Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6: YES OR NO

CHAPTER 6
YES OR NO

          
PAUL

"May babae ka daw?" iyon ang bungad sa akin ni Dylan. Napailing ako sa sinabi niya dahil paniguradong nagtsismis ng mali si Nikko ng mali. Ang isa pa naman na iyon ay tanga din minsan.

"Kailan ba ako nawalan?" mayabang kong sabi habaang nakataas ang isang kilay ko.

Nabaling ang tiningin namin ni Dylan sa pintuan at pumasok si Nikko na may dalang eco bag. Paniguradong ang lamang na naman ng mga iyon ay tupperware na kung saan ay may laman na niluto niyang pagkain.

Pasasaan pa ang pagiging Chef niya kung hindi niya ako o kami lulutuan. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin kapag dumalaw si Nikko. Una ay makikitsismis at ang pangalawa ay bored sa buhay dahil busy ang girlfriend.

Nilabas niya ang tupperware at binigyan kami ni tigisa ni Dylan. "Oh! New Invention Cook." aniya pa.

"Poque Poque ang pangalan niyang dish na yan." makahulugan kaming tumingin sa kanya ni Dylan sabay tawa.

"Halatang kulang sa fuck ah!" pangaasar pa ni Dylan kay Nikko.

"Nahiya kay Paul." sabay pasa sa akin.

Nagsimula na lamang akong kumain at hindi na kinontra ang sinabi ni Nikko. Totoo naman kasi na kulang ako sa fuck or let we say good boy na ako.

Magdadalawang buwan na rin kasi na hindi ako nambabae. Nagfofocus na kasi ako sa trabaho ko at pagiging Daddy.

Speaking of Daddy, panahon na rin ata ang maghanap ng magiging Mommy ni Paulo. Sayang naman ang lahi ko kung hindi masusundan.

Teka! Totoo ba itong iniisip ko. Mukhang magseseryoso na ako sa buhay ah. Pero ano nga ba ang gusto ko sa babae?

Matapos kumain ay nagpatuloy ako sa trabaho ko habang sina Dylan at Nikko ay pinagpapantasyahan ang mga babaeng nakikita nila sa Instagram. Kahit kailan talaga ay napakalandi nung dalawa.

Hindi man lang nagsawa ang dalawa sa kakapantasya maghapon. Ni hindi umalis dito sa office ko at ako pa ang pineste dahil kung minsan ay ginugulo nila ako sa pamamagitan ng pagpapakita nila ng mga hubad na larawan ng mga babae.

Sumapit ang alas tres ay inimporma ako ng Secretary ko na nasa labas na sina Camille at Paulo. Pagbukas ng pintuan ay agad na natigilan sina Dylan at Nikko.

"Woah! Hi Miss!" malandi na tawag ni Dylan kay Camille kaya naman agad kong naibato sa kanya ang plastic bottle na wala ng laman.

Kinuha ko ang anak ko mula kay Camille at kinarga ito habang nilalaro. Pinanggigilan ko pa ang pisngi ni Paulo dahil sa laki nito. "Ang gwapo gwapo naman ng anak ko. Ang bango bango mukhang bagong paligo ni Camille." sambit ko pa.

Napatingin ako kay Camille nang maeinig ko ang mahina niyang pagtawa, agad akong natigilan sa pakikipaglaro kay Paulo nang makita kong kinakausap at nilalandi nina Dylan at Nikko siya. Nandilim ang paningin ko at agad tumawag ng bodyguard.

Ilang sandali pa ay pinakuha ko sa mga bodyguard ko sina Dylan at Nikko para palabasin sila. Sa halip na magalit sa akin ay inasar pa nila ako.

"Selos ka lang." sabi nilang dalawa sabay labas ng dila. "Bye Baby Camille." sambit pa ni Dylan bago tuluyang mawala sa landas ko.

Napahawak ako sa sentido ng ulo ko at hindi maiwasang maasar sa sinabi ng dalawa. Ako magseselos? Ulol! Sino ba kasi sila para kausapin si Camille ko ay este si Camille.

"Nilalandi nila si Mommy Camille." sumbong ko sa anak ko. "Sa atin lang si Mommy Camille noh?!" dugtong ko at kunwaring kinagat ang maliit na kamay ni Paulo.

Natigilan bigla ako nang marealize ko kung ano ang sinabi ko. Pagangat ko ng tingin ay nakangisi si Camille. "Wala kang narinig." sabi ko at tumango tango siya.

"Wala akong narinig na 'Mommy Camille'." nakangisi niyang sabi  at napapikit na lamang ako sa kahihiyan. Shit naman oh!

Kanina sina Dylan at Nikko ngayon siya naman. Fuck!

"Kalimutan mo iyon, ang isipin mo ay panaginip mo lang iyon." utos ko pa sa kanya at tumango tango siya at halatang pinipigilan na matawa.

"Ihanda ko lang ito g meryenda mo." pagiiba niya at tumango ako.

Muli kong nilaro laro si Paulo habang si Camille naman ay umalis lang saglit dahil ihahanda daw niya ang meryendalan na ginawa niya mismo.

Pagbalik niya ay tsaka ko lang natanong si Camille tungkol sa kung ano ang sinabi nina Dylan at Nikko sa kanya.

"Hiningi nila yung number ko." sagot niya.

"What?!" napasigaw ako nang wala sa oras. "Binigay mo ba?" tanong ko pa at tumango siya.

Agad kong naikuyon ang kamao ko at hindi maiwasan na mainis dun sa dalawang malandi na mga iyon. "Ano pang pinagusapan niyo?" usisa ko. Humanda talaga silang dalawa bukas kapag bumalik sila dito.

Kumunot ang noo nang tumawa siya at ako naman ay parang baliw dahil hindi ko siya maintindihan.

"Sabi nung dalawa kapag tinanong mo daw ako kung ano pinagusapan namin sabihin ko daw na kunwari hiningi nila yung number ko. Tapos kapag nagulat ka daw ibig sabihin nagseselos ka pero kapag wala kang naging reaksyon wala lang sa iyo." paliwanag ni Camille.

"So nagseselos ka?" tanong niya at agad ko siyang pinanlakihan ng mata.

"Shut up." sabi ko lang.

"Yes or No? Nagseselos ka ba?" paguulit niya pa at mukhang hindi talaga ako tatantanan.

"H-hindi" nauutal kong sabi at pilit na iniiwasan ang tingin niya.

Matapos nun ay nakahinga ako nang maluwag. Inilapag ni Camille ang isang platito na may cake sa lamesa.

Ang crib ni Paulo dito sa office ay hindi ko pinaalis dahil tuwing hapon nga ay pumupunta sila dito ni Camille. Ibababa ko na sa ang anak ko sa crib niya pero umiyak ito at gusto lang magpakarga sa akin.

Sinubukan kong ibigay siya kay Camille pero ayaw pa rin. Ang gusto niya lang ay magpakarga sa akin.

At dahil wala akong maggawa ay sinubuan na lang ako ni Camille ng cake na dala niya na mismong siya ang nagbake. Naubos ang cake nang sinusubuan niya ako at medyo nakaramdam ako ng hiya sa kanya kasabay nun ay may naramdaman akong kakaiba na hindi ko maipaliwanag.

Shit! May sakit ata ako. Kailangan kong magpadoctor.









MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa paghintay at pagbasa. Happy New Year!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro