CHAPTER 5: GOOD BOY
CHAPTER 5
GOOD BOY
CAMILLE
Kinabukasan ay naging maayos ang pakiramdam ni Paul. Wala na siyang lagnat at naabutan ko pa siyang pumunta sa gym room niya na magexcercise.
Ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng almusalan niya. Nang matapos ay pumunta ako sa gym room para tawagin siya pero wala siya doon.
Hinanap ko siya at natigil ako sa paglalakad sa mismong tapat ng kwarto ng kanyang anak na si Paulo. Karga karga ni Paul ang anak at pinapadede ito, kasabay nun ay kinakausap niya ito.
"Hhmm!" tikhim ko at agad siyang napalingon sa akin.
"Wait!" sambit niya at dahan dahan na inilagay si Paulo sa crib niya.
Naglakad si Paul papuntang kwarto niya at ako naman ay nakasunod lang. Hinintay ko siya sa labas ng kanyang kwarto dahil baka maliligo ito.
"Thank you sa pagalga sa akin kagabi." aniya at inabot sa akin ang isang checke. Tulad ng sinabi ko noong tumawag ako sa iyo ay hindi mo na kailangan na alagaan si Paulo. Ako na ang bahala sa kanya."
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nasanay na rin kasi akong alagaan sila tapos ganito. Hindi lang naman ako bumalik noong nakaraang araw dahil gusto kong matuto siya. Gusto kong makita niya na may anak siyang dapat inaalala,
"P-pero hindi ako pumayag sa sinabi mo." nauutal kong sabi. "Nangako ako sa Lola mo na aalagaan kita, kayo."
Hindi ko tinanggap ang checke na binigay niya. Hinila ko siya at sinabi kong magalmusal na dahil may pasok pa siya. Wala siyang sinabi na kahit ano habang inaasikaso ko siya kaya naman dumiretso ako sa kwarto niya para ihanda ang susuotin at kanyang gamit.
"Achuu~ Achuu~ Ang gwapo talaga ng baby Paulo ko."
Kakatapos ko lang paliguan si Paulo at ngayon ay sinusuotan ko ng diaper. Mayamaya din ang hagikgik niya at ang ginagawa ko naman ay hinahalikan siya sa katawan sa sanhi para mas lumakas ang hagikgik at tawa niya.
Sandali naman akong natigilan ang napakingon sa kung saan ko narinig ang pagtunog ng isang camera. Paglingon ko ay si Paul pala iyon na pinipicturan kami.
Binuhat ko si Paulo at ibibigay sana para picturan silang dalawa pero sinenyasan niya ako na magpose kami ng anak niya at ginawa ko naman.
"Ikaw naman!" sabi ko at pinakarga ko sa kanya si Paulo.
Hinalikan muna ni Paul ang ilong ng anak sumunod ang nio bago tuluyang magpose sa picture. Isang kamay lang ang gamit niya sa pagbuhat sa anak niya at nagulat ako sa naging pose nila.
Nagwacky si Paul at ginaya naman siya ng anak niya medyo hindi nga lang katulad ng sa ama niya kasi medyo hindi pa ito sanay.
"One. Two. Three. " pagbilang ko at kasabay ng pagpindot ko sa camera ay ang pagngiti nilang dalawa.
"Salamat!" sabi ni Paul sa akin at ngumiti ako. Nagpaalam siya sa anak niya at umalis na rin.
Napabuntong hininga ako at napangiti ng hindi inaasahan dahil unang beses na nagpasalamat sa akin si Paul. May kinahinatnan naman pala ang pagiwan ko sa kanila ng tatlong araw. At least kahit papaano ay marunong na siya alagaan si Paulo.
...
Tulad ng nakasanayan ay maghapon ako sa bahay ni Paul. Irregular student ako at kadalasan ay gabi ang pasok ko, medyo mahirap pero sanay na ako. Lahat naman kasi ng paghihirap ko ay para rin sa sarili ko at pangarap ko.
Naglinig ako ng kabuuang bahay at kapag gising naman si Paulo ay kinakausap at nilalaro ko siya. Minsan naman ay binabasahan ko siya o di kaya nagpapatugtog. Ang nakakatuwa nga ay umiindak ito at sinasabayan ang musika.
Sumapit ang alas-quatro ay mahimbing nang natutulog si Paulo at kinuha ko ang oras na iyon para mag-aral. Paniguro kasi na gabi pa makakauwi si Paul dahil pumupunta pa iyon sa bar.
Kinuha ko ang librong dala na hiniram ko pa sa library at nagsimulang aralin ang lesson namin next week.
Noon pa man ay pangarap ko nang maging Engineer, medyo nakakabobo nga lang minsan lalo na't hindi naman ako katalinuhan pero laking pasasalamat ko na lang din dahil kasama ako sa Dean's List.
May mga pagkakataon na wala akong tulog dahil sabay sabay ang trabaho at pag-aaral ko pero wala akong maggawa kundi ang magsumikap talaga. Mag-isa na lang ako sa buhay at wala akong maasahan na kahit sino kaya nga halos naging magulang ko na rin si Lona Tonya, ang Lola ni Paul. Nakakalungkot lang isipin na kinuha kaagad siya.
"Camille!" rinig kong tawag sa akin.
"Camille!" muling rinig ko at agad akong napamulat ng mata. Napatingin ako kay Paul na kung saan siya pala ang tumatawag sa akin.
Napatingin ako sa wall clock at nakita kong Ala-sais (6pm) pa lang. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakapambahay na siya.
"Sorry Paul, nakatulog ako." ani ko at dali-dali kong isinarado ang notebook at libro na nasa harapan ko.
"Magluluto lang po ako ng gabihan mo." sabi ko at natigilan ako nang makita ang pagkain sa ibabaw ng lamesa. Kita ko pa ang usok mula sa ulam na nangangahulugan na bagong luto lang.
"No need, I already cooked." aniya at napakagat ako sa pangibabang labi. "Nagpatulong ko sa kaibigan ko na si Nikko. Naabutan kitang tulog kanina kaya hindi nakita ginising dahil baka pagod ka."
"Ginising kita para sabayan mo na akong kumain."
Napakamot ako sa ulo at nahihiyang tumingin sa kanya. "Eh nasaan na po yubg kaibigan mo?" tanong ko.
"Pinauwi ko na, bawal kasi dito ang pangit." biro niya pa at medyo tumawa. Yung tawa niya ay hindi normal dahil mas lalo pa siyang gumwapo.
Naupo ako sa gilid at nagsimulang kumain. Sa buong oras ng pagkakain namin ay tahimik lang kami at tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig.
"Hindi ka pumuntang bar?" mahina kong tanong habang pinupunasan ang lababo. Kakatapos ko lang kasi na hugasan ang pinagkainan namin.
"Hindi." sagot niya.
"Bakit?"
"Di ba nagsabi ako na magiging good boy na ako." napantig ang tainga ko sa sinabi niya at naalala na sinabi niya nga pala iyon.
Lumapit sa akin si Paul at pumwesto sa likod. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa aking tainga. "Good Boy na ako Ma'am." bulong niya na ikinapula ng buong mukha ko.
Owemji! Parang nalaglag yung panty ko bigla. ERASE! ERASE! Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ang hit ni Paul sa pagkakabulong niya sa akin.
Owemji!
MISTERCAPTAIN
Professor
Salamat po sa paghintay at pagbasa. Happy New Year!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro