Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 45: TUTA

CHAPTER 45
TUTA


Dumaan muna kami sa isang pet shop para bumili ng aso. Puppy ang binili namin at si Paulo mismo ang pumili nun. Noong una ay nagalinlangan si Paul na bilhin yung puppy na napili ni Paulo dahil bulag ito pero wala kaming naggawa dahil iyon ang gusto niya.

Kulungan, dog food at kung ano-ano pang gamit ang binili namin para sa aso, matapos nun ay dumiresto na kami sa condo.

Nang nasa harapan na kami ng condo unit ay nakita ko ang pagiging balisa ni Paul, kinakabahan siya ng sobra sobra habang si Paulo naman ay nilalaro ang tuta at excited na makita ang mga kapatid niya.

"Baka di nila ako magustuhan?" kinakabahan na sabi ni Paul sa akin at natawa na lang ako.

"Ang arte mo Dada." inosenteng sabi Paulo.

Nagusap na kami ni Paul nakakausapin ko muna ang mga anak ko para hindi sila mabigla. Ako muna ang pumasok sa condo unit habang ang dalawa ay nasa labas at maghihintay na lamang ng signal ko mamaya.

"Mama!" malakas at gulat na bigkas nina Pauline at Pamela na nagaalmusal. Napatigil sila sa pagkakain at patakbong lumapit sa akin at niyakap ako.

"I miss you Mama." sabi pa nilang dalawa.

"Sorry kung hindi umuwi si Mama kagabi." sabi ko sa kanilang dalawa. Hinapit ko silang dalawa at niyakap. "May surprise kasi sa inyo si Mama."

Nanlaki ang maya nila at si Pamela ay napahawak pa sa bibig niya at gulat na gulat talaga siya sa sinabi ko. "Makikita niyo na ang Dada niyo."

"Makikita na po namin si Papa! Kailan Mama? Excited ako." sabi ni Pamela at tumalon talon pa ito. Si Pauline naman ay dali daling umalis at pumunta sa kwarto nila na ikinakunot ng noo ko.

Sandali pa ay muling bumalik si Pauline at nakaayusan ito ng buhok. "Baka dumating si Papa dapat maganda niya akong makita."

Naggulat naman ako nang biglang si Pamela naman ang tunakbo at simunod dito si Pauline. Pagbalik nila ay nakaayusan na rin si Pamela at sinusuklayan siya ni Pauline.

Napailing na lamang ako at hindi maiwasan na matiwa sa kanilang dalawa. Kahit hindi na sila magayos ay maganda na sila nagmana sila sa akin eh.

"You can call your Papa as Dada." imporma ko sa kanilang dalawa.

"Dada." sambit nilang dalawa.

"What's his name Mama?"

"He's name is Engr. Paul E. Mendiola." sagot ko sa kanilang tanong.

"He's also an Engineer like you Mama." sabi ni Pamela at tumango ako.

Pinabalik ko sila sa hapag kainan at sinabihan na ipagpatuloy ang pagkakain. Ang sabi ko sa kanila ay pagnatapos silang kumain ay tsaka dadating ang Dada nila kaya naman nagmadali silang tapusin ang kinakain.

Habang tinatapos ng kambal ang pagkain ay lumabas ako ng condo unit at naabutan ko palakas lakad si Paul sa may hall habang sinusundan lang siya ng tingin ni Paulo.

"Paul." tawag ko dito.

"Yes Babe." aniya at umirap ako.

"Pwede na kayong pumasok pero tinatapos pa nung kambal ang pagkain nila."

"Kinakabahan ako, baka magkaihi ako." sagot ni Paul sa akin at pinanlakihan ko siya ng mata.

"Kadiri ka! Umayos ka Paul." banta ko sa kanya.

"I'm excited to meet them Mama." sabi ni Paulo at ngumiti ako. Hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na kami papasok habang sinPaul naman ay nakasunod sa amin.

Pinaupo ko sila sa may sofa habang hinihintay ang kambal. Hindi rin mawala ang tingin ko kay Paul dahil grabe ang panginginig niya. Baka magkatototoo ng wala sa oras ang sinasabi niyang magkaihi siya.

Iniwan ko sina Paul at Paulo para tingnan ang kambal kung tapos na bang kumain at saktong paglapit ko sa kanila ay kakahigas lang nila ng kamay.

"Manang Cora, nandyan po pala ang tatay ng mga anak ko at ipapakilala ko sila." pagimporma ko kay Manang Cora na siyang nagaalaga sa kambal tuwing wala ako.

Tumango siya habang naghuhugas ng pinggan. "Nagkabalikan na ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" tanong niya sa akin.

"Inaayos at paguusapan pa po namin." sabi ko.

Kahit kasi naguusap na kami ng maayos ni Paul ay hindi pa rin naman ako sigurado sa aming dalawa unless siya mismo ang mag insist na magkabalikan kami.

"Mabuti kung ganun. Masaya ako sa iyo Camille." sabi niya sa akin at ngumiti ako. "Wala na akong Camille na maririnig na umiiyak tuwing gabi. Wala na akong Camille na makikitang malungkot at hindi pa nakakamove on sa lalaki niyang mahal." paliwanag niyo sa akin na ikinabigla ko.

Hindi ko alam na napansin iyon lahat ni Manang Cora pero medyo nahiya din ako kasi bakit kailangan niya pang ibuking ako.

"Sige na, ipakilala mo na sila. Mikhang excited ang kambal." sabi nito at tumango ako.

Hinawakan ko ang kamay ng kambal at napapagitnaan nila ako habang naglalakad kami patungo kung nasaan sina Paul at Paulo.

Naabutan kong nakatayo si Paul at natigilan ito nang makita ang kambal. Agad na tumakbo sina Pauline at Pamela sa kanya.

Lumuhod si Paul para mapantayan ang kambal at sinalubong niya ang mga yakap nito. "Mga anak ko." sambit ni Paul at umiiyak ito habang mahigpit na yakap ang dalawa.

"Dada!" sabay na sabi ng dalawa at mas lumawal ang ngiti ko. Umangat ang tingin sa akin ni Paul at may ibinigkas ito na walang kasamang boses. "Thank you!"

Sa hindi inaasahan ay naiyak na lang rin ako dahil ito naman ang gusto ng kambal. Ang makilala ang Papa nila.

"I'm your Kuya Paulo." pagsingit ni Paulo at napatingin sa kanya ang kambal.

Dahan dahan na lumuwag ang pagkakayakap ng tatlo, nina Paul, Pamela at Pauline.

"Kuya Paulo." nahihiyang sambit nila.

Nagsimulang ipakilala ni Paul si Paulo sa kambal at hindi ko halos maipaliwanag kung paano titigan at sundan ng kambal ang bawat kilos ng Papa nila.

"Ang gwapo mo po Dada." sabi ni Pamela at yunakap ulit ito kay Paul.

"Ang gwapo mo po Dada." paguulit ni Pauline at yumakap na din ito.

"Ang gwapo ko Dada." maloko na sabi ni Paulo at sumama na rin sa yakap.

Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo at naggulat ako nang biglang tumingin sa akin si Paul at tila ba tinanong ako ng 'how about you?'

Kusang kumilos ang paa ko papalapit sa kanila at lumuhod na din para mapantayan sila. "Love ko ang Dada niyo." sabi ko at nakisama na rin sa yakapan nila.

"Wabayou Camille." sabi ni Paul.

"Wabayoutoo Paul." sagot ko.

Ilang sandali pa habang magkakayakap kami ay may ipinakita siyang singsing mula sa kaliwa niyang kamay.

"Pakakasalan kita." sambit ni Paul at muling tumulo ang luha ko.

Lumuwag ang pagkakayap naming lahat nang biglang makarinig ng mahinang tahol at nakuha ang atensyon namin ng tutanh binili namin kanina na ngayon ay tumama ang ulo sa pader.

Nawala sa isip namin na may tuta nga pala kaming dala at nakalimutan namin na bulag ito kaya naman tumama ito sa pader.





MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

Matuloy kaya? HAHAHA joke lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro