FOREWORD
FOREWORD
Layunin po ng Profession Series na ipakita ang sakripisyo at katayuan ng mga kalalakihan. Hindi lang sa buhay pag-ibig o babae bagkus sa ating lipunan din.
Ipinakita po dito ang emosyon ng mga lalaki na hindi natin kadalasan nakikita o napapansin. Nasanay o kinalakihan ng bawat isa sa atin ang nga lalaki ay hindi umiiyak at dapat manatili lang itong matapang ngunit kabaliktaran ito sa tunay na buhay.
May emosyon po anv mga lalaki at palagi po nating tandaan na pagdating sa nararamdaman ako walang gender na batayan.
Sa usaping move on naman ay ipinakita rito na hindi maggagawa ng isang tao magmove on kung may nararamdaman pa siya sa isang tao. Ang bawat bagay ay nadadaan sa maayos na paguusap at hindi ito minamadali. Tulad na lamang ng mga nangyari sa pagitan nina Paul at Camille.
Ang pagkakaroon naman po ng maraming anak nina Paul at Camille ay hindi mali at walang mali. Walang masama po ang magkaroon ng maraming anak pero nawa'y siguraduhin natin na kaya natin silang buhayin at bigyan ng pantay pantay na atensyon, pagaalaga at pagmamahal.
Magkita kita po tayo sa ARCHI. (Profession Series #2)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro