Chapter 11: Almost is Never Enough
Sinilip ko muli si Tucker na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Ngayon ko lang nagawang pagmasdan ang kanyang maamong mukha. Noong nagpaulan ng kagwapuhan ang langit, gising yata si Tucker at sinalo ang lahat.
Breathe in.
Kasalukuyan kong tinitigan ang mahaba niyang pilikmata, ang matulis niyang ilong, at kahit imposibleng mangyari, gusto ko talagang kurutin ang kanyang malalambot na pisngi. Sa madaling salita, nanggigigil ako sa katabi kong multo.
Breathe out.
Ilang segundo lang ay dumapo ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi na kay sarap halikan—
"Buwisit, ano ba itong iniisip ko? Ang halay mo masyado, Jermaine." Tumihaya ako upang kalmahin ang nagwawala kong puso sa kanyang hawla.
Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman ko?
Bakit kinakabahan na naman ako?
Nagpasya akong maligo, nagbaka-sakaling mawala si Tucker sa aking isipan na walang tigil na tumatakbo. Sarili kong katawan, ngunit hindi ko matukoy kung ano itong nangyayari sa akin. I don't need any kind of hypothesis though—ang gulo, punyeta.
Dumiretso ako sa kusina pagkatapos maligo. Nadatnan ko si Yohan na umiinom ng kape, at kulang na lang ay gawin niya itong tubig sa dami ng sachet na nagkalat sa lamesa. "Kape is life" yata ang life motto ng kaibigan ko.
"Nasaan si Nikolai?" Tanong ko sa kanya.
"May date," maikling sagot ni Yohan at saka inubos ang kanyang panghuling kape.
"May lakad ka ba ngayon? Maaga ka yatang naligo," tanong ko habang tinitingnan ang multong naglalakad sa aking harapan. Itinuro niya ang mga matang nahulog sa lamesa na kanina pa niya hinahanap.
"Kailangan ko ng bakasyon."
"Bakasyon? Wala ka ngang ginawa buong linggo, tapos may bakasyon ka pang nalalaman. Ikaw lang naman ang gumagawa ng sariling problema sa katatakbo mo palayo kay Jaxen, e." Kinuha ko ang kanyang mug at hinugasan ito.
"For your information, ang hirap kayang iwasan si Jaxen sa school. So, yes, I deserve a vacation. A peaceful escapade, if you don't mind."
"At sino ba ang nag-utos sa 'yo na iwasan mo siya? Para kayong mga baliw sa ginagawa niyong habulan." Nagtimpla ako ng gatas bago umupo sa tabi ni Yohan.
"Hindi mo kasi naintindihan kung bakit ko siya kailangan iwasan, Jermaine. Basta, sobrang komplikado ng situasyon naming dalawa ni Jaxen."
"Paano ko maintindihan kung wala kang sinasabi sa amin ni Nikolai? Hindi naman ako manghuhula," sambit ko sa kanya sabay inom ng gatas.
Wala akong nakuhang sagot kay Yohan hanggang sa tuluyan siyang umalis. Naiwan akong mag-isa sa kusina habang iniisip ang mga posibleng dahilan ni Yohan. Naubos ang tinimpla kong gatas hanggang sa sumulpot sa aking harapan si Tucker, pero wala akong maisip na dahilan.
It's still a mystery to me until now.
"May lakad ka ngayon?" Tanong ni Tucker nang mahalata niyang hindi ko siya pinapansin.
Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at ang halay kong isipan kaninang umaga. Gusto ko sana ituon ang pansin sa hawak kong mug, kaso naalala kong wala na pala itong laman.
Kainin na sana ako ng lupa.
"May lakad tayong dalawa," tumayo ako at inilagay sa lababo ang pinanggamitan kong mug.
At ito na naman ang nagwawala kong puso.
Gusto ko itong patigilan, pero may ibang parte sa akin na gustong hayaan ito at makinig na lamang. Sa bawat tingin na ibinibigay ni Tucker sa akin, para bang may ibang kahulugan ito na gustong iparating sa akin.
"Saan mo naman ako dadalhin ngayon?" Puno ng pagtataka ang kanyang mukha nang lumingon ako sa kanyang gawi.
"May mga bagay na dapat tuldukan at magsisimula tayo ngayon, Tucker." Seryoso kong sagot at saka ngumiti ng malungkot sa kanya.
Kung ano man itong nangyayari sa akin—I badly need to end it.
ཐི❤︎ཋྀ
"Kung tama ang hinala ko, dito mismo nangyari ang aksidente. Kung hindi, bakit ka palaging nakatambay sa lugar na 'to?"
"Tama ka, dito ako nagising bilang multo na walang alaala maliban sa pangalan ko." Puna ni Tucker, na halatang naguguluhan din sa mga nangyayari.
"Kung may ibang lugar tayong pupuntahan ngayon, iyon ay ang Elton University. Baka sakaling may mahanap tayong impormasyon tungkol sa 'yo."
"Kung sa Elton University ako nag-aaral, baka may mga taong nakakilala sa akin doon. Posible pa na may ilan pang nakakilala sa akin, Jermaine."
Tumango ako sa sinabi ni Tucker at bahagyang ngumiti. Wala namang mawawala kung susubukan kong tanungin ang librarian sa University namin, si Mrs. Olivia.
Alam kong puro kalokohan ang mga pinaggagawa ni Tucker habang kasama ko, pero nasa mukha naman niya ang tumambay sa library noong nabubuhay pa siya. Narating kaagad namin ang Elton University. Mabuti na lang at dala ko ang aking ID at maayos ang suot kong damit.
Dumiretso ako sa library at laking pagkadismaya nang hindi ko mahanap si Mrs. Olivia sa kanyang usual na pwesto. Saan kaya siya nagsusuot?
"Sa tingin mo, tumatambay ka sa library?" Tanong ko kay Tucker.
Ayos lang na gumawa ako ng kaunting ingay, Sabado ngayon at wala masyadong tao sa library. Tiningnan ko si Tucker ngunit hindi ako nakarinig ng sagot. Nakapagtataka man, sinundan ko ng tingin ang kung anong mas nakaka-ayang tingnan kaysa sa maganda kong mukha.
Kulang na lang ay umatras ako sa sobrang bigat ng mga librong tinitingnan ni Tucker. Wala akong problema pagdating sa mga Law textbooks, pero nakaka-headache talaga ang mga 'yan. At laking pasasalamat ko na tapos na akong makipagsapalaran sa Law.
"Wait," sa dami ng mga librong nasa lamesa, isa lang ang nakakuha ng aking atensyon. Sinubukan kong kunin ang librong hindi napapansin ng iba.
"Research paper tungkol sa mga gulay at healthy lifestyle." Nagkatinginan kami ni Tucker at tinugunan ko siya ng ngiti. "You're kidding, am I right?"
Umiling ako bilang sagot. "Ano ka ba, kailangan ko 'to para sa research paper namin."
"Research paper?"
Binaliwala ko ang ibinulong ni Tucker at kinuha ang librong kailangan ko mula sa tumpok. Binasa ko ang ilang pahina at para akong nabunutan ng tinik nang malaman kong tugma ito sa aming paksa.
Nagpasya akong umupo malapit sa bukana ng library. Sa sobrang saya, tumama ang hawak kong libro sa gilid ng lamesa. Pisti, ipinagbabawal pa naman ng librarian na mahulog ang mga libro rito sa library. Gusto kong magpasalamat na wala ang librarian, pero napagtanto kong may mga CCTV camera sa paligid.
Makakalusot na sana, kaso sobrang liit pala ng butas ng karayom.
Agad kong pinulot ang libro at tiningnan kong may sira. Sa huling pahina, nakita kong nawawala ang borrower's card na siyang pinaka-importanteng bagay. Para akong timang na gumagapang habang tinitingnan ang bawat ilalim ng lamesa.
"Searching for this?"
Agad akong tumayo nang makita kong may nakatayo sa aking harapan.
Hihingi na sana ako ng pasensya, akala ko library staff ang nakakita ng borrower's card nang masilayan ko ang mukha ni Jaxen. Hawak niya ang hinahanap ko at sa kanyang likuran, si Tucker na halatang naguguluhan.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko at hinablot ang borrower's card kay Jaxen.
"Hindi ba ako pwedeng pumunta sa library? Pagmamay-ari mo?" Tanong pabalik ni Jaxen, at halata ang sarkastiko sa kanyang boses.
Isang kibit-balikat ang itinugon ko bago bumalik sa aking puwesto. Hinayaan kong umupo si Jaxen sa tapat ko, na halatang hindi ako lulubayan.
"May kilala ka bang Tucker?" Tanong ko, nang wala sa sarili.
Nakita kong itinuro ni Jaxen ang sarili. "Ako ba ang tinatanong mo?"
"Maliban sa mga multo na nasa paligid, wala na akong ibang kasama kundi ikaw. Malamang, ikaw ang tinatanong ko, Jaxen." Umiwas ako ng tingin at hinanap si Tucker na nawawala na naman sa paningin ko.
"Si Tucker Monteverde ba ang tinutukoy mo?"
Bumalik ang tingin ko kay Jaxen. "Tucker Monteverde? Bakit mo siya kilala? Paano mo siya nakilala?"
Monteverde? Parang kailan lang narinig ko ang apelyido na 'yon.
Kunot ang aking noo habang pilit inaalala kung saan ko narinig ang apelyido ni Tucker—kung iyon man ang totoong apelyido ni Tucker. Agad hinanap ng aking mga mata si Tucker na sumulpot kaagad sa aking tabi.
"Tucker Monteverde?" Diretso ang tingin ko sa mga mata ni Tucker. Isang kibit-balikat ang itinugon niya sa akin bago umupo sa lamesa.
"Hindi ko siya kilala," sabi ni Jaxen, sabay turo ng borrower's card. "Siya lang naman ang huling nanghiram ng librong hawak mo. Alam mo bang ilalagay ang librong iyan sa storage room dahil may mga damage? Tapos may lakas ka pa ng loob na ihulog 'yan kanina?"
Natuon ang pansin ko sa hawak kong libro. Hindi man ako sigurado, malaki ang posibilidad na ang kilala kong Tucker at ang Tucker na huling nanghiram ng libro ay iisa.
Sobrang pamilyar ng kanyang apelyido, at sa bawat pagbigkas ko nito sa aking isipan, lalo lang akong naguguluhan. Vegetables and healthy lifestyle research book, ano'ng silbi nito? Batay sa petsang nakasulat sa borrower's card, si Tucker ay third-year student nang mangyari ang aksidente.
DATE RETURNED - 02/14/20
"Kailan ka namatay?" Lumingon ako kay Tucker at binaliwala ang gulat na reaksyon ni Jaxen.
"Siraulo! Buhay pa 'yong tao, pinapatay mo na." Bulong ni Jaxen na halatang naguguluhan sa tanong ko.
"Last year?" Hindi siguradong sagot ni Tucker sa akin.
Tama! At sana ay fourth-year student na si Tucker ngayon.
Posible pa na may mga taong nakakilala sa kanya. Gusto ko sanang magdiwang nang maalala kong nag-OJT na pala ang mga fourth-year students ngayong semester. Kaunti lang sa kanila ang bumibisita sa University, kaya wala akong ibang pag-asa kundi ang librarian.
"Hintayin na lang natin si Mrs. Olivia," sabi ko kay Tucker.
"Sino ba kausap mo?" Tanong ni Jaxen, na halatang natatakot sa mga ikinikilos ko. "Kinikilabutan na ako sa 'yo, a."
Umiling ako at ngumiti. "May kausap ba ako? Wala naman."
Tiningnan ako ni Jaxen nang parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Of course, walang maniniwala sa akin kung sasabihin ko sa kanila ang katotohanan.
Ilang minuto ang lumipas nang pumasok ang isang babae na halatang fresh graduate. Sobra ang pagtataka ko nang makita kong umupo ang babae sa upuan ni Mrs. Olivia.
"Crush mo?" Rinig kong tanong ni Jaxen sa akin.
Lumingon ako kay Jaxen, sabay palihim na itinuro ang bagong dating. "Sino siya? Nasaan pala si Mrs. Olivia? Kanina ko pa 'yon hinihintay."
"Siya lang naman ang bago nating librarian. Bakit?"
"Si Mrs. Olivia?"
"She already resigned," simpleng sagot ni Jaxen.
"Bakit hindi ko 'yon alam?"
"Mamayang gabi pa ang announcement."
"At bakit mo alam ang tungkol diyan?"
Pwede na yata akong maging paparazzi sa dami ng tanong ko. Abot kamay ko na sana ang mga kasagutan, kaso pinaglaruan na naman ako ng kapalaran.
"Isa ako sa volunteer para sa farewell party kaninang umaga. Bakit mo pala hinahanap si Mrs. Olivia? May kailangan ka ba? May utang na dapat bayaran?"
"Sa tingin mo mahahabol ko pa siya?" Tanong ko pabalik habang binaliwala ang kabaliwang mga tanong ni Jaxen.
Umiling si Jaxen. "Baka nasa loob ng eroplano na 'yon."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Ang dami mong tanong, Jermaine," kinamot ni Jaxen ang kanyang batok sabay buntong hininga. "Kaya nag-resign si Mrs. Olivia bilang librarian dito sa Elton University, kasi lilipat na siya sa Canada."
Tumango ako at nanlumo sa aking upuan.
Lumingon ako kay Tucker, na nakatingin lang sa aking gawi. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, at tinugunan ko rin siya ng isang matamlay na ngiti.
"Sino si Tucker Monteverde? Sa pagkakaalam ko, sina Yohan at Nikolai lang ang kaibigan mo. At bakit parang hinahanap mo siya?"
Umiling ako sabay ngiti. "He's someone very close to me at may mga bagay na kailangan kong malaman bago mahuli ang lahat."
Sana lang talaga, at hindi mahuli ang lahat.
Tweet your thoughts and use #ESouls on Instagram, Facebook, or X.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro