Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 42: CAMILLE IS CRYING

CHAPTER 42
CAMILLE IS CRYING


"Dada miss ko na si Mama." sabi ni Paulo habang sabay kaming naliligo.

"Miss ko na rin siya anak." wala sa sarili kong sambit.

Tatlong araw nang hindi pumupunta si Camille dito sa bahay. Sinubukan kong tawagan ito pero hindi sumasagot. Pumunta na rin ako sa firm na pinagtatrabahuhan niya pero ang sabi sa akin ay nagleave daw ito ng tatlong araw.

Sinubukan ko rin na kausapin si Eric na kaibigan niya pero ang sabi nito ay naghahanap na daw si Camille ng mapapangasawa na siyang ikinainis ko. Alam kong nagbibiro lang si Eric pero hindi ko maiwasan ang maggalit.

Lumuhod ako para kuskusan ng mabuti ang katawan ni Paulo. Matapos nun ay binanlawan ko na siya. May mga pagkakataon na gusto ng anak ko na siya na ang magpaligo sa sarili niya at ang dahilan niya ay big blu na daw siya pero may pagkakataon naman na gusto nitong magpaligo at bine-baby siya, tulad ngayon.

"Dada love mo ba si Mama?" biglang tanong ng anak ko nang lumabas na kami sa CR na tanging towel lang ang nakatapis sa pang ibabang katawan.

Naglakad kami ng anak ko papunta sa kwarto niya at naupo ako sa kanyang kama. "Mahal ko ang Mama mo, sobrang mahal na mahal." sagot ko.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Paulo dahil nakatalikod ito. Kumuha kasi ito ng damit niya. "Eh bakit 'di mo siya pinapansin? Lagi ka niyang tinitingnan tapos parang gusto ka niyang i-kiss at hug." daldal ng anak ko at halos hindi ako makaggalaw sa kinauupuan.

"Basta mahal ko ang Mama mo." sabi ko na lamang.

Lumapit sa akin si Paulo at tinulungan ko siyang magbihis. Nang matapos siyang bihisan ay muli na naman itong nagtanong sa akin pero hindi na tungkol kay Camille.

"Eh bakit ang laki Dada ng putotoy mo?"

"Anong putotoy ang sinasabi mo anak?" pangkaklaro ko sa kanya.

"Iyong titi mo Dada." sabi niya pa.

Napapikit ako at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng anak ko. "Bakit yung akin maliit pa, yung sa iyo malaki?" sambit pa nito.

"Anak lalaki din yung sa iyo. Tsaka wag mo nang itatanong ulit 'yan. Paglaki mo ay ipapaliwanag ko sa iyo ang tungkol sa putotoy." paliwanag ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa usapan namin ngayon ng anak ko.

Lintik na putotoy na 'yan!

Matapos ang usapan namin ng anak ko ay pinababa ko muna siya at sinabihan kong manood muna ng TV habang nagbibihis ako.

...

Papunta kami ngayon ng anak ko sa libingan para dalawin ang Lola ko. Noong iwan ako/kami ni Camille ay tsaka lang ako nagkaroon ng lakas na loob na dalawin si Lola. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi ko matanggap na wala na siya.

Nang unti-unti na magkaroon ng isip ang anak kong si Paulo ay tuluyan niyang nakilala ang Lola niya sa tuhod at palagi nitong sinasabi na bumisita kami sa puntod niya.

"Hello po Lola." sambit ng anak ko at inilagay ang bulaklak sa puntod nito. Naupo ako sa damuhan at ang anak ko ay pumwesto sa pagitan ko.

Sinindihan ko ang dalawang kandila na nasa magkabilang gilid at sinaway ko naman si Paulo nang akmang hihipan niya ito.

"Nakilala ko na po si Mama Lola pero hindi siya sa amin na-sleep." kwento ni Paulo at hindi ko maiwasan ang makonsensya.

Hinayaan ko lang na magkwento ang anak ko kay Lola dahil tuwang tuwa ito at proud din sa mga kwinekwento niya. Nagulat na lamang din ako sa kwinento niya na may hinalikan siyang babae.

Napahawak ako sa aking sentido nang marinig ang kwentong may hinalikan si Paulo. Agad ko naman siyang pinagsabihan at wag ng uulitin iyon. Mukhang alam ko na kung kanino siya nagmana.

Anak ko nga siya.

Halos isang oras ang tinagal namin sementeryo hanggang sa napagpasyaahan na namin na umalis.

Dumiretso kami ng anak ko sa restaurant para kumain. Matapos 'nun ay umuwi na kami. Naggulat naman ako nang biglang makita ko si Hannah na umiiyak.

Pinapasok ko ang anak ko sa loob ng bahay at pinagpalit muna siya ng damit. Nilapitan ko si Hannah na nakaupo sa labas ng bahay niya at umiiyak ito.

Sandali pa ay niyakap ako nito at ganun din ang ginawa ko. Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko maggawang magsalita pero sa tingin ko ay nakatulong ang pagyakap ko para huminto siya sa pagiyak.

Nang tumigil si Hannah sa pagiyak ay hinayaan ko siyang magkwento kung anong nangyari sa kanya. Sa huli ay ayoko sana siyang iwan pero siniguro niya sa akin na ayos lang daw siya.

Nakahawak ako sa batok ko habang naglalakad papasok sa bahay. Natigilan naman ako nang makita ko si Camille na nilalaro si Paulo. Hindi ko napansin na dumating si Camille dahil siguro ay nagaalala akong nakikinig kanina kay Hannah.

Mula sa malayo ay pinanood ko si Camille na kausapin at laruin si Paulo. Napapangiti naman ako sa tuwing sabay silang tumatawa.

Sandali pa ay napagpasyahan ko na lumapit sa kanila. Natigil si Camille at Paulo sa pagtawa nang makita ako pero muli na namang kiniliti ni Camille sa tagiliran si Paulo.

"Wait lang Mama, naiihi ako." sabi ni Paulo.

"Sasamahan na kita." sambit ni Camille pero afad na umiling ito.

"Big boy na po ako." sabi nito at natawa na lamang ako doon.

Umalis ang anak ko sa tabi ni Camille at dumiretso ito sa CR. Umayos ng upo si Camille sa sofa at tumabi naman ako sa kanya.

Nabalot kami ng katahimikan at tila hinihintay ang isa sa amin na magsalita. Napatinggin ako sa kamay ni Camille at hinawakan ang kamay ko.

Ramdam ko ang lamig mula sa kamay niya at halatang kinakabahan siya. Umangat ako ng tingin para makita ang mukha niya at ngumiti ito.

Ngumiti si Camille pero kita ko sa mga mata niya na hindi siya masaya. Nagkatitigan kami at unti-unti kong nakita ang panunubig ng mata niya.

"Naka-move on ka na ba?" tanong niya at ramdam ko ang pagpigil niya sa pagtulo ng kanyang mga luha.

Inalis ko ang pagkakahawak ni Camille sa kamay ko at hibawakan ko ang magkabilang pisngi niya para punasan ang luha niya na tuliyan ng tumulo.

"Naka-move on na ako..." sambit ko at mas lalong umiyak si Camille. Walang ano-ano ay hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ok lang, tatanggapin ko. Magmomove on na din ako." sambit niya at hindi ako nagsalita sa halip ay niyakap ko rin siya pabalik.



MISTERCAPTAIN
Professor


Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Nangangamoy endgame na hindi 😈😂

May ni-post po akong tanong sa fb account ko na Misaki Terry Capistain. Sagutin niyo lang yung tanong doon at pipili ako ng isa na siyang pwedeng makakita ng mukha ko (face reveal).

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro