Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: The Truth Untold

The next few hours felt like a blur. I had confronted Jane and managed to lock myself in my room afterward. Nakaupo ako sa higaan habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nalaman ko na ang katotohanan, pero nawawala naman si Tucker.

Hinalungkat ko ang bag at kinuha ang garapon na naglalaman ng mga nirolyong papel. Binuksan ko ito at kumuha ng isa—kahit hindi ako sigurado kung may sulat ba ito o wala.

Ngumiti ako nang makita ko ang pangalan ko sa napulot kong papel. Maliban sa pangalan, pinalibutan ito ng maraming 'heart emoji,' at sa dulo ay nakasulat ang pangalan ni Tucker. Sa ikalawang papel, isang mensahe ang bumungad sa akin, at rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso.

Gusto ko mang basahin ang lahat, sapat na ang hawak kong papel upang mapanatag ang aking kalooban. Tangina, hindi ko alam na mahuhulog ako nang tuluyan sa multong nagngangalang Tucker Monteverde.

"Mahal din kita..." bulong ko.

Itinupi ko ang sulat at itinago ito sa aking bulsa. Nagmamadali akong lumabas ng silid at tinungo ang tabing-dagat. Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha, pero hindi ko ito inalintana nang may makita akong pigura sa 'di kalayuan.

"Tucker," bulong ko sa kanyang pangalan. Gusto kong umiyak nang inakala kong tuluyan siyang umalis.

Kailan ba nagsimula ang lahat?

I don't exactly know when I fell in love with a ghost, but I just did. Subukan ko mang alalahanin, ang ngiti at ang halakhak ni Tucker lamang ang tanging maalala ko. Kapag nakikita ko siya, hindi ko namamalayan na nakangiti na rin pala ako. Kahit palagi niyang sinusubukan ang pasensya ko, sinusubukan naman ng puso kong makawala sa kanyang hawla.

Maliliit na hakbang ang ginawa ko patungo kay Tucker. Maraming tao ang dumaan sa buhay ko, pero hindi ko inakala na sa isang multo lang pala ang aking bagsak.

"Oh," ipinakita ko kay Tucker ang itinago kong papel nang marating ko ang kanyang puwesto. "May gusto ka bang sabihin sa akin? O baka naman may gusto kang ipagtapat, Tucker Monteverde?"

Sa bawat araw na nagdaan, gusto kong sambitin ang kanyang buong pangalan. Kahit paulit-ulit, hindi ako magsasawa, at kahit si Tucker na mismo ang magsawa, pangalan niya pa rin ang babanggitin ko sa huli.

Damn it, nagiging mais na ako.

"Nabasa mo na, 'di ba? Ano pang gusto mong marinig galing sa akin? At saka bakit mo binuksan ang garapon? Bubuksan mo lang sana iyon kapag wala na ako, Jermaine."

"Gusto kong marinig, e." Kagat ang labi ko, sinubukan kong hindi ngumiti at malungkot sa huli niyang sinabi.

"Bigyan mo ako ng dahilan para sabihin ko ng diretso ang nakasulat sa papel, Jermaine. At gabi na, bakit ka nandito sa labas? Ang lamig kaya rito."

"Sasabihin ko sa 'yo ang dahilan kapag sinabi mo sa akin ang nakasulat dito," iwinagayway ko ang papel sa harap ni Tucker at tuluyang ngumiti.

Gusto kong sumaya, kahit saglit—kahit ngayong gabi lang.

"Pakipot ka rin, 'no?"

Umiling ako, saka bumuga ng hangin. "Desperado lang."

Tahimik akong nakatingin sa mukha ni Tucker habang siya naman ay diretsong nakatingin sa malawak na karagatan. Kumikinang ito at sumasalamin sa magagandang mga mata ni Tucker. Sabay naming pinakinggan ang kalmadong alon na nagagawa ng karagatan habang sinasalubong ang malamig na hangin.

Sa sobrang panatag ng aking puso, naging payapa rin ang lahat sa paligid. Dahil sa papel na hawak ko ngayon, wala akong ibang mahihiling kung hindi ang masabi kung ano ang matagal ko nang kinikimkim.

Mahal ko si Tucker, at iyon lang ang importante sa mga oras na ito.

Ako at ang isang multo sa tabing-dagat, at ang ilaw ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa aming dalawa. How romantic, isn't it? Kulang na lang ay may tumugtog na musika at magsasayaw kaming dalawa na para bang—

"Nakikinig ka ba?"

"Nakikinig ako, bakit mo natanong?" Ilang beses akong kumurap. Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayang nakatingin sa aking gawi si Tucker.

"Kung nakikinig ka," paghamon ni Tucker at saka ako tiningnan ng diretso sa mata. "Ano ang paborito kong kulay, black or white?"

"White?" Pinagmasdan ko ang naging reaksyon ni Tucker. Nakita ko ang pag-irap niya sa akin kasabay ang pagsimangot.

"What made you think that I was talking about my favorite color kung tungkol sa sulat ang pinag-uusapan natin? Hindi ako makapaniwalang nagtapat ako sa 'yo at hindi ka nakikinig—ang gulo mong kausap."

Ginulo ko ang buhok ko bago ngumiti. "Kasi naman, iniisip kita at kung gaano ka-perpekto ang lugar para sa pagtatapat natin sa isa't isa. I know it may sound cliché, but everything feels like in a movie. You and I, under the moonlight and sharing the same feelings, isn't it amazing?"

"Wait," kunot ang noo ni Tucker habang binigyan niya ako ng isang mapanuring tingin. "Are you saying that you're in love with me, too?"

"Isn't it obvious, Tucker?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Tangina, hindi ka nagbibiro? Totoo? Talaga?"

Sa sobrang kulit ni Tucker, hinawakan ko ang kamay niya at pinagdampi ang aming noo. Nang mapagtanto ko ang nangyayari, gusto kong umiyak sa tuwa. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa bewang ni Tucker at sinulit ang pagkakataon na nahahawakan ko siya—kahit alam kong hindi ito magtatagal.

Yakap ko ang isang multong hindi ko inakala na mamahalin ko ng buong puso. Kung ano man ang magiging wakas ng pagmamahalan naming dalawa, wala akong pakialam. Gusto kong ituon ang sarili ko sa kasalukuyan at gawin ang lahat ng makapagpapasaya sa aking puso, at iyon ay ang mahalin si Tucker.

At halikan siya sa mga sandaling 'to.

"Marami akong sinabi tungkol sa 'yo, pero hindi ka pala nakikinig sa akin. Ang sarap mong batukan," natatawang sabi ni Tucker at saka niya inilagay ang kanyang kamay sa aking balikat. "To make everything short—mahal na mahal kita, Jermaine Samonte."

Tumango ako at sinuklian ang ngiti niya. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang lahat, pero isang bagay lang ang alam ko. Mahal na mahal din kita, Tucker."

Sa bawat segundong lumipas, biglang nawala ang tunog ng alon, ang tunog ng hangin, at ang ingay ng mga insekto sa paligid. Ang tanging naririnig ko ay ang tibok ng aking puso, na kay sarap pakinggan, na para bang maiiyak na lamang ako sa tuwa.

At kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat.

Pwede naman maging posible ang mga imposibleng bagay, 'di ba? Kahit itong pagkakataon na lamang ang hihilingin ko sa Panginoon, pagbigyan Niya lang ako.

"Mahal kita," pag-uulit ko at tinapos ang gabi na magkalapit ang aming mga labi.

ཐི❤︎ཋྀ

"Kasama natin si Tucker ngayon," sabi ko sa mga kaibigan kong hindi pa rin naniniwala sa sinabi ko.

"Alam mo naman na hindi ito isang magandang biro, 'di ba?" tanong ni Jane sa akin. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan na hindi ko maipaliwanag.

"Alam kong mahirap paniwalaan, pero simula noong aksidente, nakakita ako ng mga multo. Isang taon ko silang hindi pinansin hanggang sa may nakausap akong batang multo. Hindi ko nga lang alam ang pangalan," paliwanag ko sa kanilang lahat. "Ang sabi ng bata ay kailangan ng tulong ni Tucker, at sa sobrang gwapo niya, hindi ko inakalang multo pala ang tutulungan ko."

"Sinasabi mo bang napagkamalan mong tao si Tucker?" tanong ni Joey.

Tumango ako at saka tiningnan si Tucker na nakatayo sa aking tabi. Nang sumapit ang umaga, nagdesisyon akong sabihin sa lahat ang totoo at ipakilala si Tucker sa kanila, kahit magmukha akong katawa-tawa sa kanilang mga mata.

Kailangan ko rin ang tulong ng mga kaibigan ko upang malaman ang buong katotohanan—it's now or never.

"May paraan ako para paniwalaan niyo ang sinasabi ko." Agad akong naghanap ng papel at ballpen at inilagay ito sa lamesa.

"Maglalaro tayo ng spirit of the glass?" Nakita ko ang takot sa mukha ni Slade sabay turo sa mga gamit na nasa lamesa.

"No need, nasa tabi ko lang naman si Tucker."

Gusto kong humalakhak nang makita kong bumilog ang mga mata ni Slade. Walang pasabi, hinampas ako sa balikat ni Lysa, na siyang nakaupo malapit sa kinatatayuan ni Tucker. Itinuro ko sa lahat kung nasaan talaga nakatayo si Tucker at ang loko ay kumaway, kahit hindi naman siya nakikita ng mga kaibigan ko.

Kinuha ko ang papel at inangat ito sa ere. Sumenyas ako kay Tucker para gawin ang plano naming dalawa.

"Hindi ito magic show, okay? Pero hawak din ni Tucker itong papel na hawak ko," sabi ko.

"Maniniwala ako kapag binitawan mo ang papel at makikita naming lumulutang sa..."

Hindi natapos ang sasabihin ni Cheeska nang bitawan ko ang papel. Kitang-kita ng kanilang mga mata na nanatiling nakalutang sa ere ang binitawan kong papel.

Ilang segundo lang, narinig kong sumigaw ang mga kababaihan at tumakbo palayo ng sala, pati sina Jaxen at Slade. Naiwan sina Yohan at Nikolai na parehong tinaasan ako ng kilay.

"Anything to say?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Alam namin," kalmadong sabi ni Nikolai at tinapik si Yohan sa balikat na nakatitig lamang sa direksyon ni Tucker.

"Alam niyo? Paano? Kailan? At nakikita niyo rin ba si Tucker?" Naguguluhan kong tanong.

Umiling si Nikolai at ngumiti. "Napapansin ko noon na palagi mong sinusuri ang mga silid na papasukan mo. May pagkakataon na nakita kitang may binubulong sa hangin habang pikit ang mga mata at nasa tainga ang kamay. Sinabi ko ito kay Yohan..."

"Ayaw mo sa silid namin, 'di ba?" tanong ni Yohan sa akin. "At mas lalong ayaw mo sa sarili mong silid. Napag-alaman kong may nagpakamatay sa inuupahan mong silid, kahit paano ay naging tama ang hinala ko. Sa silid naman namin ni Nikolai, may isang babaeng pinatay sa banyo at nakikita mo ang multo niyang 'yon."

"And about Tucker, minsan ka naming nakikitang nakikipag-usap sa kanya. Alam mo ba na ibang ngiti ang nakikita namin tuwing kausap mo siya? Hindi namin ito sinabi dahil nakikita namin ulit ang dating ikaw, ang masayahin na Jermaine." dagdag ni Nikolai habang pinipigilang tumulo ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

"We just want you to be happy because you deserve to feel alive again, Jermaine."

Tumango ako at pinahiran ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kina Yohan at Nikolai, pero laking pasasalamat ko na sila ang naging mga kaibigan ko.

They may not show it a lot, but they care so much for me at gano'n din ako sa kanila.

"Tucker, I just want to thank you for making our friend happy. You brought the Jermaine we once knew, you know." Kumindat sa akin si Nikolai at natawa na lang ako nang marinig ulit ang sigawan mula sa loob ng bahay.

And I know, this will be a very long day for me.

"Can you help me with something important, please?"

"We'll be glad to help you," makita kong tumango si Nikolai at lumingon kay Yohan na nakangiti rin. "Don't worry too much about Jaxen and the others, they'll come around—wala naman silang choice."

Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro