Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49: 50/50

CHAPTER 49
50/50


PAUL

Hindi ko alam kung paano ko mababawasan ang sakit na nararamdaman ni Camille. Pinapalobo nito ang kanyang bibig at sabay bubuga ng hangin. Hindi rin ito mapakali kung saan hahawak. Kung sa balakang ba niya o sa tiyan na malaki.

Dalawang taon nang maikasal kami ni Camille at ngayon ay biniyayan kam ng anghel. Tatlong bata ang inaasahan namin ngayon sa panganganak ni Camille.

Kanina lang ay ipinagtitimpla ko ng gatas si Camille habang nanonood siya kasama ng mga anak namin pero bigla itong sumigaw at tinatawag ako.

Pagpunta ko sa kanya at may tubig na sa kanyanv kinauupuan. Pumutok na ang panibigan niya.

Kumapit ng mahigpit si Camille sa aking braso at halos dumiin ang kanyang kuko sa aking balat pero balewala iyon dahil alam kong mas masakit ang nararamdaman ni Camille.

Nandito kami sa loob ng bahay at inutusan ko si Nikko na ihanda na ang sasakyan. Next week pa ang inaasahan namin na panganganak ni Camille pero iba na daw ang nararamdaman niya ngayon.

Inilipat ko ang tingin ko sa tatlong anak ko na nakatingin sa amin at tila hindi alam ang nangyayari. Sandali pa ay dunating na si Nikko at sinabi niyang ready na ang sasakyan.

Tumayo si Camille pero hirap na itong maglakad kaya binuhat ko na siya papuntang sasakyan. Nang maipasok siya sa loob ay pumunta akong driver's seat. Sandali pa ay inilagay ni Nikko ang mga kakailanganin na gamit ni Camille kapag nanganak na siya.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasana ng maawa kay Camille dahil alam kong nahihirapan siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang makonsensya nang maalala na may kambal kaming anak at baka ganito rin kahirap o mas mahirap pa ang pinagdaanan niya noon lalo na't nagiisa lang siya.

Nang makarating sa hospital ay agad naman kaming inasakaso ng mga nusre at doctor. Magkahawak ang kamay namin ni Camille habang nakahiga siya sa hospil bed papuntang Delivery Room.

"I love you Paul." nahihirapan na sabi ni Camille at sandali pa ay tumulo ang mga luha niya. Nanubig ang mga mata ko dahil ayokong nahihirapan si Camille. Hindi ko akalain na ganito ang pinagdadaanan ng isang babae sa panganganak.

"I love you too Camille." sambit ko at hinalikan siya sa noo at kamay.

Sinabi ko sa doctor na next week pa namin inaasahan na manganganak si Camille pero kanina lang pumutok na ang panubigan niya.

Chineck ng doctor ang kalagayan ni Camille. Sandali pa ay sinabi ng doctor ang mga dapat gawin ng asawa ko.

Nagsimulang umire si Camille at mas lalong humigpit ang hawak ni Camille sa akin. Sa bawat pagsigaw niya ang pagpatak ng mga pawis dahil sa hirap ng panganganak.

"Doc. hindi ko na kaya." sambit ni Camille na ikinatigil ko.

"Hindi pwede, kailangan mong umire dahil may dalawa pang bata sa sinapupunan mo." sabi ng doctor pero umiling si Camille at tila pagod na pagod na.

"I love you Paul. Mahal na mahal kita." sambit ni Camille na nagpaluha sa akin dahil mukhang iba ang ipinapahiwatig noon sa akin.

"Alagaan mo ang mga anak natin." sambit niya at umiling ako. "Good boy ka na di ba?" aniya pa na nakangiti pero umiiyak siya.

"Ipangako mo sa akin na kapag pinapili ka. Piliin mo ang mga anak natin." bilin pa ni Camille at hindi ko maggawang umiling dahil iyon ang kagustuhan niya.

"I love you Paul."

"I love you too Camille."

May sinabi pa ang doctor pero ang narinig ko lang ay kritikal ang kalagayan ni Camille at ng mga anak ko kaya pinalabas ako ng delivery room.

Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ni Camille bago tuluyang lumabas ng delivery room. Ayokong iwan siya sa loob. Kung pwede kong akuin yung pagod at sakit sa panganganak niya ay gagawin ko.

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Camille at binigyan siya ng halik sa noo at kamay.

Ayaw ko mang iwan si Camille pero kailangan ko dahil iyon ang sabi ng doctor. Hindi ko inalis ang tingin kay Camille hanggang sa tuluyan akong makalabas sa Delivery Room.

Umiiyak at nanghihina ako. Wala akong maggawa para tulungan siya o mabawasan yung nararamdaman. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas ang isang doctor at doon nanigas ang katawan ko ng tanungin niya ako.

"Mr. Mendiola, sino po ang ililigtas namin? Ang asawa mo po ba o ang mga anak niyo?"

Umiling ako dahil ayokong sagutin ang tanong niya. Ayokong pumili sa pamamagitan ng buhay ng asawa at ng mga anak ko.

Umiyak ako hanggang sa lumuhod ako sa mismong harap ng doctor. "Iligtas niyo ang magiina ko sa abot ng makakaya niyo..."

"Pero kung hindi kakayanin ay buhay ng mga anak ko ang iligtas niyo tulad ng sabi niya sa akin kanina."

Patuloy ang pagbagsak ng luha ko sa sahig at hindi ko namalayan na muling pumasok ang doctor sa delivery room.

Napasandal ako sa pader na kinaluluhudan ko at umiyak ako ng umiyak.

Hindi ko akalain na sa isang iglap ay susubukin ako ng ganito.

Parang kahapon lang ay masaya kami dahil magkakaroon na ulit kami ng anak.

Parang kahapon lang ay tumatawa kami ni Camille kasama ang mga anak namin.

Parang kahapon lang ay maayos ang lahat.

Sinubukan kong ikalma ang sarili pero natagpuan ko ang sarili ko na mas umiiyak. Ayokong mawala sa akin si Camille. Ayokong kunin sa akin si Camille.

Ilang saglit pa ay lumahad sa akin ng panyo at pag angat ko ng tingin ay si Nikko lang pala. Kinuha ko iyon at ipinunas sa akingmukha na basang basa ng luha.

"Hindi ko kakayanin." umiiyak kong sabi kay Nikko.

"Tiwala lang, matapang si Camille. Lalaban 'yun." aniya. "Mahal ka 'nun. Hindi ka 'nun iiwan." dugtong pa ni Nikko.

Habang naghihintay sa labas ng delivery room ay dinaluhan lang ako ni Nikko. Sumabay rin siya sa pagdadasal para sa kalagayan ni Camille.

At isang oras mahigit na paghihintay ay lumabas na ang doctor at sinabi nito ang kalagayan ni Camille. Sa huli ay iniwan kami ng doctor at tinapik niya ang aking balikat.

Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Nikko at doon ay umiyak.

"Camille ko." mahinang sambit ko kasabay ng aking pagiyak








MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Kamusta kayong lahat sa pagbasa nitong chapter?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro