Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Other Ghost Stories

Jane, ang tanging pangalan na gumugulo sa isipan ko mula pa kaninang umaga. Nagdesisyon kaming dumaan sa mga klase namin sa hapon at gabi, pero wala na akong inisip buong araw kundi ang nangyari sa mansyon. Mag-isa akong nakaupo sa likurang bahagi ng silid, nakatingin lang sa labas ng bintana.

Palubog na ang araw, katulad ng pag-asa kong unti-unting nauurong sa bawat segundong lumilipas. Bumuga ako ng hangin bago muling manlumo sa aking upuan.

Sa ikalawang pagkakataon, nawawala na naman si Tucker. Nang magsimulang magulo ang lahat sa mansyon, bigla na lang kumurap ng ilang beses si Tucker hanggang sa tuluyan siyang maglaho. Pinuntahan ko ang mga lugar na maaaring niyang pinuntahan, pero wala akong natagpuang Tucker Monteverde.

"Mr. Samonte?"

Lumingon ako at laking gulat nang makita ang lahat ng mata sa klase ay nakatutok sa aking direksyon. Wala sa sarili kong itinuro ang aking sarili at kumurap ng ilang beses.

Did I miss something?

"What is it, Sir?" tanong ko.

"Mr. Samonte, do you attend classes just to stare outside the window? Do you think the window is more interesting than my discussion?"

Pilit akong ngumiti at kamot ng batok. "I'm sorry, Sir."

Tumango ang professor at nagpatuloy sa pagtuturo. Pinilit kong ituon ang pansin sa kung ano ang sinasabi ng professor, pero wala akong maintindihan. Sa sobrang lutang ko, hindi ko na namalayan ang tunog ng bell.

Ginulo ko ang magulo kong buhok bago ako umalis ng silid. Maraming estudyante ang tumatakbo sa hallway, nagmamadali. Binibigyan ng limang minuto ang bawat estudyante sa University upang makarating sa kanilang susunod na klase. Imbes na magmadali, maliliit na hakbang ang ginawa ko patungo sa kabilang building.

Gulong-gulo ang isipan ko tungkol sa nangyari.

Hindi ko maalis sa isip si Tucker at kung nasaan siya ngayon.

"Pwede bang tawagin ang isang multo sa pamamagitan ng pag-ihip ng apoy sa kandila?"

Nakahawak ang kamay ko sa magkabilang dulo ng lababo habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin ng banyo. Ano ba ang kailangan kong gawin? Pinag-isipan ko lahat ng mga impormasyon na nalaman ko mula umpisa, pero ang puting sapatos lang ang umiikot sa aking isip.

Punyetang sapatos na iyon. Pero anong koneksyon—

"Jermaine..."

Gamit ang salamin, tiningnan ko kung sino ang nasa pintuan ng banyo. Bumuga ako ng hangin nang makita ko ang nakangiting mukha ni Hagen.

"May kailangan ka, Hagen?" tanong ko sa kanya, sabay punas ng tissue paper sa aking mukha. Nakalimutan ko kung saan ko inilagay ang dala kong panyo.

"Vacant mo ba ngayon?" tanong ni Hagen, sabay ayos ng kanyang buhok na nilipad ng hangin. "Gusto sana kitang makausap."

"Hindi ba pwedeng sa bahay na lang—"

"Tungkol sa multong palagi mong kasama."

Napanganga ako sa narinig. Gusto kong tumawa at tanungin kung isa ba itong prank, pero hindi maaari. Si Hagen ang nag-iisang tao na kilala ko na hindi marunong magsinungaling o gumawa ng biro.

At isa pa, ang kilala kong Hagen ay matatakutin sa multo.

Anong ibig niyang sabihin?

"Nakikita mo si Tucker?" Tanong ko kay Hagen habang nakaharap sa kanya. Pinagmasdan ko ang kanyang kilos at kung paano gumalaw ang kanyang mga mata.

"Katulad mo lang ako, Jermaine," simpleng sagot niya.

Tumambay kami ni Hagen sa isang coffee shop malapit sa University. Nakatuon ang buo kong atensyon kay Hagen.

Mahigit isang oras akong nakikinig sa kanyang mga kuwento, at lalo ko pang nakuha ang atensyon ko nang banggitin niya ang pangalan ni Tucker. Nandoon si Hagen noong mangyari ang aksidenteng isang taon na ang nakalilipas, at siya ang saksi sa nangyaring kaguluhan.

"Kaya hindi ka lumalabas ng silid dahil sa mga multo sa bahay?" tanong ko kay Hagen nang huminto siya sa pagkukuwento at uminom ng tubig.

Natatawang tumango si Hagen sa tanong ko. "Nakakatakot kaya ang mga mukha nila, pakiramdam ko dadalawin nila akong lahat sa panaginip. Kaya nga nagtataka ako kay Tucker."

"Bakit naman?"

"Iba siya sa mga multong nakikita ko," tumango ako bilang pagsang-ayon. "Palagi ko siyang nakikita noon, parang may hinihintay. Nagulat nga ako nang makita ko siyang kasama ka sa bahay ni Aling Shana. Like, bakit mo siya inuwi sa bahay? Ang dami ng mga multo sa bahay at dumagdag pa si Tucker."

"Sinabihan ako ng batang multo na kailangan ni Tucker ng tulong ko, kaya isinama ko siya."

"Batang babae?"

Tumango ako habang inaalala ang nangyari noon. "Magkakilala kayong dalawa?"

"Jeanne ang pangalan niya," sagot ni Hagen, sabay isinubo ang huling piraso ng chocolate cake na inorder niya. "Siya lang naman ang kinakausap kong multo kapag wala akong ginagawa, maliban na lang kay Navid."

"At sino naman itong si Navid?"

Tama, nabanggit sa akin ni Tucker si Jeanne noong pumunta siya sa University.

Pabiro kong binatukan si Hagen nang sagutin niya ang tanong ko ng walang humpay na tawa. In the end, nahawa ako sa tawa ni Hagen, kaya para kaming mga baliw na tumatawa ng walang dahilan.

"Seryoso, hindi mo kilala si Navid?"

Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Hagen. Kung sino man si Navid, bahala siya sa buhay niya. Ang daming pangalan na gumugulo sa isipan ko, at dumagdag pa siya sa listahan—maliban kay Jeanne.

Well, Navid doesn't ring a bell at all. Kung sino man siya, may he rest in peace. Amen.

Tumayo si Hagen sa kanyang puwesto at naglakad na parang matanda. Pikit ang mga mata, tumigil siya sa harap ko at nagkunwaring may pinulot sa sahig bago ito inilagay sa kanyang pikit na mata.

Nang makuha ko kung ano ang kanyang ginagawa, humalakhak ako sa sobrang gulat. Fuck it, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay Hagen.

"Shit, kaibigan mo pala ang multong nasa kusina?"

Natatawang tumango sa akin si Hagen. "Hindi rin ako makapaniwala na naging kaibigan ko 'yon. Alam mo bang aksidente lang ang kanyang pagkamatay?"

"What do you mean?"

"Isang prank lang ang lahat na nauwi sa kanyang kamatayan. Ininjectan si Navid ng isang gamot na may side effect na nagpapahinto sa puso niya sa loob ng isang oras. Pota, akala ko sa pelikula lang iyon nangyayari, pati pala sa totoong buhay."

"So, he died... just like that?"

"Well, his stupid friends misplaced the medicine used to revive the heart. In the end, he actually died," malungkot na ngumiti si Hagen sabay inom ng kanyang sprite. "Ang dahilan kung bakit nanatili si Navid sa bahay ni Aling Shana? He was a boarder at Aling Shana's house—hindi pa niya oras upang umalis."

"A drug injected to stop the heart from beating," wala sa sarili kong ulit sa sinabi ni Hagen.

"Yeah, you never heard that drug before?"

"And a medicine to revive the heart," tiningnan ko si Hagen sabay hawak sa magkabila niyang balikat. "You're totally an angel in disguise. You just gave me the biggest hint to solve a damn mystery, Hagen!"

"What hint are you talking about? About Navid's prosthetic eyes?"

Sumilay ang ngiti sa labi ko bago magpaalam kay Hagen. Nagdesisyon akong hindi pumasok sa huling klase ko. Buong gabi, wala akong ginawa kundi bisitahin ang mga paboritong lugar ni Tucker sa ikalawang pagkakataon, pero dismayado akong sumandal sa isang streetlamp kung saan kami unang nagkakilala.

Ilang minuto akong tumambay hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula kay Lysa.

"Nasaan ka na?"

"Papunta na ako sa mansyon," sagot ko habang nagtataas ng kamay upang tawagin ang isang taksi. "Sigurado ka bang si Jane lang ang nasa mansyon ngayon?"

"Oo, bakit? Mamayang umaga pa uuwi si Tito. Sa pagkakaalam ko, may emergency sa ICU."

"Sandali lang," pinara ko ang isang bakanteng taksi na parating. "Doctor ang ama ni Jane? Tama ba ang hinala ko?"

Kunot ang noo ko habang sinusubukang ikonekta ang mga piraso ng impormasyon. Habang tumatagal, unti-unting lumilitaw ang katotohanan, at napagtanto kong may mga bagay na hindi ko pa nauunawaan.

"Oo, hindi ko ba nasabi iyon sa iyo noon?"

"Unfortunately, no, Lysa."

ཐི❤︎ཋྀ

Agad akong nakarating sa mansyon. Walang tao sa loob, pati ang dalawang kasambahay at ang kapatid ni Jane ay hindi ko makita. Tahimik kong nilibot ang buong lugar hanggang sa napagdesisyunan kong puntahan ang silid ni Tucker.

Alam kong sobra na ang pangingialam ko, pero may nararamdaman akong mali sa mga pangyayari—lahat ng ito ay mali.

Hawak ang doorknob, pipihitin ko na sana ito nang bigla na lang may kamay na pumatong sa aking balikat. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng kamay. Agad kong hinarap si Jane at itinuro ang pintuan sa harapan namin.

"Hindi ba talaga pwedeng buksan 'to?"

Isang iling ang natanggap ko mula sa kanya. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Magkikita tayong lahat ngayon, 'di ba? Ayusin natin kung ano ang dapat ayusin, lalo na tungkol kay Tucker."

Natahimik si Jane, at kitang-kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Gusto ko sanang mapagaan ang kalooban niya, pero hindi ko alam kung paano.

Maya-maya lang, nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isang pahabang sofa habang hinihintay ang iba. Nakailang tawag na rin ako kay Lysa, pati na kina Cheeska at Joey. Wala ni isa sa kanila ang sumasagot sa tawag ko.

Hindi ako mapakali at hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Inabot ko ang baso sa lamesa at dumulas ito sa aking kamay. Nakita ko ang pagkabasag ng baso kasabay ng pagkalat ng tubig sa sahig.

"Jane?" Nanginginig ang aking mga kamay, pati na ang boses ko na halos hindi ko na matukoy.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili at ang puso kong mabilis na tumibok. Nagdesisyon akong umalis nang mapagtanto kong malapit na ang curfew sa bahay ni Aling Shana. Palalim na ang gabi at hindi ko pa rin natutunton si Tucker.

Aalis na sana ako nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Lysa.

From: Lysa
Jermaine, nasaan ka na? Hindi mo ba natanggap ang text message ko kanina?

To: Lysa
Nasa mansyon, nasaan kayo? At anong text message ang sinasabi mo?

From: Lysa
Nasa hospital kaming lahat, pati na sina Yohan at Nikolai. May nangyari kay Jane at hanggang ngayon ay hindi pa namin alam ang kondisyon niya.

To: Lysa
May nangyari kay Jane? Pero kasama ko siya ngayon sa mansyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakailang tawag na ako sa pangalan ni Jane, pero wala ni isa ang sumasagot. Sa sobrang takot, nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

From: Lysa
Anong pinagsasabi mo? Walang tao sa mansyon, Jermaine. Nasa hospital ang lahat at naghihintay ng resulta.

Mas lalong nanginginig ang aking mga kamay nang mabasa ko ang sagot ni Lysa. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon.

Aalis na sana ako ng mansyon nang mahagip ng paningin ko ang ikalawang palapag. Kahit kinakabahan, determinado akong bumalik sa harap ng silid ni Tucker. Sa ikalawang pagkakataon, hinawakan ko ang doorknob at pipihitin na sana ito nang makarinig ako ng ingay mula sa aking likuran.

Walang pag-aalinlangan akong lumingon at inasahan ang mukha ni Jane, ngunit wala. Tiningnan ko ang sahig at laking gulat ko nang makita ang isang susi.

Agad ko itong pinulot. Walang mapaglagyan ang kaba na naramdaman ko nang tuluyan kong mabuksan ang pintuan ng silid ni Tucker. Sa pagkakataong iyon, nanalangin ako na sana may makitang kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa kanyang pagkamatay—kahit iyon na lang upang magkaalaman kami ng buong katotohanan.

Sobrang dilim ng paligid. Kinapa ko ang pader upang hanapin ang switch ng ilaw at hindi naman ako nabigo. Hindi ko inaasahan na manganganga ako nang makita ko ang kabuuan ng silid. At wala akong ideya kung saan magsisimulang maghanap ng ebidensya upang mapatunayan ang hinala ko.

"Tucker," bulong ko sa pangalan niya.

Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro