Entablado
Pikit-matang sumasayaw
Sa ritmo ng balitaw
Mga banayad mong paggalaw
Sa imahinasyon mo ay pumapaimbabaw
Na ikaw ay iniibig ni Kaulayaw.
Labi mo ay laging may ngiti
Sa kabila ng iyong mga pighati
Pait ay pilit mong ikinukubli
Kapalit ng kanilang mga papuri
Sa buhay mong puno ng pagkukunwari.
Sa pagdilim ng iyong tinatanghalan
Luha mo ay agad nag-uunahan
Pagkat nakuhang mong palakpakan
Hindi magawang alpasan
Ang pagdurusang iyong pinagdaraanan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro