Chapter 18: The Voice Recorder
"Entry #418," linusay ni Tucker ang kanyang boses. "Hey, may plano sila para sa birthday ko. Hindi ko alam kung paano magkunwaring inosente sa harap nila, ngayong alam ko na ang kanilang malaking sorpresa. Hmm... si Jamey nga pala, sinabihan ko na. Kaya siguro, ito na 'yon?"
Tiningnan ko ang hawak kong recorder bago pinakinggan ang mga kasunod na recording. Hindi lang ang mensahe ni Tucker ang aking sinuri, pati na ang panginginig ng kanyang boses.
Kagat ang pang-ibabang labi, ipinagpatuloy ko ang pakikinig.
"Entry #424," narinig kong nagsara-bukas ang pintuan bago umubo ng peke si Tucker. "Hey, nakita ko na ang mga regalo nila sa opisina ni Uncle, hindi ako sigurado. Huwag mong sasabihin kahit kanino na kinuha ko ang pangalawang kahon na may 'M' na nakasulat. Pero teka, hindi ko naman ito ninakaw, hinaluan ko lang saglit—tinutulungan ko naman sila, e."
Ano kayang mga regalo ang tinutukoy niya?
"Entry #429," narinig kong humikab si Tucker. "Hey, kakagising ko lang at narinig ko ang balita sa baba. Lilisan na si Lysa at ako naman, mag-isa magdiriwang ng birthday ko, pero hindi naman magtatagal 'yon. Naghahanda silang lahat, at ang pinakamatindi, baka ito na ang huling entry ko."
At narinig ko ang tawa ni Tucker bago natapos ang recording.
Lilisan na si Lysa. Ano ang koneksyon ni Tucker kay Lysa at bakit parang malungkot ang kanyang boses sa recording na ito?
Itatabi ko na sana ang recorder nang marinig ko ang huling recording. Laking pagtataka ko nang marinig ang nanginginig na boses ni Tucker, at para bang nagmamadali siya sa kung anuman ang kanyang ginagawa noong araw na 'yon.
"Entry #430," isang malutong na buntong hininga ang narinig ko bago nagpatuloy si Tucker. "Hey, kakabalik lang nila galing sa bahay ni Lysa. Shit, kasalanan ko kung bakit kailangan magtago si Jane at pati na si Lysa, kasalanan ko. Naisumite ko na ang mga papeles bilang regalo, just in case. Oo, birthday ko nga, pero gusto ko ring magbigay ng surpresa. Siguro, goodbye na rin, no? At saka, gusto ko lang na malaman mo na masaya ako—"
Kunot ang noo ko habang inaalog ang recorder nang bigla itong mamatay. Damn it, ngayon pa nawalan ng battery. Inilagay ko sa bag ang recorder at ilang minuto ulit ang ginugol ko sa paghahanap ng mga bagay na magpapatibay sa mga hinala ko. Siguro magiging madali kung kasama ko lang si Tucker.
Saan ba kasi nagpupunta ang multo na 'yon?
Hindi mapakali ang puso ko sa bawat pag-ikot ng mga kamay ng orasan. Maginaw ang buong silid, pero pawis na tumutulo sa pisngi ko. Wala akong ideya kung bakit ako kinakabahan.
Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ang malinis na higaan ni Tucker. Lumuhod ako upang suriin kung ano ang nasa ilalim nang makarinig ako ng ingay mula sa hallway. Lumingon ako sandali sa pintuan at natampal ang aking noo nang mapagtantong bukas pala iyon. Wala akong nagawa kundi gumapang sa ilalim at pinakiramdaman ang buong paligid.
Akala ko ba'y nasa hospital silang lahat?
Ilang minuto ang lumipas at may pumasok sa silid ni Tucker—ang matandang kasambahay ng mansyon. Sinubukan kong maging tahimik habang nililibot ng matanda ang buong silid. Kagat ang pang-ibabang labi, nanalangin ako na sana hindi ako mahuli, kahit ngayong gabi lang.
"Nakalimutan na naman ni Jamey isara ang pintuan," sambit ng matanda bago tumungo sa pintuan.
Bumuga ako ng hangin nang makita kong palabas na ang matanda, at kasabay nito ang tunog ng aking cellphone na hudyat ng pagdating ng text message. Fuck it, bakit ngayon pa? Pahamak naman.
Maingat kong kinapa ang cellphone sa likurang bahagi ng bulsa sabay tingin sa harapan. Laking gulat ko nang makita kong papalapit muli ang matanda sa direksyon ng aking pinagtataguan. Pikit ang mga mata, tahimik akong nanalangin sa Diyos—lahat ng Santo ay tinawag ko upang mapakinggan ang aking walang kupas na panalangin.
Huwag ngayon, kahit bukas, okay lang sa akin.
At may narinig akong ingay sa labas ng silid. Sa sobrang pangamba, hindi ko na magawang magmulat ng mata. Hindi ko na yata kayang pakinggan ang puso kong parang tambol kung kumabog.
"Jermaine?"
Holy shit. Fuck. Damn it. Katapusan na yata ng buhay ko sa pagiging trespasser.
Ano na ang gagawin ko?
Ano ang sasabihin ko—
"JERMAINE!"
"Oh my, I'm so sorry—fucking bed!" Hinimas ko ang ulo kong tumama sa higaan.
"Nakalimutan mo yata na nagtatago ka sa ilalim ng aking higaan?"
Walang pag-aalinlangan akong nagmulat ng mata at laking gulat ko nang magkalapit lang pala ang mukha namin ni Tucker—Tucker?
"Tucker?" Hindi makapaniwala kong tawag sa kanyang pangalan.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo riyan?" Natatawa niyang tanong sa akin at saka binatukan ang sarili. "Nakalimutan kong multo na pala ako, kaya may karapatan kang magulat sa akin, Tucker."
"Saan ka ba nagpupunta? Bigla-bigla ka na lang nawawala, e." Lumabas ako sa ilalim ng higaan at narinig ko ang tunog ng pagsara ng padlock.
Lumingon ako sa pintuan at ramdam ko ang pagkabilog ng aking mga mata. This is so freaking awesome, really.
But that's not my problem to tackle right now.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Saan ka ba galing?" Sunod-sunod kong tanong.
"Hindi naman ako umalis sa tabi mo, e." Pabulong niyang sagot.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko rin alam," naglakad si Tucker papunta sa isang closet at humarap sa akin. "I was with you all the time, Jermaine. Noong hinanap mo ako sa beach house ni Slade, I was there beside you and calling your name as well. Akala ko tuluyan akong nawala... I didn't leave your side."
"So, may ibig sabihin ba iyon?" Naguguluhan kong tanong.
Umiling siya at binuksan ang malaking closet. "Before you got into a fight this morning, I was just there, listening to all of you. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako naririnig. Akala ko nga iniiwasan mo na naman ako."
"Wait," umupo ako sa higaan ni Tucker. "You mean to say, nasa tabi lang kita... all this time? So, narinig mo 'yong sinabi ko sa tabing dagat?"
Abot-tainga ang ngiti ni Tucker habang tumatango. "Narinig ko lahat, Jermaine."
Umiwas ako ng tingin habang pinipigilan ang sarili na hindi ngumiti. Damn it, para akong high school student na nagtapat sa kanyang long-time crush. Tinalikuran ako ni Tucker at hilughog ang buong closet. Tiningnan ko ang cellphone ko nang tumunog ulit ito.
From: Lysa
Wala na si Jane, Jermaine.
From: Lysa
Wala akong ideya kung bakit niya iyon ginawa, Jermaine. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang drogang iyon.
To: Lysa
Anong ibig mong sabihin? Anong droga ang sinasabi mo?
From: Lysa
Siguro galing kay Uncle. Iyon ang eksperimento niya nung college pa siya. Akala ko lasing lang siya, pero hindi pala. At ang pinakamasama, hindi niya dala 'yung medisina.
To: Lysa
So, alam mo tungkol sa drogang iyon?
From: Lysa
Ipinakita ni Tucker sa akin ang tungkol doon isang araw bago siya mamatay. Bakit? May mali ba?
Pinatay ko ang cellphone ko at tinignan si Tucker, na nakatingin din sa akin. Hawak niya ang isang kahon na may nakasulat na letrang 'M' sa gitna.
"Ano 'yan?" tanong ko, kahit na alam ko na kung ano ang laman ng kahon.
"Narinig mo na ang recorder," lumapit si Tucker sa akin at iniabot ang hawak niyang kahon. "Dapat sana ito ang magbuhay muli sa patay kong puso noon, pero pinili kong itago ito. Ang pathetic ko, 'di ba?"
"Ano'ng ibig mong sabihin, Tucker?"
"Oo, kasalanan ko kung bakit kailangang umalis ni Lysa ng bansa... kung bakit kailangang iwan ka niya. Pwede mo akong sisihin, Jermaine. Ako ang may kasalanan."
Ngumiti siya sa akin at sinubukang magsalita, pero napahawak siya sa kanang dibdib at naupo sa malamig na sahig. Puno ng takot at pangamba ang mukha ko nang makita siyang nahihirapan. Ilang malalim na paghinga ang ginawa niya bago kumislap na parang isang bituin.
No, this can't be happening.
What should I do?
Sa huling pagkakataon, naramdaman ko ang kamay ni Tucker. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pilit na ngumiti, abot-tainga.
"Kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwanan, 'di ba? Kahit malaman mo ang buong katotohanan, 'di ba? Mangako ka sa akin, Jermaine."
"Anong pinagsasabi mo, Tucker?" Lumuhod ako sa harap niya at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay. "Huwag mong sabihin na hindi ka na magpapakita ulit sa akin, Tucker."
"Baka?"
Namumuo ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang nanginginig niyang boses. "Baka? Tucker naman, sabi mo walang iwanan. Ano itong gagawin mo?"
"Alam mo naman na hindi ako magtatagal," umiwas si Tucker ng tingin at kagat ang pang-ibabang labi. "Pero ito lang ang totoo sa lahat ng nangyari—mahal na mahal kita, Jermaine. Wala akong ibang hinangad kundi kalimutan ang lahat at manatili sa tabi mo."
"Tucker..."
"Sana pala nagpakilala ako bago ako tuluyang nawala. Binigyan ako ng maraming pagkakataon noon, pero sinayang ko lang ang lahat."
"Tucker naman..."
Tumulo ang mga luha ko nang marinig ang kanyang sinabi. Sobra-sobrang pighati ang naramdaman ko habang nakikitang namamaalam sa akin si Tucker. Siya lang ang nag-iisang multong binigyan ng daan ang pariwara kong buhay. Gusto kong magwala at tapusin lahat, pero hindi ko kayang makita siyang malungkot—ang nag-iisang taong importante sa buhay ko ngayon... multo pala.
Iniligtas niya ako sa kalungkutan—mahal ko siya.
Nandiyan siya noong mag-isa ako at iniisip kung may galit ba sa akin ang mundo. Siya lang yata ang nakaintindi sa pinagdadaanan ko.
Sa umpisa pa lang, may koneksyon na kaming dalawa. Alam kong may dahilan ang tadhana kung bakit kami pinagtagpo. At ramdam kong malapit na akong makalapit sa katotohanan at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Tucker.
"Tucker," tawag ko sa kanyang pangalan.
"Tandaan mo, kahit anong mangyari, ikaw lang ang umakay sa akin papunta sa liwanag. Hanggang sa susunod nating pagkikita," huminga ng malalim si Tucker at pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata. "Sana ako pa rin ang mahal mo, Jermaine. Bahala na kung maging makasarili ako, pero sana ako pa rin ang tinitibok ng puso mo kapag dumating ang araw na 'yon."
"Hindi kita kayang kalimutan, Tucker. Inakay mo rin ako patungo sa kasiyahan at ipinakita mo sa akin ang kagandahan ng buhay."
"Maybe we're meant for each other, but not in this lifetime. How ironic, right?" Nakita ko siyang tumawa sa huling pagkakataon bago ngumiti. "Sobra kitang mahal, Jermaine. Tandaan mo 'yan."
Nakita ng dalawa kong mga mata kung paano naglaho sa harapan ko si Tucker. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak nang tuluyan siyang maglaho.
Bakit sobrang hirap maging masaya? Gusto ko lang naman maging masaya.
Gusto kong maging makasarili, kahit ngayon lang. Gawin kung ano ang magpapasaya sa akin, at ang makasama muli si Tucker. Tuluyan akong umupo sa sahig, nakatingin sa kawalan, hanggang sa tumunog ang hawak kong cellphone.
Walang buhay ko itong tiningnan bago binasa ang natanggap na mensahe.
From: Lysa
May hindi ako sinasabi sa'yo, Jermaine.
To: Lysa
I don't know what to do anymore. Tucker's gone, and I think I'm going insane right now.
From: Lysa
Where are you? Anong nangyari kay Tucker?
To: Lysa
I'm locked inside Tucker's room.
Inilagay ko sa bulsa ang cellphone ko at tumayo mula sa sahig. Thinking about dying right now is insane. Tucker needs my help, so I have to live to finish what we started.
I want justice for Tucker's death.
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro