CHAPTER 41: MOVE ON
CHAPTER 41
MOVE ON
Isang buwan ang nakalipas at ay patuloy lang ang sirkula ng mundo namin ni Paul. Pupunta ako sa bahay nila para asikasuhin si Paulo pero hanggang doon lang palagi ang nangyayari.
Matapos ang nangyari doon sa Super Market ay balik na naman kami sa dati na hindi naguusap at nagpapansinan.
Tumingin ako kay Paul at Paulo na ngayon ay nanonood ng Oggy and the Cockroaches. Gusto ko sana ulit makausap si Paul tungkol sa pagitan naming dalawa pero mukhang unti-unti na ata siya nakakamove on.
Ilang araw na rin na naririto si Hannah sa bahay ni Paul. Kadalasan itong pumupunta dito nankapitbahay lang pala niya. Bagong lipat pala kasi ito. Sa tuwing pumupunta ito dito sa bahay ni Paul ay palaging may dalang pagkain ka siya mismo ang may gawa.
Mapait akong ngumiti at kinuha ang bag ko na nasa sofa. "Let's eat!" rinig kong sigaw ni Hannah at lumapit ito dun sa dalawa na may bitbit na bowl na ang laman ay popcorn.
Nakita ko ang paglingon ni Hannah sa akin at inaaya ako na kumain din at tumabi sa kanila pero umiling ako. Imbes na magsalita ay nagsenyas na lamang ako na aalis na para hindi na sila maabala pa.
Hindi ko maiwasan ang mainggit kay Hannah. Sa tuwing nakikita ko siyang kausap o kasama sina Paul at Paulo ay palagi kong hinihiling na sana nasa posisyon na lang niya ako.
Mahal ko si Paul at palagi akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang tumatawa kasama si Hannah. Ayokong dunating sa punto na tuluyan nang mawala ako sa landas ng buhay ni Paul.
Paglabas ko ng bahay ni Paul ay sumakay kaagad ako sa kotse ko at doon tumulo ang mga luha ko. "I'm sorry." sambit ko at hindi ko alam kung para kanino.
Para ba sa mga anak kong sina Pauline at Pamela kasi hindi ko maggawang ipakilala sila sa Tatay nila?
Para ba kay Paul kasi hindi ko siya pinakinggan.?
Para ba kay Paulo na hindi ko maggawang ipaliwanag sa kanya na imposible kaming mabuo?
Hinampas ko ang manibela at umiyak ng umiyak. Ilang sandali pa ay tsaka ko napagpasyahan na umalis na. Karma ko ata ito dahil mas pinairal ko ang galit ko kay Paul kaysa pakinggan ang paliwanag niya noon.
Dumiretso ako sa pinagtatrabahuhan ko at nagfile ng leave for 3 days. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako ng uwi sa condo unit ko.
Ang selos at lungkot na naramdaman ko kanina ay naglaho nang sinalubong ako ng kambal na sina Pauline at Pamela.
"Mama." tawag nila sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Napangiti naman ako sa hitsura ng dalawa dahil halatang nagpapak sila ng Milo.
"Sino ang nagpapak ng Milo?" tanong at parehas umiling sina Pamela at Pauline. "Sino ang nagpapak ng Milo?" paguulit ko sa tanong ko at muli na naman silang tumanggi.
Sa ikatlong tanong ko ay umamin ang dalawa at umiyak ang mga ito ng hindi ko inaasahan. "Kami po nagpapak ng Milo, Mama. Sowi po." pagiyak ni Pauline.
"Sowi po Mama, masawap po kasi yung Milo. Please, wag po kayong maggalit." sabi ni Pamela na umiiyak rin.
Napailing ako at niyakap sila pareho kasabay nun ay ang pagpapatahan ko sa kanila. "Hindi maggagalit ang Mama pero bad ang magsinungaling." pangangaral ko.
"Sa susunod ay wag nang magla-lie kay Mama." sabi ko sa kanilang dalawa habang pinupunasan ang labi nila.
"Promise po, hindi na kami magla-lie. Wabayou Mama." sabi ni Pauline.
"Sowi po Mama. Wabayou." sabi naman ni Pamela.
Hinalikan muli ako ng kambal sa pisngi at matapos nun ay naglakad kami papuntang kusina. Pagdating namin doon ay naabutan kong pinupunasan ni Manang Cora ang kitchen table na paniguradong nadumihan dahil sa pagpapak ng kambal ko sa Milo.
"Pasenya na Manang Cora." sambit ko at ngumiti lang ito.
"Masyadong maggaling po ang anak niyong kambal sa patagong pagpapak ng Milo." sabi niyo at natawa na lamang ako.
Tumingin ako kay Pauline at Pamela. "Gusto niyo pa bang magpapak ng Mill?" tanong ko at parehas nagningning ang mga mata nila.
"Yes po Mama." sigaw nila at tinalon talon pa ang mga ito habang nagpapalakpak.
Kumuha ako ng tatlong mangkok at nilagyan iyon ng Milo. Pagkatapos nin ay ibinigay ko ang dalawang mangkok sa kambal habang ang isa naman ay para sa akin.
Naglakad kami papuntang entertainment room at binuksan ang TV. Habang nagpapapak kami ng Milo ng mga anak ko ay nanood kami ng paborito nilang Disney Movie na Encanto.
Pagdating sa mga song part ay sinasabayan nila ito. Napapalakas pa ang kanilang boses lalo na sa kantang 'We Don't Talk About Bruno'.
Nasa magkabilang gilid ko ang kambal. Hinawakan ko sila sa balikat at binigyan ng halik sa kanilang uluhan.
Sa ngayon ay babalik muna kami ng mga anak ko sa probinsya, sa Tita ko. Kailangan ko muna na magpakalayo layo at makapagisip.
Nang matapos ang pinapanood namin ay sinabi ko sa kambal na uuwi muna kami sa probinsya at tuwang tuwa sila dahil namiss nila ang Tita ko.
Ang kwento pa ng kambla ay namiss din nila ang manok sa bakuran ng bahay na tinitirhan namin doon. Palibhasa ay mahilig nilang laruin at habulin ang mga manok doon, bagay na hindi naggagawa nila dito sa Manila.
Mahilig din ang kambal sa animals, sa katunayan niyan ay gusto nila na magkaroon ng aso pero hindi ko muna pinayagan dahil nagaalangan pa ako.
"Mama when po namin makikilala si Papa?" tanong ni Pauline. Napatigil ako sa paggagayak ng gamit namin at napatingin sa kanya.
"Busy pa siya eh. Binibilang pa niya yung star sa langit." pagdadahilan ko.
"Tutulungan po namin si Papa na magbilang ng star para makauwi na kaagad siya sa atin." sabi ni Pamela at ngumiti ako.
"Magbibilang po ako mamaya ng star para tulungan si Papa. Gusto ko na siyang makilala at makasama, Mama." sabi ni Pauline at pinigilan ko ang umiyak.
Hindi ko alam kung anong gagawin dahil mukhang napakaimposible ng mangyari na makilala nila si Paul. Mukhang naka-move na ito at tuluyan ng nawalan ng pakialam sa akin.
Ang dahilan ng biglaang pagbalik namin sa probinsya ay dahil na rin gusto kong makapagisip isip at tanggapin na wala na talaga.
Ito na yung panahon na kailangan kong magmove on.
Kung nakamove kn si Paul, ako din dapat.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro