CHAPTER 43: I'M SORRY
CHAPTER 43
I'M SORRY
Ngumiti si Camille pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Nagkatitigan kami at unti-unti kong nakita ang panunubig ng mata niya.
"Naka-move on ka na ba?" tanong niya at ramdam ko ang pagpigil niya sa pagtulo ng kanyang mga luha.
Inalis ko ang pagkakahawak ni Camille sa kamay ko at hibawakan ko ang magkabilang pisngi niya para punasan ang luha niya na tuliyan ng tumulo.
"Naka-move on na ako..." sambit ko at mas lalong umiyak si Camille. Walang ano-ano ay hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
"Ok lang, tatanggapin ko. Magmomove on na din ako." sambit niya at hindi ako nagsalita sa halip ay niyakap ko rin siya pabalik.
Magsasalita pa sana ako pero narinig namin yapak ni Paulo kaya agad na humiwlay si Camille sa pagkakayakap sa akin at mabilisan na pinunasan ang mukha na nabasa sa dahil sa luha niya. Naglakad papalapit si Paulo sa amin at sumingit sa gitna namin.
"Happy Family." banggit ni Paulo at nagkatinginan kami ni Camille nang niyakap ng anak ko ang braso namin.
Kinuha ko ang remote ng TV at binuksan iyon. Agad ko naman na nilipat sa ibang channel ng Oggy And The Cockcroaches. Nagsimula kaming manood na tatlo at kung minsan ay napapatingin ako kay Camille.
Nasa kalagitnaan ng panonood ay natagpuan ko ang sarili ko na tumatawa kaming tatlo. Napatingin ako sa gawi ni Camille at para bang bumabagal ang bawat galaw niya at kitang kita ang pagtawa niya. Sandali pa ay hindi ko namalayan na tumingin na rin siya sa akin.
"Damo ka ba?" wala sa sarili kong tanong sa kanya at kumunot ang noo niya.
"Bakit?"
"Ang ganDAMO." sambit ko at hindi pa rin inalis ang titig sa kanya.
Ang akala ko ay maggagalit siya sa banat ko pero naggulat ako nang hinampas niya ako ng unan sa mukha. "Sira ulo." at inirapan pa niya ako.
Sinundan ko ng tingin si Camille at doon ko lang napagtanto na tulog na pala si Paulo at ngayon ay nakaunan sa hita niya. Bubuhatin sana ito ni Camille pero inunahan ko na siya. masyadong malaki si Paulo para buhatin niya, baka mabalian pa siya ng buto.
Lintik yan! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala si Paulo at inuna ko pa ang humarot kay Camille.
Buhat buhat ko ang anak ko at si Camille naman ay nakasunod sa amin. Nang makarating sa kwarto ay siya mismo ang nagbukas nito. Dahan dahan kong inihiga si Paulo sa kama at tinulungan naman ako ni Camille sa pagayos ng pagkakahiga nito at maging sa pagkumot dito.
Hinaplos ko ang ulo ng anak ko at hinalikan siya sa noo. "Goodnight anak." bulong ko pa dito.
Napatingin naman ako kay Camille at mukhang may sasabihin ito sa akin. "Pwede bang dito ako matulog ngayon?" pagpapaalam niya at tumango ako.
"Salamat!" sagot niya sa akin.
Nagsenyas siya na lalabas na at tumango naman ako. Binigyan ko ng huling sulyap si Paulo at matapos nun ay dumiretso ako sa kwarto. Naupo ako sa kama at naalala ang pinagusapan namin kanina ni Camille. Siguro ay nakita din niya ako kanina na nakayakap sa akin si Hannah.
Napailing ako at tumayo na rin para maligo.
...
Suot ang boxer shorts habang nagpupunas ng basang buhok ay lumabas ako ng kwarto para bumaba. Siguro naman ay natutulog na si Camille sa guest room. Dumiretso ako sa kusina dahil nauuhaw ako pero laking gulat ko nang nakita ko si Camille na nagiinom ng gatas.
Hindi kaagad ako nakakuha ng baso dahil bumaba ang tingin ko sa damit na suot ni Camille. Nakasuot siya ng manipis na sando at pajama. Nahinto ang mata ko sa dibdib niya dahil wala siyang suot na bra at kitang kita ang kanyang utong.
Lintik! Mas lalo ata akong naauhaw.
"May kailangan ka?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Camille. Agad naman akong nagiwas ng tingin at pilit na nilalayo ang sarili sa tukso.
"Nauuhaw ako, iinom sana ako ng tubig." sambit ko at nanginginig akong kinuha ang bago at naglagay ng tubig.
Mabilis kong ininom ang tubig dahil uhaw na uhaw talaga ako. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin kay Camille na tahimik lang na iniinom ang gatas niya.
Nakatatlong baso ako ng tubig at kasabay nun ay pagkaubos ng gatas na iniinom ni Camille. "Mauna na ako." paalam ni Camille at tumango ako.
Sinundan ko siya ng tingin at hindi napigilan ng mata ko ang mapatingin sa matambok niyang pwet. Naglakad na rin ako pataas para bumalik sa kwarto at nasa unahan ko lang si Camille. Nang huminto ako sa paglalakad ay tsaka ko lang napagtanto na wala ako sa sariling kwarto kundi sa kwarto ni Camille.
Nagtataka itong tumingin sa akin dahil nasa loob ako ng kwarto niya. "Hinatid lang kita, baka kasi maligaw ka." palusot ko at tumalikod na. Bago tuluyang makalabas ng kwarto niya ay tinawag ko siyang muli. " Goodnight Camille." sabi ko at ngumiti lang ito.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga. Napatitig ako sa kisame at hinihintay na dalawin ng antok pero hindi nangyayari. Nakailang gulong gulong na ako dito sa kama pero hindi ako makatulog.
Napatingin ako sa orasan at ala-una na ng madaling araw. Dalawang oras na ang nakalipas mula ng magkausap kami ni Camille sa kusina.
Pumikit ako.
Nagmulat ulit ako dahil hindi talaga ako makatulog.
Naalarma naman ako nang biglang tumunog ang doorknob ng kwarto ko at bumukas iyon. Nanlaki naman ang mata ko nang makita si Camille. Agad akong tumagilid at pumikit. Hindi dapat malaman niya na gising pa ako.
Naramdaman ko ang paggalaw sa kama ko at naamoy ko na rin si Camille na nakakasiguro akong tumabi siya dito sa kama.
Gumalaw ang gilid ng kama at halos nanigas ang katawan ko nang may yumakap sa likod ko. Niyakap ako ni Camille mula sa likod at hindi ako mapakali. May parte sa akin na kinakabahan dahil baka magkaihi ako sa kilig.
"I love you Paul." rinig kong sabi niya. "Kahit ayokong magmove on sa iyo ay gagawin ko."
"Hindi ko maggawang sipain ka at hampas hampasin sa tuwing nagseselos ako sa inyo ni Hannah. Maganda din naman ako ah. Mabait naman ako. Ayaw mo na ba talaga sa akin."
Naggulat naman ako nang marinig ko ang hikbi niya. Hindi ko akalain na ganito magiging kalambot si Camille sa akin, kadalasan kasi ay ang taray niya sa akin noon at hanggang nagyon man.
Sandali pa ay naramdaman ko sa likuran ko ang basa na sa tingin ko ay dahil sa iyak niya. Hindi na ako nakapagpigil kay nagmulat na ako at humarap sa kanya na siyang ikinalaki ng mata ni Camille.
"I'm sorry babe. I'm sorry Camille." sambit ko at hindi siya nagsalita sa halip ay siniksik niya ang mukha sa hubad kong dibdib at mas lumakas ang iyak niya. "I love you too Camille." sabi ko sa kanya at nakatanggap ako ng hampas na galing sa kanya.
"Ang gago gago mo Paul. Sabi mo naka move on ka na pero may pa 'iloveyoutoo' ka." inis niyang sabi habang umiiyak pa rin.
Hinalik halikan ko si Camille sa noo habang nakayakap pa rin ito sa akin. "I'm sorry Camille." sabi ko at sinipa niya ang paa ko. "Naka-move on na ako, hindi sa iyo kundi sa bad memories nating dalawa." paliwanag ko.
"Nakakainis ka Paul." sabi niya at natawa na lamang ako sa hitsura niya basang basa ang mukha dahil sa pagiyak. "May sasabihin pa sana ako sa usapan natin kanina kaso dumating si Paulo kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin."
"Wabayou Camille."
"Wabayoutoo Paul." sagot niya at hinalikan ko siya sa labi.
"May importante sana akong sasabihin sa iyo Paul." seryosong sabi ni Camille at medyo kinabahan na naman ako. Baka April Fools lang ito.
"Ano yun?" tanong ko.
"May anak na ako na kambal. May anak na tayo na kambal." natigilan ako sa narinig ko at pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya.
"May anak na tayo na kambal?" paniniguro ko at tumango si Camille.
Sa hindi inaasahan ay naluha ako dahil sa saya. "May kapatid na si Paulo." sambit ko at mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Camille. "I'm sorry kung wala ako sa tabi mo noon Camille, kung hindi kita naalagaan."
Ngumiti si Camille at pinahid ang luha ko. "Sorry din Paul kung hindi ako nakinig sa paliwanag mo at kung hindi ko kaagad sinabi sa iyo na may anak tayo."
Muli kong hinalikan si Camille sa noo at halos hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon.
Buong magdamag ay gising kami pareho ni Camille at wala akong ibang ginawa kundi ang tanungin siya tungkol sa kambal na anak namin. Tinanong ko kung anong paborito niloa at kung anong mga gusto.
Pauline and Pamela. Bigkas ko sa pangalan ng anak kong kambal.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Magdiwang tayong lahat sa chapter na ito dahil kilig now, iyak later hehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro