman, sino ang may kakayahang maglabas ng dalawang taong naipit sa kanilang kinauupuan? Sa sobrang lakas ng banggaan, mahirap makilala ang harapang parte ng sasakyan ng mga magulang ko, at iyon ang tanging dahilan kung bakit sila namatay.
"And when I was about to leave, I saw Tucker. He was lifeless, and from that moment, I knew his time was about to end."
"But what about Jane?" tanong ko.
Kahit ngumiti ang ama ni Jane, kitang-kita sa kanyang mga mata ang lungkot at pagsisisi. Wala akong karapatan manghimasok sa kanilang buhay, pero hindi matatahimik ang konsensya ko kung hindi ko malaman ang tunay na dahilan.
Nag-abot sa akin ng papel ang ama ni Jane bago tumayo. "Nakita ko 'yan sa silid niya, basahin mo na lang, Jermaine."
Naiwan akong nakatulala sa sala. Ramdam ko ang titig ni Tucker, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Parang ito na yata ang araw na malalaman ko ang lahat, at wala akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.
Sawang-sawa na akong magtago, parang isa na namang bata.
"Tara na," paanyaya ko kay Tucker.
ཐི❤︎ཋྀ
"Bro, dumating ka nga—"
Hindi natapos ni Hagen ang sasabihin nang takpan ni Cheeska ang kanyang bibig. Dumiretso ako sa sala at nasilayan ang kalat mula kagabi. Maraming basag na botelya ng alak at baso na nagkalat sa sahig, gutay-gutay ang mamahaling sofa—parang dinaanan ng bagyo ang bahay na pinasukan ko.
Grabe lang ang mga kaibigan ko kagabi.
"Hindi niyo naman ako pinapunta rito para linisin ang kalat niyong lahat, 'di ba?" tanong ko.
"You just gave me a brilliant idea." sabi ni Slade sabay kindat sa akin.
"Happy birthday to you!"
"So," lumingon kaming lahat kay Lysa. "What happened? Parang may nangyari sa inyong dalawa at hindi kayo nagkikibuan, a?"
Agad napunta ang tingin ko kay Tucker na nakatayo lamang sa may pintuan. Halata na galing siya sa pag-iyak, kaya hindi ko masisisi ang iba na agad malaman na may nangyari sa pagitan namin ni Tucker—huwag lang sanang mag-isip ng masama.
Umakbay sa akin si Joey at itinuro ang kaibigan nila. "Pinaiyak mo ba ang kaibigan namin, Jermaine?"
Nanatili akong tahimik at nakatitig lamang kay Tucker. Ano ba ang dahilan ko na pumunta sa bahay ni Slade kung hindi pa kami ayos ni Tucker? Ang tanga ko lang, Jermaine.
Umiling ako bilang sagot at naglakad palapit kay Tucker. Halata ang gulat sa mukha ni Tucker nang hawakan ko ang kanyang malambot na kamay. Hindi ko kabisado ang bahay ni Slade, pero kinaladkad ko si Tucker palayo sa barkada.
Tapos na akong maging duwag. Nasa harapan ko si Tucker at hindi ko kayang palagpasin ang pagkakataong 'to—kailangan naming mag-usap.
Tumigil ako sa tapat ng fountain. Imbes na kay Tucker, ang aking tingin ay sa sumasayaw na tubig.
"I'm sorry," sabay naming sinabi.
Hindi ko maiwasan na ngumiti at tumango. "I'm sorry for being immature. Dapat pinakinggan ko muna ang sinabi mo kasi wala akong ideya kung anong nangyari sa 'yo noon. Kagaya ng sinabi ko sa 'yo kagabi, I'll wait for you to open up. So, please don't waste your tears, Tucker."
"Jermaine..."
Sa pagkakataong 'to, tiningnan ko siya sa mata. Puno ng pagmamahal ang titig ko kay Tucker, at kung magagawa lang na maghugis puso ang mga mata ko, baka hindi na kailangan ng salita para ipahayag na siya ang gusto ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang paghawak ko sa kanyang kamay dahil natatakot ako na kung binitawan ko siya, lalayuan niya ako.
Hindi ko kayang mawala si Tucker muli. Isipin ko pa lang ang sinabi ng ama ni Jane kanina, hindi ko kayang mawala ang kanyang tingin—kahit isang segundo lang.
"Noong namatay ang mga magulang ko, aminin kong naging pariwara ako sa buhay. Pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal na walang makakapalit, kahit sinuman. Yes, Tito loves me so much, pero iba pa rin kung sila ang mga magulang ko. And when I couldn't take it anymore, that's when I decided to end my life on my birthday."
"You don't have to tell me these things right now."
"I have to," binitawan ko sandali ang kanyang kamay at pinahiran ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. "Did you know why Jane had to leave the country? It was because of me. Everything was because of me, Jermaine."
"Nag-away kayo?"
Umiling siya at ngumiti ng matamlay. "We had a secret. But I accidentally spilled the tea and Uncle got furious about it. Jane needed a companion, that's why Uncle begged Lysa's father to go with Jane."
"What happened?" naguguluhan kong tanong.
"Jane was pregnant," sagot ni Tucker sabay lunok ng laway. "No communication to avoid spreading the news, but in the end, the baby died. And that is one of the reasons why she killed herself—it's not because of you. Okay? Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng pinsan ko."
"Pero hindi naman siya mukhang depressed noong una naming pagkikita, a."
"Depression has nothing to do with how you look or how wealthy you are. A person may look fine on the outside but that doesn't mean they're fine on the inside. You can hide it, but you can't escape it."
"So, there's more reason why she killed herself?"
Tumango si Tucker sabay turo sa papel na hawak ko. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa papel na ibinigay ng ama ni Jane.
Her last letter before she died.
"Read the letter and you'll know the other reason, Jermaine."
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro