CHAPTER 44: KUYA (Sign)
CHAPTER 44
KUYA (Sign)
Wala kaming tulog ni Paul dahil buong magdamag ay nagkwentuhan lang kami. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na naguusap na kami ng maayos. Ang kulang na lang ay ayusin talaga kung anong meron sa pagitan namin.
Akala ko talaga ay magmomove on na si Paul. Halos manlumo ako nang marinig ko iyon galing sa kanya. Kaninang madaling araw sa pagtabi ko sa kanya ay huling beses ko na sana siyang makakasama at makakatabi dahil balak kong magmove on na din pero naggulat ako nang bigla akong gising pala siya kanina.
Naggising ako na wala sa tabi ko si Paul at ngayon ay nagooverthink na naman na baka magbsgo na naman ang pakikitungo niya sa akin.
Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa CR para maghilamos at magtoothbrush. Itinali ko ang buhok ko habang naglalakad ako pababa.
Pagkababa ko ay nakaamoy agad ako ng ulam na niluluto kaya duniretso ako sa kusina at doon ko naabutan si Paul na naka topless at boxer short lang ang suot habang natatakpan ang katawan niya ng suot na apron.
"Good Morning." bati ko kay Paul pero hindi siya sumagot dahilan para kabahan ako.
Naglakad ako papalapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Hindi siya nagsalita at hindi ako pinansin. Konti na lang ay maiiyak na ako sa kaba dahil baka ang nangyaring paguusap namin kaninang madaling araw ay mapunta sa wala.
"Let's talk." sambit ko at narinig ko ang pagbunting hininga niya.
"Let's talk? Tapos kapag nagusap tayo imbes na mauwi sa usapan ay hahalikan mo ako. Magiging marupok ako at babalik sa iyo. Wag ako Camille. Nabasa ko na yan sa wattpad at napanood ko na yan sa K-drama. Hindi mo ako madadali mga paganyan ganyan mo."
Nanlaki ako sa sinabi ni Paul dahil gayang-gaya niya yung sinabi ko noon sa kanya. Dahan dahan lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya at napayuko.
Akala ko ay okay na kami. Hindi pa pala.
Hindi ko maggawang ikilos ang paa para umalis sa likuran ni Paul. Pero sandali ay pumatak ang luha ko dahil naiiyak. Akala ko kasi talaga ay okay na kami.
Naggulat naman ako nang biglang akong yakapin ni Paul at hinalikan ako sa noo. "Joke lang, Camille." sambit niya at agad ko siyang hinampas sa dibdib.
"Hindi nakakatuwa yung joke mo." inis kong sabi sa kanya.
"Alam mong marupok ako sa iyo." sabi ni Paul. "I love you Camille ko." aniya at ngumuso sa akin.
"I love you too Paul ko." sagot ko naman at hinalikan siya.
"I LOVE MYSELF!" biglang sigaw nang dumating at sa boses pa lang ay alam na namin kung sino —si Nikko.
"Hindi ako maiinggit for today's video." nagtatawang sabi pa ni Nikko.
"Alam niyo, ang weird nung matandang nakasalubong ko." pagkwekwento ni Nikko at parehas kaming umayos ng tayo ni Paul.
Pinagpatuloy ni Paul ang pagluluto habang nasa tabi niya ako. Si Nikko naman ay nasa harapan namin at nagkwekwento.
"Sabi nung matanda, may mamamatay daw." seryosong kwento niya at patago na lang akong natawa dahil pati ba naman iyon ay papatulan ni Nikko.
Si Paul naman ay tumawa habang umiiling dahil sanay na siya sa kaibigan niyang walang maggawa sa buhay.
Napatingin naman ako sa ginawa ni Nikko sa pagkuha niya ng kutsilyo sa chopping board. Inilapag niya ito sa ibabaw at mahinang pinaikot.
"Sinong mamatay?" tanong nito at parehas kaming tatlo na nakasunod sa pagbagal ng pagikot ng kutsilyo.
Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko kung kanino iyo tumapat.
"Hindi 'yan totoo. Tigil tigilan ko nga ang kalokohan mo Nikko." saway ni Paul dito at kinuha ang kutsilyo at nilagay sa lababo.
Bumuntong hininga ako para ikalma ang sarili. Hindi naman totoo iyong sinasabi at ginawa ni Nikko kanina. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa na gigisingin konlang si Paulo at iniwan ko na sila.
...
"Good Morning Paulo." panggising ko sa kanya at dahan dahan niyang iminulat ang mata. Nagkukusot pa siya ng mata at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Good Morning Mama ko." bati nito at niyakap ako sa leeg. Sandali pa ay pinakawalan na din niya ako sa pagkakayakap.
Pinabangon ko si Paulo at pinaasikaso na. Tinanong ko siya kung gusto niya bang liguan ko siya at pumayag ito.
Kasalukuyan kong kinukuskus ang kanyang katawan nang bigla itong magkwento. "Mama did you know malakj ang putotoy ni Dada."
Natigilan ako sa sinabi ni Paulo at nanlaki ang mata ko. Alam kong malaki anv kay Paul pero naggulat lang ako sa sinabi niya.
"Sabi ni Dada lalaki din daw itong putotoy ko." kwento pa nito at napapikit na lang ako ng mariin.
Juskong batang ito. Bakit ba putotoy ang pinaguusapan namin? Hindi ko tuloy maiwasan na maisip ang kay Paul. Ilang inches na nga ang sa kanya? 6 inches ata or 7? Ay basta limot ako.
"Gusto mo bang magkaroon ng kapatid Paulo?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang basang katawan niya. Kakalabas lang namin sa CR.
"Gusto ko po ng kapatid na babae." sagot niyo at napangiti ako.
"Paulo, may kapatid ka na kasi na babae. Kambal sila." panimula ko at nanlaki ang mata niya.
"Really po Mama?" paniniguro nito at tumango ako.
"Ano pong pangalan nila? Big brother na ako at ipagtatanggol ko sila sa mga mangaaway sa kanila."
"Pamela at Pauline." simpleng sagot ko sa tanong niya.
Pagbaba namin ng anak ko ay tapos ng magluto si Paul. Tinulungan ko siyang makaupo sa upuan habang si Paul naman ay ipinagbukas ako ng upuan.
"Papa I have kapatid na." tuwang tuwa na pagkwento ni Paulo. Agad na nabilaukan si Nikko at napatingin ito sa amin ni Paul.
"Buntis ka?" tanong ni Nikko sa akin at umiling ako.
"Nabuntis ako ni Paul noong iwan ko siya. Nanganak akk ng kambal." pagkwento ko sa kanya.
"Engr. Paul Mendiola, naka-shoot ng tres kay Engr. Camille Jimenez." sabi ni Nikko.
"Kuya na ako, Ninong Gwapo." proud na sabi ni Paulo.
"Congrats! Boy! Harurot!" sagot ni Nikko sa kanya.
"What's harurot?" tanong ni Paulo.
"Malalaman mo din yun." sabi ni Nikko.
"Okay po. Harurot!" inosentang sagot ni Paulo at natawa kaming tatlo.
Matapos magalmusal ay kami naman ni Paul ang nagasikaso sa sarili habang si Nikko ay nilalaro si Paulo.
Ngayon ko kasi ipapakilala ang kambal kina Paul at Paulo at sobrang excited sila pareho at kahit nga rin si Nikko. Ang sabi niya ay may bago na naman siyang inaanak.
Nang nasa kwarto na kami ni Paul ay umiral na naman ang kapilyuhan nito sa akin.
"Sabay na tayong maligo." pagaaya ni Paul sa akin at umiling ako sabay tulak sa kanya papasok ng CR.
"Maligo ka na Engr. Mendiola." sabi ko at napakamot na lamang siya sa ulo.
"Masusunod, Missis ko." aniya.
Matapos maligo ni Paul ay ako naman ang naligo. Hindi rin ako nito tinigilan dahil ang sabi niya ay babantayan niya akong maligo at sinabi ko sa kanya na hindi ko kailangan ng bantay.
Nang makabihis ako ay tinanong ako ni Paul kung peede daw ba niyang bilhan ng aso ang kambal at pumayag naman ako, ang sabi ko ay isang aso lang dahil mahirap alagaan ang dalawang aso.
Pagbaba namin ay naabutan naming nanood ng TV si Nikko at Paulo. Sandali pa ay tinawag na namin ito. Gusto sanang sumama ni Nikko sa amin para makilala niya ang kambal pero hahayaan na muna daw niya si Paul na makilala ang kambal.
Hawak hawak ang kamay ni Paulo ang kamay ko at hawak naman din niya ang isang kamay ni Paul. Napapagitanaan namin si Paulo na kung minsan ay lumalambitin.
"Kuya Paulo is sounds good, Mama, Dada." sabi ni Paulo habang naglalakad kami palabas ng bahay.
"Of course anak." sabi ni Paul.
Sasakyan ni Paul ang gagamitin namin at naunang pinasakay namin si Paulo sa likuran.
"May mamamatay." biglang sulpot ng isang matandang babae. Ito ata ang tinutukoy lanina ni Nikko sa kwneto niya.
Akmang lalapit ito sa akin pero nakasakay na ako sa loob ng sasakyan. Napailing naman si Paul nang makita ang matandang babae sa labas ng bintana sa parte ko.
"Hindi ko alam kung bakit 'yan nakapasok dito sa loob ng compound." sabi niya.
Pilit kong pinipigilan ang sarili na tumingin sa gawing kanan kung saan nandon pa rin sa may bintana ang matandang babae. Sinulyapan ko ito at base sa pagbuka ng bibig niya ay nagsasalita ito ng 'mamamatay ka' at hindi ko alam kung sino sa amin ni Paul ang tinuturo niya.
Hindi iyon mangyayari. Kalokohan ang sinasabi ng matanda.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
Quiet na lang ako sa mangyayari 🤭😈
Yung biglang may sumulpot na matandang babae at naalala ang Dating A Sexstar, do you get deja vu🎶
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro