Chapter 13: Another 134340 Story
Sunday at gising pa rin ang diwa ko upang maghanap ng impormasyon tungkol kay Tucker, pero sa hindi inaasahang pangyayari, wala akong mahanap. Sa bawat minutong inilaan ko sa internet, mas lalo akong nagdududa. Para bang may isang taong nagplano na burahin ang isang 'Tucker Monteverde' mula sa mundo. Pero kailangan kong sabihin sa taong iyon na nabigo sila dahil Tucker Monteverde ay umiiral pa. Lahat ng ito, salamat sa borrower's card sa aming library.
For five straight days, pinilit kong kalimutan ang lahat ng tungkol sa 'Monteverde' at mag-focus sa aking research at studies. Pero sa tuwing wala akong ginagawa, kusang bumabalik sa aking isipan ang lahat, kaya pinipilit kong maging abala sa mga hindi naman kailangang gawin.
Minsan, nag-uusap kami ni Lysa. Pinili kong tanggapin siya muli sa aking buhay, ngunit bilang isang kaibigan na lamang.
Marami akong nalaman tungkol sa kanya, mga bagay na sana ay matagal ko nang nalaman. Alam kong huli na ang lahat, at kahit gusto ko siyang balikan, hindi na pwede. Sa tuwing nakikita ko siya, ang naramdaman kong kaba at mga paru-paru sa aking tiyan ay wala na—hanggang kaibigan na lang ang tingin ko kay Lysa.
"So, what about we hang out for a bit?" tanong ni Nikolai sa amin ni Yohan.
"You're inviting Jaxen, right? So, there's no way that I'm going," sagot ko kay Nikolai.
Tiningnan ko si Jaxen at palihim siyang tinanguan. "Nikolai and I will be back before curfew."
"Aalis talaga kayo at iiwanan akong mag-isa sa bahay?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yohan sa akin.
"Hindi ka sasama sa amin, 'di ba?" Tanong ni Nikolai, inulit ang tanong na parang laging may alinlangan.
"Kung kasama niyo si Jaxen," ilang segundong tiningnan ni Yohan si Jaxen bago umiwas ng tingin at namumula ang pisngi.
"Ano na? Pumunta ka na lang sa kwarto ni Hagen at magtagu-taguan kayong dalawa," suhestiyon ni Nikolai.
"Umalis na nga lang kayo."
Walang nagawa si Yohan kundi isara ang pintuan ng bahay. Naiwan kaming tatlo, nakatayo at nakatitig sa pintuan, walang balak gumalaw mula sa aming kinatatayuan.
Ang totoo, kami lamang ni Nikolai ang aalis samantalang kanina pa naghihintay si Hagen para sa aming pagdating. Maiiwan naman si Jaxen upang suyuin si Yohan at ayusin ang gusot na kanilang ginawa.
"Ready ka na?" tanong ko kay Jaxen.
"Ready or not? Bahala na si Batman sa akin ngayong gabi," nakikita ko sa mukha ni Jaxen ang kaba sa maaaring mangyari. Mahirap suyuin si Yohan, pero alam kong lalambot din iyon lalo na't malalaman niya ang buong katotohanan—ang buong katotohanan.
"Kung hindi ka magtatagumpay ngayong gabi, may bukas pa at may susunod na bukas. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa, okay?"
"I really need that, you know."
Tumawa si Nikolai at tinapik si Jaxen sa balikat. "Pero sabihin mo sa akin kapag sumobra na si Yohan, hindi ako magdadalawang-isip na kalabanin siya. Kaibigan ko si Yohan, pero hindi ako papayag kapag umabot sa puntong may masasaktan."
"Thank you, Jermaine!"
Ang plano na binuo ko ay siyang magiging kapalit ng mga impormasyon tungkol kay Slade. Pero noong nalaman ko ang pinagdaanan ng dalawa, napagtanto ko na anuman ang mga laro nilang iyon, kailangan nilang mag-usap. Karapatan ni Yohan na malaman ang katotohanan, gaya ng karapatan ni Jaxen na makalaya mula sa maling akala at galit ni Yohan.
Sinama namin si Nikolai upang mas maging epektibo ang plano ko para sa gabing iyon.
"Let's go?" Pag-aya ko kay Nikolai bago nginitian si Jaxen upang bigyan siya ng lakas ng loob.
"I'm rooting for you and Yohan, you know that, right?"
"Right!"
ཐི❤︎ཋྀ
"Can I ask you something, if that's okay with you?"
Inilapag ko ang walang laman na bote sa lamesa bago lumingon sa direksyon ni Nikolai. Seryoso ang kanyang mukha habang pinaglalaruan ang hawak niyang baso.
Wala pang isang oras, sumasayaw na si Hagen sa dance floor. Matindi yata ang tama ng alak sa lalaking iyon.
"Cool."
"May problema ka ba, Jermaine? These past few days, palagi kitang nakikita na tulala at malalim ang iniisip. Alam mo naman na nandito lang kami ni Yohan para makinig at tumulong sa 'yo, right?"
Nakita ko sa mga mata ni Nikolai ang alalahanin niya para sa akin. Ayaw kong magsinungaling sa kanila at pagod na rin akong magsinungaling sa aking sarili, pero wala akong lakas ng loob upang sabihin sa kanila ang totoo.
Like, isn't it too crazy to tell them that I'm seeing a ghost?
Aside from my anxiety which is killing me, takot ako na baka hindi sila maniwala sa akin. Damn, hindi ko nga rin pinapaniwalaan ang sarili ko, mga kaibigan ko pa kaya?
At may dahilan ako kung bakit sumang-ayon ako kay Nikolai na sa bar kami pupunta. May mga bagay na bumabagabag sa akin at kahit alam ko ang kasagutan—hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan. Gusto kong pigilan at mawala ito habambuhay, pero habang tumatagal, nakikita ko na lang ang sarili ko na nahuhulog sa bangin.
I like Tucker—scratch that, I think I fell in love with him.
I know it's too dumb for me to fall in love with a ghost, at sa huli, ako lang ang masasaktan. Darating ang araw na malalaman niya ang katotohanan sa likod ng kanyang kamatayan. Mawawala siya pagkatapos at maiiwan ako sa ere habang binabalikan ang aming mga alaala.
"Earth to you, Jermaine?"
Tiningnan ko si Nikolai, na puno ng pagtatanong ang mukha. Nakita ko siyang tumatawa habang umiiling sa hindi ko alam na dahilan.
"Kanina pa kita tinatawag, pero ang lalim ng iniisip mo. Tapatin mo nga ako."
Kahit kinakabahan, nagawa ko pa rin na tumango. "Sorry, may iniisip lang ako—"
"In love ka ba?"
"Ha?" Kahit rinig na rinig ko ang boses ni Nikolai, para bang nabibingi ako sa kanyang tanong. Alam kong seryoso si Nikolai batay sa kanyang boses, at hindi rin nakakatulong ang pamumula ng aking pisngi.
"Sorry to bring the past back, but ganito ka noong liligawan mo pa sana si Lysa, palaging tulala at wala sa sarili. Kaya tatanungin na kita bago ako malasing—may balak ka bang ipakilala sa amin ang masuwerteng babae na nagpatibok ulit ng puso mo?"
At doon nagsimula ang problema.
Ang alam nila ay straight ako. Hindi sinuportahan ng mga magulang ko nang malaman nilang bisexual ako, at doon pumasok si Lysa sa picture. Dumating siya nang kailangan ko ng isang tao na magpapatunay ng halaga ko sa aking mga magulang—na karapat-dapat akong tanggapin muli sa pamilya.
I loved her. Wala akong itinatagong kasinungalingan dahil talagang in-love ako sa kanya. Kaya noong nalaman ko nina Nikolai at Yohan na aalis ng bansa si Lysa, tinulungan ako ng mga magulang ko na habulin siya... at doon nangyari ang aksidente. Nawala ang mga magulang ko pati na si Lysa, na hindi man lang nagparamdam sa loob ng isang taon.
Lahat ng pagmamay-ari ng mga magulang ko ay napunta sa akin.
Mahirap kalimutan ang nangyari, lalo na at nasaksihan ko ang buong pangyayari. Tanong ko sa sarili ko ng ilang beses, bakit ako nakaligtas sa aksidente? Para lang magdusa? Hindi ko alam. Noong nagkaroon ako ng malay, isang multong nurse ang nakita ko. Akala ko nga ay naliligaw ako sa purgatoryo sa mga panahon na iyon, pero pagkatapos, dumating ang realidad—nasa ospital ako ng ilang araw at hindi nakaligtas ang mga magulang ko.
At kinabukasan, binisita nila ako si Nikolai at Yohan.
"So, may balak ka bang ipakilala siya sa amin ni Yohan?"
Nakatitig ako sa mukha ni Nikolai. Umiling ako at kumuha ng isa pang bote, bago ito nilagok.
Ilang minuto ang lumipas nang dumating ang barkada ni Slade. Tumabi sa akin si Lysa at kumuha ng isang bote mula sa kahon.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Lysa.
"An hour, I guess?" Sagot ko. Hindi ko namalayan ang oras sa sobrang pag-iisip ko. Akala ko makakalimutan ko si Tucker at ang nangyari noon kapag pumunta ako ng bar, pero nagkamali ako.
"Sorry," paghingi ng paumanhin ni Lysa. "Sobrang tagal pumili ni Slade ng damit, hindi naman siya ang nanliligaw sa kanilang dalawa ni Nikolai."
"I heard that," natatawang sabi ni Slade sa kanyang kaibigan.
"Admit it, kaya tayo nahuli dahil sa pagpapaganda mo," sabi ni Cheska, na tumabi at umupo kay Jane.
"Oo na," pag-amin ni Slade. "Hinahanap ko kasi ang suot ko noong una naming pagkikita ni Nikolai."
"Why?" Nakangiti si Nikolai at pinaupo si Slade sa kanyang tabi.
"Just because,"
"He wants to recreate what happened last year, that's why," Joey spilled the truth with a cheeky smile.
"I told you, it's our secret."
Patuloy lang na ngumiti si Joey habang nililipas ang kamay sa hangin. Tahimik akong nanonood sa mga taong sumasayaw sa gitna ng bar.
Habang palalim nang palalim ang gabi, palakas naman nang palakas ang tugtog. Tumingin ako sa orasan at muntik nang mahulog sa inuupuan ko nang mapagtantong hatinggabi na. Agad kong hinanap si Nikolai, ngunit ilang ikot na ako sa buong bar at hindi ko siya mahanap, pati na si Slade.
"Jermaine!"
Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita kong kumaway si Joey, halatang may tama na.
"Nikolai and Slade were recreating their first hot sex, so you need to find him."
"Seryoso?"
"Bagsak na si Lysa, pwede mo ba siyang ihatid sa bahay nila? Send ko sa 'yo address mamaya, okay?"
"Ha?"
Hindi nagsalita si Joey at ibinigay na lamang sa akin ang susi ng kotse. Bumalik ako sa puwesto namin at tiningnan si Lysa, na mahimbing na natutulog.
Wala sa sarili akong tumawa nang mapagtanto kong ngayon ko lang malalaman ang bahay ng ex-girlfriend ko. Shit, ano bang pinaggagawa namin noon at hindi namin masyadong kilala ang isa't isa?
Binuhat ko si Lysa at agad hinanap ang kanyang kotse. Eksaktong natanggap ko ang text message ni Joey nang masuot ko ang seatbelt. Ilang minuto lang, namangha ako sa ala-mansyon na bumungad sa akin. Ipinarada ko ang kotse sa harap at awtomatikong bumukas ang gate na hindi kalayuan mula sa bahay.
"Jermaine," lumingon ako kay Lysa na kagigising lang.
"Nandito na tayo," simple kong sabi at lalabas na sana nang pigilan niya ako. Hinawakan ni Lysa ang kanan kong kamay at pinaharap ulit sa kanya.
"Sandali lang..."
Ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha namin. Nakatitig ako sa mga mata niya at pababa ito sa kanyang mapupulang labi.
May naramdaman akong kagustuhang halikan siya, at ginawa ko iyon—hinalikan ko siya tulad ng dati. Ngunit iba na ang pakiramdam. Ang halik na puno ng pagmamahal at passion ay naging isang ordinaryong halik na lang ngayon. At napagtanto ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya—si Tucker na ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko tuwing magkasama kami.
Si Tucker na simula nang bumalik si Lysa.
Lumayo ako kay Lysa at nakita ko ang kalituhan sa mga mata niya.
Mali, sobrang mali.
Kumuha ako ng lakas bago lumabas ng kotse. Aalis na sana ako nang tumunog ang aking cellphone. Kunot ang aking noo nang makatanggap ng text message mula kay Yohan. Hindi naman kasi nagte-text ang lalaking iyon dahil sa katamaran niya sa buhay.
From: Yohan
Nasaan ka na? Bumalik ka na...
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro